You are on page 1of 1

10 November 2010 – Nanay & Butil

Panginoon, pakalinisin mo ang aking isip, ang aking labi at ang aking puso
upang ako’y maging karapatdapat na magpahayag ng banal mong
ebanghelyo.

P - Sumainyo ang Panginoon.


B – At sumainyo rin
P – Ang mabuting balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
B – Papuri sa iyo, Panginoon

(Lucas 17: 11-19)

Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin

Umahon si Jesus patungong Jerusalem. Nangyari na siya ay


11

dumaan sa gitna ng Samaria at Galilea. Sa kaniyang pagpasok sa


12

isang nayon, sinalubong siya ng sampung lalaking may ketong.


Ang mga ito ay nakatayo sa malayo. Nilakasan nila ang kanilang
13

tinig at kanilang sinabi: Guro, kahabagan mo kami.

Nakita sila ni Jesus. Sinabi niya sa kanila: Humayo kayo at


14

magpakita kayo sa mga saserdote. At nangyari, sa paghayo nila,


sila ay nalinis.

Nang makita ng isa sa kanila na siya ay gumaling, bumalik siya.


15

Sa malakas na tinig, niluwalhati niya ang Diyos. Nagpatirapa siya


16

na nagpapasalamat kay Jesus. Ang lalaking ito ay isang taga-


Samaria.

Sinabi ni Jesus: Hindi ba sampu ang nilinis? Nasaan ang siyam?


17

Ang dayuhan lang bang ito ang bumalik upang magbigay ng


18

kaluwalhatian sa Diyos? Sinabi niya sa


19

kaniya: Bumangon ka at humayo. Pinagaling


ka ng iyong pananampalataya.

P – Mga Kapatid ito ang Mabuting Balita ng ating


Panginoon

B – Pinupuri ka namin Panginoong Hesu-Kristo


Nawa ang diwa ng ebanghelyong ito ay mapawi lahat
ang ating mga kasalanan

You might also like