You are on page 1of 3

Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang katangiang ipinakita ni Donya Maria sa saknong sa ibaba? Pagkat di na makatiis Na timpiin
ang pag-ibig, Ninakaw na yaong damit Ng prinsesang sakdal-dikit".

a. Matuwain at humanga siya nang makita niya ang makisig na binata.

b. Matatakutin siya sapagkat inakala niyang may ibang taong nagmamasid sa kanila.

c. May pagpapahalaga sa sarili sapagkat nang nalaman niyang nawawala ang kanyang damit ay nabahala
siya.

d. Siya ay walang tiwala sa sarili.

2. Alin ang saknong na nagpapakita ng pagiging mapagmahal ni Donya Maria?

a. Pagkat kita’y iniibig Pag-ibig ko’y hanggang langit Don Juan hindi ko nais Mabilang ka sa naamis.

c. Upang siya’y maniwala Marangal ang iyong nasa Sa kanya’y ipahalata Sa utos ay nakahanda.

b. Limang buwang paglalakad

d. Dilag ni Donya Maria Pitong bundok ang binagtas Walang kapantay sa kanya Pitong dusa’t pitong
hirap Ipikit man yaong mata Bago sinapit ang hangad. Nasisilaw din sa ganda.

3. Ang kahulugan ng salitang mawawalat sa saknong sa ibaba ay _________. “Galingan mo ang pag-ilag
Sa dampa at mga sikad, Mga kuko’y matatalas Katawan mo’y mawawalat”

a. makukuha

b. mabubuhay

c. mabubuo

d. masisira

4. Ano ang katangian ni Haring Salermo sa paghiling o pagpapagawa ng mga imposibleng bagay kay Don
Juan?

a. Siya ay palaisip sapagkat gusto niyang sukatin ang hangganan ni Don Juan.

b. Siya ay mapagmahal na ama ayaw niyang nawalay sa piling ng kanyang anak.


c. Siya ay matatakutin sapagkat natatakot siyang mas magaling pa sa kanya si Don Juan.

d. Siya ay tamad na hari sapagkat iniaasa niya lahat sa utos.

5. Limang buwang paglalakad, pitong bundok ang binagtas, Pitong dusa’t pitong hirap, bago sinapit ang
hangad. Ano ang katangian ni Don Juan na ipinakikita ng saknong?

a. negatibong tao

c. matiyaga

b. madaling mawalan ng pag-asa

d. walang paninindigan

Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Donya Leonora: "Giliw ko ang singsing ko'y bayaan na, ang pagpaparoon mong mag- isa'y lubha kong
inaalala.”

A. Nangangamba si Donya Leonora na sa muling pagbabalik ni Don Juan sa balon ay muling mapahamak
ang prinsipe.

B. Walang halaga kay Donya Leonora ang singsing dahil hindi niya na ito kailangan.

C. Gustong samahan ni Donya Leonora si Don Juan sa pagbabalik nito sa balon.

2. Haring Fernando: “Ang bunso kong si Don Juan may loob na malumanay, matapat sa kaibiga't uliran sa
kabaitan."

A. Ipinagmamalaki ni Haring Fernando ang anak na si Don Juan sa pagiging mahiyain at mababang-loob
nito.

B. Nalulungkot si Haring Fernando sa sinapit ng anak na dahil sa labis na kabaitan nito siya ay
napahamak. C. Naniniwala si Haring Fernando na ang kanyang anak na si Don Juan ay isang taong uliran
at may pusong dalisay.

3. Donya Leonora: "Ako po'y di sumusuway sa atas mo, Haring Mahal, ngunit hiling ko po lamang iliban
muna ang kasal.”
A Humingi si Donya Leonora na huwag munang isagawa ang kasal nila ni Don Pedro dahil hindi niya
talaga mahal ito.

B. Sinuway ni Donya Leonora ang utos ng Hari na siya ay nakasal kay Don Pedro.

C. Dahil saa matinding pagkamuhi ni Donya Leonora kay Don Pedro ay napailitan nitong suwayin ang
atas ng hari na siya ay makasal sa Prinsipe.

4. Don Juan: “O, Panginoon Haring Mataas, Panginoon naming lahat sa alipin mo'y mahabag na ituro ang
landas."

A. Sa pagkapahamak at pag-iisa ni Don Juan, ang Diyos ang kanyang tinawagan upang siya'y tulungan at
ituro sa kanya ang landas na dapat niyang lakaran.

B. Bilang isang alipin, labis na natakot si Don Juan sa haharapin niyang pagsubok.

C. Nanalangin si Don Juan sa Diyos na parusahan ang kanyang mga kapatid dahil sa ginawang kasamaan.

5. Ibong Adarna: "Manalig kang walang hirap na di-magtatamong pala, pagmasdan mo't yaong ulap
hinahawi ng liwanag.

A. Sinabi ng Ibong Adarna kay Don Juan na kasama sa kanyang kapalaran ang magdanasa ng hirap kaya
hindi siya dapat magtaka.

B. Binigyang ng payo ng Ibong Adarna si Don Juan na patuloy na magtiis anumang hirap ang haharapin
dahil tiyak na ang bagong pag-asa ay kakamtin.

C.Sa kanyang paglakbay nangako ang Ibong Adarna na siya ay sasamahan at sa madilim na ulap siya ang
magsisilbing liwanag.

You might also like