You are on page 1of 3

MICHAEL JR L SERBAN 04/11/23

STEM 11 OCAMPO GINANG SUICO


URI NG TEKSTO

 IMPORMATIBO

Ang ating pambansang bayani ay si Doctor Jose Protasio Alonso Mercado Y


Realonda Rizal. Anak siya ng mag-asawang Teodora alonso at Fransisco Mercado.
Ipananganak siya noong June 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Namatay siya noong
ika- 30 ng Disyembre taong 1896 sa pamamagitan ng firing squad. Marami siyang
tinapos na kurso kablilang na ang medisina. Isa rin siyang pintor at iskulptor.
Ngayung Disyembre 30 2023 ang ika- isangdaan at dalawampu't pitong taonng
anibersaryo ng kanyang kamatayan.

 DESKRIPTIBO

Sa mga bulubundukin ng Timog Cotabato ay naninirahan ang isang pangkat-


etnikong kung tawagin ay T'boli. Mapayapa sila at di mapaghinala sa
mgadayuhan. Sila ay may sariling kalinangan at paraan ng pamumuhay.
Mapalamuti at makulay ang kanilang kasuotan. Ang hikaw, kuwintas, at makulay
na make-up ay pahiyas ng kanilang katauhan. Sa lahat ng mga tribu sa Pilipinas,
ang T'boli ay maaaring hirangin bilang isa sa may pinakamakulay sa kasuotan at
hiyas at katawan.

 PERSUWEYSIB

Pagod ka na ba sa pag-aaral? Susuko ka nalang ba ng ganyan kadali? Isipin mo


muna ang hirap at sakripisyong ginawa ng magulang mo para ma tus-tusan ang
pag aaral mo, ang supporta nila sa iyo. Kanilang pagganyak para ikaw ay mag-
aral, Sana'y pag isip isipan mo ang kanilang sakripisyo huwag ang sarili ang
unahin. Ikaw, Oo ikaw. Alam mo bang mahirap na nga kayo, Pinapahirapan mo pa
ng sobra ang magulang mo, sana man lang mag-ayos ka sa pag-aaral mo. Iyan na
nga lang ang maibibigay mo sa iyong mga magulang sa ngayon, ang mapasaya sila.
Marami ka namang mga pagganyak gaya nang parating sinasabi ng magulang
natin na, ayusin mo pag-aaral mo ha? para sa hinaharap hindi kana mahihirapan
sa buhay mo.
 NARATIBO

Ako ay isang binata na mas kilala sa palayaw na “ungart”. Ako ay labing-pitong


taong gulang at nag-aaral sa isang pampublikong paaralan na malapit sa aming
tahanan. Ako ay maagang nawalan ng mahal sa buhay at ito ay ang aking ina
dahil namatay siya noong ako ay grade 7 pa lamang, at ang aking ama naman ay
isang karpintero at simple lang ang aming pamumuhay. Mayroon akong dalawang
pang nakatatandang kapatid: isang dalawang put apat taong gulang, at isang
dalawang put tatlong gulang.Nais kong maging matagumpay sa buhay upang ako
naman ang magraraos sa aking pamilya. Susuklian ko lahat ng mga sakripisyong
ginagawa ng aking mga magulang para sa aming magkakapatid. Sa aking pagtanda
nais kung maging marino at magtayo ng aking sariling negosyo upang maging
matagumpay sa aking buhay. Ako ay naniniwala sa kasabihang pag may tiyaga
may nilaga kaya kahit gano kahirap na ang buhay patuloy lang sa laban dahil hindi
nag bibigay ng laban ang diyos na hindi natin kaya at binibigay rin sa diyos ang
pinaka mahirap na laban sa kanyang pinaka malakas na mandirigma kaya kung
mahirap ang iyong laban sa buhay isipin mong ikaw ay isa sa pinakamalakas na
mandirigma ng diyos.

 ARGUMENTATIBO

KASALANAN BA ANG KASAGUTAN? ni: SAZON, WAYNE FRANCIS

Ang usapin ukol sa Death Penalty o Parusang Kamatayan ay hindi na bago para sa
ating mga Pilipino. Dati na itong pinapairal sa ating bansa mula pa noong panahon
ng mga Kastila. Pagdating naman sa mga Pilipinong naging presidente ng bansa, sa
panahon ni Ferdinand Marcos naging popular ang parusang ito. Sa pagpalit ng
administrasyon, sinuspindi ito ni Corazon Aquino, mula 1987 hanggang 1999.
Pagdating sa pamumuno ni Fidel Ramos, muling nanumbalik ang parusang
kamatayan sa bansa bago muling itigil noong 2006 sa pamumuno ni Gloria Arroyo.
Naging papalit-palit ang pagpasa.
 PROSIDYURAL

Filipino Recipe: Kalderetang Manok

1 kilong manok, hiniwa ng katamtamang laki

1 lata ng liver spread

2 kutsarang bawang, pinitpit

1 katamtamang laking sibuyas, hiniwa-hiwa

1 tasang corn oil

1 siling pula, hiniwa-hiwa

1 maliit na lata ng tomato sauce

2 chicken buillion cube na tinunaw sa 2 tasang mainit na

tubig

1/2 tasang biskotso (bread crumbs)

Bahagyang prituhin ang manok. Igisa ang bawang at

sibuyas. Ibuhos ang sabaw ng buillion. Hayaang kumulo

hanggang lumambot ang manok. Idagdag ang liver spread

at tomato sauce. Isunod ang siling pula. Kapag naluto na

ang lahat ng sangkap, lagyan ng biskotso at timplahan ng

naaayon sa panlasa.ihain habang mainit.

You might also like