You are on page 1of 3

Ibong Adarna

Malugod na binati ni Don Juan ang hari saka nagpakilala at nagpaalam sa kanyang layunin.
Inimbitahan siya ng hari sa palasyo. Tulad ng bilin ni Donya Maria Blanca, si Don Juan ay 'di
tumugon sa imbitasyon at sa halip ay nagpahiwatig sa hangarin niyang makapaglingkod. Agad na
tinawag ng hari ang isang utusan at pinakuha itong sansalop na trigong kaaani pa. Nang naroon na
ay ibinigay nito ang unang kautusan. Ito ang mga sumusunod:
Kinagabihan, pinuntahan ni Doña Maria si Don Juan upang malaman ang iniutos ng ama.
Isinalaysay ng prinsipe ang unang kautusan at madali naman itong naisagawa ng prinsesa na
masmakapangyarihan kaysa ka kanyang ama.Pinatulog nya ang lahat ng tao sa palasyo at
siganawa ang proseso upang bumunga agad ang mga halaman.
Laking pagtataka ng hari kinaumagahan nang makita ang tinapay sa hapag niya. Hindi ito
makapaniwalang naisakatuparan ang una niyang kautusan. Muling ipinatawag ng hari si Don Juan
para sa ikalawang utos. Ito ang mga sumusunod:
Nang gabi ding 'yun ay isinalaysay ng prinsipe kay Doña Maria ang ikalawang utos ng hari. Pumunta
sila sa tabi ng dagat at tinawag ng prinsesa ang mga ita. Pagkarinig sa kanyang pagtawag ay
kaagad namang lumapit ang mga ito at pumasok sa prasko dahil alam nila na mag
makapangyarihan si Donya Maria Blanca kaysa sa hari.
Paggising ng hari, natagpuan niya ang prasko sa hapag-kainan niya kung saan nakapaloob ang 12
ita na hindi nawalan at napalitan ni isa man. Kaya naman, ito ay nag-isip ng isang panibagong
gawain na mas mahirap sa mga nauna, at ibinigay ang ikatlong kautusan. Ito ay ang mga
sumusunod:

1. Ang bundok na mataas ay iusog at itapat sa bintana ng hari upang matamasa nito ang
sariwang hangin
2. Dapat mamasdan ito ng hari pagdungaw sa umaga.
3. Kailangan paamuhin ng prinsipe ang mailap na kabayo.
Isinagawa kaagad ni Doña Maria ang ikatlong kautusan na walang kahirap-hirap dahil pinalakad nya
ang bundok. Hindi naman makapaniwala ang hari sa nakita himala kung kanyang ituring. Humanga
ito nang husto kay Don Juan at muli pang nag-utos:
Napangiti ang prinsesa nang malaman ang ikaapat nakahilingan ng kanyang ama. Sinabi nito kay
Don Juan na ipaubaya na lamang sa kanya ang lahat. Tunay man, kinaumagaha'y nagulantang ang
hari sa nagsiputukang kanyon at nagulat ito nang husto pagkakita sa kaakit-akit nakastilyong nasa
gitna ng karagatan. Niyaya niya si Don Juan namamasyal sa ginawang tanggulan. Sa kanilang
pamamasyal ay naiwala ng Hari ang kanyang singsing at nagpasya itong umuwi.
Pagsapit ng ika-lima ng hapon ay ipinatawag si DonJuan para sa isang panibagong kautusan. Ito
ang mga sumusunod:

1. Alisin ang kastilyo sa gitna ng karagatan at ibalik ang bundok na siyang dati nitong anyo.
2. Ang bundok ay ilagay muli sa tapat ng kanyang bintana.
Nagawang lahat ito ni Doña Maria nang mahusay. Kaya naman sa ika-anim na pagkakatao'y
humiling ang hari kay Don Juan, na sa kanyang pag-aakala ay siyang tumutupad sa lahat ng
kanyang mga kautusan. Ito'y tungkol sa kanyang singsing na nahulog sa karagatan. Ninanais niya
na ito ay matagpuan, at magisnan sa ilalim ng kanyang unan paggising, kinaumagahan.
Sa unang pagkakataon, nagpahayag si Doña Maria na ang kautusan, bagama't maisasagawa ay
may kahirapan. Kumuha siya ng magandang batya, hasang itak, sangkalan at hapag. Sakay sa
batya, sila ay pumalaot hanggang makarating sa gitna ng karagatan. Doo'y iniutos ng prinsesa na
siya ay tadtarin nang pinung-pino at ihulog sa tubig upang maging mga isdang sisisid at
maghahanap sa singsing. Kailangang ingatan ni Don Juan na walang tumalsik na piraso dahil hindi
na ito maibabalik pakapag na buo na ang prinsesa. Kabilin-bilinan ni Doña Maria kay Don Juan na
siya ay abangan at huwag na huwag matululog upang makuha nito ang singsing mula sa kanyang
kamay dahil hindi siya makakaahon habang hawak-hawak ang singsing.
Matapos tadtarin ang prinsesa, inihulog na siyang pira-piraso sa tubig at naging mga isdang pawang
sumisisid. Ngunit nakatulog si Don Juan sa paghihintay. Paglitaw ng prinsesa ay walang kumuha ng
singsing. Tatlong beses siyang pabalik-balik na umahon ngunit hindi nagigising ang prinsipe.
Nalumbay siya sa kabiguang natamo dahil sa kapabayaan ni Don Juan.
Ganap na ikaapat nang umaga. Sinubukan uli nila ang paghahanap. Tinadtad ni Don Juan ang
prinsesa ngunit dahil sa pagmamadali ay hindi niya na namalayang tumalsik ang dulo ng hintuturo
nito sa tubig. Naging isda muli ang prinsesa at umahon kaagad matapos mahanap ang singsing. Sa
pagkakataong ito, hindi na nakatulog si Don Juan. Nakuha niya ang singsing ngunit ang dulo ng
hintuturo ng prinsesa ay naputol. Bilin ng prinsesa kay Don Juan na tandaan iyon bilang
palatandaan ng kanyang pagkakakilanlan.
Gulat ang bumulagta kay Haring Salermo kinaumagahan nang makita ang singsing sa ilalim ng
kanyang unan. Muling nag-isip ito sa susunod na pagsubok na kanyang ibibigay sa prinsipe. Ilang
saglit ay ipinatawag si Don Juan para sa Ikapitong kautusan. Ito ay ang paamuhin ang mailap na
kabayo.
Isinalaysay ni Don Juan sa prinsesa ang sumunod nautos ng hari. Ibinigay naman ng prinsesa ang
kahulugan ng utos at kung sa papaanong paraan magtatagumpay ang prinsipe sa gagawin.
Ang sumusunod ay mga paalala ng prinsesa:

 Ang kabayo ay walang iba kundi si Haring Salermo.


 Ang katad na pamigil na parang garing ay ang mga kapatid ng prinsesa.
 Ang busal na bakal naman na inilalagay sa bibig ng kabayo ay siya (Doña Maria).
Pinayuhan ng prinsesa si Don Juan na maging maingat. Kapag nakasakay na ay paluin nang husto
ang kabayo hanggang sa ito ay manghina. Kapag tumulo na ang laway nito subuan na ito ng busal,
tibayan ang renda at tiyakin na ito ay matatag. Kung wala nang lakas ang kabayo ay maaari na itong
ihatid sa kanyang tahanan.
Sinunod lahat ng prinsipe ang mga tagubilin ng prinsesa at nagtagumpay itong maisagawa ang
kautusan ng hari.
KATEGORYA: Ibong Adarna

You might also like