You are on page 1of 4

Asignatura Health Baitang 5

W1-2 Markahan 4 Petsa


I. PAMAGAT NG ARALIN Pinsala, Kaligtasan at Pangunang Lunas
II. MGA PINAKAMAHALAGANG
Naipapaliwanag ang katangian at layunin ng pangunang lunas. (MELC
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
27)
(MELCs)
III. PANGUNAHING NILALAMAN Mga Katangian at Layunin ng Pangunang Lunas
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I Panimula (Mungkahing Oras: 6 minuto)

Pangunang Lunas ay mahalaga; Ito ba ay alam mo na?

https://images.app.goo.gl/Dza41LuLtvksZ8pY8
Ang pangunang lunas ay may mahalagang papel na ginagampanan sa kaligtasan ng isang tao likha ng
aksidente o anupamang di magandang sirkumstansya. Ito ay ang pagbibigay ng pangunahing tulong at
panganaglaga sa taong napinsala ng sakuna at karamdaman habang hinihintay ang pagdating ng doctor. Ito
ay isa ring malaking tulong na pampakalma at pampabawas sa kirot na nararamdaman sa pinsalang tinamo ng
isang tao. Ang pangunang lunas ay napakahalaga upang mapatagal ang buhay ng isang tao.
Sa pagbibigay ng pangunang lunas sa mga nasugatan, nakagat ng hayop o insekto, napaso, nagtamo ng
sunog sa katawan, o nalason ng kinaing pagkain, naiibsan ang kirot o sakit na nararamdaman habang hinihintay
ang pagkalinga ng propesyonal . Ang mga may malay na mga tao ay makapagpapanatili ng pagkabukas ng
sarili nilang daanan ng hininga subalit ang mga walang malay ay walang kakayahang panatilihin ito, at
nararapat lamang na walang balakid o hadlang sa dadaanan ng hangin sa pamamagitan ng ilong at bibig.
Maiiwasan ang dagdag pinsala kung ang taong tutulong o maglalapat ng pangunang lunas o first aid ay may
sapat na kaalaman at sumailalim sa isang aralin.
Ang sakuna ay di inaasahang pangyayari. Hindi natin kayang masabi kung saan o kailan ito mangyayari,
gayundin ang biglaang karamdaman. Napakahalaga ng may kaalaman sa pangunang lunas upang handa sa
anumang uri ng pangyayari.
Ang tatlong pangunahing mga layunin ng paunang tulong-panlunas, na mas kilala bilang 3P (tatlong P)
ay ang mga sumusunod:
• Pagpapanatili ng buhay (Ingles: Preserve life)
• Pag-iwas mula sa pagkakaroon ng mga dagdag na pinsala o pag-iwas sa paglala ng kapinsalaan o
karamdaman (Ingles: Prevent further injury or illness)
• Pagtataguyod sa paggaling (Ingles: Promote recovery)
D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 20 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:


Isulat ang tama kung wasto ang isinasaad na paliwanag ng bawat pangungusap at mali kung hindi wasto.

_______ 1. Ang pangunang lunas ay napakahalaga sapagkat nakakapagpanatili o nakapagpapatagal ito


ng buhay ng isang tao.
_______2. Naiiwasan ng pangunang lunas ang paglala o paglubha ng mga pinsalang natamo o
naramdaman.
_______ 3. Ang pangunang lunas ang dahilan kung bakit nadaragdagan ang kirot o sakit na nararamdaman
ng taong napinsala.
_______ 4. Ang pangunang lunas ay hindi nakapagpapatagal ng buhay ng isang tao.
_______ 5. Ang mga taong magbibigay ng pangunang lunas ay may sapat na kaalaman at kasanayan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:


Punuan ang organizer ng mga layunin ng pangunang lunas.

Layunin ng
pangunang lunas

E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 20 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:


Sumulat ng dalawang saknong ng tula na nagpapaliwanag ng katangian ng pangunang lunas.
Batayan sa pagmamarka

Kriterya Pinakamahusay Mahusay Katamtaman


(5-4) (3-2) ang Husay
(1-0)

1. Pagkakagamit ng mga pangungusap


2.Paggamit ng mga tamang bantas
3. Kaayusan ng tula
Kabuuan (15 puntos)
A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 14 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:


Lumikha ng isang awit na nagpapaliwanag ng katangian ng pangunang lunas. Lapatan ito ng tunog at iparinig
sa pamamagitan ng recording.

Batayan sa pagmamarka
Kriterya Pinakamahusay Mahusay Katamtaman
(5-4) (3-2) ang Husay
(1-0)

1. Pagkakagamit ng mga salita sa pagbuo ng awit


2.Paggamit ng angkop na tunog base sa nilalaman ng
awit
3. Kaayusan ng awit
Kabuuan (15 puntos)

V. PAGTATAYA (Mungkahing Oras: 10 minuto)


(Ang mga Gawain sa Pagkatuto para sa Pagpapayaman, Pagpapahusay, o Pagtataya ay ibibigay sa ikatlo at
ikaanim na linggo)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:


Sumulat ng isang talata na may tatlo hanggang limang pangungusap na nagpapaliwanag ng layunin o
katangian ng pangunang lunas. Isulat ito sa isang malinis na papel.

Batayan sa pagmamarka
Kriterya Pinakamahusay Mahusay Katamtaman
(5-4) (3-2) ang Husay
(1-0)

1. Pagkakagamit ng mga salita ayon sa hinihinging


paliwanag
2.Paggamit ng mga tamang bantas
3. Kaayusan ng pangungusap
Kabuuan (15 puntos)

VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 10 minuto)


● Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.

Sa iyong kwaderno, magsulat ng nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:
Nauunawaan ko na ____________________________________
Nababatid ko na______________________________________.
Kailangan kong higit pang matutunan ang tungkol sa _______________________.

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa
Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
 - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa
ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP
Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5 Bilang 7
Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6 Bilang 8
VII. SANGGUNIAN Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan, pahina 380 - 384

Inihanda ni MELBA I. MERCADO Sinuri nina: CHRISTIAN DICK B. CUNAG


BELLA P. ABARINTOS
CYRUS T. FESTIJO
CECILIA P. DOLAR

You might also like