You are on page 1of 1

"Sandatang Bayani"

Ang mga bayani ng ating moderno


Na nagmula sa timog,hilaga,silangan at kanluran
Kayo'y naging modelo ng sangkatauhan
Na handang tumulong para sa bayan

Kayo'y nagbuwis buhay para sa kaligtasan


Kaligtasang nagbigay lunas sa kanilang isipan
Mga bagong bayani ng henerasyon
Na ating hinangaan sa kanilang katapangan

Ang inyong sakripisyo na hindi matatawaran


Na kahit anung pagsubok ang inyong pagdaanan
Ginawa niyo ng buong puso para sa sambayanan
At sa ikabubuti ng mga mamamayan

Ang hamon ng buhay naging daan


Para sa pagkakaisa ng karamihan
Pagmamahal ang nangibabaw sa bayan
At pagmamalasakit sa kapwa ang binitawan

Bituing nagsilbing liwanag sa pagtutulungan


Ibinuwis ang sarili sa pakikipagsapalaran
Kulay puti ang naging simbolo sa kabutihan
Bayani na nagbibigay ng kalakasan

Kami'y saludo sa inyong kabutihan at katapangan


Na nagbigay pag-asa sa mamamayan
Ang inyong paghihirap ay hindi malilimutan
Kayo'y aming pinasasalamatan sa inyong kabayanihan

-Kaye

You might also like