You are on page 1of 7

IBONG ADARNA SUMMARIZED SCRIPT [ARALIN 6]

SCENE 1 / 4
: Pagsubok ni Haring Salermo at ang Pagtakas

Narrator: Dati rati kung dumalaw ang prinsipe’y ayaw iwan inaaliw kung may lumbay ay kaytamis ng
suyuan. Maghinampo’y di magawa ng prinsipeng namamangha alam niya’t di kailang sa prinsesa siya’y
mutya.

Narrator: Ang umaga ay bumati kay Don Juang nagwawari makailan pang sandal nagpasundo na ang
hari.

Kawal: Bati ko sa kamahalan, sa palasyo’y hinihintay ng magandang kapalaran.

Narrator: Humayo na ang dalawa sa lakad ay patakbo pa, ibong lumilipad tila nais ay sumapit na. Sa
palasyo ay dinatnang daming taong naghihintay naroon karamihan nakalimpi’t kay Don Jua’y nakangiti.

Ngingitian ni Haring Salermo si Don Juan

Narrator: Takang taka si Don Juan sa kanyang napagmasdan hari’y may karamdaman bagama’t may
kasiyahan.

Don Juan: Haring makapangyarihan, Handog ko po’y paggalang sa utos ay nakalaan.

Haring Salermo: O Don Juan. May sakit ako, pero magkita tayo. akong may utang sa iyo’y makaganti
kahit pa’no. Handa na ang alay ko. gawin ang iyong pagpili.

Narrator: Muling sinubok ng hari si Don Juan tatlong silid na may butas sa pintua’y nakikita. Sa butas ay
hintuturo lamang ang nakalitaw, upang hindi mahulaan sa tatlo ang mahihirang.

Narrator: Gayunpama’y natalo rin ang hari sa kanyang lihim. Nang siya’y nasa pinto ng kanyang irog
siya’y tumitig at natiyak ang kanyang ibig.

Don Juan: Mahal na hari, andito ang aking irog.

Narrator: Hindi na nga binitawan habang hindi binubuksan nabunyag sa kalahatan ang prinsesang
minamahal. Hari’y napatda ngayo’y kaniyang mahal na anak ay mawawalay na. At siya’y yumari ng plano.

Lihim niyang binabalak ang prinsipe’y mahikayat na pakasalan ang kaniyang kapatid. Siya’y lumagda ng
isang sulat, lihim ito’t may kamandag, kung lihim man ay nabunyag sa prinsesang nagmamatyag.

Donya Maria: O, si Ama!, Bakit gayon sa anak ay walang awa? Di ba niya nalalamang ang prinsipe’y aking
sinisinta.
PAGE 2 : SCENE 1 PT2

Narrator: Ito’y nalaman din ni Don Juan kaya’t naisip nilang magtanan. Ngunit sa di inaasang pangyayari
sila’y naantala ng Hari. Kaya’t dali-dali’y silang tumakas.

Haring Salermo: MARIA!!!! Huwag umalis sa kaharian. Isinusumpa kita. Kung pupunta ka sa kaharian ng
Berbanya, malilimutan ka ng iyong katipan. Matatanggihan ka at ikakasal siya sa iba, ito ang magiging
kabayaran sa iyong kataksilan!

Mapapaluhod si Haring Salermo dahil unti unti na itong nauubusan ng lakas.

Narrator: Ang Hari, sa sama ng loob ay binawian rin ng buhay dahil sa karamdaman at paghihimutok.
Umalis na si Don Juan at Donya Maria, Ang pagtakas ay naganap na.

SCENE 2 / 4
: Ang Pangako

Narrator: Ang magkasi ay ngayo’y malapit na sa kanilang paroroonan ngunit hindi pinahintulutan ni Don
Juan si Donya Maria upang sumama. Don Juan: Kita muna’y aking iiwan huwag sanang malumbay.

Donya Maria: Kung gayon ipangako mo sa akin ito’y di mo lilimutin. Hinihingi ko sa iyong pagdating sa
palasyo iwasan sanang totoo, sa babae’y makitungo.

Don Juan: Aking Maipapangako.

Narrator: Gayon si Don Juan ay pumunta na sa Berbanya.

SCENE 3 / 4
: Ang Pagbabalik at Paglimot

Narrator: Prinsipe ay humayo na sa palasyo’y mangyari pa nang dumating anong sigla’t kaharian ay
nagsaya. Maging mga kapatid na malayo yaong dibdib pagkikita’y di man nais nagsaya rin at lumapit. Lalo
na itong si Donya Leonora na pitong taong nagdurusa nang marinig yaong sinta’y nandiyan ay hinimatay
na sa saya.

Donya Leonora: DON JUAN!!!!!!

*Group Hug*
PAGE 3 : SCENE 3 PT2

Don Pedro: Maligayang pagbabalik, aking kapatid.

Don Diego: Ika’y ikinagagalak naming makita

Donya Leonara: Pakinggan mo ang sinasabi ko, Mahal na hari. Igagalang ng dahilan ang iyong paggawa
ng desisyon. Aaminin ko na ngayon sa lahat ng tao, Si Don Juan lang ang may-ari ng puso ko. Ang totoo
ay siya. sino, at hindi si Don Pedro, ang nagligtas sa akin, Pinagtaksilan niya ang iyong anak at ilagay siya
sa panganib na mamatay.

Don Pedro: Ngunit nagawa ko lamang ito dahil sa aking labis na pagmamahal sa prinsesa.

Reyna Valeriana: Patawad ngunit sapat na ang paghihintay ni Leonora upang sila’y mag isang dibdib ng
kaniyang tunay na iniibig.

Haring Fernando: Leonora, sinuman kina Don Pedro at Don Juan, ikaw na ang bahala kung kanino ka
magpapakasal. Ngayon, naghihintay na ang parusa para sa iyo.

Don Juan: Ngunit, ama. Tunay ang sinasabi ni Leonora pero sana ang parusa ay ipataw na lamang
pagkatapos nang kasal.

Reyna Valeriana: Hindi rin ito kaaya-ayang tignan na mayroong parurusahan pagkatapos ay
magdidiwang.

Haring Fernando: Tama nga naman ang iyong mungkahi.

Donya Juana: Mahal na hari, maari na ba naming simulan ang preparasyon para sa kasal ng aking
kapatid.

Haring Fernando: Kung gayon iyong simulan na nang sila’y makasal sa lalong madaling panahon.

Donya Juana: Masusunod kamahalan.

Narrator: Di namamalayan ang kaniyang tunay na minamahal ay kaniyang nalimutang tuluyan.

SUSONOD: SCENE 4 / 4 - Pag-iisang dibdib


PAGE 4 : SCENE 4
: Pag-iisang dibdib

Narrator: Di alam nina Don Juan na si Donya Maria ay dadalo sa kanilang kasalan. Sa palasyo’y anong
saya lahat doon ay masigla tiwala ang hari’t reynang ang ulap ay naparam na.

Arsobispo: Ngayon ay masasaksihan natin ang pagsasama nina Don Juan ng Berbanya at Donya Leonora
ng Armenia. Bago natin simulan ang kasal may gustong tumutol?

Magtitinginan sina Donya Leonora at Don Juan

Arsobispo: Dahil wala, simulan na natin ang pagdiriwang. - Don Juan ng kahariang Berbanya tinatanngap
mo ba si Donya Leonorang Armenya na maging kabiyak ng iyong puso?

Don Juan: Akin------

Donya Maria: ITIGIL ANG KASAL!

Tingin ang lahat kay Donya Maria

Donya Juana: At sino ka binibini, upang tumutol sa kasal ng aking kapatid.

Donya Maria: Ako si Donya Maria Blanca ng Reyno de los Cristales at ako ang tunay na minamahal ni Don
Juan.

Don Diego: At paano naman naming iyon matitiyak gayong ika’y dahuyan lamang sa aming kaharian.

Donya Maria: Aking ito’y papatunayan sa pamamagitan ng aking munting palabas.

Narrator: Nilabas ni Donya Maria ang praskong laman ang mga negrito’t negrita at ito’y umindak at
lumibad.

Negrito 1: Tila may kasiyahang nagaganap.

Negrito 2: Tama, at ito’y isang kasalan.

Negrito 1: Ngunit tila iba ang mahihirang ni Don Juan.

Negrito 2: Prinsepe, Hindi mo ba naalala ang iyong tunay na minamahal? Siya’y iyong isinantabi matapos
mong iwan?

Negrito 1: Tama! Tila ikay walang natatandaan. Hndi mo naalala ang mga pagdurusa ni Donya Maria para
lamang makapiling ka.
PAGE 5 : SCENE 4 PT2

Negrito 2: Siya’y nagtaksil sa sarili niyang ama para lamang lumaya at ika’y makasama.

Negrito 1: Siya’y naghirap upang tulungan ka na malagpasan ang mga pagsubok ng kaniyang ama para
lamang mapatunayan sa iyong ama na ika’y karapat dapat sa donya.

Negrito 2: Tila wala lamang ang lahat ng paghihirap at pagsubok na inyong nakamit kung hindi rin naman
kayo ang magkakatuluyan.

Negrito 1: Kaya’t iyong alalahanin nang hindi masayang ang pag-ibig na namamalagi sa inyong dalawa.

Narrator: Ngunit nawawalan na ng pag asa si Donya Maria kaya’t kaniyang isinuko na lang ito.

Donyia Maria: Tila ang lahat ng ito’y walang bias, ang lahat ng aking pagdurusa ay napunta lamang sa
wala!

Sabay hagis sa prasko.

Narrator: Hanggang sa may natatandaan na si Don Juan, kaya’t siya’y naliwanagan sa kaniyang tunay na
nararamdaman at unti unting naalala ang kanyang mga nawawalang kaisipan.

Don Juan: Pasensya na Donya Leonora pero si Donya Maria talaga ang aking mahal.

Sasampalin ni Donya Leonora si Don Juan.

Donya Leonora: Pitong taon akong nagdusa at nanatili sa palasyo, tapos ano? Sa isang iglap lang may
minamahal ka nang iba.

Don Juan: Patawad, Ngunit kung pagpapatuloy natin ito ay mabubuhay lamang ako sa lumbay at si Don
Pedro talaga ang tunay sayong nagmamahal, sana’y ako’y iyong maunawaan na hindi tayo para sa isa’t
isa.

Donya Leonora: Ako’y pumapayag sa iyong kahilingan, kung ito ang iyong ikakasaya hindi na kita pipilitin
pa.

Don Juan: Maraming salamat, Donya Leonora.

Pagkatapos ay siya’y pumunta na kay Donya Maria at pinalitan ni Don Pedro si Don Juan.

Narrator: Matapos ang paghihintay ni Don Pedro ng pitong taon para mahalin siya ni Donya Leonora
ngayo’y matutupad na. At matapos ang lahat ng pagsubok na pinagdaanan ni Don Juan para kay Donya
Maria ay siyang makakasama na. Sa Wakas dumating na ang kanilang pinakahihintay na araw.
PAGE 6 : SCENE 5 PT3

Don Pedro: Salamat at iyong pinagbigyan ang munti kong kahilingan.

Ngingitian ni Donya Leonora si Don Pedro

Arsobispo: Don Pedro ng Berbanya tinatanggap mo ba si Donya Leonora ng Armenya na maging kabiyak
na iyong puso sa habangbuhay.

Don Pedro: Tinatanggap ko si Donya Leonora ng Armenya na maging kabiyak ng aking puso sa
habangbuhay.

Arsobispo: Donya Leonora ng Armenya tinatanggap mo ba si Don Pedro ng Berbanya na maging kabiyak
na iyong puso sa habangbuhay.

Donya Leonora: Tinatanggap ko si Don Pedro ng Berbanya na maging kabiyak ng aking puso sa
habangbuhay.

Arsobispo: Donya Maria Blanca ng Reyno de los Cristales tinatanggap mo ba si Don Juan ng Berbanya na
maging kabiyak na iyong puso sa habangbuhay.

Donya Maria: Tinatanggap ko si Don Juan ng Berbanya na maging kabiyak ng aking puso sa
habangbuhay.

Arsobispo: Itinatalaga ko kayo ngayon bilang opisyal na mag-asawa.

Royal Family: MABUHAY ANG BAGONG KASAL!

Mga Tao: MABUHAY!

Narrator: Ngunit may hindi inaasahang panauhin na darating….

Lalabas ang Ibong Adarna

Narrator: at siya ang Ibong Adarna

Mga Tao: Ang Ibong Adarna!

SUSUNOD: ANG WAKAS


PAGE 7: ANG WAKAS – SCENE 5 PT3

Ibong Adarna: Kumusta, ako nga pala ang Ibong Adarna ako ang nagiisang engkantada na tagapangalaga
ng Bundok Tabor. Nawa’y magkaroon nang kapayapaan at kabutihan ditto sa ating mundong tinatapakan.
MABUHAY ANG BAGONG KASAL! Ako nga pala’y may munting handog para sa inyo, Nawa’y inyong
magustuhan.

Narrator: Pagkatapos nito ay kinoronahan na ang mga bagong tagapamana ng mga kaharian. Si Don Juan
ang dapat na koronahan bilang bagong Hari ng Berbanya, ngunit ito’y kaniyang tinanggihan sapagkat
mayroong kahariang nag aantay sa kanila sa kaharian ni Maria Blanca. Si Don Pedro naman ang siyang
bagong Hari ng Berbanya at ang kanyang katuwang na si Donya Leonora ang naging bagong Reyna ng
Berbanya. Matapos ang kasalan ay nagkaroon ng kasiyahan sa Berbanya.

*Mini Cotillion*

Royal Family: Biba!

Mga Tao: Biba!

Royal Family: Hari nati’y magtagumpay!

Mga Tao: Reyna natin ay mabuhay!

*bow*

Ang Wakas…..

You might also like