You are on page 1of 11

Noong unang panahon, sa isang liblib na lupain na

pinatitirhan ng pamilyang Salvador. Ang lugar na ito ay


sagana sa mga yamang lupa; pati na rin ng mga yamang
tubig dahil sa silangan nito ay may malawak at maingay na
rumagasang ilog. Pamilyang ito ay isang magsasaka ng
malawak na palayan. Sina Ginoong at Ginang Salvador ay
may sampung anak, anim na lalaki at apat na babae. Ang
maga lalaki ang kasama ni Ginoong Salvador sa pagsasaka
at ang mga babae namn ay katulong ni Ginang Salvador sa
mga gawaing bahat tulad ng paglilinis, paggogontyilyo at
pagluluto ng mga makakain sa pang-almusal, tanghalian at
hapunan.

Pagsapit ng anihan, ang mga Salvador ay nagulantang


sa nadatnang senaryo sa kanilang sakahan dahil ang mga
palay ay putol-putol at ang mga butyl nito ay lumulutang na
sa tubig. Nadatnan nila ang sakahan na parang bang dinaan
ng isang delubyo. Napaluhod nalang si Ginoong Salvador
sa putikan. Ang kaisa-isa nilang pinagkukunan ng kanilang
makakain ay sinira pa.

Gabi bago mag-anihan, habang mahimbing natutulog


ang mga Salvador, may mga grupo ng mga kalalakihan, na
may bilang na sampu, na nagtungo sa sakahan at
pinagsisira ang mga tanim ng mga palay. Isa sa mga ito ay
tinaktapakan ang mga palay; habang ang mga iba naman ay
pinaglalagas ang mga butil ng mga palay at pinagtatapon
dito, doon, kahit saan. Sa gabing iyon, ang kanilang
halakhak ay namutawi sa tahimik at matiwasay na madilim
na palayan ng mga Salvador.

Habang kumukuha ang mga Salvador ng mga maaari


pang kainin sa nasirang palayan, napa-isip si Ginoong
Salvador kung ano talaga ang nangyari sa kanilang aanihin
at sino ang nagpakana nito, kaya napakuyom nalang siya ng
kanyang kamay. Pagkatapos nilang kumuha ng mga palay
na pwede pang kainin, napagpasyahan nilang umuwi na sa
kanilang tagpi-tagping tahanan.
Sa malamig at maliwag na gabi kung saan ang buwan
ay nagniningning nang lubos sa kalangitan. May mga
padyak na patungo sa bahay ng Salvador kaya
napabalikwas si Ginoong Salvador sa kanilang kama.
Tumingin si Ginoong Salvador sa bintana upang tignan
kung saan ng gagaling ang mga padyak at nakita nya ang
isang grupo na nakatago sa anino ng mga punong kahoy.
Bawat pagkurap ng kanyang talukap ay mas lalong
pumapalapit sila kaya ginising nya ang kanyang mag-iina
na natutulog. Naguluhan ang mga ito sa pag-gising ng
kanilang ama nang ipapaliwanag na ni Ginoong Salvador
ay bumalig at lumipad ang kanilang pinto. Tumambad sa
kanila ang mga balat kayong mga halimaw— mga Timawa.
Ang mga timawa ay mayroong mahahabang kuko at
malalaking bibig na kumakain sa mga lamang-loob ng mga
tao. Nataranta at napasigaw at napatili ang mga Salvador.
Nagsitakbuhan ang mga ito sa labas upang isalba ang
kanilang sarili sa gutom na gutom na mga timawa. Maliksi
at mabilis na tumakbo ang timawa dahil mayroon silang
mahahabang mga biyas. Muntik nang makain ang isa sa
mga anak nina Ginoong at Ginang Salvador dahil napatid
sya sa malaking ugat ng punong kahoy. Magkakasama
silang tumatakbo, hindi nila mawari kung saan sila
patungo, ang kanilang paa nalang ang nagdidikta kung saan
sila papunta. Malamig ang simoy ng hangin sa gabing iyon
pero tagaktak ang mga pawis nila.

Buti nalang nakakita sila ng matataguang kweba sa


kakahuyan. Napag-isipan nilang doon muna magpahinga at
matulog ngunit nasilaw sila sa bilog na ilaw na kuminang-
kinang na parang bituin sa kalawakan. Ang ilaw na ito ay
unti-unting naghuhulmang babae. Ang babaeng ito ay isang
diwata na nag-aalaga sa lugar na iyon. Tinanong ng diwata
kung bakit sila napadpad sa kanyang luga at pinagtapat nila
ang karumaldumal na ginawa ng mga timawa sa kanilang
sakahan at sinabi rin nilang muntik na silang makain kaya
ang diwata ay nagalit at hinanap ang mga timawa. Nang
nahanap na nya ang mga timawa ay kinumpas nya ang
kanyang kamay at pinatamaan nya ito ng mga kulay dilaw
na mga bilog na nagtataglay ng malakas na mahika.
Tinamaan lahat ang mga ito at namatay.

Pagkatapos nyang parusahan ang mga timawa, napako


ang kanyang paningin sirang tagpi-tagpi bahay nang mga
Salvador. Dahil sa awa ng diwata, biniyayaan nya ng
kakayahan ang mga lalaking Salvador na gumawa ng
maganda at matibay na bahay at nagbigay din sya ng mga
ginto para simula ng kanilang bagong buhay.
Pagdaan ng mga taon, lumaki ang pamilya ng Salvador.
Ang nag-iisang bahay ay dumami nang dumami. Ang
pagsasalin ng biyaya mula sa diwata ay nagpatuloy sa
pamilya ng Salvador. Kinilala ang kanilang lugar na
magaling gumawa ng mga bahay sa mga karatig bayan.
Halos lahat ng kalalakihan dito ay pag-gawa ng bahay ang
trabaho. Kaya pinangalanan nila ang kanilang lugar na
Carpintero.

You might also like