You are on page 1of 11

KABANATA 25

Tawanan at Iyakan

SULIRANIN:

Ang suliranin na aming nakita sa kabanatang ito ay mayroong mga taong naghahangad ng
ikasasama ng buhay natin. Hindi lahat ng tao ay hangad ang ikabubuti ng kanilang kapwa
sapagkat ang iba ay tanging sarili lamang ang kanilang iniisip. Kung kaya't maging maingat
at mapagmatyag sa paligid. Isa pa, makikita sa kabanatang ito na ang mga kastila lamang ang
nakararanas ng kasiyahan. Samantala ang mga Pilipino ay patuloy na nagdurusa sa
pamahalaang Espanyol.

SOLUSYON:

Napakaraming pinagdaanan ang ating mga kababayan noong sinaunang panahon upang
maipaglaban ang ating karapatan at maging malaya sa ating sariling bayan. Maraming tao ang
naniniwala sa kagandahang dulot ng mga kastila sapagkat sila'y natatakot na baka sila ang
pagtuunan ng pansin at ipatapon. Hindi lahat ng mga Pilipino noon ay pabor sa sistemang
kastila sapagkat napakarami ang nadadawit ang ginagawang alipin kung kaya't sila ay
nanindig upang ipaglaban ang ating kalayaan. Sa kasalukuyan mayrooon pading mga tao na
gagawa ng paraan upang tayo'y hadlangan sa ating nais na makamit kung kaya't tayo ay
maging mapagmatyag at maingat sa ating mga gagawin.:
KABANATA 26
Mga Paskin

SULIRANIN:

Kung hindi tuwid ang pamamalakad ng pamahalaan, hindi maiiwasan ang pagproprotesta ng
mga mamamayan. Ang suliranin na aming nakita sa kabanata na ito ay ang tagilid na
pamamalakad ng pamahalaan, ang mga taong siyang may katungkulan at pwesto lipunan ay
walang ibang ginawa kundi gawing alipin ang kaniyang mga mamamayan sa sarili nilang
bayan. Kung kaya't ang mga paskin na idinikit sa mga pader ng paaralan ay siyang nag udyok
sa mga kabataan na makita ang totoong nagyayari sa kanilang lipunan at matutong lumaban
para sa kanilang bayan.

SOLUSYON:

Pakinggan ang mga hinaing ng mga mamamayan. Ito ay makakatulong upang mapaunlad ang
ating bansa. Bigyang pansin ang problema at pangangailangan ng mga mamamayan, huwag
magbulag bulagan sa nangyayari sa ating kapaligiran. Tandaan na ang mamamayan ay siyang
yaman ng bayan at tungkulin ng mga namumuno na paunlarin ang bayan na kaniyang
pinamumunuan hindi yaong gamitin ang kaniyang katungkulan para sa sarili lamang.
KABANATA 27
Ang Prayle at mga Pilipino

SULIRANIN:

Ang hindi pagtupad ng mga prayle sa kanilang tungkulin at ang paniniwalang hindi lahat ng
mga mag-aaral ay kailangang matuto. Ang mga prayle sa kabanatang ito ay maihahalintulad
sa mga taong may mataas na katungkulan at bias sa mga tao. Noon, ang mga taong angat sa
buhay ay siyang may oportunidad na makapag-aral sa magagarang paaralan at siyang dapat
na matuto. Nababalutan ng kasinungalingan si Padre Fernandez dahil ang lumalabas sa
kaniyang bibig ay pawang walang katotohanan at hindi marunong tumupad sa usapan.
Kasamaan ang nangibabaw sa kaniya dahil sa hindi magandang ipinakita kay Isagani.

SOLUSYON:

Ang lahat ng mag-aaral ay mayroong karapatang matuto. Maaaring makuha ang pagkapantay
pantay at karapatan ng mga mag-aaral kung ang mga taong siyang namumuno ang
manguguna para sa pagbabagong ito. Ang mga may katungkulan ang siyang dapay gumawa
ng aksyon at magpakita ng pagbabago at pagkapantay-pantay ng bawat tao.
KABANATA 28
Ang mga katatakutan

SULIRANIN:

Sa panahon natin ngayon, mabilis nang kumalat ang mga tsismis, ngunit nakasisigurado ka
bang tama ang nakalap mong impormasyon? Maituturing na din na sakit ng lipunan ang
pagkakakalat ng maling impormasyon sapagkat isa ito sa nagiging sanhi ng hindi
pagkakaunawaan at gulo. Ang suliranin na aming nakita sa kabanatang ito ay ang pagkakalat
ng nakababahalang balita na siyang naging rason upang katakutan at pangambahan ng
nakakarami.

SOLUSYON:

Huwag maniniwala agad sa mga tsismis. Magsagawa muna ng pagsasaliksik upang hindi
mapahamak. Isa pa, piliin din ang tamang panahon sa pagpapahayag ng mga di kanais nais na
balita. Iba iba ang sensitivity ng mga tao kung kaya't ating suriin muna kung ano ang
kalagayan at kung mayroong man pinagdadaanan ang tao sapagakat maaring makasama ito sa
kaniyang kalagayan. Hindi naman masama na sabihin sa tao ang realidad, nakabubuti nga ito
upang mabuksan ang kanilang isipan at matutong tangggapin ang mga pangyayaring di
inaasahan.

KABANATA 29
Mga huling salita tungkol kay Kapitan Tiago

SULIRANIN:

Ang suliraning aming nakita sa kabanatang ito ay ang hindi paggalang sa namayapang tao at
ang pangungupit. Aming naobserbahan na nagtatalo ang mga tao kung ano nga ba ang dapat
suutin ni Kapitan Tiyago. Isa pa, tila parang hindi makatotohanan ang mga sinabi na habilin
at pagtatalaga ng mga naiwang ari-arian ng Kapitan. Sapagkat karamihan dito ay mapupunta
umano sa pamahalaan at binawi ang para kay Basilio.

SOLUSYON:

Bigyang galang ang mga namayapa na, huwag nang ungkatin pa ang kasalanang at
pagkakamali na kaniyang ginawa noong ito'y buhay pa. Maging tapat at huwag ang sarili
lamang ang isipin maging kuntento kung ano man ang mayroon ka.
KABANATA 30
Si Huli

SULIRANIN:

Naniniwala ako na ang utang na loob ay ang utang na pinakamahirap na mabayaran. Ngunit
huwag naman nating pagsamantalahan ang ating kapwa upang masuklian lang ang
kabutihang nagawa natin sa kanila. Ang pagbibigay ng tulong ay hindi dapat nanghihingi o
umaasa na ito'y mayroong kapalit. Isa pa, ang paggawa ng mga di kanais nais sa kapwa lalo
na sa kababaihan ay parang pambabastos na rin sa iyong Ina.

SOLUSYON

Mag talaga ng hangganan sa paggawa ng mga kilos. Kung pakiramdam mo ay mali na ang
mga nangyayari at alam mong ikapapahamak mo ay huwag ka nang tumuloy. Maraming
paraan ang pwedeng gawin, huwag mong hayaang tapakan at pagsamantalahan ang iyong
kahinaan. Maaaring rin na magsampa ng kaso sa sinumang lalabag sa R. A. 8353 o tinatawag
na Anti-Rape Law of 1997

KABANATA 31
Ang Mataas na Kawani

SULIRANIN:

Noon pa man at hanggang ngayon ay talamak na ang mga tiwali sa pamahalaan na walang
ibang ginawa kundi gamitin ang kanilang kapangyarihan para sa kanilang sariling interes
lamang. Ang suliraning aming nakita sa kabanatang ito ay ang hindi maayos na paggamit ng
kapangyarihan. Ang Kapitan Heneral ay nakinig sa mga sinasabi ng mga prayle at hindi
pinakikinggan ang saloobin ng mataas na kawani na wala namang ibang hangad kundi ang
kabutihan ng mga mag-aaral.

SOLUSYON:

Ang solusyon na aming nakikita sa suliraning ito ay huwag mag bulag bulagan sa mga
nangyayari sa ating kapaligiran. Buksan ang mga mata at isipan sa realidad na nangyayari sa
ating lipunan. Sibakin sa pwesto ang sinumang hindi tumupad sa kanilang tungkulin. Ang
huwag hayaang gawin kang alipin sa sarili mong bayan.
KABANATA 32
Ang mga Ibinunga ng Paskil

SULIRANIN:

Ang suliranin na aming nakita sa kabanatang ito ay maraming estudyante ang natigil sa pag-
aaral dahil bumagsak sila sa eksamin. Sa kabanatang ito ay makikita ang pangamba ng mga
magulang sa kanilang mga anak. Dahil sa mga pangamba na ito, minabuti ng ilang mga
magulang na huwag ng pag - aralin ang kanilang mga anak. Inisip nila na mas mainam na ang
manatiling walang alam ang kanilang mga anak kaysa madawit sa mga kaguluhan ng
pagkakaroon ng higit na karunungan. Kaya naman, nananatiling mangmang ang mga
kabataan noon dahil sa takot na kapag sila ay natuto ay lalaban sila sa kanilang mga
magulang.

SOLUSYON:

Ang edukasyon ay ang yaman na hindi mananakaw nino man. Ang karunungan at edukasyon
ay siyang isa sa magiging solusyon sa mga isyung ating kinakaharap. Kung ika'y mayroong
pinag-aralan ay hindi tayo matatapakan ng mga taong mataas ang tingin sa sarili. Isa rin ang
edukasyon ay pinakamagandang regalo sa iyong magulang at sarili kung kaya'y huwag
hayaang hadlangan ang pag-aaral at pagkakaroon ng bagong kaalaman. Ngunit gamitin ang
mga karunungang ito sa magandang paraan hindi para lamang manlamang sa kapwa sapagkat
ang pagiging mataas ang tingin sa sarili ay magmumukha kang mangmang.

You might also like