You are on page 1of 4

Stephen Cliford Tubaa

Ipinanganak si Samson

[1]Muling gumawa ng kasamaan ang mga Israelita laban kay Yahweh kaya sila'y
hinayaan niyang masakop ng mga Filisteo sa loob ng apatnapung taon. [2]Nang panahong iyon,
sa bayan ng Zora ay may isang lalaking nagngangalang Manoa na kabilang sa lipi ni Dan. Ang
asawa niya ay hindi magkaanak sapagkat ito'y baog. [3]Minsan, nagpakita sa babae ang anghel ni
Yahweh at sinabi, Hindi ka pa nagkakaanak. Ngunit hindi magtatagal, maglilihi ka at
manganganak. [4]Kaya, mula ngayon ay huwag kang iinom ng anumang uri ng alak ni titikim ng
anumang ipinagbabawal na pagkain. [5]Kapag naisilang mo na ang iyong anak na lalaki, huwag
mo siyang puputulan ng buhok sapagkat mula pa sa kanyang pagsilang ay ilalaan na siya sa
Diyos bilang isang Nazareo. Siya ang magsisimulang magligtas sa Israel mula sa mga Filisteo.
[6]Lumapit ang babae sa kanyang asawa at sinabi, Nagpakita sa akin ang isang lingkod ng
Diyos, at ang hitsura niya'y kakila-kilabot na parang anghel ng Diyos. Hindi ko tinanong kung
saan siya galing at hindi naman niya sinabi kung sino siya. [7]Huwag daw akong iinom ng alak
ni titikim ng anumang ipinagbabawal na pagkain sapagkat ang sanggol na isisilang ko'y ilalaan
sa Diyos bilang isang Nazareo. [8]Dahil dito, nanalangin si Manoa, Yahweh, kung maaari'y
pabalikin ninyo sa amin ang nasabing lingkod ng Diyos upang sabihin ang lahat ng nararapat
naming gawin sa magiging anak namin. [9]Tinugon naman ni Yahweh ang kahilingan ni
Manoa. Nagpakita muli ang anghel sa asawa ni Manoa nang ito'y nag-iisang nakaupo sa bukid.
[10]Dali-dali niyang hinanap ang kanyang asawa at sinabi, Manoa, halika! Naritong muli ang
lalaking nagpakita sa akin noong isang araw. [11]Sumunod naman si Manoa. Nang makita niya
ang lalaki, tinanong niya ito, Kayo po ba ang nakausap ng aking asawa?Oo, sagot nito.
[12]Kung magkakatotoo ang sinabi ninyo, ano ang magiging buhay ng bata at ano ang dapat
niyang gawin? tanong ni Manoa. [13]Sumagot ang anghel ni Yahweh, Kailangang sundin ng
asawa mo ang lahat ng sinabi ko sa kanya. [14]Huwag siyang kakain ng anumang mula sa puno
ng ubas. Huwag rin siyang iinom ng anumang uri ng alak ni titikim ng anumang ipinagbabawal
na pagkain. Kailangan niyang sundin ang lahat ng sinabi ko sa kanya. [15]Huwag po muna
kayong aalis at ipagluluto ko kayo ng isang batang kambing, pakiusap ni Manoa. [16]Huwag
mo na akong ipaghanda at hindi ko naman kakainin. Kung gusto mo, sunugin mo na lamang ang
kambing na iyon bilang handog kay Yahweh, sagot ng anghel. Hindi alam ni Manoa na anghel
pala ni Yahweh ang kausap niya. [17]Sinabi ni Manoa, Kung gayo'y sabihin man lang ninyo sa
amin ang inyong pangalan para malaman namin kung sino ang pasasalamatan namin sa
sandaling magkatotoo itong sinasabi ninyo. [18]Sinabi ng anghel ni Yahweh, Bakit gusto pa
ninyong malaman ang aking pangalan? Ito'y kamangha-manghang pangalan. [19]Noon din, si
Manoa'y kumuha ng kambing at handog na pagkaing butil. Sinunog niya ang mga ito sa ibabaw
ng isang malaking bato bilang handog kay Yahweh, na gumagawa ng kababalaghan. [20]Nang
nagliliyab na ang apoy, nakita ng mag-asawang Manoa na ang anghel ay umakyat sa langit sa
pamamagitan ng apoy. Nagpatirapa ang mag-asawa, [21]sapagkat noon nila naunawaan na ang
nakausap pala nila'y isang anghel ni Yahweh. Hindi na nila muling nakita ang anghel.
[22]Makalipas ang ilang sandali, sinabi ni Manoa sa kanyang asawa, Tiyak na mamamatay tayo
sapagkat nakita natin ang Diyos. [23]Ngunit ang sagot ng kanyang asawa, Kung papatayin
Stephen Cliford Tubaa

tayo ni Yahweh, hindi sana niya tinanggap ang ating handog. Hindi rin sana niya pinahintulutang
masaksihan natin ang lahat ng ito, ni sabihin ang mga narinig natin. [24]Dumating ang araw at
nanganak ang asawa ni Manoa. Lalaki ang sanggol at pinangalanan nilang Samson. Lumaki ang
batang patuloy na pinagpapala ni Yahweh. [25]At nagsimulang udyukan ng Espiritu ni Yahweh si
Samson at siya'y pinakilos nito sa kampo ng Dan na nasa pagitan ng Zora at ng Estaol. (Mga
Hukom 13:1-25)

Nag-asawa si Samson ng Dalagang taga-timna

[1]Minsan, nagpunta si Samson sa Timna at nakakita siya roon ng isang dalagang


Filistea. [2]Nang siya'y umuwi, sinabi niya sa kanyang mga magulang, Mayroon po akong
nakitang isang dalagang Filistea sa Timna. Kunin po ninyo siya para sa akin. Gusto ko siyang
mapangasawa. [3]Bakit naman gusto mo pang sa angkan ng mga hindi tuling iyon ka pipili ng
mapapangasawa? Wala ka bang mapili sa ating angkan, sa ating mga kababayan? tanong ng
mga ito.Sumagot si Samson, Basta siya po ang gusto kong mapangasawa. [4]Hindi alam ng
mga magulang ni Samson na ang ginagawa niya ay kalooban ni Yahweh upang bigyan ito ng
pagkakataong digmain ang mga Filisteo. Ang Israel noon ay nasasakop ng mga Filisteo.
[5]Pumunta si Samson sa Timna kasama ang kanyang mga magulang. Habang dumaraan sa isang
ubasan, may isang batang leon na umungal kay Samson. [6]Kaya't pinalakas siya ng Espiritu ni
Yahweh at pinatay niya sa pamamagitan lamang ng kanyang mga kamay ang leon na para
lamang isang batang kambing. Ngunit hindi niya ito ipinaalam sa kanyang mga magulang.
[7]Pagkatapos ay pinuntahan ni Samson ang dalaga at kinausap. Lalo niya itong nagustuhan.
[8]Pagkalipas ng ilang araw, nagbalik siya upang pakasalan na ang babae. Pagdating niya sa
pinagpatayan niya ng leon, naisipan niyang tingnan ito. Ang nakita niya'y isang malaking bahay
ng pukyutan sa loob ng katawan ng napatay niyang leon. [9]Sinalok niya ng kanyang mga kamay
ang pulot at kinain saka nagpatuloy sa kanyang lakad. Pagbalik niya, inuwian pa niya ng pulot
ang kanyang mga magulang. Kinain naman nila ito, ngunit hindi alam kung saan galing. Hindi
sinabi ni Samson na iyon ay galing sa bangkay ng napatay niyang leon. [10]Pumunta ang ama ni
Samson sa bahay ng kanyang mapapangasawa. Tulad ng kaugalian ng mga binata noon,
naghanda si Samson doon ng salu-salo. [11]Nang makita siya ng mga Filisteo, siya'y binigyan
nila ng tatlumpung abay na kabataang lalaki. [12]Naisipan ni Samson na sila'y bigyan ng
palaisipan. Ang sabi niya, Mayroon akong bugtong. Kapag nahulaan ninyo bago matapos ang
pitong araw na handaan, bibigyan ko kayo ng tatlumpung piraso ng pinong lino at tatlumpung
magagarang damit. [13]Ngunit kung hindi ninyo ito mahulaan, ako naman ang bibigyan ninyo ng
tatlumpung pinong lino at tatlumpung magagarang damit.Sumagot sila, Payag kami.
[14]Sinabi ni Samson, Mula sa kumakain ay lumabas ang pagkain; at mula sa malakas, matamis
ay lumabas.Tatlong araw na ang nakararaa'y hindi pa nila ito mahulaan. [15]Nang ikaapat na
araw, sinabi nila sa asawa ni Samson, Suyuin mo ang iyong asawa para malaman namin ang
sagot sa bugtong niya. Kung hindi, susunugin ka namin at ang iyong pamilya. Inanyayahan ba
ninyo kami para mamulubi? [16]Kaya, lumapit ang babae kay Samson at lumuluhang sinabi,
Hindi mo ako mahal. Nagpapahula ka ng bugtong sa aking mga kaibigan ngunit hindi mo
Stephen Cliford Tubaa

sinasabi sa akin ang sagot.Sumagot si Samson, Kung sa aking mga magulang ay hindi ko ito
ipinaalam, sa iyo pa? [17]Ang babae'y patuloy sa pag-iyak at panunuyo kay Samson sa loob ng
pitong araw nilang handaan. Kaya, nang ikapitong araw, sinabi rin niya ang sagot sa bugtong
dahil sa kakulitan nito. Ang sinabi ni Samson ay sinabi naman nito sa kanyang mga kaibigan.
[18]At bago dumilim nang ikapitong araw, ang mga taga-Timna ay nagpunta kay Samson at
kanilang sinabi, May tatamis pa ba sa pulot-pukyutan? At may lalakas pa ba sa leon?Sinabi sa
kanila ni Samson, Kung ang aking asawa'y di ninyo tinakot, hindi sana nalaman ang tamang
sagot. [19]At si Samson ay pinalakas ng Espiritu ni Yahweh. Nagpunta siya sa Ashkelon at
pumatay ng tatlumpung kalalakihan. Kinuha niya ang magagarang kasuotan ng mga ito at
ibinigay sa mga nakasagot sa kanyang bugtong. Pagkatapos, umuwi siyang galit na galit dahil sa
nangyari. [20]At ang asawa naman niya'y ibinigay sa pangunahing abay na lalaki. (Mga Hukom
14:1-20)

Si Samson sa Gaza

[1]Minsan, si Samson ay nagpunta sa Gaza. Doo'y may nakilala siyang isang babaing
nagbebenta ng panandaliang-aliw. Siya ay nagpalipas ng gabi roon kasama ang babaing ito.
[2]Nalaman ng mga Filisteo na siya'y naroon, kaya't pinaligiran nila ang lugar na iyon, at
magdamag na nagbantay sa pasukan ng lunsod. Ipinasya nilang magbantay hanggang umaga
upang tiyak na mapatay nila si Samson. [3]Ngunit nang hatinggabi na'y pumunta sa pintuang-
bayan si Samson, inalis ang mga pangharang, poste at tarangka. Pinasan niya ang mga ito at
dinala sa ibabaw ng gulod sa tapat ng Hebron. [4]Pagkatapos nito'y umibig naman si Samson sa
isang dalagang nakatira sa libis ng Sorek. Siya ay si Delilah. [5]Ang babaing ito'y nilapitan ng
limang pinunong Filisteo at kanilang sinabi, Suyuin mo si Samson para malaman namin kung
ano ang lihim ng kanyang lakas at nang mabihag namin siya. Kapag nagawa mo iyan, bawat isa
sa ami'y magbibigay sa iyo ng sanlibo't sandaang pirasong pilak. [6]Kaya't sinabi ni Delilah kay
Samson, Sabihin mo naman sa akin kung saan nanggagaling ang iyong lakas. Paano ka ba
maigagapos at madadaig? [7]Sumagot si Samson, Kapag ako'y ginapos ng pitong sariwang
yantok, manghihina ako gaya ng karaniwang tao. [8]Sinabi ito ni Delilah sa mga pinunong
Filisteo at siya ay binigyan nila ng pitong sariwang yantok na igagapos kay Samson.
[9]Samantala, may ilang Filisteo namang nag-aabang sa kabilang silid. Pagkatapos ay sumigaw
si Delilah, Samson, may dumarating na mga Filisteo! Ang yantok na iginapos kay Samson ay
nilagot nito na para lamang nasusunog na sinulid. Kaya, hindi nila nalaman ang lihim ng
kanyang lakas. [10]Dahil dito, sinabi ni Delilah, Niloloko mo lang pala ako. Kasinungalingan
lang ang sinasabi mo sa akin. Sabihin mo naman sa akin kung paano ka talaga maigagapos.
[11]Kaya, sinabi ni Samson, Kapag ako'y ginapos ng bagong lubid na hindi pa nagagamit,
manghihina ako gaya ng karaniwang tao. [12]Kumuha si Delilah ng bagong lubid at ginapos si
Samson. Pagkatapos ay sumigaw siya, Samson, may dumarating na mga Filisteo! Samantala,
may mga lalaking nag-aabang sa kabilang silid. Ngunit ang gapos ni Samson ay nilagot niya na
para lamang sinulid. [13]Kaya sinabi uli ni Delilah kay Samson, Hanggang ngayo'y niloloko mo
ako at hindi ka nagsasabi ng totoo. Sabihin mo naman sa akin kung paano ka magagapos.Sinabi
Stephen Cliford Tubaa

ni Samson, Kapag pinag-isa mo ang pitong tirintas ng aking buhok, saka ipinulupot sa isang
tulos, manghihina na ako at magiging katulad ng karaniwang tao. [14]Kaya pinatulog ni Delilah
si Samson, at pinag-isa ang pitong tirintas nito. Pagkatapos, ipinulupot niya ito sa isang tulos
saka sumigaw, Samson! May dumarating na mga Filisteo! Ngunit siya'y gumising at dali-
daling kinalas sa tulos ang kanyang buhok. [15]Kaya't sinabi sa kanya ni Delilah, Ang sabi mo'y
mahal mo ako, hindi pala totoo! Tatlong beses mo na akong niloloko. Bakit ayaw mong sabihin
sa akin ang lihim ng iyong lakas? [16]Araw-araw ay iyon ang inuulit-ulit niya kay Samson
hanggang sa mainis ito. [17]Kaya, sinabi na niya ang totoo, Alam mo, mula sa pagkabata'y
inilaan na ako sa Diyos bilang isang Nazareo. Ni minsa'y hindi pa nasasayaran ng panggupit ang
aking buhok. Kaya, kapag naputol ang aking buhok, hihina akong tulad ng karaniwang tao.
[18]Nabatid ni Delilah na nagsasabi na ng totoo si Samson, kaya ipinatawag niya ang mga haring
Filisteo. Ipinasabi niyang nagtapat na si Samson kaya maaari na silang magbalik sa Sorek.
Nagbalik nga roon ang mga pinuno, dala ang perang ibabayad kay Delilah. [19]Si Samson
naman ay pinatulog ni Delilah sa kanyang kandungan. Nang ito'y mahimbing na, tumawag siya
ng isang tao at ginupit ang pitong tirintas ng buhok ni Samson. Nang mawala na ang kanyang
kakaibang lakas, ginising ni Delilah si Samson [20]at kanyang sinabi, Samson! May dumarating
na mga Filisteo! Nagtangkang bumangon si Samson sapagkat akala niya'y makakawala siyang
tulad ng dati. Hindi pa niya namamalayang iniwan na siya ni Yahweh. [21]Binihag siya ng mga
Filisteo at dinukit ang kanyang mga mata. Siya'y dinala nila sa Gaza, tinalian ng tanikalang tanso
at pinagtrabaho sa isang gilingan sa loob ng bilangguan. [22]Samantala, unti-unting humabang
muli ang kanyang buhok. [23]Minsan, nagkatipon ang mga haring Filisteo upang magdiwang at
maghandog sa diyus-diyosan nilang si Dagon. Sa kanilang pagdiriwang ay umaawit sila ng,
Pinagtagumpay tayo ng ating diyos laban kay Samson na ating kaaway. [24]Nang siya'y
makita ng mga taong-bayan, ang mga ito'y umawit din ng, Tayo'y pinagtagumpay ng ating
diyos laban sa sumira sa ating lupain at pumatay sa marami nating kasamahan. [25]At sa laki ng
kanilang katuwaan, naisipan nilang pagkatuwaan si Samson. Inilabas nila ito sa bilangguan at
pinatayo sa pagitan ng dalawang malalaking haligi. [26]Sinabi ni Samson sa batang lalaki na
umaakay sa kanya, Ihawak mo ang aking mga kamay sa mga haligi ng gusaling ito. Gusto kong
sumandal doon. 27]Ang gusali'y napakasikip dahil sa dami ng tao, babae't lalaki, lahat-lahat ay
may 3,000. Naroon din ang mga haring Filisteo. Masaya nilang pinagkakatuwaan si Samson.
[28]At nanalangin si Samson, Panginoong Yahweh, mahabag kayo sa akin. Isinasamo kong
minsan pa ninyo akong palakasin upang sa pagkakataong ito'y makaganti ako sa mga Filisteo sa
pagkadukot nila sa aking mga mata. [29]Itinukod niya ang kanyang mga kamay sa dalawang
haligi sa gitna ng gusali, [30]at malakas na sinabi, Mamamatay ako ngunit sama-sama tayong
mamamatay! Ibinuhos niya ang kanyang lakas at itinulak ang mga haligi. Gumuho ito at
nabagsakan ang mga pinuno at lahat ng Filisteong naroon. Kaya, ang napatay ni Samson sa oras
ng kanyang kamatayan ay mas marami pa kaysa noong siya'y nabubuhay. [31]Kinuha ng
kanyang mga kapatid at mga kamag-anak ang bangkay ni Samson at inilibing sa puntod ng ama
niyang si Manoa, sa pagitan ng Zora at Estaol. Dalawampung taon siyang naging hukom at
pinuno ng Israel. (Mga Hukom 16:1-31)

You might also like