You are on page 1of 3

Asignatura Baitang

W1
Health 4
Markahan 4 Petsa
I. PAMAGAT NG ARALIN Pagtukoy sa iba’t ibang uri ng kalamidad at sakuna na maaaring
mangyari sa kanilang komunidad.
II. MGA PINAKAMAHALAGANG
Natutukoy ang iba’t ibang uri ng kalamidad at sakuna na maaaring
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
mangyari sa kanilang komunidad. (MELC 19)
(MELCs)
III. PANGUNAHING NILALAMAN Batayang pangkaligtasan at pagbibigay ng pangunang lunas.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I. Panimula (Mungkahing Oras: 3 minuto)

Halina at paghandaan ang mga kalamidad na sa atin ay di - inaasahang dumating at maranasan.

Ang sakuna ay tumutukoy sa isang malaking kapinsalaan o kalamidad. Ito ay aksidente o mga hindi sadyang
pangyayari tulad ng bagyo, lindol at iba pa.

Ang maagap na paghahanda ay nalalayo sa sakuna. Upang maiwasan ang mga sakuna na dulot ng natural
na kalamidad, makinig o alamin lagi ang mga pahayag, babala at maging alerto. Maaaring malaman ang
pinakabagong impormasyon ukol sa sama ng panahon sa radyo, telebisyon o internet. Laging ipinahahayag sa
telebisyon o radyo ang pagdating o paglapit ng isang bagyo, pagputok ng bulkan, lindol, baha at malakas na
hangin.

Iba ang may kaalaman at may kahandaan. Ang larawan sa ibaba ay nagpapakita ng pagsasanay bilang
paghahanda sa lindol. Ito ay isinasagawa sa mga paaralan, opisina at kahit saan sa buong bansa sa itinakdang
araw at oras ng National Disaster Risk Reduction Management Council. (NDRRMC)

Larawang kuha ni Zenaida E. Belino

D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 10 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:


Tukuyin ang kalamidad na inilalarawan sa bawat bilang. Buoin ang salita sa pamamagitan ng paglalagay
ng nawawalang titik sa ibabaw ng patlang. Sipiin at sagutan sa notbuk.

1. Pagbubuga ng asupre p_ g_ u_ ok n_ b_ lka_


2. Pagkibo ng lupa l_ n_ o l
3. Paglakas ng hangin at ulan b_ g_ o
4. Bunga ng walang tigil na pag – ulan b_ h_
5. Pagguho ng lupa l_ nd_ l_ d_

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:


Magsaliksik sa internet o humanap sa mga aklat at babasahin ng mga uri ng kalamidad. Idikit sa notbuk
ang mga larawan ng kalamidad at sumulat ng pangungusap tungkol dito. Gawin ito sa notbuk.
E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 10 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:


Mula sa mga larawang nasaliksik sa unang gawain, aling kalamidad ang kaya mong iguhit? Gawin ito sa
inyong notbuk.

A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 7 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:


Sumulat ng talata tungkol sa hindi mo pinakamakakalimutang karanasan tungkol sa kalamidad. Gawing
gabay ang mga tanong sa ibaba sa pagsulat ng talata.
1. Sumunod ba ako sa mga dapat tandaan sa pagsulat ng talata?
2. Magkakaugnay ba ang kaisipan ng mga pangungusap?
3. Naisalaysay ko ba ayon sa pagkakasunod - sunod ang mga pangyayari?

Batayan sa pagmamarka
Kriterya Pinakamahusay Mahusay Katamtaman
(5-4) (3-2) ang Husay
(1-0)

1. Pagkakagamit ng mga pangungusap


2. Paggamit ng mga tamang bantas
3. Kaayusan ng talata
Kabuuan (15 puntos)

V. PAGTATAYA (Mungkahing Oras: 5 minuto)


(Ang mga Gawain sa Pagkatuto para sa Pagpapayaman, Pagpapahusay, o Pagtataya ay ibibigay sa ikatlo at ikaanim na linggo)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:


Sumulat ng isa hanggang dalawang pangungusap tungkol sa iba’t ibang uri ng kalamidad at sakuna na
maaaring mangyari sa inyong komunidad.

Batayan sa pagmamarka
Kriterya Pinakamahusay Mahusay Katamtaman
(5-4) (3-2) ang Husay
(1-0)

1. Pagkakagamit ng mga salita


2. Paggamit ng mga tamang bantas
3. Kaayusan ng pangungusap
Kabuuan (15 puntos)
VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 5 minuto)
● Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.

Sa iyong kwaderno, magsulat ng nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:
Nauunawaan ko na ____________________________________
Nababatid ko na______________________________________.
Kailangan kong higit pang matutunan ang tungkol sa _______________________.

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa
Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
- Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa
ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP
Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5 Bilang 7
Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6 Bilang 8

VII. SANGGUNIAN Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan, pahina 380 - 384


Inihanda ni: ZENAIDA E. BELINO Sinuri nina: CHRISTIAN DICK B. CUNAG
DR. BENJAMIN M. PLATA JR.
CYRUS T. FESTIJO

You might also like