You are on page 1of 4

FILIPINO

IKASAMPUNG BAITANG

UNANG MARKAHAN – MODYUL 1

HUCKLEBERRY MONTESSORI SCHOOL INC.


Ang Wika bilang Sangkap sa Pakikipagtalastasan
Wika ang kasangkapan sa palkikipagtalastasan, sa pasulat o sa pasalitang
paraan man. Mahalaga na matutuhan ang paggamit nito. Maging sa pagbuong ng
parabula, wika ang ginagamit. Mahalagang maunawaan na isa ito sa mga biyayang
ipinagkaloob ng Diyos sa tao. Dahil sa wika kaya nagkakaunawaan at nagkakalapit ang
mga tao sa daigdig.

Katangian ng Wika

Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinasaayos sa


paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay hinuhugisan/ binibigyan ng makabuluhang
simbolo at pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa pagbuo ng mga
kaisipan.

Hindi magiging normal ang buhay ng tao kung walang wika. Kasangkapan niya
ito sa pakikipag-usap. Kung ang tao ay may katangiang mahusay sa pagsasalita, gayon
din ang wika, ito ay nagtataglay ng mga katangian.

1. Ang wika ay dinamiko/buhay. Dahil sa buhay at dinamiko ang wika kaya


patuloy itong umuunlad, dumarami, at nadaragdagan.
2. Ang wika ay may lebel o antas. Ito ay may kinalaman sa sumusunod:
a. Pormal na salita - ay yaong ginagamit sa mga seryosong
publikasyon tulad ng aklat, mga panulat na akademiko o teknikal, at
mga sanaysay sa mga paaralan. Ito ay ang mga salitang
gumagamit ng mga bokabularyong mas komplikado kaysa sa
ginagamit sa pang-araw-araw na usapan.
b. Impormal na salita - ay ang wikang ginagamit ng karaniwang tao sa
kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Simple lamang ang
bokabularyo nito at ang mga pangungusap ay maiikli lamang

Antas ng Wika

(1) Pabalbal ay ang pinakamababang antas ng wika. Ito ay mga


salitang panlansangan.
Mga halimbawa:
 Binilhan ako ni Ermat ng bagong cell phone. (ina)
 Takbo na! Nariyan na ang mga parak. (pulis)
(2) Lalawiganin - ay mga salitang ginagamit sa isang partikular na
lalawigan.
Mga halimbawa:
 Yumao na ang aking ama. (namatay)
 Nakagat siya ng guyam kaya kinakamot niya ang kanyang
paa. (langgam)
(3) Pambansa- ay ang wikang ginagamit sa pagtuturo, sa pamahalaan,
at sa pagbabalangkas ng mga batas.
Mga halimbawa:
 Ang edukasyon ay mahalaga sa bawat isa sa atin.
 Ang tahanan ay puno ng saya kapag sama-sama ang
pamilya.
(4) Lingua franca - ay ang wikang pangkaraniwang ginagamit ng mga
taong may unang wikang kinagisnan.
Mga halimbawa:
Hiligaynon (para sa mga taga-Panay, Iloilo, Aklan, Antique, Capiz)
Ilocano (para sa mga taga-Rehiyon 1 at 2)
Ingles (pangalawang wika ng mga Pilipino/ibang bansa sa mundo)
 Maglakat ka na ba? (Aalis ka na?)
 Mangan tayon. (Kain na tayo.)
(5) Kolokyal- ay ang wikang karaniwang ginagamit sa pakikipag-usap
sa tahanan, lansangan, pasyalan, o tambayan.
Mga halimbawa:
 Nagpa-xerox ako ng mga papeles.
 Si Jean ay nagseminar tungkol sa estratehiya ng pagtuturo.
(6) Pampanitikan - ay ang wikang karaniwang gamit ng mga
manunulat sa akdang pampanitikan. Ito ay karaniwang masining
matalinghaga, at matayog.
Mga halimbawa:
 Maulap ang kanyang kinabukasan.
 Ang ningning ng iyong mga mata ay tulad ng isang tala sa
kalangitan.
3. Ang wika ay komunikasyon. Ang tunay na wika ay wikang sinasalita; ang
wikang pasulat ay paglalarawan lamang ng wikang sinasalita. Gamit ito sa
pagbuo ng pangungusap. Walang pangungusap kung walang salita. Sa
pagsasama-sama ng mga salita nabubuo ang pangungusap. Ginagamit ang wika
bilang bahagi ng pananalita.
4. Ang wika ay malikhain at natatangi. Ang bawat wika ay may kaibahan sa
ibang wika.
5. Ang wika at kultura ay magkabuhol at hindi maaaring paghiwalayin.
Sinasalamin ng wika ang kultura ng mga taong bumubuo at gumagamit nito, sa
madaling salita, walang wika kung walang kultura at wala ring kultura kung
walang wika.
6. Ang wika ay gamit sa lahat ng uri ng disiplina propesyon. Ang bawat
disiplina at bawat propesyon ay may partikular na talasalitaang ginagamit.

GAWAIN 1

Panuto: Tukuyin kung anong antas ng wika ang salitang may salungguhit sa bawat
pangungusap. Piliin sa loob ng kahon ang titik ng tamang sagot.

a. Pabalbal b. Pambansa c. lalawiganin


d. kolokyal e. lingua franca f. pampanitikan

1. Sa lungsod ng Baguio ay may tinatawag na night market.

2. Umuwi ka na sa bahay bago ka pa abutan ni Erpat dito sa lansangan.

3. Ang ilaw ng tahanan ang siyang nag-aaruga sa mga anak at gumagawa ng mga
gawaing bahay.

4. Hindi na mapigilan si Juan sa kanyang pagyoyosi.

5. Ang kalangitan ay natatanaw niya kahit sa kanyang panaginip.

6. Natagpuan namin siya sa kalye na wala nang malay.

7. Ang pilosopiyang kanyang sinusunod ay matatag.

8. Abot-langit ang kanyang pasasalamat sa lalaking tumulong sa kanya.

9. Ang babaeng ito ay tunay na maganda.

10. Magluluto ako ng macaroni salad para sa aking anak.

You might also like