You are on page 1of 4

Pangalan: ________________________________ Iskor: __________________

Pangkat: ___________________ Petsa: _________________

Kuwento 63: Ang Matalinong si Haring Solomon


1 Hari 3:3-28; 4:29-34

[1] Nagbibinata pa lamang si Solomon nang siya’y maghari (tagaganap). Mahal niya si
Jehova at sinusunod niya ang payo ng tatay niyang si David (layon). Natuwa si Jehova
(tagaganap) kay Solomon. Isang gabi, sinabi niya sa kaniya sa panaginip: ‘Solomon, ano ang gusto
mong ibigay ko sa iyo?’

[2] Sumagot si Solomon: ‘Jehova aking Diyos, batang-bata pa ako at hindi ako marunong
maghari (tagaganap). Kaya bigyan ninyo ako ng talino para mapagharian ko ang inyong bayan sa
tamang paraan.’

[3] Natuwa si Jehova sa hiling ni Solomon. Kaya sinabi Niya: ‘Dahil sa humingi ka ng
karunungan at hindi ng mahabang buhay o kayamanan, gagawin kitang mas marunong kaysa
sinomang tao na nabuhay. Bibigyan din kita ng kayamanan at karangalan.’

[4] Hindi nagtagal, lumapit kay Solomon ang dalawang babae na may mabigat na
problema. (tagaganap) Sabi ng isa: ‘Nakatira kami sa iisang bahay (tagaganap). Nanganak ako
(tagaganap), at dalawang araw makaraan nanganak din siya (tagaganap). Isang gabi namatay ang
anak niya, pero samantalang natutulog ako, kinuha niya ang aking anak (layon) at iniwan sa akin
ang patay na sanggol.’ (layon)

[5] Sinabi ng ikalawa: ‘Hindi! Ang buhay na bata ay akin, ang patay ay kaniya!’ Nagtalo sila
(Tagaganap). Ano ang gagawin ni Solomon?

[6] Ipinakuha niya ang espada (layon), at sinabi: ‘Hatiin natin ang bata sa dalawa, at bigyan
ang mga babae ng tigkakalahati!’

[7] Ang tunay na ina ay sumigaw (tagaganap): ‘Huwag! Huwag ninyong patayin ang bata!
Ibigay na lang ninyo sa kaniya!’ Pero ang ikalawa ay nagsabi (tagaganap): ‘Sinoman sa amin ay
huwag ninyong bigyan; sige hatiin ninyo ang bata.’

[8] Kaya sinabi ni Solomon: ‘Huwag ninyong patayin ang bata! Ibigay siya sa unang babae.
Siya ang tunay na ina.’ Alam ito ni Solomon kasi mahal-na-mahal ng tunay na ina ang bata kaya
payag siyang ibigay ito sa ikalawang babae huwag lang itong mamatay. Nang mabalitaan ito ng
bayan, tuwang-tuwa sila sa pagkakaroon ng gayon katalinong hari.

[9] Nang si Solomon ang hari, pinagpala ng Diyos ang bayan. Madali nilang nakukuha ang
mga pagkain (layon). Nagsusuot sila ng magagandang damit (tagaganap) at nakatira sila sa
magagandang bahay. Sagana sila.
Pangalan: ________________________________ Iskor: __________________
Pangkat: ___________________ Petsa: _________________

Kuwento 63: Ang Matalinong si Haring Solomon


1 Hari 3:3-28; 4:29-34

[1] Nagbibinata pa lamang si Solomon nang siya’y maghari. Mahal niya si Jehova at sinusunod niya ang payo ng
tatay niyang si David. Natuwa si Jehova kay Solomon. Isang gabi, sinabi niya sa kaniya sa panaginip: ‘Solomon, ano ang
gusto mong ibigay ko sa iyo?’
[2] Sumagot si Solomon: ‘Jehova aking Diyos, batang-bata pa ako at hindi ako marunong maghari. Kaya bigyan
ninyo ako ng talino para mapagharian ko ang inyong bayan sa tamang paraan.’
[3] Natuwa si Jehova sa hiling ni Solomon. Kaya sinabi Niya: ‘Dahil sa humingi ka ng karunungan at hindi ng
mahabang buhay o kayamanan, gagawin kitang mas marunong kaysa sinomang tao na nabuhay. Bibigyan din kita ng
kayamanan at karangalan.’
[4] Hindi nagtagal, lumapit kay Solomon ang dalawang babae na may mabigat na problema. Sabi ng isa:
‘Nakatira kami sa iisang bahay. Nanganak ako at dalawang araw makaraan nanganak din siya. Isang gabi namatay ang
anak niya, pero samantalang natutulog ako, kinuha niya ang aking anak at iniwan sa akin ang patay na sanggol.’

[5] Sinabi ng ikalawa: ‘Hindi! Ang buhay na bata ay akin, ang patay ay kaniya!’ Nagtalo sila. Ano ang gagawin ni
Solomon?
[6] Ipinakuha niya ang espada, at sinabi: ‘Hatiin natin ang bata sa dalawa, at bigyan ang mga babae ng
tigkakalahati!’
[7] Ang tunay na ina ay sumigaw: ‘Huwag! Huwag ninyong patayin ang bata! Ibigay na lang ninyo sa kaniya!’ Pero
ang ikalawa ay nagsabi: ‘Sinoman sa amin ay huwag ninyong bigyan; sige hatiin ninyo ang bata.’
[8] Kaya sinabi ni Solomon: ‘Huwag ninyong patayin ang bata! Ibigay siya sa unang babae. Siya ang tunay na
ina.’ Alam ito ni Solomon kasi mahal-na-mahal ng tunay na ina ang bata kaya payag siyang ibigay ito sa ikalawang babae
huwag lang itong mamatay. Nang mabalitaan ito ng bayan, tuwang-tuwa sila sa pagkakaroon ng gayon katalinong hari.

[9] Nang si Solomon ang hari, pinagpala ng Diyos ang bayan. Madali nilang nakukuha ang mga pagkain.
Nagsusuot sila ng magagandang damit at nakatira sila sa magagandang bahay. Sagana sila.

POKUS SA TAGAGANAP POKUS SA LAYON

You might also like