You are on page 1of 3

Baitang 6

MAKATWIRAN AT PANTAY NA PAGBIBIGAY NG PASIYA

ALAMIN MO

Dito sa bayan natin tila dalawa ang sukatan ng mga tao sa pagpapatupad ng batas. May
batas para sa mayayaman at mayroon naman para sa mahihirap. Sa katunayan, maraming
mahihirap ang nakakulong sa piitan. Kung tutuusin, hindi ito ang dapat umiral sa ating bansa
ngunit ito nga ang mapait na katotohanan.
Sa modyul na ito, binibigyang-katwiran ang pagbibigay ng pantay na pagtingin sa
pagbibigay ng pasiya sa sinumang mamamayan ng mga namumuno at nagpapatakbo ng
pamahalaan.

PAG-ARALAN MO

Basahin ang kuwento na hango sa Bibliya at alamin ang uri ng pagbibigay-pasiya ng


namumuno.

Isang Matalinong Pasiya

Ayon sa banal na aklat, si Haring Solomon ang pinakamatalinong hari na namuno sa


Israel. Kinasisiyahan ang lahat ng kaniyang desisyon at kahatulan sa mga suliranin ng bansa.
Isang araw, dalawang ina ang dumulog sa palasyo at sumangguni kay Haring Solomon
kung sino sa kanilang dalawa ang tunay na ina ng sanggol. Pagkatapos ng mahabang pagtatalo,
nagsalita ang hari.
“Yaman din lamang na hindi kayo magkasundo, ang pasiya ko ay hatiin sa dalawa ang
bata,” paliwanag ng hari sabay bunot ng espada.
Humagulgol ng iyak sa takot ang unang babae at nagpaliwanag.
“Mahal na hari, huwag na po ninyong hatiin ang anak ko. Ipauubaya ko na lang sa
kaniya ang bata,” sabay turo sa ikalawang babae. “Mas mabuting buhay ang anak ko kaysa
mawala siya.”
“Ano naman ang masasabi mo?” tanong ng hari sa ikalawang babae.
“Mahal na Haring Solomon payag po ako sa inyong matalinong desisyon,” ang matigas na tugon
ng kausap.
Pagkatapos marinig ang dalawang panig, ang hari ay nagbitiw ng hatol.

1
“Batay sa aking narinig, ang inang hindi payag hatiin ang kaniyang anak ay may karapatan sa
sanggol. Walang matinong ina ang papayag na mawala ang anak niya,” patuloy ng makapangyarihang
pinuno.

Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.

l. Sino ang dumulog kay Haring Solomon?


2. Ano ang nais ng mga dumulog sa kanya?
3. Patas ba ang ibinigay na hatol ni Haring Solomon? Bakit?
4. Pantay ba ang pagtingin niya sa dalawang babae? Tama ba ang kaniyang hatol? Bakit?
5.Bakit kailangang makatwiran at pantay ang pagtingin sa mamamayan mula sa
nagpapatupad ng batas? Dapat ba itong ipagpatuloy? Bakit?

ISAISIP MO

Sa pagbibigay ng pasiya, hindi tinitingnan ang katayuan sa buhay ng mga taong apektado
kung hind dapat ang pantay na pagtingin sa kanila ang manaig sa lahat ng pagkakataon.

ISAPUSO MO

Isulat sa sagutang kuwaderno ang M kung makatwiran o DM kung di-makatwiran ang


dapat sa patlang ng sumusunod na sitwasyon.

1. Sa kuwentong inyong nabasa si Haring Solomon ay sa ibinigay niyang


desisyon.

2. ang hakbangin ng isang pinuno kung inuuna niya ang kaniyang kamag-anak
kaysa ibang tao.

3. ang ginagawa ng guro kung pinakikinggan muna niya ang lahat ng panig bago
gumawa ng pasiya.

4. ang magsumbong sa guro o sa mga kinauukulan kung may nakitang hindi


tamang mga pangyayari sa loob ng paaralan.

2
ISAGAWA MO

Pag-aralan mo ang sumusunod na kuwento at sikaping gumawa ng tamang solusyon sa


problemang nangyari. Isulat sa kuwaderno ang iyong solusyon.

Ipinatawag ng prinsipal ang guro sa kaniyang opisina. Iniwan ng guro ang klase niya sa
isang mag-aaral. Maya-maya, nagtakbuhan, nag-ingay, at nauwi sa awayan ang ilang bata. Kung
ikaw ang guro, ano ang gagawin mo upang malaman ang puno’t dulo ng gulo.

You might also like