You are on page 1of 1

“Frontliners, Ang Ating Mga Bagong Bayani”

Sila ang bagong bayaning naturingan,


Frontliners sa kanila’y ipinangalan,
Nag sakrispisyo ng buhay hanggang kamatayan,
Upang tuparin ang sinumpaang tungkulin sa bayan.

Nananaig ang inyong kabutihan at katapangan,


Patuloy kayong nakikipag laban sa kalabang hindi natin nasisilayan,
Para sa lahat ng mga mamamayan na may karamdaman,
Sariling kaligtasan ay laging isinasaalang-alang.

Taos puso niyong napagserbisyuhan ang buhay ng sambayanan,


Ang mga taong may mga malulubhang karamdaman,
Sa labang ito di kayo nag-iisa, dasal namin ang inyong kaligtasan,
Upang patuloy na matulungan at mailigtas itong ating bayan.

Ang inyong sariling pamilya ay iniiwan, sa pag-aasikaso sa mga taong naapektuhan,


Hindi maiiwasan na kayo rin ay may kahinaan sa panahon ng inyong pakikipaglaban,
Buhay niyo’y walang kasiguraduhan matinding takot na baka kayo’y mahawaan,
Sa ating muling pagbangon, kabayanihan niyo nawa’y hindi malimot ng panahon.

Salamat sa inyong mga katapatan sa tungkuling sinumpaan,


Kayo ang aming kailangan Frontliners naming sandalan,
Lahat may katapusan kahit anong krisis man yan,
Pero ang inyong kabutihan kalian may hindi naming makakalimutan.

You might also like