Professional Documents
Culture Documents
ANTAS NG WIKA
- Nahahati ang antas ng wika sa dalawa: Pormal at Di-pormal at sa loob ng bawat isa ay
may iba pang antas. Sa Pormal, nariyan ang pambansa, pampanitikan at Teknikal.
Samantala ang mga Di-pormal naman ay lalawiganin, kolokyal at balbal.
1. Pormal – Wikang ginagamit sa mga seryosong publikasyon, tulad ng mga aklat, mga panulat
na akademiko o teknikal, at mga sanaysay sa mga paaralan. Ito ay impersonal, obhetibo,
eksakto, at tiyak. Ito ay gumagamit ng bokabularyong mas komplikado kaysa sa ginagamit sa
pang-araw-araw na usapan. Gumagamit din ito ng mga pangungusap na binubuo ayon sa mga
panuntunang gramatikal.
2. Di-Pormal – Wikang ginagamit ng karamihang tao araw-araw. Simple lang ang bokabularyo
nito at ang mga pangungusap nito ay maiigsi lamang. Tinatanggap dito ang tonong
kumberseysyonal at ang paggamit ng mgapanghalip na “ako” at “mo.” Hindi ito mahigpit sa
tamang paggamit ng dinrin, daw-raw, kaunti-konti, atbp. Ang mga artikulo at kolum sa mga
diyaryo na parang nakikipag-usap lamang sa mambabasa ay kadalasang gumagamit ng mga
wikang di-pormal. Ito rin ang mga wikang ginagamit sa pagsulat sa
mga kaibigan. Halimbawa nito ay ang salitang balbal tumutukoy sa kataga o pariralang likha o
hiram sa ibang wika na karaniwang ginagamit ng mga mababa ang katayuan sa buhay. Kung
ito’y hiram, binabago ang anyo nito upang maiakma sa paggamit.