You are on page 1of 6

DULANG PANTANGHALAN 

– mga dula na isinasagawa sa tanghalan

Mga Elemento ng Dulang Pantanghalan:

Iskrip- ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bahay na isinaalang-alang


sad ula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip. Dito makikita
ang banghay ng isang dula.

Banghay- pagkasunod-sunod nga mga pangyayari at sitwasyon sa pamamagitan ng


karakter o actor na gumagalaw sa tanghalan.

Gumaganap o Aktor- nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang bumibigkas


ng dayalogo , sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang pinapanood
na tauhan sa dula at nagbibigay-buhay sa dula.

Dayalogo- ang mga bitaw na linya ng mga actor na siyang sandata upang
maipakita at maipadama ang mga emosyon.

Tanghalan- anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula

Direktor- siya ang nagpapakahulugan sa isang iskrip;siya ang nag i-interpret sa


iskrip mula sa pagpapasya sa itsura ng tagpuan ,ng damit ng mga tauhan hanggang
sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa
interpretasyon ng director sa iskrip.

Manonood- hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kundi


hindi ito napapanood ng ibang tao.

Tema- ito ang pinakapaksa ng isang dula. Naiintindihan ng mga manonood ang
palabas base na rin sa tulong ng pagtatagpi -tagpi ng mga sitwasyon at
pagkasunod-sunod ng mga pangyayari at pag-arte ng mga actor sa tanghalan
MGA SANGAKAP NG DULANG PANTANGHALAN

Simula- matatagpuan ang dalawang mahalagang sangkap ng kwento. Makikilala


sa bahaging ito ang mga tauhan at ang papel na ginanampanan na maaaring
bida at kontrabida. Ipinakilala rin dito ang tagpuan o ang pangyayarihan ng mga
eksenang naghahayag ng panahon, kung tag-init o tag-ulan, ng oras , at ang
lugar.

Gitna- dito makikita ang banghay o ang maayos na daloy o pagkasunod-sunod


ng mga tagpo o eksena.

Kagaya rin ng nobela, sa gitna rin ang dula makikita ang mga sumusunod na
katangian:
Saglit na kasiglahan- na magpapakita ng panandaliang pagtatagpo ng mga
tauhang masasangkot sa problema.
Tunggalian- nagpapakita ng labanan o pakikibaka ng tanging tauhang
maaaring sa kanyang sarili, sa kapwa, o sa kalikasan.
Kasukdulan- ang pinakamadulang bahagi ng dula kung saan iikot ang
kahihinatnan ng tanging tauhan, kung ito ay kasawian o tagumpay.

Wakas- dito matatagpuan ang kakalasan at ang wakas ng dula.


Kakalasan -unti-unting bababa ang takbo ng istorya.
-makikita ang kamalian o kawastuhan at pagkalag sa mga
bahaging dapat kalagin.
Pagwawakas- mababatid ang resolusyon na maaaring masaya o
malungkot

May mga dulang hindi winawakasan sa dalawang huling sangkap. Iniiwan na


lamang itong bitin sa kasukdulan at hinahayaan na lamang ang mambabasa o
manonood na humahatol o magpasiya sa dapat na kahinatnan. Mapanghamon
ang ganitong wakas sa isip ng mambabasa o manonood.

Aspektong teknikal- mahalagang bahagi nito ang aspektong pantunog sapagkat


ang dula ay ginaganap sa harap ng madla, kaya’t kailangang malinaw na
maipahatid ang bawat linya ng dula sa pamamagitan ng naayos na tunog. Kasama
na rin dito ang sound effects, musika, at iba pang kaugnay na tunog sa
pagtatanghal
Pag-iilaw- bahagi ng aspektong teknikal na ginagamit upang higit na
mabigyang-buhay ang mahahalagang tagpo ng dula.

Ang dula ay hindi basta-basta isinusulat at sa halip ito ay pinag-aaralan batay sa


balangkas nito, kung saan ang mga bahagi ay malinaw na nahahati sa Yugto(Act)
Tanghal-eksena(Scene) ,at Tagpo(frame).

Yugto- kung sa nobela ay ang kabanata. Ito ang malalaking hati ng dula. Ang isang
dula ay maaaring magkaroon ng isang yugto lang, dalawa, tatlo, apat, o higit pa.
Sa tangahalan, ang bawat yugto ay maaaring gamiting panahon upang ihanda ang
susunod pang mga yugto, upang ayusin ang tagpuan, upang makapagpahinga
sumandali ang mga tagpagsiganap at mga manonood.
Pansumandaling pamamahinga- maaaring tumagal hanggang labinlimang
minuto na nagagamit din ng mga tagapanood upang maisagawa ang personal na
pangangailangan tulad ng pagkain o pag-inom, o pagbisita sa palikuran

Tanghal-eksena- Ang bawat yugto ay binubuo ng kung ilang mga eksena, kaya ang
panahong nagugugol sa isang yugto ay hindi parepareho.

Tagpo- ang paglabas at pagpasok ng kung sinong tauhang gumanap o gaganap sa


eksena.

Lagi nating tandaan na sa kasaysayan ng dulang Pilipino isinilang sa lipunan ng


mga katutubong Pilipino bago pa man dumating ang mga kolonyalista. Ayon sa
kay Casanova, ang ating mga katutubo ay likas na mahilig sa awitin, sayaw, at
tula.
Sa Pilipinas, may iba’t-ibang uri tayo ng dulang pantanghalan. Sila ay ang mga
sumusunod: (Mga uri ng dulang pantanghalan)
 Tibag- isinasagawa tuwing buwan ng Mayo. Ito ay pagtatanghal
tungkol sa paghahanap ni Reyna Elena sa krus na pinagpakuan kay
Kristo. Ito ay nagging kaugalian na sa mga lalawigan ng Nueva
Ecija, Bulacan, Rizal, at Kabikulan

 Senakulo- hindi maaaring mawala ang senakulo sa mga liwasan


pagsapit ng Kuwaresma o Mahal na Araw. Nagtatayo ang Parokya
ng isang entabladong malapit sa simbahan at ito ang magsilbing
dulaan.

 Moro-moro - dulang pumapaksa rin sa relihiyon. Ang salitang moro


ay hango sa salitang Moors o salitang tawag sa mga Muslim sa
kaharian ng Alhambra sa bayan Granada sa Espana.

 Sarsuwela- isang komedya o melodramang may kasamang awit at


tugtog na nahihingil sa mga punong damdamin ng tao tulad ng pag-
ibig, kapootan, paghihiganti, kasakiman, kalupitan, at iba pa o kaya
naman ay tungkol sa mga suliraning panlipunan o pampolitika.

 Panunuluyan- isinasagawa ito tuwing sasapit na ang Pasko.


Ginaganap ito sa bisperas ng Pasko o Disyembre 24 ng gabi bago
mag-misa de gallo. Sina Maria at Jose ay naghahanap ng bahay na
masisilungan at mapagsilangan kay Hesus.
Bukod dito, mayroon ding mga uri ng dula o ang kanilang mga “genre” na dapat
nating bigyan pansin. Mga uri ng Dula ayon sa anyo:

 Komedya- katawa-tawa, magaan ang mga paksa o tema, at ang


mga tauhan ay laging nagtatagumpay sa wakas

 Trahedya- ang tema o paksa nito’y mabigat o nakasasama ng


loob,nakaiiyak,nakalulunos ang mga tauhang karaniwang
nasasadlak sa kamalasan, mabibigat na suliranin,kabiguan,
kawalan, at maging sa kamatayan.Itoy karaniwang nagwawakas
nang malungkot.

 Melodrama- ito ay sadyang mamimiga ng luha sa manonood na


para bang wala nang masayang bahagi sa buhay kundi pawang
problema at kaawa -awang kalagayan na lamang ang nangyayari
sa araw-araw. Ito ay karaniwang mapapanood sa mga de-seryeng
palabas sa telebisyon

 Tragikomedya- magkahalo ang katatawanan at kasawian kung


saan may mga tauhang katawa-tawa tulad ng payaso para
magsilbing tagapagpatawa subalit sa huli’y nagiging malungkot dahil
sa kasawian o kabiguan ng mahahalagang tauhan.

 Saynete- itinuturing na isa sa mga dulang panlibangan nang mga


huling taon ng pananakop ng mga Espanyol sa pilipinas. Ang paksa
nito ay tungkol sa paglalahad ng mga kaugalian ng isang lahi o
katutubo, sa kanyang pamumuhay,pangingibig , at pakikipagkapwa.
Isang halimbawa nito ang La India Elegante Y Negrito Amante ni
Francisco Baltazar

 Parsa- dulang puro tawanan at halos walang saysay ang kwento. Ang
mga aksiyon ay slapstick na walang ibang ginawa kundi mapaluan,
maghampasan, at magbitiwng mga kabalbalan. Karaniwan itong
mapapanood sa comedy bar

 Parodya – Anyo ng dulang mapanudyo, ginagaya ang mga kakatwang


ayos, kilos, pagsasalita, at pag-uugali ng tao bilang isang anyo ng
komentaryo o pamumuna o kaya’y pambabatikos na katawa-tawa
ngunit may tamas a damdamin ng kinauukulan.

 Proberbyo- kapag ang isang dula ay may pamagat na hango sa mga


bumakambibig na salawikain, ang kwento’y pinaiikot dito upang
magsilbing huwaran ng tao sa kanyang buhay.

You might also like