You are on page 1of 52

KAISIPAN TSEK

KA - aalamang
inaasam ay iyong
asahan dahil sa
I - ntegratibong
talakayan tiyak
ikaw ay
masisiyahan
SI - pag at tiyaga
ang magsisilbi
mong panlaban
at
PAN - iguradong
pangarap mo ay
iyong
makakamtan.
Magandang
Umaga
Teacher
Belle
Unang Regalo
“ LIONGO”
( Mitolohiya ng Kenya)

Isinalin sa Filipino
ni
Roderic P. Urgelles
Isinilang si Liongo sa
isa sa pitong bayang nasa
baybaying dagat ng
Kenya. Siya ang
nagmamay-ari ng
karangalan bilang
pinakamahusay na
makata sa kanilang lugar.
Malakas at mataas
din siya tulad ng isang
higante, na hindi
nasusugatan ng ano
mang mga armas.
Ngunit kung siya’y
tatamaan ng karayom sa
kaniyang pusod ay
mamatay siya. Tanging
si Liongo at ang kanyang
inang si Mbwasho ang
nakakaalam nito.
Hari siya ng Ozi at
Ungwana sa Tano
Delta at Shangha sa
Faza o isla ng Pate.
Nagtagumpay siya sa
pananakop ng trono ng
Pate na unang napun-
ta sa kanyang pinsang
si Haring Ahmad na
kinikilalang kauna-
unahang namuno sa
Islam.
Nais ni Haring Ahmad
na mawala si Liongo
kaya ikinadena at iki-
nulong siya nito.
Nakaisip si Liongo ng
isang pagpupuri. Habang
ang parirala nito ay
inaawit ng mga nasa
labas ng bilangguan,
bigla siyang nakahu-
lagpos sa tanikala ng
hindi nakikita ng bantay.
Nang makita ito ng mga
tao, tumigil sila sa pag-
awit. Tumakas siya at
nanirahan sa Watwa
kasama ang mga taong
naninirahan sa
kagubatan.
Nagsanay siyang mabuti
sa paghawak ng busog at
palaso na kalaunan ay
nanalo siya sa
paligsahan ng pagpana.
Ito pala ay pakana ng
hari upang muli siyang
madakip at muli na
naman siyang nakatakas.
Kakaunti lamang ang
nakakakaalam
tungkol sa
matagumpay na
pagwawagi ni Liongo
sa digmaaan laban
sa mga Gala.
Kaya naibigay ng hari ang
kanyang anak na dalaga
upang ang bayaning
si Liongo ay mapabilang
sa kaniyang pamilya.
Nang lumaon si Liongo ay
nagkaanak ng isang lalaki
na nagtraydor at
pumatay sa kanya.
1.Sino ang pangunahing tauhan
sa akda? Ano-ano ang kanyang
mga katangian?
2. Ano ang naging suliranin ng
pangunahing tauhan sa akda?
3. Ano ang naging kilos at
gawi ni Liongo?
4. Tama ba ang naging desisyon
ni Liongo na sakupin ang
kaharian ni Haring Ahmad ?
Patunayan.
5. Ano ang kaisipang nais
ipabatid ng akda?
Ikalawang Regalo
Ang Mitolohiya ay pag-aaral ng
mga mito na ang karaniwang
tinalakay ay mga Diyos at Diyosa
at iba’t ibang mga maligno.
Maaaring suriin ang kaisipang na-
kapaloob sa mitolohiya batay sa
suliranin ng akda, kilos at gawi ng
tauhan at desisyon ng tauhan.
Suliranin ng Akda - ito ay ang
mga problemang kinakaharap ng
mga tauhan sa kuwento. Ito ang
nagbibigay daan upang magkaroon
ng kulay at kawili-wiling mga
pangyayari sa kuwento.
Kilos (Action) - kasingkahulugan
ng gawa o paggawa, aktwal na
kasanayan o pagsasabuhay. Ang
mga adhikain motibo, iniisip at
pagpapahalaga ay makikita sa
mismong ikinikilos at ginagawa.
Tandaan:

Kapag mali ang motibo ay mali


rin ang magiging kilos.
Gawi (habit) - tumutukoy sa pang-
araw-araw na nakasanayan ng isang
tao o grupo ng mga tao. Sa tagal o sa
dami ng mga gumagawa ay maaaring
maisama na sa kultura at tradisyon ng
mga tao sa isang lugar.
Pagpili o Desisyon - ay maituturing
bilang isang prosesong mental
(prosesong kognitibo) na
nagreresulta sa pagpili ng isang
kurso ng kilos mula sa ilang mga
kapalit o alternatibong mga eksena.
1. Ano ang
Mitolohiya?
2. Paano mo
maipapa-
kita sa ibang tao ang
iyong motibo, iniisip
at
adhikain?
3. Paano mo maiiwa-
sang magkaroon ng
maling desisyon sa
iyong buhay?
IKATLONG REGALO
Panoorin ang bidyong hango sa
youtube na
pinamagatang “Masha at
Mashyana:Mito ng
Paglikha. Pagkatapos ay suriin
ang mga kaisipang nakapaloob
rito.
Ikaapat na Regalo
Pangkatang Gawain
Unang Pangkat:
Suriin ang kaisipang nakapaloob
sa Masha at Mashayana batay sa
suliranin sa akda, kilos at gawi ng
tauhan at desisyon ng tauhan sa
pamamagitan ng concept map.
Pangalawang Pangkat:
Kung kayo ay magkakaroon ng
kapangyarihan , anong bagay/mga
bagay ang nais niyong likhain.
Gawin ito sa pamamagitan ng
pagsulat ng isang talata.
Presentasyon 4
puntos
Nilalaman 4
puntos
Partisipasyon 2
puntos

Kabuuan 10
puntos
Ikalimang Regalo
1. Ang pinakamatinding suliranin na dumating
sa aking buhay ay_________________.
2. Ang kilos at gawi na aking nakasanayan habang hinaharap
ko ang mga suliraning ito ay
_________________.
3. Napag-isip-isip ko at napagdesisyunan ko na ____________.
4. Ang natutunan ko sa bahaging ito ng buhay ko ay
____________.
Natutunan ko na_____________.

Napagtanto ko na______________

Kailangan ko pang malaman na______.

You might also like