You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Rehiyon XI
KAGAWARAN NG EDUKASYON
SANGAY NG DAVAO DEL NORTE
PANDIBISYONG PAGSUSULIT SA FILIPINO G-7
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT
TAONG PANURUAN 2018-2019
Pangalan: ________________________________ Taon/Pangkat: _______________ Iskor: ___________

Aytem 1-5. Panuto: Tukuyin ang mahahalagang detalye ng mga bahagi ng akdang nabasa.

1. Ang tawag sa kaharian nila Haring Fernado at Donya Valeriana.


A. Albanya C. Krotona
B. Berbanya D. Armenya

2. Ang punong tirahan ng mahiwagang Ibong Adarna.


A. Piedras Platas C. Piedra Plata
B. Piedro de Oro D. Piedras Blanca

3. Ang nangyayari sa taong napapatakan ng dumi ng mahiwagang ibon.


A. namamatay C. nagiging bato
B. nakakatulog D. nanlalamig

4. Ang sakit ng matandang nasalubong ni Don Juan sa kanyang paglalakbay


A. kanser C. hika
B. ketong D. lagnat

5. Ang bagay na hiningi ni Don Juan sa ama bago siya umalis sa kaharian.
A. salapi o yaman C. pagkain at tubig
B. bendisyon D. damit at tirahan

6. Naging isang mabisang instrumento ang panitikan upang mabilis na mapalaganap ang relihiyong Katolisismo
sa bansa. .
A. Ginamit ng mga Espanyol ang mga panitikang panrelihiyon upang maituro sa mga Pilipino ang
pananampalataya ng Katolisismo
B. Maraming mga Pilipino ang pumunta sa Espanya upang higit na matutuhan ang mga panitikang panrelihiyon
ng mga Espanyol.
C. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga panitikang panrelihiyon ay parang narating na rin ng mga
Pilipino ang iba’t ibang simbahang katolikong itinatag ng mga Espanyol sa bansa.
D. Lahat ng nabanggit.

7. Maraming kritiko ang nagsasabing ang Ibong Adarna ay hindi ganap na maituturing na bahagi ng panitikang
Pilipino.
A. dahil sinasabing taga Europa ang may akda ng koridong ito.
B. dahil ang panitikang Ibong Adarna ay nagmula sa Pilipinas.
C. dahil hindi umaangkop sa kultura at kalinangan ng mga Pilipino.
D. dahil ang kasaysayan ng Ibong Adarna ay hinango lamang sa mga kuwentong-bayan ng mga bansa sa
Europa

Aytem 8-12: Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng mga di-pamilyar na salitang may salungguhit sa
pangungusap na ginamit sa akda. Isulat ang sagot sa patlang.

a. busilak b. malalaman c. katatanong d. matitiis e. pagtataksil

___________8. Anumang lihim ay tiyak naming mabubunyag din.


___________9. Sa kauukilkil ng ibang tao ay nagbigay na rin ng impormasyon ang kaharian.
___________10. Ang ginawang paglililo ng mga kapatid ay higit na masakit kaysa sa kanyang mga sugat.
___________11. Mababata ni Don Juan ang hapdi ng mga sugat subalit hindi ang sakit ng pagtataksil ng mga kapatid.
___________12. Ang matimyas na pagmamahal ng magulang ay muling nadama ni Don Juan nang makabalik siya sa
kaharian.
Aytem 13-17: Panuto: Tukuyin ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng mga suliraning panlipunan na dapat
mabigyang-solusyon. Lagyan ng tsek (/) ang mga kahon kung ang mga suliraning ito ay nakita sa binasa. Ekis (X)
naman ang ilagay kung hindi.

1. Ang pagiging bayolente, pananakit o paggamit ng dahas laban sa kapwa.


2. Ang pagiging sunod-sunuran sa iba kahit pa ang inuutos ay nakakasama na.
3. Ang paggawa nang masama para lang mapagtakpan ang isang kabiguan o kahihiyan.
4. Ang malabis na pagpapahalaga sa kayamanan o salapi.
5. Ang pagsasamantala ng isang pinuno o lider sa kanyang nasasakupan.

Aytem 18-22: Bilugan ang titik ng may wastong damdamin o saloobing nasasalamin sa mga pahayag
ng mga tauhan.

18.
Nuon niya napagsukat
Ang sa tao palang palad
Magtiwala ay mahirap
Daan ng pagkapahamak

A. nawalan ng pag-asa C. nawala ang takot


B. nawalan ng tiwala D. nawalang ng pangamba

19. Sa dibdib ma’y napako


Ang subyang ng pagsiphayo A. pagkaawa C. pagpapatawad
Ang nanaig din sa kuro’y B. pananabik D. pagtitiwala
Hinahon ng kanyang puso
20. “O, hindi ko natagalan
Ang dilim na bumalabal A. nagalit C. nahiya
sa sindak at katakutan B. natakot D. nalungkot
para akong sinasakal!”

“O, marilag na Prinsesa


21. A. matinding paghanga C. matinding pagkatuwa
Ang sa araw na ligaya
B. matinding pagkalito D. matinding pagpangamba
Kabanguhan ng sampaga
Sa yapak mo sumasamba”

22. “Hindi kita kailangan


Ni makita sa harapan A. nag-alala C. nananakot
Umalis ka’t manghinayang B. naiinis D. nalilito
Sa makikitil mong buhay”

Aytem 23-27: Tukuyin ang angkop na hinuha hinggil sa kung ano ang maaaring mangyari sa tauhan batay sa mga
nakatalang bahagi ng akda. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

23. “Wala siyang itinira, ma’y sinaid na, ngunit laking pagtataka, puno pa rin nang makita!” Ang nararamdaman ni Don
Juan pagkatapos niyang inumin ang tubig ay….
A. Nasabi niya sa kanyang sarili na ang kanyang naranasan ay isang himala.
B. Natakot si Don Juan sa naranasan sapagkat naisip niyang ang matanda ay isang engkanto.
C. Ninais din ni Don Juan na mapasakanya ang kapangyarihang taglay ng matanda
D. Di kapani-paniwala ang naranasan ni Don Juan.

24. “Doon ay kanyang nadatnan ang isang ermitanyong mahal, ang balbas ay hanggang baywang kasindak-sindak
pagmasdan”. Ang nangyari sa matanda nang unang makita si Don Juan ay?
A. Malugod na tinanggap si Don Juan at agad na pinatuloy sa kanyang tahanan
B. Nagtago ang matanda nang makita nito ang binata sa dumating sa kanilang lugar
C. nagulat at nagtaka ang matanda nang makita si Don Juan kung kaya naman inutusan niya ang binata na
lumayo sa kanya
D. Natakot ang matanda at kinalaban si Don Juan
25. “Pagkat di na makatiis na timpiin ang pag-ibig, ninakaw na yaong damit ng prinsesang sakdal-dikit”. Ang naghari sa
puso ni Donya Maria nang mabatid niyang ninakaw ni Don Juan ang kanyang damit ay?
A. Natuwa at humanga siya nang makita niya ang makisig na binate
B. nagalit siya nang malaman niyang nawawala ang kanyang damit
C. natakot siya sapagkat inakala niyang may ibang taong nagmamasid sa kanila
D. nangamba siya sapagkat wala na siyang maisuot na ibang damit

26. “Pagkat kita’y iniibig, pag-ibig ko’y hanggang langit, Don Juan di ko nais mabilang ka sa naamis.” Ang ginawa ni
Donya Maria upang hindi mapahamak ang sinisinta ay?
A. Itinago niya si Don Juan upang hindi siya makita ng kanyang ama na si Haring Salermo
B. Inutusan niya si Don Juan na umalis na agad sa kanilang lugar upang siya ay hindi mapahamak
C. Itinuro niya kay Don Juan ang mga bagay na dapat niyang isagot at gawin kapag siya ay humarap kay
Haring Salermo.
D. Isinumbong niya si Don Juan kay Haring Salermo
27. “Di kawasa ay nasabi, “Kahanga-hangang prinsipe dunong nito’y pagkabuti tila ako’y maaapi.” Ang nararamdaman
ni Haring Salermo nang makita niyang nagtagumpay si Don Juan sa unang pagsubok na kanyang ibinigay ay?
A. Humanga siya sa prinsipe at agad ipinakasal si Donya Maria sa kanya.
B. Natakot si Haring Salermo dahil naisip niyang may taglay na kakaibang kapangyarihang ang prinsipe.
C. Nag-isip at binigyan pa niya ng iba pang pagsubok ang prinsipe upang higit na mapatunayan ang galing at
tapang nito.
D. Nangamba ang hari na baka malamangan ng prinsipe ang kapangyahiran nito.

Aytem 28-32. Panuto: Sa pamamagitan ng mga nakatalang pahayag ay tukuyin ang mga napapanahong isyu sa
banasa na masasalamin sa bahagi ng akdang tinalakay.

28. “Iya’y munting bagay lamang,” kay Donya Mariang saysay. “Huwag magulumihanan kay dali tang malusutan.”
Ipinakikita sa pahayag na ito na:
A. Ang mga babae ay may taglay ring natatanging kakayahan katulad ng mga lalaki.
B. Likas sa mga babae ang maging mapagmataas o mayabang.
C. Higit na maparaan ang mga babae kaysa sa lalaki.
D. May mga babae talaga na likas na matigas ang ulo at madaling nakakalusot sa problema.

29. Luha’t lungkot ay tiniis nang dahilan sa pag-ibig, pangiti ri’t walang hapis na sinta’y nagsulit.” Masasalamin sa
pahayag na ito na:
A. Si Donya Maria ay larawan ng ilang kabataang babae sa kasalukuyan na gagawin o titiisin ang lahat para
sa kaniyang taong minamahal kahit pa ito ay pagsuway sa kagustuhan ng magulang.
B. Si Donya Maria ay larawan ng kabataang babae sa kasalukuyang nakararanas ng luha at pait dahil sa
pagkabigo sa pag -ibig.
C. Si Donya Maria ay larawan ng kabataang babae sa kasalukuyan na laging taglay ang kasiyahan dahil sa
puso nila’y naghahari ang tunay na pag-ibig.
D. Si Donya Maria ay larawan ng kabataang babae na mahina pagdating sa pag-ibig.

30. “Nilapitan ang matanda buong suyong napaawa, siya nama’y kinalinga’t dininig sa ninanasa.” Masasalamin sa
pahayang na ito ang katotohanang:
A. Ang pagtulong sa matanda ay isang gawaing dapat panatilihin ng kabataang Pilipino sa kasalukuyan.
B. Ang pagtulong ay huwag nating limutin pagkat kung ano ang itinanim ay siya ring aanihin.
C. Walang tao ang maaaring mabuhay nang mag-isa, darating ang araw na ating kakailanganin ang tulong ng
iba lalo na sa panahon ng trahedya.
D. Ang pagtulong sa kapwa ay maganda nang tayo’y kasiyahan ng Maykapal.

31. “Hindi mo ba nababatid, Don Juan kong iniibig, itong lilo mong kapatid sa ayaw ay namimilit.” Ipinahihiwatig ng
pahayag na sa ating lipunan ay may mga:
A. Taong taksil sa pag-ibig na madaling makalimot sa sinumpang pag-ibig.
B. Taong labis na makulit o mapalit na kahit na mali ay patuloy pa ring igigiit ang kanyang nais.
C. Taong taksil o mandaraya na kahit mali ay gagawin makamit lamang ang kanilang hangarin.
D. Taong namimilit sa taong hindi naman siya mahal o gusto

32. “Sila nga’y naging talunan nadaig sa karunungan ng haring aking magulang bato ang kinahangganan.”
Ipinahihiwatig ng pahayag na ito na:
A. Gaya ni Haring Salermo ang mga taong nasa posisyon lalo na at mayaman minsan ay nagiging mapang-
abuso sa kapangyarihan.
B. Gaya ni Haring Salermo nagagamit ng mga taong nasa posisyon ang kanilang kapangyarihan upang
maparusahan ang mga taong sumusuway sa kanila.
C. Gaya ni Haring Salermo maaaring gawin ng taong nasa kapangyarihan ang anumang maibigan niya kahit
pa ito ay nangangahulugang pagkasawi ng kanyang kapwa.
D. Gaya ni Haring Salermo na maaaring gawin ng taong nasa kapangyarihan ang tama at patas na
magpapatupad ng batas sa kanyang nasasakupan.

Aytem 33-35: Panuto: Punan ang talahanayan ng angkop na mga salita sa pamamagitan ng pagbuo ng iba’t ibang
anyo o kayarian ng salita mula sa salitang-ugat na nakatala sa bawat bilang.

Salitang-ugat Maylapi Inuulit Tambalan

Palad

Gutom

Lipad

Aytem 36-40: Isaayos ang bilin ng ermitanyo kay Don Juan upang mahuli ang Ibong Adarna . Lagyan ng bilang 1
hanggang 5 ang patlang.
__________36. Pigaan ng dayap ang palad na sinugatan.
__________37. Itali ng gintong sintas ang Adarna kapag ito’y nag-aalpas .
__________38.Sugatan ang palad ng labaha sa bawat kantang mapakinggan sa ibon.
__________39. Iwasang mapatakan ng dumi ng Adarna kapag ito ay nagbawas na.
__________40. Dalhin ang labaha’t pitong dayap na hinog.
Republika ng Pilipinas
Rehiyon XI
KAGAWARAN NG EDUKASYON
SANGAY NG DAVAO DEL NORTE
PANDIBISYONG PAGSUSULIT SA FILIPINO G-7
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT
TALAHANAYAN NG ESPESIPIKASYON
TAONG PANURUAN 2018 – 2019

MADALI KATAMTAMAN MAHIRAP

Pagwawasto
AYTEM

Susi sa
Pagbubuod
Kaalaman

Paglalapat

Pagsusuri

Pagtataya
unawa
Pag-
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
1 B
Natutukoy ang mahahalagang detalye at mensahe ng 2 A
napakinggang bahagi ng akda . 3 C
4 B
5 B
Naibabahagi ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag- 6 C
aaral ng ibong Adarna. 7 D
8 B
9 C
nabibigyang- linaw o kahulugan ang mga di - pamilyar na salita 10 E
mula sa akda. 11 D
12 A
13 X
Natutukoy ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng mga 14 /
suliraning panlipunan na dapat mabigyang solusyon. 15 /
16 X
17 /
18 B
Naibabahagi ang sariling damdamin at saloobin sa damdamin 19 C
ng tauhan sa napakinggang bahagi ng akda. 20 B
21 A
22 B
23 A
24 A
Nasusuri ang mga katangian at papel na ginagampanan ng 25 B
pangunahing tauhan at mga pantulong na tauhan. 26 C
27 C
28 A
Natutukoy ang napapanahong isyung may kaugnayan sa 29 A
mga isyung tinalakay sa napakinggang bahagi ng akda. 30 A
31 B
32 C
Nabubuo ang iba’t ibang anyo ng salita sa pamaamagitan ng 33
paglalapi, pag-uulit at pagtatambal 34
35
Nahihinuha ang maaaring mangyari sa tauhan batay sa 36 3
napakinggang bahagi ng akda. 37 5
38 2
39 4
40 1

33-35
Salitang- Ugat Maylapi inuulit tambalan
33. Palad Mapalad mapapalad Bukas-palad
34. Gutom Nagutom nagugutom Patay-gutom
35. lipad Nilipad lilipad Lipad-hangin

You might also like