You are on page 1of 3

Ibong Adarna (Buod)

PP.122
BUOD

Ang sumpa ni Haring Salermo ay batid ni Maria Blanca. Nagpaalam si


Don Juan kay Maria Blanca na iiwan muna ang prinsesa sa isang nayon
upang humarap na mag-isa kay Don Fernando. Ang prinsipe ay kailangang
ihanda ang isang engrandeng pagsalubong sa prinsesa ng Reyno delos
Cristales. Tutol si Maria Blanca subalit iginiit ni Don Juan na katungkulan
niyang parangalan ang pagdating ng prinsesang iniibig. Mahigpit na
nagbilin si Maria Blanca na huwag titingin at lalapit sa sinumang babae sa
loob ng palasyo upang hindi makalimot si Don Juan.

Nangako ang prinsipe na hinding-hindi siya makakalimot sa kanilang


sumpaan. Nagbalik sa kaharian ng Berbanya si Don Juan upang hingin ang
bendisyon ng amang hari. Malugod na tinanggap ni Haring Fernando ang
pagabalik ng bunsong anak. Sa pagbabalik na iyon ni Don Juan, isang
prinsesa ang naghihintay sa kanya.
Ipinagtapat ni Prinsesa Leonora sa hari na pitong taon siyang
naghintay sa pagbabalik ni Don Juan. Iglap na nakalimotsi
Don Juan sa binitawang pangako kay Maria Blanca nang
Makita si Prinsesa Leonora.

Natuklasan ng hari ang ginawang kataksilan ni Don Pedro.


Pinaglimi ng hari ang mga narinig at hinayaang mamili si
Prinsesa Leonora ng pakasalan sinuman kina Don Juan at Don
Pedro.

You might also like