You are on page 1of 1

Alam mo ba na...

Isang di-pangkaraniwang katangian ng wikang Filipino ang pagtiyak ng semantic na relasyon


ng pandiwa sa paksa ng pangungusap sa tulong ng iba’t ibang panlapi?
Napapaloob ito sa konsepto ng pagpopokus.Maipopokus o maitutuon ang pandiwa sa
tagaganap o aktor ng kilos, sa layon o gol, gayon din sa tagatanggap o benepisyari,direksiyon,
sanhi o dahilan,ganapan o lokasyon, gamit o instrumento.

POKUS TAGAGANAP at POKUS SA LAYON.


POKUS TAGAGANAP
Nasa pokus tagaganap ang pokus ng pandiwa Kung ang paksa ng pangungusap ang
siyang gumaganap ng kilos nito. Pananda ng pokus o paksa ang si/sina at ang, atmagagamit din
bilang pokus tagaganap ang mga nominatibong panghalip na ako, ka,kita, siya, tayo,kami, kayo,
at sila.

Halimbawa:
Umibig si Samson kay Delilah na taga-Sorek na naging dahilan ng kaniyang pagbagsak.

Ang pandiwang ginamit sa pangungusap ay umibig at ang tinutukoy ay si Samson.Ito ay


nasa pokus na tagaganap dahil ang paksa o ang tinutukoy ng pandiwa ang siyang
gumanap ng kilos nito at gumamit ng panandang si.

Iba pang halimbawa:


1. Nagbihis si Thor at kinuha ang kaniyang maso.
2. Naglakbay sila buong araw.
3. Napagod ang higante at ito’y nakatulog agad.

POKUS SA LAYON
Ang pokus ay nasa pokus sa layon kung ang pinag uusapan ang siyang layon ng
pangungusap.Ginagamit na panlapi sa pandiwa ang –in/hin, -an/han, ma, paki,ipa, at pa at
panandang ang sa paksa o pokus.

Halimbawa:
Nais nilang malaman ang sikreto ni Samson.
Ang ginamit na pandiwa ay malaman na tumutukoy
sa ang sikreto na siyang paksa ng pangungusap at
makikita rin ang panandang ang.
Iba pang halimbawa:
1. Isinakay ni Thor sa kaniyang karuwahe ang kaniyang kambing.
2. Iniutos ni Thor sa magsasaka na ihiwalay ang buto sa balat ng kambing.
3. Kinuha ni Thor ang baon niyang bag.

You might also like