You are on page 1of 3

 

 Katapangan sa Panahon Ng Kapahamakan

Taon 1941,Isang masaklap na nakaraan ang  hindi malilimutan. nang simulang


atakihin ng mga Hapon ang Pilipinas,

Nagsimula ang lahat ng pagkatapos ng pag-atake sa Pearl Harbor. Ang mga


sasakyang panghimpapawid ng Amerika ay malubhang napinsala sa unang pag-
atake ng Hapon. Dahil kulang sa air cover, umatras ang American Asiatic Fleet sa
Pilipinas.dahilan upang lumaban ang mga magigiting na Pilipino.
                        
Isa na dito si Captain Jose P. Javier.Si Capt. Javier ay isa sa mga beteranong
nakaligtas sa Pangalawang Digmaang Pandaigdig.Ipinanganak siya noong
Pebrero 19, 1910 sa Laoag, Ilocos Norte.  Kumuha siya ng Medisina sa University
of Sto.Tomas.Sa ngayon, opisyal siyang kinikilala bilang oldest senior alumnus
ng UST.Siya at ang kanyang nakatatandang kapatid na si Engineer Fernando
"Panding" Perez Javier ay parehong nakaligtas sa Bataan Death March at mga
Prisoners-Of-War.

Siya ay tatlongputdalawang taong gulang ng una siyang sumabak sa giyera.Siya


ay isang medical corps ng Philippine Scouts.Sila ay sumabak sa mga laban sa
maraming lugar upang mapigilan ang pagsakop ng mga hapon.

Ngunit sa kasawiang palad, sila ay sumuko rin sa kamay ng hapon kasabay ng


pagbagsak ng Bataan matapos silang iwanan ni Heneral Douglas MacArthur
ngunit ipinangako niya na sya ay babalik o ang kanyang tanyag na salita na “I
shall return’’.

Bago ang pagsuko ang kanilang heneral na si General Capinpin ay unang nadakip
kayat ang kanilang dibisyon ay nagkagulo.Habang sila ay paunti-unting lumalayo
sa mga Hapon na papalapit sa kanila, doon niya nakilala si Leo Alviar ng San
Fernando, La Union na bahagyang umiiyak dahil naaalala niya ang kanyang
asawa. Sila ay bagong kasal pa lamang bago nagsimula ang giyera laban sa
Hapon.

Ayon sa kanya, ang  ibang mga sundalong Hapon ay mababait. Sila ay


naglakbay  palabas ng Bataan at ito ay tinatawag na Martsa ng Kamatayan sa
Bataan. Sila ay binilang ng mga Hapon at sila ay nag martsa sa kolum . Ilang araw
na ang lumipas sila ay patuloy pa rin sa pag martsa. Walang tubig at pagkain.
Tanging ang mga tao lamang na nasa paligid ang nagbibigay ng pagkain sa kanila.
Gumagawa na lang sila ng paraan upang hindi sila mahuli dahil kung sila ay
nahuling kumakain o umiinom, sila ay papatayin gamit ang bayoneta. Kaya
marami ang tumakas  sa pagmartsa. Bago sila sumuko, sila ay gutom at pagod
kaya’t marami ang nagkasakit at sugatan 
Ang mala-impiyernong paglalakbay nina kapitan Javier ay narating nila ang San
Fernando,Pampanga. Narating nila ang malawak na bakod at lahat ng nakaligtas
ay doon nagtipon tipon.
                         
Mahigit 54,000 bilanggo lamang ang nakarating sa kampo. Bagama't hindi alam
ang eksaktong mga numero, maaaring may 2,500 Pilipino at 500 Amerikano ang
namatay noong nagmartsa,at karagdagang 26,000 Pilipino at 1,500 Amerikano
ang namatay sa Camp O'Donnell.

Makalipas ang ilang taon siya at ang kanyang kapatid ay tuluyan lumaya  sa mga
hapon at sumali sa isang kilusan sa Ilocos Sur laban sa mga Hapon.Hindi sila
tumigil na lumaban para makamit ang kalayaan sa mga Hapon.

Nasakop ng Hapones ang Pilipinas sa loob ng mahigit tatlong taon. Isang napaka-
epektibong kampanya ang gerilya  mga pwersang panlaban ng Pilipinas. Ito ang
kumokontrol sa anim na pung (60) porsyento ng mga isla, karamihan sa mga
kagubatan at kabundukan. Itinustos sila ni MacArthur sa pamamagitan ng
submarino, at nagpadala siya ng mga rsuporta at mga opisyal. 

Ang populasyong Pilipino sa pangkalahatan ay nanatiling tapat sa Estados


Unidos, bahagyang dahil sa garantiya ng kalayaan ng Amerika, dahil sa
pagmamaltrato ng mga Hapones sa mga Pilipino pagkatapos ng pagsuko.

Ang Pilipinas ay dumanas ng malaking pagkawala ng buhay at matinding pisikal


na pagkawasak  matapos ang digmaan. Tinatayang 1 milyong Pilipino ang
napatay, isang malaking bahagi sa mga huling buwan ng digmaan, at ang Maynila
ay napinsala nang husto dahil sa mga nangyaring pambobomba ng Hapon.
                      
Sa pagtatapos ng digmaan, kalaunan ay tumanggap siya bilang Philippine Scouts-
US Army surgeon sa Okinawa, Japan kung saan nagsilbi siya sa loob ng 38 taon,
pinalaki ang isang brod ng siyam na anak sa kanyang asawa.

Isang ulat mula sa US Army Reserve Personnel Center, Dept. of the Army, ay nag
sasaad na siya”…naglingkod bilang miyembro ng Philippine Commonwealth
Army kasama ang mga kinikilalang gerilya sa serbisyo ng Armed Forces of the
United States mula Disyembre 1941-Hunyo 10, 1946, ang petsa nang marangal na
pinalabas.”

Iniuugnay niya ang kanyang kaligtasan noong mga panahong  iyon sa mga
panalangin at pananampalataya sa Diyos.

Ikinasal si Lolo Jose sa kanyang kinakasama na si Filomena Javier, alumna ng


Fine Arts sa UST, at nagkaroon sila ng siyam na anak. Tatlo sa mga bata ang
sumunod sa kanyang yapak at kumuha din ng medisina sa UST.
Sa lahat ng kanyang pinagdaanan, ibinahagi ni Lolo Jose na ang sikreto ng
kanyang mahabang buhay ay ang kanyang pananampalataya at ang kanyang
pamilya
                     
Ngayon  Siya ay 106  taong gulang na ngayon, habang ang kanyang  kapatid na si
Lolo Panding ay 108  taong gulang, na itinuturing na pinakamatandang
nabubuhay na beterano ng WWII ng Pilipinas

Ngayon sa kanyang  edad, siya ay nasisiyahan sa pag-aalaga sa isang maliit na


hardin ng gulay malapit sa pampang ng Pasig River. Isa sa kanyang mga libangan
ay ang pag-aalaga ng kanyang mga panlaban na manok para sa “sabong” at
pagtangkilik sa piling ng kanyang napakaraming “apo.” 

Ang tanging pagkakataon na nakangiti ang kanyang pagod na mukha para sa


isang larawan ay nang hawakan niya ang isa sa kanyang mga bunsong apo sa
kanyang mga bisig, kasama ang mga nakatatandang pinsan ng bata.

Ngayon, siya ay naninirahan kasama ang kanyang extended family sa Barangay


Santolan sa Pasig City.

Ang kanyang anak na si Emalyn Hagos, ay naglalarawan sa  kanyang ama bilang
isang buhay na halimbawa ng kanyang ipinangangaral. “Tinuruan niya kaming
mga anak niya kung paano mabuhay. Upang tumulong sa iba nang hindi umaasa
ng kapalit. Upang maiwasan ang gulo at umalis nang mapayapa sa
iba."                       
                
Ipinakita ni Capt Javier at ng iba pang pilipinong sundalo ang kahalagahan ng
pagiging makabayan at matapang upang makamit ang kalayaan kahit buhay pa
ang kapalit.Sila ay binansagang “The Fighting Filipinos” dahil sa kagitingang
kanilang ipinamalas.Dapat natin silang pasalamatan at tularan,maging makabansa
at kayang ibuwis ang buhay para sa ating pinakamamahal na bansa ang bansang
Pilipinas.      

                        Jose Antonio Custodio, Dr. Jose P. Javier, 3rd Lt.


106 Taong gulang    
Barangay Santolan Pasig City                   

You might also like