You are on page 1of 3

Laura

Ako si Laura.
Ang minamahal ng lubos ni Florante.
Anak ng Haring Linceo ng Albanya.
Ako ang Prinsesa sa kahariang ito.
Ako ang nagmamay ari ng lubos na kagandahang
tinuring ni Florante sa akin.

Ako ang babaeng sinagip ni Flerida .


Nag umpisa akong maglahad ng kwento
ng malayo sa aking piling ang aking kasintahan

Naging kaaya aya at bantog si Konde Adolfo


sa mga mamamayan ng albanya
kahit na puro kasinungalingan naman ang ginagawa nito
nagtagumpay si Adolfo na sirain ang hari
sa mga mata ng mga mamamayan.

Ito’y kay Adolfong kagagawang lahat


at nang magkanulo yaong bayang bulag
sa ngalan ng hari ay isinambulat
gayong ordeng mula sa dibdib ng sukab.

Noon di’y hinugot sa tronong luklukan


ang ama kong hari at pinapugutan
may matuwid bagang makapanlulumay
sa sukab na puso’t nagugulong bayan?
Umakyat sa trono ang kondeng malupit
at pinagbalaan ako nang mahigpit
na kung di tumanggap ng haing pag-ibig
Dustang kamataya’y aking masasapit.

Sa pagnanasa kong siya’y magantihan


at sulatan kita sa Etoliang bayan,
pinilit ang pusong huwag ipamalay
sa lilo ang aking kaayawa’t suklam.

Limang buwang singkad ang hininging taning


ang kaniyang sinta’y bago ko tanggapin
ngunit pinasiyang tunay sa panimdim
ang magpatiwakal kung dika dumating.

Niyari ang sulat at ibinigay ko


Sa tapat ng lingkod ng dalhin sa iyo:
di nag-isang buwa’y siyang pagdating mo’t
nahulog sa kamay ni Adolfong lilo

Pinadalhan kita ng sulat


upang ipabatid ang nangyari sa albanya
subalit ang natanggap mo na sulat
ay sa hari na nagpipilit na umuwi ka sa albanya
at Ito ang naging paraan kung paano ka nadakip

Sa takot sa iyo niyong palamara.


kung ikaw’y magbalik ng may hukbong dala,
nang mag-isang muwi ay pinadalhan ka,
ng may seyong sulat at sa haring pirma.

Nang walang magawa ang Konde Adolfo


ay kusang tumawag ng kapuwa lilo:
dumating ang gabi, umlias sa reynpo
at ako’y dinalang gapos sa kabayo.

Kapagdating dito, ako’y dinadahas


at ibig ilugso ang puri kong ingat:
mana'y isang tunod na kung saan buhat
pumako sa dibdib ni Adolfong sukab

Makalipas ang ilang buwan


nabawi na namin ang kaharian
nabawi na namin ang albanya
muli kong nakasama ang aking minamahal na si florante
at naghari ang pagmamahal sa buong Albanya.

You might also like