You are on page 1of 14

Ibong Adarna

Aralin 28
"Ang Pag-usod ng
Bundok"

Saknong : 1096-1121
TALASALITAAN
1. MASUSUBOK natin ang
sinuman kapag
nangangailangan.

A. Matatawag
B. Masusuri
C. Maikukulong
D. Mapapakiusapan
2. NAPAPAWI ang pagdududa
natin kapag lumabas na ang
katotohanan.

A. Nadagdagan
B. Nababawasan
C. Nawawala
D. Nagugulo
3. Ngumiti sa DURUNGAWAN ang
mga naggagandahang kadalagahan
nang haranahin ng makikisig na
kabinataan.

A. Hagdanan
B. Silid
C. Pintuan
D. Bintana
4. Hindi ko MAWARI kung
bakit ayaw niyang makibagay sa
lahat.

A. Matanggap
B. Masukat
C. Maintindihan
D. Matanong
5. NAPANATAG ako nang
makakuha ng mataas sa
pagsusulit.

A. Nainis
B. Natuwa
C. Natahimik
D. Nagising
BUOD :

Muling nagkita sa hardin sina Don


Juan at Haring Salermo. Sinabi ni Don
Juan na tapat siya sa pangakong sundin
ang utos ng hari at ang kabiguan ay
katumbas ng kanyang buhay. Nais ng
hari na itapat ng tamang-tama sa
kanyang durungawang bintana ang
bundok upang ang sariwang hangin ay
pumasok sa loob ng palasyo. Kailangan
magawa ni Don Juan ang utos ng hari
bago sumapit ang
kinabukasan.Nakipagkitang muli si Don
Juan kay Maria Blanca para sabihin ang
ipinagagawa ni Haring Salermo.

Pinawi ng Prinsesa ang kalungkutan ni


Don Juan at sinabing siya ang gagawa
noon.Madaling araw na nang mahiwalay
ang dalawa. Nagtungo sa bundok si
Maria Blanca habang nagpapahinga si
Don Juan. Sa pamamagitan ng
napakalakas na hangin ay pinalakad ni
Maria Blanca ang bundok palapit sa
Palacio Real. Pagsapit ng alas kuwarto
ng umaga ang bundok ay nasa tabi na
ng bintana ni Haring Salermo. Papasikat
na ang araw nang buksan ni Haring
Salermo ang bintana. Nabigla ang hari
nang tumambad sa paningin ang
bundok na katabi ng bintanang
dinurungan. Hindi sukat akalain ni
Haring Salermo na magagawa ni Don
Juan ang pinaka mahirap na pagsubok.
Pag-unawa sa Binasa :
1. Sino ang nakipagkita kay Haring Salermo sa hardin at ano ang
pakay o dahilan ng kanyang pakikipagkita rito?
2. Ano ang pinag-utos o kahilingan ni Haring Salermo kay Don
Juan?
3. Kanino nakipagkita si Don Juan? Ano ang kanyang sinabi kay
Don Juan matapos niyang marinig ang ipinaguutos ni Haring
Salermo at ano ang kanyang ginawa?
4. Maari mo bang ipahayag ang nangyari kung paano napunta ang
bundok sa Palacio Real?
5. Nararapat ba na matanggap ni Don Juan ang papuri mula kay
Haring Salermo dahil sa pagkaka-alam niya na si Don Juan ang
may gawa ng pagsubok na ito? Bakit?
Mahahalagang Saknong :

1107. Ang Prinsipe, kung hindi man


Isang taong sadyang banal,
Pagtawag sa kalangitan
Hindi nakakalimutan.
1113. "Walang dapat ipanimdim,"
Ang kay Donya Mariang turing
Magaan ang kanyang hiling
Magagawa nang magaling."

1120. Nagising na itong Hari


Nakita ang pagkayari
Himalang hindi mawari
Nagulo ang kanyang budhi.

Mga Mahahalagang Aral :


Ugaliin natin na magdasal sa Panginoon kahit anong
mangyari sa ating buhay.
Huwag nating maliitin ang kakayahan ng isang tao.

Kung mahal mo ang isang tao ay handa kang ibigay ang


lahat ng iyong makakaya upang siya ay tulungan.

You might also like