You are on page 1of 1

Jasmine Zapata Grade 8 Mars

Reaction Paper about Death March

Ang Death March o Martsa sa Kamatayan ay ang pagpapalakad sa mga


sundalong Pilipino at Amerikano myla Mariveles Bataan hanggang sa San
Fernando Pampangga, nv walang pagpapahinga.

Ang Death March ang isa sa mga nagpahirap sa ating mga ninuno. Hindi
natin inakala na libo libo ang namatay dahil lang sa pagod, gutom, at maging
sa uhaw. Marami din ang namatay dahil sa iba't ibang sakit.

Napakabigat sa ating loob na ganito pala kahirap ang ginawa ng mga


Hapones sa ating mga ninuno. Masakit isipin na ultimo uod ay kinakain nila
para lang makakain. At ultimo ihi ang iniinom huwag lang mauhaw.

Kamatayan ang hinarap ng ating mga bayani. Nagsakit sila upang


ipagtanggol ang ating bayan. Sa kamay ng mga Hapones, ang ating mga
ninuno ay nagdusa. Dahil rin sa kanila marami ang nawala. Dahil sa mga
plano nilang napakasama, hindi nakaligtas ang ating mga ninunong napaka
inosente pa.

Pero sa kabila ng lahat ng mga ito, marami parin ang mga mabubuting
kababayan nating sibilyan. Ginulungan nila ang ating mga ninuno sa
pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain kapag sila ay dumadaan. Salamat
sa kanila dahil marami ang nasiyahan. Pilit nilang inihahagis ang mga
pagkain sa tren kung saan nakasakay ang iba. Kahit madumi na, para lang
makakain, wala silang anumang emosyon para lang makakain.

Kaya salamat sa ating mga bayani. Nagsakit para lang tayo ay maluwalhati.
Salamat sa kanila dahil ipinaglaban nila ang ating bansa kahit alam nilang
talo na. Maraming salamat talaga. Saludo ako sa inyo

You might also like