You are on page 1of 1

“ANG SAMPUNG DALAGA”

Ang pagtatamo sa kaharian ng langit ay itinutulad sa pangyayari ukol sa


sampung dalaga na naghihintay sa kanilang mapangasawa. At sinabi ni Jesus,
“Magbantay kayo, dahil hindi ninyo alam ang araw o oras.”

Lima sa mga dalaga’y matatalino at ang lima ay mga hangal.

Ang matatalinong dalaga ay nagbaon ng sobrang langis para sa kanilang


lampara, samantalang ang mga hangal ay hinid.

Hindi agad dumating ang kanilang mapangasawa at sa paghihintay, ang mga


dalaga’y nakatulog. Nangagising sila nang hatinggabi na at narinig nila ang pagdating
ng kanilang mapangasawa. Nagsigayak sila sa pagsalubong. Inihanda na nila ang
kanilang mga lampara. Ang mga hangal ay naubusan ng langis kaya’t nanghingi sila sa
matalino. Ngunit ayon sa mga ito ay hindi sila mabibigyan ng langis sapagkat baka hindi
magkasya para sa kanilang lahat ang kanilang baong langis.

Ang mga hangal ay nangagsialis upang bumili ng langis. Wala sila nang
dumating ang kanilang mga mapangasawa, Ang matatalinong nangakahanda ay
sumamang magpakasal sa mga lalaki. At napinid na ang pinto pagkatapos.

Nang magsidating ang mga hangal na babae ay kinatok nila ang pinto at
nakiusap, “Panginoon, Panginoon, kami po’y pagbuksan ninyo ng pinto.”

“Hindi maari! Hindi ko kayo nakikilala,” ang narinig nilang sagot sa kanila.

You might also like