You are on page 1of 13

Liongo (Mitolohiya mula sa Kenya)

1.Pagkilala sa May-akda
Ang mitong ito ay matanda na at dahil dito ay hindi na
nalaman kung sino ba talaga ang tunay na sumulat o may-
akda nito. Ito ay naging pagmamay-ari na ng mga tao.Si
Roderic P. Urgelles ang nagsalin ng Liongo sa wikang
filipino. Ang pagsasaling wika ay isang napakahalagang
bagay upang lubusang maipaintindi ang isang ideya sa
isang nagsasalita ng ibang wika.Isinalin niya ito marahil mas
madali nating maiintindihan ang kwento kung ito ay
mababasa natin sa ating wika.Madali nating malaman kung
ano ba talaga ang nais iparating ng akda.
2.Uri ng Panitikan
Ang Liongo ay isang uri ng mito.Ang mitolohiya ay
pag-aaral sa mga mito at alamat. Ito ay nagpasalin-
salin sa bibig ng mga tao. Ang klasikal na mitolohiya
ay naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan
na sinasamba ng sinaunang tao. Kahit hindi kapani-
paniwala, ito ay itinuturing na banal at totoong
naganap. Ang mito ay kabilang sa kuwentong-bayan
ng Pilipinas.Ang kalimitang paksa nito ay tungkol sa
simula ng daigdig, mga unang lalaki at babae, at
pinagmulan ng araw at gabi.
3.Layunin ng Akda

Ang layunin ng akda ay magbigay


kaalaman patungkol sa kanilang
mga kultura at tradisyon.
Naglalayon din itong magbigay aral
at aliw sa mga mambabasa nito.
4.Tema/Paksa ng Akda
Ang tema o paksa ng akda ay maihahalintulad din sa ibang
mga kwento na atin ng nabasa. Patungkol sa isang lalaki na
itinuturing na bayani ng mga tao dahil sa angking laki at
lakas niya. Ito tungkol kay Liongo sa kanyang buhay at iba't
ibang pagsubok na kanyang kinaharap kung paano niya ito
nilagpasan.
5.Mga Tauhan/ Karakter sa Akda

• Liongo - Siya ay malakas at kasintaas ng isang higante.


Bayani ng mga mamamayang Swahili at Pokonio sa silangan
ng Kenya.
• Mbwasho - Siya ang ina ni Liongo.
• Sultan Ahmad - Siya ang pinsan ni Liongo at hinirang na
bagong hari ng Pate.
• Watwat - Sila ang mga nananahan sa kagubatan.
6.Tagpuan/Panahon

• Sinaunang sibilisasyon ng bansang Kenya - Dahil ang


Liongo ay isang uri ng mito, maari nating sabihin na ito ay
naganap noong unang panahon o noong unang sibilisasyon
ng Kenya.
• Kenya -Isa sa pitong bayan sa baybayin nito ang
pinagmulan ni Liongo.
• Ozi at Ungwana -Ilang mga lupain na pinaghaharian ni
Liongo na matatagpuan sa Tana Delta.
• Shanga sa Fosa -o Isla ng Pate lupain na sakop rin ni
Liongo.
• Bilangguan -pinagkulungan kay Liongo
• Kagubatan -tinirhan ni Liongo pagkatapos makatakas
kasama niya dito ang mga Watwa.
7.Nilalaman/ Balangkas ng mga Pangyayari
• Simula- May isang sanggol na lalaki ang ipinanganak sa pitong bayan
sa baybayin ng Kenya. Siya ay may natatanging lakas at may isang
lihim na kahinaan. Saglit na kasiglahan- Ito ay ang pagiging hari ni
Liongo ngunit isang araw ay pinalitan siya ng kanyang pinsan na si
Sultan Ahmad. Tunggalian- ( tunggaliang tao laban sa tao ) nang si
Liongo ay ibinilanggo at ikinadena ng kanyang pinsang si Haring
Ahmad dahil nais niya na mawala ito. Kasukdulan- nang si Liongo ay
nakakulong inawit ng mga tao sa labas ng bilangguan ang kanyang
mga kanta dahil sa ingay ay nakalag ang mga tanikala niya.Kaya
naman siya ay nakatakas at nanirahan sa kagubatan at nagsanay.
Kakalasan- nang si Liongo ay nagtagumpay sa isang paligsahan kung
saan ang hari nito ay nagpasyang ipakasal ang kanyang anak na babae
kay Liongo upang mapabilang ang bayani sa kaniyang pamilya. Wakas-
Si Liongo ay nagkaroon ng anak na lalaki na kalaunan ay nagtaksil at
pumatay sa kaniya.
8.Mga Kaisipan o Ideyang Taglay ng Akda

Ang mga kaisipan o ideyang taglay ng akda ay


kakaiba. Ito ay nagbibigay aral tulad ng "huwag
agad-agad magtitiwala",
" mayroon talagang mga tao na ayaw o galit sayo",
"kahit kadugo mo ay maaari ka paring traydurin.“
Ito ay may kakaibang pagtatapos na hindi
karaniwang maiisip ng mga mambabasa.
9.Istilo ng Pagkakasulat ng Akda/ Teoryang
Pampanitikan

• Teoryang Klasismo
-ito ay dahil ang kwento ng akdang Liongo ay
ang tipikal na kwento ng mga bayani na
malakas at hindi madaling masugatan. Ang
ganitong mga istorya ay hindi kailanman
naluluma o nalalaos.
• Teoryang Realismo

-ito ay dahil sa akdang ito ginamit ng kanyang


pinsang si Haring Ahmad ang kanyang
kapangyarihan upang ipadakip si Liongo.Ang
ganitong mga pangyayari ay totoong
nagaganap. Maraming may mga kapangyarihan
ang inaabuso ang kanilang lakas.
• Buod
• Isa sa pitong bayan na nasa baybayin ng Kenya ay
isinilang si Liongo. Siya ay may angking lakas at mataas
din siya tulad ng isang higante na hindi natitinag ng ano
mang armas. Sa likod ng kanyang laki, ang kahinaan niya
na tanging siya at ang kanyang ina lamang na si Mbwasho
ang nakaaalam na kapag itinurok ang karayom sa kaniyang
pusod siya ay mamamatay. Naging hari si Liongo ng Ozi at
Ungwana sa Tana Delta, at Shangha sa Faza o isla ng Pate
Nais ni Haring Ahmad na mawala si Liongo kaya ikinadena at
ikinulong niya ito. Nakaisip si Lionggo ng isang pagpupuri.
Habang ang parirala nito ay inawit ng mga nasa labas ng
bilangguan, bigla siyang nakahulagpos sa tanikala na hindi
nakikita ng bantay. Nang makita ito ng mga tao, tumigil sila
sa pag-awit. Tumakas siya at piniling mananirahan nalamang
kasama ang mga Watwa, mga naninirahan sa kagubatan.
Nagsanay siya ng mabuti sa paghawak ng busog at palaso
na kinalaunan ay nanalo siya sa paligsahan ng pagpana. Ito
pala’y pakana ng hari upang siya ay madakip ngunit muli na
naman siyang nakatakas.
Kakaunti lang ang nakaaalam tungkol sa matagumpay na
pagwawagi ni Liongo sa digmaan laban sa mga Galla
(Wagala). Kaya naibigay ng hari ang kaniyang anak na
dalaga upang ang bayaning si Liongo ay mapabilang sa
kaniyang pamilya. Nagka-anak si Liongo ng isang lalaki na
kalaunan ay nagtraydor sakanya at pumatay.

You might also like