You are on page 1of 4

"Frontliners"

Mga taong buong puso kung magsilbi,

tinuturing bilang Bayani,

walang kapantay sa pagbibigay serbisyo,

buong tapang na ginagampanan ang trabaho,

sa kanilang lupang sinilangan.

Laman ng lansangan,

dahil sila'y kailangan,

nanganganib ang buhay ,

dahil ang isang paa ay nasa hukay.

Pilit nilalakasan ang kalooban.

patuloy na lumalaban,

sa isang sakit na nagdulot ng kamatayan,

kalabang di pisikal na nakikita,

ngunit sa buhay ng madla ay napakalaking banta.


Pagod, puyat at sakripisyo,

walang pakundangan kung ialay ,

dahil sa busilak na puso ninyo,,

"Di alintana ang danas,

ang mahalaga'y makapagligtas,

kulang man sa armas,

pinipilit pa rin na humanap ng lunas.

May mga pamilyang nag-aantay,

sa kani-kanilang bahay

nandoon ang pangamba

na baka ang virus ay madala nila,

May mga anak na nagnanais na Makita muli sina Inay at Itay:

asawang patuloy na nakaantabay

mga magulang na di nagkulang sa paggabay

at bayan na umaasang tayo'y magtagumpay

Kulang ang salitang "Salamat!!

para sa sakripisyo niyong lahat,

kami ay pinatatag ninyo,

habambubay tatatak ang inyong sakripisyo,

kaya tanggapin ang aming taas noong pagsaludo.


Matatapos rin ito,

Malaki ang utang na loob namin sa inyo,

kasama niyo kami sa laban niyo.

magtatagumpay tayo,

kapitbisig tayong mga Pilipino.

SALAMAT MGA BAYANI!

You might also like