You are on page 1of 3

Ibinigay ni Haring Salermo ang huling pagsubok kay Don Juan at

nagtagumpay naman ang binata nang kanyang mapili si Donya


Maria na kanyang tunay na minamahal. Hindi ito ikinatuwa ni
Haring Salermo kaya’t gumawa siya ng paraan upang hindi
mapunta kay Don Juan ang kanyang pinakamamahal na anak.
Nalaman ni Donya Maria ang planong ito ng kanyang ama kaya’t
sinabihan niya si Don Juan na sila’y umalis o magtanan. Pinilit silang
habulin ni Haring Salermo ngunit siya ay nabigo. Bunga ng
matinding galit ay isinumpa niya ang dalawa. Bumalik sa Berbanya
sina Don Juan at Donya Maria. Sa pakiusap ni Don Juan ay iniwan
muna niya si Donya Maria sa nayon upang mabigyan ito ng
maaayos na pagsalubong sa kanilang kaharian.
Nang makabalik sa Berbanya si Don Juan ay agad siyang
pinuntahan ni Donya Leonora na pitong taon nang naghihintay sa
kanya. Hindi napigilan ng dalaga ang kanyang damdamin at
ipinahayag niya ang nilalaman ng kanyang nararamdaman para sa
bunsong prinsipe. Kasabay nito ang pagsisiwalat ng katotohanan sa
mga kasinungalingang hinabi nina Don Diego at Don Pedro na madali
namang napatawad ng hari dahil sa pagmamahal sa mga anak.

Samantala, marahil ay nagkatotoo na ang sumpa ni Haring


Salermo kaya’t sa pagbabalik ni Don Juan sa Berbanya ay tuluyan na
niyang nakalimutan si Donya Maria Blanca. Inihanda ang lahat para
sa pag-iisang dibdib nina Don Juan at Donya Leonora. Nang
malaman ito ni Donya Maria Blanca ay agad siyang tumungo sa
kaharian ng Berbanya at doon muling ipinaalala kay Don Juan ang
kanilang pag-iibigan.
Nang bumalik ang alalaala ng bunsong prinsipe ay
ipinahayag niyang si Donya Maria ang tunay na nilalaman
ng kanyang puso at si Donya Leonora ay ipakasal sa
kanyang panganay na kapatid na si Don Pedro.
Sa huli ay itinanghal na bagong hari ng Berbanya si Don
Pedro at si Donya Leonora bilang kanyang reyna.

Samantalang bumalik sa kanilang kaharian si Donya


Maria kasama si Don Juan kung saan sila ay masayang
nanirahan at itinanghal na bagong hari at reyna ng
kaharian. Masaya silang tinanggap ng mga tao bilang
kapalit ng kanyang yumaong ama at mga kapatid.

You might also like