You are on page 1of 11

ARALIN 17:

SI DON JUAN AT ANG


SERPIYENTE
Uri ng Pangungusap ayon sa Gamit:

1. Pasalaysay
- Ito ay nagsasalaysay ng katotohanan o
pangyayari. Lagi itong nagtatapos sa tuldok.

Halimbawa:
Ang dalawa ay naglaban, nagtagpo ang kapwa
tapang, subalit sa kaliksihan namayani si Don Juan.
2. Patanong
- Ito ay nag-uusisa tungkol sa isang
katotohanan o pangyayari. Tandang pananong(?)
ang bantas sa hulihan nito.

Halimbawa:

”Ano bang meron kay Don Juan na wala ako?”


- Don Pedro
3. Padamdam
- Ito ay nagsasabi ng matinding damdamin
gaya ng tuwa, lungkot, pagkagulat, paghanga,
panghihinayang at iba pa. Karaniwang nagtatapos
ito sa tandang panamdam.

Halimbawa:
“Iyan ang hinahanap ko! Magsisi ka at totoong
makikitil ang buhay mo!”
- Serpiyente
4. Pautos/Pakiusap
-Ang pautos ay nagpapahayag ng obligasyong
dapat tuparin, samantalang ang pakiusap ay
nagpapahayag ng pag-utos sa magalang na
pamamaraan. Nagtatapos ito sa tuldok.

Halimbawa:
“Ang prinsipe kung nasaktan, ay gamutin mong
madalian.”
- Leonora
Aralin 17: Si Don Juan at ang Serpiyente
◦Si Prinsesa Leonora ay kapatid ni Donya Juana na
binabantayan ng isang serpyenteng may pitong
ulo. Ipinakiusap ni Donya Juana kay Don Juan na
sunduin ang kanyang kapatid sa kastilyo.

◦Lumakad na papunta kay Leonora si Don Juan, at


nang makita niya ang prinsesa, siya ay muling
nabihag ng kagandahan.
◦Tinanong ni Leonora kung sino si Don Juan at kung
ano ang kanyang pakay. Winika ni Don Juan
naroroon siya upang magsilbi, ngunit siya ay
pinapaalis ni Leonora dahil sa mapanganib na
serpyente.

◦Hindi natinag si Don Juan sa kanyang hangarin,


dahil dito, si Leonora ay napa-ibig na rin kay Don
Juan.
◦Si Prinsesa Leonora’y nagsabi na may Serpyenteng
nagbabantay sa kanya at dito’y walang hindi
namamatay.Pero nilabanan pa rin ito ni Don Juan.

◦Sa simula, patas ang laban, walang lumalamang.


Tinulungan ni Leonora si Don Juan sa
pamamagitan ng pagbigay sa kanya ng balsamo.
◦Nang makita ito ng Serpyente, ito’y kinilabutan at
lalong nagalit. Sa huli, ang prinsipe’y nagwagi sa
laban niya. Para matalo ang Serpyente, ginamit
niya ang kanyang liksi at ang balsamo. Nang
matapos ang laban, sila’y umahon na at inihayag
sa dalawa ang mga pangyayari.

◦Nang makita ni Don Pedro ang magandang


prinsesang Leonora, naakit siya sa kanyang ganda.
◦Nainggit siya kay Don Juan at pinasya niyang
muling taksilan ang kanyang kapatid.

◦Nang bumababa ulit ng balon si Don Juan upang


kunin ang nakalimutang singsing ni Leonora, Pinutol
ni Don Pedro ang lubid na ginagamit ni Juan at
nahulog si Juan sa baba ng balon.
◦Matindi ang mga sugat na dinaranas ni Don Juan
ngunit buhay pa siya. Si Don Pedro, akala na patay
na si Juan, kinuha si Leonora at kasama ni Don
Diego at Donya Juana, ang apat ay nagtungo sa
bayan ng Berbanya. Ngunit si Leonora, na ayaw
kay Don Pedro ay inutusan ang kanyang lobo na
sabihin na sila’y napilitan lamang na umalis.

You might also like