You are on page 1of 7

Group 2 ( Script )

Ikalawang Bahagi ng Ibong Adarna

N: Sa libis ng isang bundok may matandang sa- susulpot, mahina’t


uugod-ugod sa prinsipe ay dumulog.
N: Ang salanta at nalamog na katawan ay hinagod: sa sugat at lamang
nalasog pinaglalagyan ng gamot.
( Gumaling si Don Juan)
Don Juan: Utang ko sa inyong habag ang buhay kong di nautas, Ano
kaya ang mararapat iganti ng abang palad?
N: Ang matanda ay tumugon:
Ermitanyo: Kawanggawa’y hindi gayon kung di- iya’y isang layon ang
damaya’y walang gugol.
N: Ang dalawa ay nagkamay bago sila naghiwalay: matanda’y sa
kabundukan, sa Berbanya si Don Juan.
N: Sa palasyo nang sumapit, tuwa ng ina’y tigib, sindak namang di
malirip ang sa dalawang magkapatid.
N: Magkagayo’y ang Adarna namayagpag na sa hawla, balahibong
pangit niya’y hinalinhan ng maganda.
N: Umawit na nang matamis, kawili-wili ang tinig, mga matang may
pag- ibig sa monarka nakatitig.
N: Muling ipinagpatuloy ng hari ang panunungkol, kaharia’y mahinaho’t
ang lahat na’y umaayon.
N: Buhat nang siya’y gumaling ang Adarna’y naging aliw, oras-oras kung
dalawi’t parang bata kung laruin.
N: Sa sarili’y di nagkasya ng pagdalaw sa Adarna, naisipang pag gabi
na’y pabantayan ang hawla.
N: Di sa iba ibinigay ang ganitong katungkulan, baka anya pabayaang
makawala o mamatay.
N: Hinirang ang tatlong anak at nagbala ng marahas:
Haring Fernando: Ang sa inyo ay magsukab sa akin ay magbabayad.
N: Nakatadhana sa utos ang gawaing pagtatanod, ang tatlo ay sunud-
sunod, sa magdamag walang tulog.
N: Tatlong hati sa magdamag bawat isa’y tatlong oras, para nilang
hinahatak ang gabi sa pagliwanag .
N: Subalit, O! Yaong inggit, sawang maamo’y bumangis! Pag sinumpong
maging ganid Panginoo’y nililingkis.
N: Si Don Pedrong pinatawad sa gawaing di marapat sa sarili’y naging
galak kapatid ay ipahamak.
N: Naisipan isang gabi sa kanyang pagsasarili, kahihiyan ng sarili lihim
na ipaghiganti.
N: Bago mitak ang umaga si Don Jua’y umalis na, wika’y .
Don Juan: Ito ang maganda natatago ang maysala.
N: Ipinahanap ang bunso ngunit saan masusundo? Matagal nang
nakalayo di sa hangad na magtago.
N: Umalis na ang dalawa nagmamagaling sa ama ang pangako’y pag
nakita iuuwi’t nang magdusa.
N: At tunay ngang nagtagumpay ang tiyagang pinuhunan: nakita rin si
Don Juan sa Armenyang kabundukan.
Don Pedro: May lunas na magagawa kung payag ka sa pithaya, sa akin
ipagtiwala ang anumang iyong nasa.
Don Diego: Kung ibig mo ay huwag nang balikan ang ating ama,
pabayaan ang Berbanya’t dito na tayo tumira.
Don Pedro: Ibig nami’y sumama ka nang mabuo ang ligaya, sa anumang
maging hangga tayong tatlo’y magkasama.
N: Inakyat ang kabatuhan nang dumating sa ibabaw, sa gitna ng
kasabikan ay may balong natagpuan.
N: Si Don Juan ay nagwika:
Don Juan: Balong ito’y may hiwaga, ang mabuting gawin kaya’y
lusungi’t nang makaunawa.
N: Nagtali niyong lubid at sa balo’y napasilid, ang baon sa puso’t dibdib
humanda sa masasapit.
N: At sa kanyang pagsasakit lalim ng balo’y nasapit, hindi isang tuyong
yungib kundi pook na marikit!
N: Lalo siyang nanggilalas at ang puso ay nabihag nang tamaan ng malas
si Don Juanang marilag.
N: Sa pagsamong anong lungkot ni Don Juang nakaluhod: ang
prinsesang maalindog, ay tinablan ng pag-irog.
Donya Juana: Ngayon, ang aking panganib saan kita ililingid nang
maligtas sa pasakit ng higanteng sakdal lupit?
N: Di naglipat ilang ng masayang pagniniig, ang higante ay narinig sa
hagdana’y pumapanhik.
N: Nagpamook ang dalawa nagpaspasang parang sigwa; sa piningkian
ng sandata ang apoy ay bumubuga!
N: Nang patay na at sa lupa ang higante ay bulagta, saka ganap na
natuwa si Donya Juanang mutya.
Donya Juana: O, Don Juang aking sinta tunay bang aalis kana dito ay
maiiwan pa ang bunso kong si Leonora?
Donya Juana: Parunan mo at sunduin sa ngalan ko ay sabihing siya’y
parito ngayon din at ibig kong kausapin.
N: Nabigla itong prinsesa sa taong kanyang nakita, si Don Jua’y
napatanga sa palasyong pagkaganda.
Donya Leonora: Di mo baga nalalamang mapanganib iyang buhay; sa
serpyenteng kong matapang walang salang mamamatay?
Don Juan: Hindi gaanong masaklap na mapatay ng kalamas, sa akin ang
dusa’t hirap, masawi sa iyong lingap.
Don Juan: Pinopoon kong prinsesa, galit mo ay magbawa, kung ako may
nagkasala ito’y dahil sa pagsinta.
Donya Leonora: Unang ibig kong malaman kung pa’no mo natuklasan
itong lihim kong tahanan sa liblib ng kabundukan?
N: Dumating na ang serpyenteng kay Leonora’y may kandili kakila-
kilabot ang laki, umuungol ng mabuti.
N: Ang dalawa ay naglaban nagtagpo ang kapwa tapang subalit sa
kaliksihan namayani si Don Juan.
N: Sa ulos na walang puknat tagang tagang iwinawasiwas isa-isang
natitigpas mga ulo niyong ahas.
N: Napatay ni Don Juan ang serpyenteng kanyang kalaban.
N: Patungong balong mahiwaga, sumama ang dalawang prinsesa sina
Donya Juana at Leonora kay Don Juan.
N: Nang sila’y lalakad nang papauwi sa Berbanya saka na naalaalang
may naiwan ang prinsesa.
N: Nalimutan sa lamesa diyamanteng singsing niya iyo’y lubhang
mahalaga’t panama ng kanyang ina
Don Juan: Kung gayon
N: Ani ni Don Juan,
Don Juan: Kayo rito ay maghintay, balo’y aking babalika’t kukunin ko
ang naiwan.
N: Ngunit laking kataksilan ng kapatid na panganay, lubid niyang tanga-
tangan ay pinatid kapagkuwan.
N: Napanaginip ng hari sa pag idlip nang tanghali na sa isang yungib
wari bunso niya’y itinali.
N: Nang gapos na ng katawan ng lubid na pagkatibay, sinipa na’t
tinadyakan sa mukha pa ay tinampal.
N: Saka biglang itinulak sa banging kagulat-gulat, sa ilalim nang
lumagpak ang hininga ay nautas.
N: At siya nang pagkapukaw nitong hari sa hihigaan, ang puso at
gunam-gunam sapupo ng kalumbagan.
Don Pedro at Don Diego: Di rin namin nasumpungan ang bunso mong
minamahal at sa aming kapaguran ito po ang natagpuan.
N: At sa balak ng dalawa ukol sa pag-aasawa, si Don Pedro’y nagpauna
ganito ang sabi niya:
Don Pedro: Kung ako po’y tatanungin si Leonora na ang akin, si Don
Diego’y ikasal din kay Donya Juanang butihin.

Donya Leonora: Mulang ako'y maulila sa akin pong ama't ina, pitong
taon kong panatang mamuhay nang mag-isa.
Haring Fernando: Pairugan si Leonorang magpatuloy sa panata; Pedro’y
pasa-saan bagang di matupad iyang pita.
N: Nang abutan niyong lobo katawan ay lunung-luno lasog pati mga
buto’t dugo’y nunukal sa ulo.
N: Buong suyong pinahiran bawat pasa ng katawan, gayon din ang mga
pilay na malubha at hindi man.
N: Prinsipe’y agad lumakas nabahaw ang mga sugat, nakatindig at ang
gilas ngayon ay lalong tumingkad.
N: Nang sumapit sa ibabaw, lobo’y agad nagpaalam, iniwan na si Don
Jua’t lumiblib sa kabundukan.
N: Niyari sa kaloobang muwi na sa kanyang bayan, puso niya’y
nalulumbay sa malaong pagkawalay.
N: Sa kaniyang pagkagulaylay, ang Adarna ay dumatal, ang prinsipe’y
natanawa’t agad nakilala naman.
( Umawit ang ibon )

You might also like