You are on page 1of 5

Lesson Plan in

Health IV

I. Layunin

Sa pagtatapos ng araling ito kayo ay inaasahang:

a. Nauunawaan ang mga pamamaraan/bagay na dapat ihahanda bago


ang kalamidad o sakuna at kagipitn o mga hindi inaasang pangyayari
(emergency).
b. Natutukoy ang ibat-ibang uri ng kalamidad, sakuna at kagipitan o mga
hindi inaasahang pangyayari. (emergency)
c. Naibibigay ang mga wastong paraan sa batayang pangkaligtasan at
pagbibigay ng pangunahing lunas sa oras ng kalamidad, sakuna at
kagipitn o mga hindi inaasang pangyayari (emergency)
II. Paksa

Paksa: Mga pamamaraan upang makaligtas sa Uri ng Kalamidad,Sakuna at


Kagipitan o Mga Hindi Inaasahang Pangyayari.

Mga kagamitan: Larawan ng isang kalamiadad at Emergency kit/bag,Power

Point Presentasion, manila paper, marker.

Estratehiya:4A’s (activity.analysis,abstraction and application)

Sangunian: MELC-H4IS-Iva-28 At aklat ng Edukasyong Pangkatawan at

Pangkalusugan IV

III. Pamamaraan
A. Paunang Gawain
 Pagdadasal
 Pagbati
 Pagsusuri ng lumiban sa klasi.

B. Balik-aralan ang nakaraang aralin


Mga uri ng kalamidad sa ating komunidad.

Masdan ang larawan


Anong mga salita ang maiuugnay ninyo sa larawan?

(nakakatakot, magulo, malungkot, at ipa pa)

Larawan ng isang kalamidad sa ating komunidad

C. Pagganyak (motivation)

Ipakita ang mga larawan at sabihin kung ano-ano ang nakapaloob dito.

 Mga kagamitan na inihahanda kapag may paparating na


sakuna/kalamidad o Emergency kit.
 At larawan ng mga sakuna at kalamidad.

D. Paglalahad ng aralin

Ang mga natural na kalamidad na tulad ng mga

 Bagyo-may dalang malakas na hangin.


 Pagbaha-bunga ng walang tigil o lakas ng pag ulan.
 pagputok ng bulkan- pagbuga ng usok o lava.
 tsunami-ang paglaki ng tubig galing sa karagatan
 lindol-ang pagyanig nang lupa.
 Landslide-bunga ng pagguho ng lupa

Maaaring magdulot ng nakapanlulumong epekto sa buong komunidad. Daan-daan o


libo-libong tao ang maaaring masaktan, mawalan ng tirahan, at maging ng
hanapbuhay. Maaari ring maantala ang pagkakaroon nila ng malinis na tubig, mga
serbisyong pangkalusugan, at maayos na transportasyon.

Kaya sa panahon ng kalamidad dapat tayo ay laging handa.Ang paghahanda ng


emergency bag/kit bago ang sakuna/kalamidad ay malaking tulong upang tayo ay
makaligtas sa anumang sakuna.

Narito ang mga pamamaraan/bagay na dapat ilagay sa emergency bat/kit.

1. Pagkain – (di nasisira adad) Ilagay ang pagkain sa loob ng “zip lock” plastic
bag.
2. Tubig at inomin – mas madaling bitbitin mas Maganda.
3. Kumot at damit – magdala ng komportableng damit at undergarment na
madaling ma impake.magdala din ng portable sleeping bag,kumot, at
blankets.
4. Personal supplies at gamot – magdala ng first aid kit,mga gamot,toiletries,
at supply pang linis.
5. Tools – magdala ng swiss knife,lapes,papel, gamit sa pagkain, tubig at duct
tape.
6. Gatong at ilaw – magdala din ng emergency lamps,flashlight, extra batteries.
7. Dokumento at pera – dalhin lahat ng legal na dokumento na maaring itabi sa
isang lugar na madaling mabitbit at mahanap.ilagay ito sa waterproof
container.

Ang survival kit ay naglalaman ng mga pangunahing kailangan sa oras ng sakuna


gaya ng flashlight, radio, reserbang baterya, pagkain, tubig, at kumot.Naglalaman
din ito ng mga gamot.mga mahahalagang dokumento at pera.

E. Aktibidad (activity)

Mga Panuntunan sa Pangkatang Gawain

1. Making sa mga kasama


2. Maging mulat sa oras na inilaan
3. Huwag maingay
4. Makipagtulungan sa paggawa para sa Gawain.
5. Laging nasa sarili mong grupo.
Pamantayang pangpangkatang gawain/Rubrics

fvtyr5e]ew

Palaging tingnan ang emergency bag tuwing anim na buwan upang matiyak pa
nasariwa pa ang mga pagkain tubig at gamot at hindi pa expired, tingnan kung
maayos pa at kasya ang pa ang mga damit, ud to date pa ang mga dokumento at
credits cards, may sapay na baterya.

Bumuo ng tatlong pangkat A,B, at C. Gumamit ng manila paper.


Iguhit ng pangkat A – ang mga bagay na maaring ilagay sa emergency kit. Iguhit ito
sa luob ng lubo.

Iguhit ng pangkat B – ang mga bagay na di dapat ilagay sa emergency kit. Iguhit ito
sa loob ng parisukat.

Iguhit ng pangkat C – ang iba pang mga bagay na hindi nakikita sa larawan na
maaring ilagay sa emergency kit. Iguhit ito sa loob ng triangolo.

Ibahagi ang nagawa sa klasi.

F. Pagsusuri (analysis)
 Ano ang masasabi niyo tungkol sa ating ginawang aktibidadis?
 Ano ang pamamaraan/bagay na dapat ihahanda bago ang kalamidad
o sakuna at kagipitn o mga hindi inaasang pangyayari?
G. Paglalahat (abstaksiyon)
 Ano ang dapat nating ihanda para tao ay makatigtas sa isang
kalamidad o sakuna?
 Ano ang maaring maging epekto ng kalamidad sa ating buhay?
H. Paglalapat (application)
Lagyan ng tsek kung ito ay bagay na dapat ihahanda bago ang kalamidad o
sakuna at kagipitn o mga hindi inaasang pangyayari?

1. Mga mahahalagang dokummento


2. Mga laruan na malalaki.
3. Mga pagkain na madaling masira.
4. Mga gamot tulad ng pain reliever.
5.Mga ekstrang baterya at mga ilaw.

IV. Ebalwasiyon (evaluation)

Panuto: Unawain ang mga pagsasalarawan.At piliin ang tamang sagot na nasa
ibabaw.

Kumot at damit Dokumento at pera Personal supplies at gamot


Gatong at ilaw Tubig at inomin Tools Pagkain

1) (Di nasisira adad) Ilagay ang pagkain sa loob ng “zip lock” plastic bag.
2) Mas madaling bitbitin mas Maganda.
3) Magdala ng komportableng damit at undergarment na madaling ma
impake.magdala din ng portable sleeping bag,kumot, at blankets.
4) Magdala ng first aid kit,mga gamot,toiletries, at supply pang linis.
5) Magdala ng swiss knife,lapes,papel, gamit sa pagkain, tubig at duct tape.
6) Magdala din ng emergency lamps,flashlight, extra batteries.
7) Dalhin lahat ng legal na dokumento na maaring itabi sa isang lugar na
madaling mabitbit at mahanap.ilagay ito sa waterproof container.
 Magbigay ng tatlong uri ng kalamidad.

V. Takdang-aralin(assignment)

Kumpletohin ang sumusunod na pangungusap.isulat sa inyung kuwaderno.

1. Ang hindi ko makakalimutang kalamidad ay


2. Ang pinakatatakutan kong kalamidad na aking naranasan ay

Inihanda ni: LLORIE FE M. MOMTEPOLCA

Namasid ni: Mrs, ZENIE G. ESTRERA

You might also like