You are on page 1of 3

Mahal Niya ang mga Bata

TINGNAN mo si Jesus na nakayakap sa isang batang lalaki.


Masasabi mo na talagang mahilig si Jesus sa mga bata. Ang mga
lalaking nakatingin ay ang mga apostol. Ano ang sinasabi sa kanila ni
Jesus?
Kararating pa lang ni Jesus at ng mga apostol niya mula sa isang
malayong paglalakbay. Habang nasa daan, nagtatalo ang mga apostol
sa isa’t-isa. Kaya tinanong ngayon sila ni Jesus: ‘Ano ba ang
pinagtatalunan ninyo kanina?’ Kung sa bagay, alam ni Jesus ang
kanilang pinagtatalunan, pero gusto lang niyang makita kung
ipagtatapat nila yaon sa kaniya.
Hindi sumasagot ang mga apostol, kasi pinagtatalunan nila kung
sino sa kanila ang pinakadakila. Gusto ng ibang apostol na maging mas
importante sila kaysa iba.
Kaya tinawag ni Jesus ang batang lalaki, at pinatayo ito sa harap
nilang lahat. Pagkatapos sinabi niya sa kanila: ‘Kung hindi kayo
magiging gaya ng mga bata, hindi kayo makakapasok sa kaharian ng
Diyos. Ang pinakadakilang tao sa kaharian ay dapat maging kagaya ng
batang ito.’
Kasi, ang maliliit na bata ay hindi nag-iisip kung sila ay mas importante
kaysa iba. Kaya dapat malaman ng mga apostol na hindi sila dapat
mag-away tungkol sa kung sino ang mas importante.
Pagkatapos, ipinakita uli ni Jesus na mahal niya ang mga bata. Dinala
ng ilang tao ang kanilang mga anak para makita si Jesus, at gusto
silang paalisin ng mga apostol. Pero sinabi ni Jesus: ‘Pabayaan n’yong
lumapit sa akin ang mga bata, sapagka’t ang kaharian ng Diyos ay para
sa mga taong gaya nila.’ Hindi ba magandang malaman na si Jesus ay
maibigin sa maliliit na bata?
Mateo 18:1-4; 19:13-15; Marcos 9:33-37

You might also like