You are on page 1of 13

IBONG

ADARNA
MABU
HAY!
PAGBABA
LIK-
ARAL!
Gamit ang bilang 1-7, isaayos ang mga
pagsubok ni Don Juan mula kay Haring
Salermo.
______
7 a. Pagpapaamo sa kabayo
______
3 b. Paglilipat ng bundok sa
durungawan ng Hari
6
______ c. Paghahanap ng singsing ng hari
______
2 d. Pagbabalik sa prasko ng 12
negrito
______
1 e. Paggawa ng tinapay mula sa trigo
______
4 f. Pagpapatag ng bundok at
gumawa ng kastilyo
______
5 g. Pag-alis sa kastilyon at pagbabalik
ng bundok malapit sa bintana ng hari
Ang ang PAG-IBIG ay matiyaga , hindi nananaghili.. Ang
lahat ay mawawala ngunit ang pag-ibig ay mananatili.

Kung ikaw ang tatanungin, ano ang pag-ibig para sa iyo?


Ang tunay na
pag-ibig para sa
akin ay…
Ito ay aking
nadarama para
kay/kina …
IBONG ADARNA:
Ang Pagtakas nina Don
Juan at Donya Maria
Blanca Hanggang sa
Pagwawakas
Ibinigay ni Haring Salermo ang huling pagsubok kay
Don Juan at nagtagunmpay naman ang binata nang
kanyang mapili si Donya Maria na kanyang tunay na
minamahal. Hindi ito ikinatuwa ni Haring Salermo kaya't
gumawa siya ng paraan upang hindi mapunta kay Don
Juan ang kanyang pinakamamahal na anak. Nalaman
ni Donya Maria ang planong ito ng kanyang ama kaya' t
sinabihan niya si Don Juan na sila'y umalis o
magtanan. Pinilit siláng habulin ni Haring Salermo
ngunit siya ay nabigo. Bunga ng matinding galit ay
isinumpa niya ang dalawa.
Bumalik sa Berbanya sina Don Juan at Donya Maria. Sa
pakiusap ni Don Juan ay iníwan muna niya si Donya Maria
sa nayon upang mabigyan ito ng maayos na pagsalubong
sa kanilang kaharian. Nang makabalik Sa Berbanya si Don
Juan ay agad siyang pinuntahan ni Donya Leonora na
pitong taon nang naghihintay sa kanya. Hindi napigilan ng
dalaga ang kanyang damdamin at ipinahayag niya ang
nilalaman ng Kanyang nararamdaman para sa bunsong
prinsipe. Kasabay nito ang pagsisiwalat ng katotohanan sa
mga kasinungalingang hinabi nina Don Diego at Don Pedro
na madali namang napatawad ng hari dahil sa pagmamahal
sa mga anak.
Samantala, marahil ay nagkatotoo na ang sumpa ni
Haring Salermo kaya't sa pagbabalik ni Don Juan sa
Berbanya ay tuluyan na niyang nakalimutan si Donya Maria
Blanca. Inihanda ang lahat para sa pag-iisang dibdib nina
Don Juan at Donya Leonora. Nang maláman ito ni Donya
Maria Blanca ay agad siyang tumungo sa kaharian ng
Berbanya at doon muling ipinaalala kay Don Juan ang
kanilang pag-iibigan. Nang bumalik ang alaala ng bunsong
prinsipe ay ipinahaýag niyang si Donya Maria ang tunay na
nilalaman ng kanyang puso at si Donya Leonora ay
ipinakasal sa kanyang panganay na kapatid na si Don
Pedro.
Sa huli ay itinanghal na bagong hari ng
Berbanya si Don Pedro at si Donya Leonora
bilang kanyang reyna. Samantalang bumalik
sa kanilang kaharian si Donya Maria kasáma
si Don Juan kung saan silá ay masayáng
nanirahan at itinanghal na bagong hari at
reyna ng kaharian. Masaya siláng tinanggap
ng mga tao bílang kapalit ng kanyang
yumaong ama at mga kapatid.
SALA
MAT!

You might also like