You are on page 1of 241

UNANG MARKAHAN

MGA YUGTO NG PAGKATUTO

Sabjek: Filipino Baitang: V


Petsa: Sesyon: I
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang kakayahan sa
mapanuring pakikinig at pag-unawa sa
napakinggan.
Pamatayan sa Pagganap: Nakapagbibigay ng sariling karanasan
para sa napakinggang kuwento at
pagsasagawa sa roundtable na pag-uusap
tungkol sa isyu o paksang napakinggan.
Kompetensi: Naiuugnay ang sariling karanasan sa
napakinggang teksto. CG F5PN-1a-4

I. LAYUNIN
Kaalaman: Naiuugnay ang sariling karanasan sa
napakinggang teksto.
Saykomotor: Nakagaganap sa sariling karanasan
batay sa napakinggang teksto.
Apektiv: Napahahalagahan ang pagtitiwala sa
sarili.

II. PAKSANG-ARALIN

I. PAKSA Pag-uugnay sa Sariling Karanasan sa


Napakingggang Teksto
"Alaala ng Bakasyon"
II. SANGGUNIAN CG F5PN-1a-4, GAP 6 pp. 3-8
III. KAGAMITANG Teksto, tsart, larawan
PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA Ano-ano ang mga pagdiriwang ang


Pangmotibesyunal na naganap noong bakasyon?
tanong: Kayo ba'y sumali sa mga pagdiriwang na
binanggit ninyo?
Ano ang inyong nararamdaman sa
pagsali?

Magpakita ng larawan. Pag-usapan ito.


Aktiviti/Gawain: Buuin ninyo ang mga titik na nasa loob
ng envelope batay sa larawang makikita
ninyo.
Patron pahiyas pabitin
penitensya Moriones
B. PAGLALAHAD A. Pakikinig ng kuwento
Abstraksyon B. Pagsagot sa mga tanong
(Pamamaraan ng
Pagtalakay)

C. PAGSASANAY Pag-uugnay sa mga pangyayari batay sa


Mga Paglilinang na sariling karanasan
gawain: 1. palosebo
2. sagala
3. pagpapaputok ng kuwitis

D. PAGLALAPAT Pangkatin ang klase sa apat.


Aplikasyon Pumili ng mga pagdiriwang na maiuugnay
sa sarili ninyong karanasan at isadula
ito.
E. PAGLALAHAT Paano ninyo naiuugnay ang sariling
Generalisasyon karanasan sa napakinggang teksto?
Anong katangian ang ipinakita ninyo sa
pagganap sa mga pangyayari.
Paano ninyo ito pinahalagahan?
IV. PAGTATAYA Sagutin ang sumusunod na tanong batay
sa sariling karanasan.
1. Anong pista ang ipinagdiriwang sa
inyong pook?
2. Kailan ito ipinagdiriwang
3. Alin sa mga gawain sa pista ang
ibig mong ipagpatuloy? Bakit?
V. TAKDANG-ARALIN Pumili ng isa sa sumusunod na
pagdiriwang at sumulat ng isang
talataan tungkol dito batay sa
sariling karanasan.
1. Ang Pista sa Amin
2. Isang Kasalan
3. Sa Binyagan
Sanayang Aklat 1

PAKSA: Pag-uugnay sa Sariling Karanasan sa Napakingggang Teksto "Alaala ng


Bakasyon"

TUKLASIN
Dahil nahahati tayo sa mga pulo hindi natin malaman ang
lahat na ginagawa ng ating mga kapatid na Pilipino sa kanilang lugar.
Ibat-ibang kultura ang nasanayan natin.

MOTIBISYUNAL NA TANONG
1. Ano-ano ang mga pagdiriwang sa inyong lugar ang naganap noong
bakasyon?
2. Kayo ba'y sumali sa mga pagdiriwang na binanggit ninyo?
3. Ano ang inyong nararamdaman sa pagsali?

GAWAIN 1

Magpakita ng larawan. Pag-usapan ang mga nakita sa larawan.


Buuin ninyo ang mga titik na nasa loob ng envelope batay sa larawang makikita
ninyo.

Patron pahiyas pabitin penitensya Moriones

PAGSUSURI

GAWAIN 2

Ano-ano ba ang ipinapakita sa larawan?


Ngayon lang ba ninyo ito nakita?

ALAM MO BA NA…

Sa iba’t ibang dako ng ating kapuluan ay may mga kaugaliang kaugnay ng pagdiriwang ng
pista o iba pang kasayahan. Karaniwang nasasaksihan natin ang mga ito kung bakasyon at
natutuwa tayong isalaysay ito sa ating mga kaibigan o kamag-aral pagsapit ng pasukan. Ikaw
ba’y may karanasan din tulad ng mababasa mo sa kuwentong ito?

Pakinggan sa mga bata ang isang teksto.


Alaala ng Bakasyon
( Sa unang araw ng pasukan sa isang silid-aralan ng mga mag-aaral
sa Ikaanim na Baitang)
Gng. Amor: Alam kong marami kayong naging karanasan noong bakasyon. Maaari
bang marinig ang inyong kuwento?
Luz: Maari po ba akong magsimula?
Gng. Amor: O, sige, Iyan ay kung handa nang making ang iyong kamag-aaral.
Mga Mag-aaral: Handang-handa na po kami.
Luz: Noong bakasyon namista ako sa Pulilan, Bulacan kasama ng aking Tita
Lita. Nagkita-kita kaming magkakamag-anak sa tahanan ng aking Lolo at
Lola. Matapos ang masaganang pananghalian, nagtungo kami sa plasa upang
saksihan ang parada. Karamihan sa mga kasama sa parada ay mga magsasaka.
Nakasakay sila sa kariton na hila-hila ng kalabaw. Nagkatuwaan ang mga
nanonood ang kalabaw na lumuluhod na wari’y nananalangin at
nagpapasalamat kay San Isidro Labrador, patron ng magsasaka.
Andy: Ako naman ay sa Marinduque nagpunta noong Mahal na Araw. Moriones naman
ang pinanood ng mga tao habang lumalakad ang prusisyon. Kakaiba ang
kasuotan ng mga lalaking nagpepenitensya dahil sila ay nakamaskara at
nakasuot ng makukulay na kasuotan na
waring handang makipaglaban.
Lorna: Sa Sariaya, Quezon naman ay
makukulay na pahiyas ang nakasabit
sa dingding ng tahanan. Ito’y mga
produktong inani nila tulad ng
palay, gulay at prutas.
Celia: Nakikita ba ninyo ang litratong
ito?
Iyan ay larawan ko noong ako’y naging
sagala sa Santacruzan. Pagkatapos ng
prusisyon, sumali ako sa pabitin. Wala
naman akong nakuhang kendi, biskwit o
laruan dahil maliit ako kaya hindi ko
maabot ang pabitin.

Gng. Amor: Nakatutuwa ang inyong mga


kuwento. Sana’y marinig din
natin ang karanasan ng iba ninyong kamag-aaral.

PAGTATALAKAY

GAWAIN 3
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
Bakit nakatuwaan ng mga tao ang kalabaw?
Paano nagpepenitensya ang mga kalalakihan sa Marinduque?
Bakit dinarayo ang pahiyas sa Quezon?
Ano ang pinakahintay ng mga bata sa Santacruzan? Bakit?
Mainam bang ipagpatuloy ang mga kaugaliang nabasa mo sa kuwento?

PAGSASANAY

GAWAIN 4
Batay sa sariling karanasan, sa anong pista o pagdiriwang mayroong
ganitong pangyayari?
Isulat ang sagot sa tapat ng bawat salita o lipon ng mga
salita.
1. Palosebo ______________
2. Sagala ______________
3. Basaan ______________
4. Sayawan ng mga Ati ______________
5. Pagpapaputok ng kuwitis ___________

PAGLALAPAT
Pangkatin sa apat ang klase.
Pumili ng mga pagdiriwang na maiugnay sa sarili ninyong
karanasan at isadula ito.

TANDAAN

Ipinapakita natin ang pasasalamat sa mga biyayang natanggap natin sa


pamamagitan ng pagpipista. Idinadaraos natin ito sa ibat ibang
paraan.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa sariling karanasan.


1. Anong pista ang ipinagdiriwang sa inyong lugar?
2. Kailan ito ipinagdiriwang?
3. Alin sa mga gawain sa pista ang ibig mong ipagpatuloy? Bakit?

TAKDANG ARALIN

Pumili ng isa sa sumusunod na pagdiriwang at sumulat ng talataan


tungkol dito batay sa sariling karanasan.
1. Ang Pista sa Amin
2. Isang Kasalan
3. Sa Binyagan
Sabjek:Filipino Baitang: V
Petsa: Sesyon: 2

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa


pagsasalita at pagpapahayag ng
sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin.
Pamatayan sa Pagganap: Nakasasali sa isang usapan tungkol sa
isang paksa
Kompetensi: Naipapahayag ang sariling opinyon o
reaksyon sa isang napakinggang balita
isyu o usapan. CG F5PS-1a-j-1

I. LAYUNIN
Kaalaman: Naipahahayag ang sariling opinyon o
reaksyon sa isang napakinggang balita
isyu o usapan.
Saykomotor: Nakasusulat ng sariling opinyon o
reaksiyon sa isang napakinggang balita
isyu o usapan.
Apektiv: Napahahalagahan ang opinyon ng iba.
II. PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Murang Pabahay Para sa mga Iskwater


B. SANGGUNIAN Gintong Aral sa Pagbasa 6 pp. 111-114
C. KAGAMITANG Larawan, kartolina istrip, tsart
PAMPAGTUTURO

III. III. PAMAMARAAN


A. PAGHAHANDA Magpakita ng larawan.
Pangmotibesyunal na Ano ang ginagawa ng mga bata na nasa
tanong: larawan?
Bakit namumulot/nangunguha sila ng mga
basura?
Saan sila nakatira?
Aktiviti/Gawain:
Magpakita ng larawan ng nag-iinuman,
at natutulog sa lansangan.
Magbigay ng mga palagay sa nakikita sa
larawan.
Paglinang ng Talasalitaan.
Alamin ang kahulugan ng mga salita sa
pamamagitan ng gamit sa pangungusap.
B. PAGLALAHAD Gamit ang DRTA na paraan. Bakit
Abstraksyon nagtungo ang Pangulo at ang Unang
(Pamamaraan ng Ginang sa Barangay Kalayaan?
Pagtalakay)

C. PAGSASANAY Sa inyong palagay makatutulong ba sa


Mga Paglilinang na mga iskwater ang pagkawala ng Smokey
gawain: Mountain? Bakit?
Batay sa mga impormasyon sa balitang
napakinggan magbigay ng tamang
reaksyon tungkol sa Paglipat ng
tapunan ng basura sa ibang lugar.
D. PAGLALAPAT Pangkatin ang klase sa apat. Magbigay
Aplikasyon ng sariling reaksiyon o opinyon
tungkol sa mga sumusunod.
I - Paglaganap ng sakit na Dengue-
Fever
II - Pagpapasunog sa mga malalaswang
babasahin
III - Pagdaraos ng mga palaro sa
paaralan
IV - Paghihiwalay ng mga basurang
nalalanta at di-nalalanta
E. PAGLALAHAT Ang bawat tao ay may iba't ibang
Generalisasyon opinyon o reaksiyon sa isang balita
isyu o usapan kaya paano mo
maipakikita ang pagpapahalaga sa
oipinyon ng ibang tao?
IV. PAGTATAYA Magpakita ng larawan ng baha at
nasunugan. Isulat ang inyong opinyon o
reaksiyon tungkol dito.

V. TAKDANG-ARALIN Gumupit ng isang balita at magbigay ng


reaksiyon tungkol dito.
Sanayang Aklat 2

PAKSA: Murang Pabahay para sa mga Iskwater

TUKLASIN:
Ang kalinisan ay may malaking naitulong sa ating kalusugan.
Sa umagang ito pakinggan ninyo ang isang diyalogo kong ano ang
ginawa ng pamahalaan sa isang lugar na may maraming basura.

MOTIBISYUNAL NA TANONG
1. Bakit namulot ang mga bata ng basura?
2. Saan kaya sila nakatira?

GAWAIN 1
Magpakita ng larawan.

PAGSUSURI

GAWAIN 2
Ano ang masasabi ninyo sa unang larawan? Sa ikalawa?
Alamin ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng gamit sa pangungusap.
1. Ang Unang Ginang ang gumupit ng laso sa pasinaya ng bagong taong
tayong pabahay.
2. Nagtiis ang ina ng pagod at puyat para sa anak. Sakripisyo ang
pagpalaki ng anak.
3. Ang mga pag-aalala ng magulang ay naibsan nang makita ang nawawalang
anak.
4. Ang batang gustong matuto ay - di alintana ang pagpupuyat sa pag-
aaral ng leksyon.
5. Sabay-sabay kumain ang lahat. Kasalo ng mga tagabarangay ang mga
panauhin.

ALAM MO BA NA

Hindi tayong lahat ay may sariling lupa at bahay. Ngayong


umaga pakinggan ninyo ang isang kuwento tungkol sa proyekto ng
pamahalaan noon sa isang lugar.

Gamit ang DRTA.

Murang Pabahay Para sa mga Iskwater


Nabalitaan mo na ba ang tungkol sa tila bundok na basura sa Tondo, Maynila?
Ito ang tinatawag nilang Smokey Mountain. Kahabag-habag ang kalagayan ng mga
nakatira rito hindi lamang dahil sa masansang na amoy ng bulok na basura kundi
ang mga daga, ipis, at langaw na peste sa kanilang kalusugan. Kung paano tinugon
ng pamahalaan ang problema ng mga kapuspalad sa Smokey Mountain, maririnig mo
sa balitang pakikinggan.
Panauhin ang Pangulo at Unang Ginang sa pasinayang ginanap para sa
proyekto ng pamahalaan na Murang pabahay para sa Mahihirap. Sa Pangunguna ng
kapitan ng barangay nagdaos ng misang pasasalamat sa tapat ng bagong tayong mga
gusali, ganap na ika-7:00 n. u.
Niligid ng pangulo at mga kasama ang buong paligid ng ilang palapag na
gusali. Malinis ang dati’y nangangamoy na Smokey Mountain. Kumpleto sa tubig at
kuryente ang lahat ng kabahayan. Malugod na tinanggap at pinasalamatan ng mga
mapapalad na napagkalooban ng pabahay ang kagalang-galang na pangulo.
Ilang taon ding nagtiis ang mga iskwater sa Smokey Mountain. Naroon kasi
ang kanilang ikinabubuhay. Pinipili nila ang maaari pang pakinabangan sa mga
basura tulad ng bote, lata, yero, plastic, karton, papel at kahit mga pagkain.
Di nila alintana ang ulan o matinding sikat ng araw kapag namumulot ng basura.
Ang lahat ng kanilang sakripisyo ay naibsan nang ilipat ang tapunan ng
basura. Pinatag ang tila bundok ng basura at itinayo nga ang ilang libong
pabahay para sa kanila.
Kasalo nila ang Pangulo at Unang Ginang sa pagkain na inihanda ng
barangay. Mistulang pista sa Barangay Kalayaan nang ipagkaloob ang mga pabahay
sa tagaroon.
Bakit nagtungo ang Pangulo at ang Unang Ginang sa Barangay Kalayaan?
Sino ang pinagkalooban ng mga pabahay?
Bakit nagtiis manirahan ang mga iskwater sa Smokey Mountain?

PAGTATALAKAY

GAWAIN 3
Sa inyong palagay, makatutulong ba sa mga iskwater ang pagkawala ng
Smokey Mountain? Bakit?

PAGSASANAY

GAWAIN 4
Batay sa mga impormasyon sa balitang napakinggan, magbigay ng tamang
reaksyon tungkol sa “Paglipat ng tapunan ng basura sa ibang lugar”.

PAGLALAPAT
Pangkatin ang klase sa apat. Magbigay ng sariling reaksyon o opinyon tungkol
sa mga sumusunod:
PANGKAT I – Paglaganap ng Dengue Fever
PANGKAT II – Pagpapasunog sa mga malalaswang babasahin
PANGKAT III – Pagdaraos ng mga palaro sa paaralan
PANGKAT IV – Paghihiwalay ng mga basurang nalalanta at di-
nalalanta

TANDAAN
Ang bawat tao ay may iba’t ibang opinyon o reaksyon sa isang
balita. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang reaksyon, makabubuo ng
opinyong pangmadla.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Magpakita ng larawan ng baha at nasunugan. Isulat ang


inyong opinyon o reaksiyon tungkol dito.

TAKDANG ARALIN

Gumupit ng isang balita at magbigay ng reaksyon tungkol


dito.

Sabjek: Filipino Baitang: V


Petsa: Sesyon: 3
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa
pagsasalita at pagpapahayag ng
sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin.
Pamatayan sa Pagganap: Nakasasali sa isang usapan tungkol sa
isang paksa
Kompetensi: Nagagamit nang wasto ang mga
pangngalan sa pagtalakay tungkol sa
sarili, sa mga tao, bagay at
pangyayari sa paligid. F5WG-Ia-e-2
I. LAYUNIN
Kaalaman: Natutukoy ang mga uri ng pangngalan

Saykomotor: Nakasusulat nang wasto sa mga


pangngalan sa pagtalakay tungkol sa
sarili, sa mga tao, bagay at
pangyayari sa paligid.
Apektiv: Naipapakita ang kahalagahan ng
pagiging mabait.
II. PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Mga Uri ng Pangngalan - Isang Anunsyo


sa pahayagan
B. SANGGUNIAN Pagdiriwang ng Wikang Filipino 5 pp.
61-65
C. KAGAMITANG PAMPAGTUTURO Tsart, plaskard

III.PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Sino sa inyo ang nagbabasa ng
Pangmotibesyunal na pahayagan?
tanong: Ano ang paborito mong babasahin?
Kung naghahanap ng trabaho ang iyong
kuya saang bahagi ng pahayagan niya
ito hahanapin/babasahin?
Aktiviti/Gawain: Ipakita sa mga bata ang pahina ng
anunsyong klasipikado.

B. PAGLALAHAD Pagbasa sa kuwento. Gamitin ang DRTA


Abstraksyon na paraan.
(Pamamaraan ng Tungkol saan ang nabasa ni Ahmed sa
Pagtalakay) pahayagan?
Ano-anong katangian ang hinahanap sa
anunsyo?
Ipabasa sa mga bata ang mga nakahanay
na salita.

C. PAGSASANAY Ano ang tawag natin sa bawat pangkat


Mga Paglilinang na ng mga salita?
gawain: Ano ang isinasaad ng mga salita sa bawat
pangkat?
Paano isinusulat ang mga salita sa titik
A?
D. PAGLALAPAT Pangkatin ang klase sa apat. Ipagawa
Aplikasyon ang sumusunod. Sumulat ng isang talata
na may apat/limang pangungusap gamit
ang mga pangngalan
I - Tungkol sa sarili
II- Tungkol sa isang bagay
III - Tungkol sa isang tao
IV - Tungkol sa isang pangyayari

E. PAGLALAHAT Ano ang pangngalan? Ao-ano ang mga uri


Generalisasyon nito? Mahalaga bang maging mabait?
Bakit? Paano mo maipapakita ang pagiging
mabait?
IV. PAGTATAYA PAGSUBOK NG KAALAMAN
Uriin ang pangngalang may
salungguhit kung pambalan, pantangi, o
lansakan.
1. Maraming nabibiling pagkain sa
supermarket.
2. Maganda ang pelikulang napanood ko
sa Ever.
3. Masarap ang ulam na niluto ni Aling
Iska.
4. Nagpunta sa Luneta sina Edna at
Albert.
5. Nakakita sila ng mga pulutong ng
tao.
V. TAKDANG-ARALIN Gamit ng kalahating papel. Sumulat ng
isang talatang may apat o limang
pangungusap gamit ang mga pangngalan
sa pagtatalakay tungkol sa iyong
sarili.

Sanayang Aklat 3
PAKSA: Mga Uri ng Pangngalan - Isang Anunsyo sa pahayagan

TUKLASIN:
Makilala natin ang isang bagay kong ito’y inilarawan ng
maayos at malaman naman natin ang isang pagkakataon o pangyayari
kong may napagkwentuhan tayo at nabasa.

MOTIBISYUNAL NA TANONG
1. Ano ang paborito ninyong pahayagan?
2. Kung naghahanap ng trabaho ang iyong kuya saang bahagi ng
pahayagan niya ito hahanapin/babasahin?

GAWAIN 1

Ipakita sa mga bata ang pahina ng anunsyong klasipikado.

Ano ang nakita at nabasa ninyo?


PAGSUSURI

GAWAIN 2
ALAM MO BA NA…

Kailangan tayong makinig at babasa ng balita upang malaman


natin kong ano ang mga pangyayaring naganap sa ating bansa at
mabasa natin ang mga isyu kung saan tayo makahanap ng trabaho.

Sa hapong ito, babasahin ninyo ang isang anunsyo. Ano kaya ito?

ISANG ANUNSYO SA PAHAYAGAN

Kasalukuyang nagbabasa ng pahayagan si Ahmed, tubong Cotabato at


nabibilang sa tribo ng T’boli. Natuon ang kanyang paningin sa isang anunsyo sa
pahayagang Bukang-Liwayway na nagsasaad ng ganito.

NANGANGAILANGA:
Tagagawa ng alahas

18-25 taong gulang


Masipag,mabait, at
mpagkaktiwalaan
Stay –in
Makipagkita kay:
Gng. Ruby Brillantes
719 Kalye Saniro
Batu-Bato, Bulacan

“Tiya! Tiya” ang sumusugod na tawag ni Ahmed sa kanyang Tiya Agnes na nasa
kusina. “Bakit, Ahmed? Ano’t ikaw ay sumusugod?” ang tanong ni Tiya Agnes.
“Pakitingnan po ninyo itong anunsyo sa pahayagan,” ang pakiusap ni Ahmed
sabay turo sa nabasa sa dyaryo.
“Bakit nga hindi mo subukan?” ang tugon ni Tiya Agnes.” Labing-siyam na taong
gulang ka, tapos ng haiskul, matatas magsalita ng Tagalog kahit ilang buwan
ka pa lamang dito sa Maynila at higit sa lahat, masipag, mabait, at
mapagkatiwalaan sa mga gawain.”
Bukas na bukas din ay akin pong pupuntahan,” ang wika ni Ahmed.
“Hayaan mo’t pasasamahan kita sa pinsan mong si Lita upang iyong matunton
ang lugarna iyan,” ang pangako ni Tiya Agnes.
“Marami pong salamat, Tiya,” ang nasambit ni Ahmed.

PAGTATALKAY
GAWAIN 3
1. Sino si Ahmed? Ilarawan siya.
2. Tungkol saan ang nabasa ni Ahmed sa pahayagan?
3. Ano-ano ang katangian ang hinahanap sa anunsyo?
4. Sa palagay mo, matatanggap kaya si Ahmed? Ilahad ang iyong katwiran.
5. Sa paghahanay ng gawain, ano-anong kaugalian ang dapat pairalin?
6. Sa anong bahagi ng pahayagan nabasa ni Ahmed ang pangangailangan?

PAGSASANAY

GAWAIN 4
Pag-aralan ang pangkat ng mga salita

A B C
Ahmed pahayagan tribo
Bukang-Liwayway tiya samahan
Bulkan pinsan lipi

Ano ang tawag natin sa bawat pangkat?


Ano ang isinasaad ng mga salita sa bawat pangkat?
Paano isinusulat ang mga salita sa titik A?

PAGLALAPAT
Pangkatin sa apat ang klase. Ipagawa ang mga sumusunod.
Sumulat ng isang talata na may apat/limang pangungusap gamit ang
mga uri ng pangngalan.

PANGKAT I – Tungkol sa tao


PANGKAT II – Tungkol sa isang bagay
PANGKAT III – Tungkol sa isang bagay
PANGKAT IV – Tungkol sa isang pangyayari
TANDAAN
May tatlong uri ang pangngalan; Pangngalang Pantangi;
Pangngalang Pambalana at Pangngalang Lansakan.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Uriin ang pangngalang may salanguhit kung pambalana, pantangi o


lansakan.
1. Maraming mabibiling pagkain sa supermarket.
2. Maganda ang pelikulang napanood ko sa Ever.
3. Masarap ang ulam na niluto ni Aling Iska.
4. Nagpunta sa Luneta sina Edna at Albert.
5. Nakakita sila ng mga pulutong ng tao.

TAKDANG ARALIN

Gamit ang kalahating papel sumulat ng isang talatang may


apat o limang pangungusap gamit ang mga pangngalan sa
pagtatalakay tungkol sa iyong sarili.
Sabjek:Filipino Baitang: V
Petsa: Sesyon: 4

Pamantayang Pangnilalaman: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa


iba't ibang uri ng teksto at
napapalawak ang talasalitaan.

Pamatayan sa Pagganap: Nakapagsasagawa ng readers' theater.

Naibibigay ang kahulugan ng salitang


pamilyar at di-pamilyar sa pamamagitan
Kompetensi: ng gamit sa pangungusap. CG F5PT-1a-b-
1.14
Nasasagot ang mga tanong sa binasang
kuwento. F5PB-Ia-3.1

I. LAYUNIN Nakikilala ang kahulugan ng salitang


Kaalaman: pamilyar at di-pamilyar sa pamamagitan
ng gamit sa pangungusap.

Saykomotor: Naisasadula ang ilang bahagi sa


binasang kuwento.

Apektiv: Naipagpatuloy ang kawilihan sa


pagmamahal sa bayan.

II. PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Sa Pagbabalik ni Lolo Godo

B. SANGGUNIAN Gintong Aklat sa Pagbasa 6, pp.37-40

C. KAGAMITANG PAMPAGTUTURO Larawan, tsart

I. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA May nakapag-ibang bansa na ba sa inyong


a. Pangmotibesyunal na pamilya?
tanong: Nakauwi na ba sila?
Ano-ano ang mga dahilan sa kanilang
pag-uwi?
b. Aktiviti/Gawain: Magpakita ng larawan. Ipalarawan ito.
Ibigay ang kahulugan ng mga salita ayon
sa gamit nito sa pangungusap.
1. Pinarangalan ang mga beterano
matapos ang digmaan.
2. Nagbalikbayan si Lolo Godo upang
makalahok sa dantaong
pagdiriwang ng kalayaan ng ating
bansa.
3. Binuksan ni Lolo Godo ang isang
malaking baul.

B. PAGLALAHAD
Abstraksyon Pagbasa sa kuwento gamit ang DRTA na
(Pamamaraan ng paraan.
Pagtalakay) Bakit umuwi si Lolo Godo?
Ano-anong mga bagay ang nakatago sa baul
na nagpapaalala sa kanyang pagiging
kawal?
Bakit nagkaroon ng hangarin si Aldo na
maging sundalo?

C. PAGSASANAY Ano-anong mga kaugaliang Pilipino ang


Mga Paglilinang na nananatili sa pamilya ni Lolo Godo kahit
gawain: na nasa ibang bansa sila?

Pabuuin ng mga tanong ang mga bata sa


bawat kaugaliang ipinakita at ipasagot
ito sa kanilang mga kaklase.

D. PAGLALAPAT Pangkatin ang klase sa tatlo. Isagawa


Aplikasyon ang mga sumusunod.
I - Isakilos ang mga sumusunod na salita
at ipahula ito sa mga kaklase
II - Isadula ang talata 2-4 na
III - I-rap ang talata 23-26.

E. PAGLALAHAT Bilang isang bata paano mo maipapakita


Generalisasyon ang pagmamahal sa bayan?

IV. PAGTATAYA Batay sa mga salitang natutuhan, gamitin


ito sa pagbuo ng mga pangungusap sa
talataan sa ibaba.
Nagdiwang ang Pilipinas ng isang ______
kalayaan noong Hunyo 12, 1998. Ang
mga_____ ay lumahok sa parada. Suot nila
ang mga ____ ipinagkaloob sa kanila
bilang parangal sa kanilang katapangan.
Ang ibang mga medalya ay nakasabit sa
kanilang mga _____. Lahat ng kanilang
gamit ay nakatago sa isang ______.
V. TAKDANG-ARALIN Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na
salita at gamitin ito sa pangungusap.
A. Himagsikan
B. nag-uumapaw
C. inihaw

Sanayang Aklat 4

PAKSA: Sa Pagbabalik ni Lolo Godo

TUKLASIN:
Masarap alalahanin ang mga karanasan natin noong tayo’y
bata. Sa kuwentong babasahin ninyo alamin kong paano naalaala ng
isang lolo ang karansan niya.

MOTIBISYUNAL NA TANONG
1. May nakapag-ibang bansa na ba sa inyong pamilya?
2. Nakauwi na ba sila?
3. Ano-ano ang mga dahilan sa kanilang pag-uwi?
4. Magpakita ng larawan. Ipalarawan ito.

GAWAIN 1

Magpakita ng larawan. Ipalarawan ito.

PAGSUSURI
GAWAIN 2
Basahin ang mga pangungusap. Ibigay ang kahulugan ng salitang may
salungguhit ayon sa gamit nito sa pangungusap.
1. Pinarangalan ang mga beterano matapos ang digmaan.
2. Nagbalikbayan si Lolo Godo upang makalahok sa dantaong pagdiriwang
ng kalayaan sa ating bansa.
3. Binuksan ni Lolo Godo ang isang malaking baul.
4. Inilabas ni Lolo Godo ang gora na suot-suot niya niya noon.
5. Nakatanggap siya ng medalya sa pagiging kawal niya.

ALAM MO BA NA…

Kung minsan kapag tayo’y nakabalik sa isang lugar na


ating napuntahan, naalala natin ang nangyari sa pook na iyon.
Maaaring ito ay masaya o malungkot na pangyayari. Mayroon
ding pagkakataon na kapag may nakita tayong isang bagay,
ito’y nakapagpapaalala sa atin ng isang karanasan. Sa
kuwentong iyong babasahin alamin mo kung paano naalaala ng
isang beterano ang kanyang mga karanasan sa pagtatanggol sa
bayan noong siya ay kawal pa.

SA PAGBABALIK NI LOLO GODO


May ilang taon ding hindi nakauwi sa Pilipinas si Lolo Godo
mula nang magtungo siya sa Amerika at manirahan sa piling ng isang anak na
nagtatrabaho sa San Francisco at doon na nakapag-asawa. Isa si Lolo Godo sa
mga beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na pinahintulutang manirahan
doon bilang pagkilala sa kanilang ginawang paglilingkod noong panahon ng
himagsikan.
Nagpasyang magbalikbayan si Lolo Godo upang makalahok sa
dantaong pagdiriwang ng kalayaan ng ating bansa. Isinama niya si Anton, ang
kanyang apo na isinilang sa Amerika.
Nag-umapaw sa galak ang puso ni Lolo Godo nang makita ang anak
at apo sa paliparan.Humanga rin siya sa malaking ipinagbago ng Pandaigdigang
Paliparan sa Maynila.
“ Mano po Itay,” ang magalang na pagsalubong ni aling Carmen sa
kanyang ama. Nagmano rin sina Aldo at Nina.
“ Naku, ang laki na nang mga apo ko,” ang pansin ng matanda sa
mga apo. “Anton, halika at magmano ka sa iyong Tiya Carmen.
“ Mano po Tiya” sabay abot sa kamay ni Aling Carmen upang
siya’y makapagmano.
“ Natutuwa ako at marunong pala si Anton ng kaugaliang
Pilipino, “ ang puna ni Aling Carmen.
“Aba, oo. Laging ipinaalaala ng iyong kapatid na di dapat
kalimutan ang magaganda nating kaugalian kahit sila ay nasa ibang bansa. Alam
mo bang Tagalog ang ginamit nilang usapan sa bahay? Siyanga pala, Anton, ang
iyong mga pinsan, sina Ronaldo at Nina.
“Kumusta ka Ate Nina at Ronald?” ang bati ni Anton sa mga
pinsan.
“ Hindi Ronald ang palayaw ko, Aldo,” ang pagwawasto ni
Ronaldo.
“ Sorry, Aldo. Akala Ronald katulad ni Ronald Reagan.”
Nagkatawanan ang magpipinsan. Iyon ang naging simula ng
masayan nilang pagbabalitaan hanggang makarating sila sa bahay nila sa
Paranaque.
Nakahanda ang hapag-kainan nang sila ay dumating. Napansin
kaagad ni Lolo Godo ang mga paborito niyang ulam sa mesa.
“ Naku, naalaala ko tuloy ang inay mo. Alam niya kasing
paborito ko ang inihaw na hito. Magsipaghugas na kayo ng kamay at tila ba
nakaramdam ako ng matinding gutom nang makita ang mga nakahain sa mesa.”
“Marunong bang magkamay si Anton?” ang tanong ni Aling
Carmen.
“ Bahala na po kaming magturo sa kanya,” ani Nina.”Hindi siya
makakain ng alimango at hipon kung hindi siya magkakamay.”
Patuloy na nagbalitaan ang mag-anakhabang kumakain.
Nanghihilot ng tiyan ang lahat matapos kumain sa kabusugan. Matapos
makapagpahinga, niyaya ni Lolo Godo ang mga apo sa kanyang silid. Sabik na
rin siyang maipagmalaki sa mga apo ang mga itinago niyang kagamitan noong
siya ay kawal pa. Binuksan niya ang isang malaking baul. Isa-isang inilabas
ni Lolo Godo ang kanyang mga uniporme gayon din ang gora at mga medalya
niyang tinaggap sa pagiging kawal.
“ Ang puting unipormeng ito ang isinusuot namin tuwing kami ay
pumaparada sa Luneta kung Araw ng Kalayaan,” ang simula ni Lolo Godo.
“ Ang medalyang iyan ay ipangkakaloob sa mga sundalong naging
matagumpay ang pakikidigma sa mga kalaban ng ating bayan sa iba’t ibang lugar
dito sa Pilipinas. Ito ang paborito kong medalya. Ibinigay ito sa mga kawal
na kasama sa Death March,” ang salaysay ni Lolo Godo.
“ Ano po ang Death March?” ang usisa ni Anton.
“ Iyon ang sukdulang pahirap sa amin ng mga kalaban nang kami ay
naglakad mula sa Bataan patungo sa Tarlac kung saan ay binalak na kami ay
tapusin ng mga kalaban subalit sa kabutihang-palad kami ay nakatakas.”
Nang dumating ang araw ng Kalayaan, kabilang si Lolo Godo sa
mga beteranong lumahok sa parada. Suot niya ang mga ipinakita niya sa mga
apo. Buong pagmamalaki naming pinanood nina Anton, Aldo at Nina ang kanilang
lolo.
“”Hayun si Lolo,” ang tuwang-tuwang sigaw ni Anton nang makita
si Lool Godo na nagmamartsa kasama ng maraming mga beterano.
“Gusto ko yatang maging sundalo, Anton. Ibig kong maging katulad
ni Lolo Godo na naglingkod sa bayan upang ipinagtanggol ang kalayaan,” ang
wika ni Aldo.
“ Ako rin. Sabihin natin kay Lolo pag-uwi mamaya,” ang sang-ayon
ni Anton sa kanyang pinsan.

PAGTATALAKAY

GAWAIN 3
Bakit umuwi si Lolo Godo?
Ano-anong mga kaugaliang Pilipino ang nanatili sa pamilya ni Lolo Godo
kahit nasa ibang bansa na sila?
Ano-anong mga bagay ang nakatago sa baul na nagpaalaala sa kanyang
pagiging kawal?

PAGSASANAY

GAWAIN 4
Pabuuin ng mga tanong ang mga bata sa bawat kaugaliang ipinakita at
ipasagot ito sa kanilang mga kaklase.

PAGLALAPAT
Pangkatang Gawain
PANGKAT I- Isadula ang talata 2-4
PANGKAT II- E rap ang talata-23-26

TANDAAN
Maraming paraan ang pagpapakita ng pagmamahal sa ating bayan.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Batay sa mga salitang natutuhan, gamitin ito sa pagbuo ng mga


pangungusap sa talataan sa ibaba.

Nagdiwang ang Pilipinas ng isang ______ kalayaan noong Hunyo 12, 1998.
Ang mga_____ ay lumahok sa parada. Suot nila ang mga ____ ipinagkaloob sa
kanila bilang parangal sa kanilang katapangan. Ang ibang mga medalya ay
nakasabit sa kanilang mga _____. Lahat ng kanilang gamit ay nakatago sa isang
______.

dantaon baul gora beterano


meadalya flashback

TAKDANG ARALIN
Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salita at gamitin ito sa
pangungusap.

A. Himagsikan
B. nag-uumapaw
C. inihaw

Sabjek:Filipino Baitang: V
Petsa: Sesyon: 5
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang iba't ibang kasanayan
upang maunawaan ang iba't ibang
teksto.
Pamatayan sa Pagganap: Nakapagtatala ng mga kailangang
impormasyon o datos.
Kompetensi: Nabibigyang-kahulugan ang patalastas.
F5EP-Ia-15

I. LAYUNIN
Kaalaman: Nakagugunita/Naalaala ang mga
patalastas na makikita at maririnig.
Saykomotor: Naisasagawa ang mga tuntunin na dapat
sundin sa pagsulat ng patalastas.

Apektiv: Nakapagmamalas ng paggalang sa mga may


kapansanan.

II. PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA "Pilipinong May Kapansanan" -


Patalastas

B. SANGGUNIAN Hiyas sa Wika 5 pp.192-195

C. KAGAMITANG Larawan, batayang-aklat


PAMPAGTUTURO

III. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA Ano-ano ang napanood natin sa


Pangmotibesyunal na telibisyon, nababasa sa mga lansangan,
tanong: tindahan at naririnig sa radyo? Bakit
ginagawa nila ito?
May naitutulong ba ito sa atin?
Aktiviti/Gawain: Magpakita ng larawan ng taong may
kapansanan. Sino ang taong ito?
Ano ang ginamit niya sa pag-upo?
Bakit siya nakaupo ng ganito?
B. PAGLALAHAD Pagbasa ng patalastas gamit ang DRTA na
Abstraksyon paraan. Ano ang paksa ng patalastas?
(Pamamaraan ng Ano-ano ang mga impormasyong inilahad
Pagtalakay) sa bawat talata?

C. PAGSASANAY Paano isusulat ang patalastas? Ano-ano


Mga Paglilinang na ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng
gawain: patalastas?

D. PAGLALAPAT Pangkatin ang klase sa apat. Sumulat


Aplikasyon ng patalastas tungkol sa mga
sumusunod. I - Pulong ng PTA II -
Paligsahan sa Pag-awit III - May mg
Bisitang Hapon na Dadalaw sa Paaralan
IV -Pakontes ng Katutubong Sayaw
E. PAGLALAHAT Paano isusulat ang patalastas? Ano ang
Generalisasyon dapat nating gawin sa mga taong may
kapansanan?

IV. PAGTATAYA Bumuo ng patalasta ukol sa sitwasyong


ito.

May mga bisistang Hapon na dadalaw sa


inyong paaralan. Maglibot sila sa mga
silid-aralan.
MAG-AARAL A: Ano ang isusulat nating
paksa?
MAG-AARAL B: “may mga Bisitang Hapon na
Dadalaw”
MAG-AARAL A: Saan dadalaw ang mga
bisitang Hapon?
MAG-AARAL B: Sa mga paaralan. Kailan
sila dadalaw”
MAG-AARAL A: Sa Oktubre 24, 2003
MAG-AARAL B: Buuin natin!

PATALASTAS

ANO:

SAAN:

KAILAN:

V. TAKDANG-ARALIN Sumulat ng patalastas tungkol sa


gaganaping Pulong ng Filipino Club.

Sesyon: 5

PAKSA: "Pilipinong May Kapansanan" - Patalastas

TUKLASIN:
Masarap alalahanin ang mga karanasan natin noong tayo’y
bata. Sa kuwentong babasahin ninyo alamin kong paano naalaala ng
isang lolo ang karansan niya.
MOTIBISYUNAL NA TANONG
1. Ano-ano ang mababasa natin sa lansangan, telebisyon,,
tindahan at maririnig sa radio?
2. Bakit kaya ginagawa nila ito?
3. May naitutulong ba ito sa atin?

GAWAIN 1

Magpakita ng larawan.

PAGSUSURI

GAWAIN 2
Ano ang nakikita ninyo?
Bakit kaya siya nakaupo ng ganito?
ALAM MO BA NA…

Magpasalamat tayo na tayo ay malusog at isinilang tayong


kumpleto ang mga bahagi ng ating katawan na makapaggawa tayo
ng husto. Sa babasahin ninyo ngayon alamin kong anong uri ng
tao ang binigyang pansin.

Nabibilang ba kayo sa mga PILIPINONG MAY KAPANSANAN?


Kung gayon magparehistro sa Nobyembre 17 hanggang 21
SINO ANG MGA TAONG MAY KAPANSANAN?
 Bulag
 Bingi
 Pipi
 Mahina’t paalisadong braso/ kamay
 Mahina’t paralisadong binti/paa
 May learning disability
 Wala sa sarili
 Autistic
 Malabo ang mata
 Mahina ang pandinig
 Hindi makapagsalita nang malinaw
 Putol ang braso/kamay
 Putol ang binti/paa
 Bulol
 Retardate
 Epileptic
 Iba pa

BAKIT KAYO DAPAT MAGPAREHISTRO?


Sa ngayon, may mga programa’t serbisyo ang iba’t ibang sangay ng
pamahalaan at pribadong sektor na kumikilala sa kakayahan ng mga taong may
kapansanan. Subalit kulang pa ito. Isinagawa ang pagrerehistrong ito upang
alamin ang bilang ninyo at makagawa ang pamahalaan nang masusi pang pag-
aaral at pagpaplano ng mga programa at serbisyo para sa inyo.

SAAN KAYO DAPAT PUMUPUNTA?


Bukas lahat ng barangay hall, barangay health center, at barangay
school sa limang araw na ito. Kung wala ang mga ito sa lugar ninyo, may
itatalagang isang registration center sa pangunguna ng inyong barangay
kapitan, kasama ang mga guro, nars, midwives at volunteers.
Sino ang mga taong may kapansanan?
Bakit sila dapat magparehistro?
Saan sila dapat magpunta?
PAGTATALAKAY

GAWAIN 3
Ano ang nabasa ninyo?
Paano ito isinulat?

PAGSASANAY

GAWAIN 4
Base sa nabasang patalastas sagutin ang sumusunod na tanong para
makagawa ng patalastas.
PATALASTAS
ANO:

SAAN:

KAILAN:

PAGLALAPAT
Pangkatin ang klase sa apat. Sumulat ng patalastas tungkol sa mga
sumusunod.
I - Pulong ng PTA
II -Paligsahan sa Pag-awit
III - May mg Bisitang Hapon na Dadalaw sa Paaralan
IV -Pakontes ng Katutubong Sayaw

TANDAAN
Sa pagsulat ng patalastas o anunsyo kailangang tiyak
ang paksa ng isang babala o patalastas. Ito ay maikling
mensahe na nagpapahatid ng mahalagang impormasyon tungkol sa
gaganaping palatuntunan, gawain, panawagan sa madla, kautusan
ng bayan/paaralan, pangangailangan sa hanapbuhay at nawawala.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Bumuo ng patalasta ukol sa sitwasyong ito.


May mga bisitang Hapon na dadalaw sa inyong paaralan. Maglibot sila
sa mga silid-aralan.
Kailangang maikli ang patalastas at maliwanag ang
mensaheng sumasagot sa mga tanong na Ano, Saan at Kailan.
Para sa maayos na pagsulat ng patalastas, gamitin nang
wasto ang mga sangkap sa pagsulat gaya ng malaking titik,
bantas, pasok at palugit.
MAG-AARAL A: Ano ang isusulat nating paksa?
MAG-AARAL B: “May mga Bisitang Hapon na Dadalaw”
MAG-AARAL A: Saan dadalaw ang mga bisitang Hapon?
MAG-AARAL B: Sa mga paaralan. Kailan sila dadalaw?
MAG-AARAL A: Sa Oktubre 24, 2003
MAG-AARAL B: Buuin natin!

PATALASTAS

ANO:

SAAN:

KAILAN:

TAKDANG ARALIN
Sumulat ng patalastas tungkol sa gaganaping pulong ng
Filipino Club.

Sabjek:Filipino Baitang: V
Petsa: Sesyon: 6
Pamantayang Pangnilalaman: Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng
iba’t ibang uri ng salita.
Pamatayan sa Pagganap: Nakasusulat ng isang talata tungkol sa
isang isyu o paksa.
Kompetensi: Nakasusulat ng isang maikling balita F5PU-
la-2.8
Naipagmamalaki ang sariling wika sa
pamamagitan ng paggamit nito. F4PL-Oa-j-I

I. LAYUNIN
Kaalaman: Nakapagpapahayag ng sariling kaisipan sa
pamamagitan ng pagbabalita
Saykomotor: Nakagagawa ng isang maikling balita
Apektiv: Napapangalagaan ang kalikasan.
II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA Pagmimina sa Bundok Diwalwal, Ipinatigil
B. SANGGUNIAN Hiyas sa Wika 5, p. 48-51
C. KAGAMITANG Tsart, larawan
PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
Pangmotibesyunal na Sino ang nanood ng balita kagabi?
tanong: Ano ang nabalitaan ninyo?

Magpakita ng larawan ng minahan.


Ano ang nakita ninyo?
Aktiviti/Gawain:
Mayroon ba kayong narinig na balita
tungkol sa minahan?
Alamin ang kahulugan ng sumusunod:
PNP,DENR,AFP, polusyon, minero
B. PAGLALAHAD Ipabasa ang maikling balita na isinulat sa
Abstraksyon tsart.
(Pamamaraan ng Sagutin:
Pagtalakay) Saan matatagpuan ang Bundok Diwalwal?
Ano-ano ang hakbang na ginawa ng PNP at
AFP upang makontrol ang karahasang naganap
sa Bundok Diwalwal?
Paano nakokontrol ng DENR ang patuloy na
paglala ng polusyon sa Monkayo, Compostela
Valley?
Paano tutulungan ng DENR ang maliliit na
minero na makinabang sa yaman ng kanilang
bayan?
C. PAGSASANAY Patingnan muli ang balita.
Mga Paglilinang na Ilang talata mayroon ang balita?
gawain: Tungkol saan ang bawat balita?
Ipabasa naman ang isang balita na naisulat
sa tsart. Iwasto nila ang pagkakasulat
nito.
D. PAGLALAPAT PANGKATANG GAWAIN
Aplikasyon Ipasulat muli ang talata na pinamagatang
“Kakikipagsapalaran Kahit Saan”
E. PAGLALAHAT Bawat talata ay nakatuon sa isang ideya.
Generalisasyon Kalimitan nasa unang pangungusap ang
pangunahing ideya ng balita. Ang iba pang
pangungusap sa talata ay sumusuporta sa
pangunahing diwa.
Isipin ang unang salita ng baway talata
Gamitin ang malaking titik kung saan
kailangan
Gamitin ang wastong bantas sa mga
pangungusap.
IV. PAGTATAYA Punan ang angkop na patlang upang mabuo
ang talata. Papipilian ang sumusunod na
mga salita:
kabundukan, Kabo, daan, kaingero, paligid,
likha, puno, tubig
ALAM BA NINYO?
Nakakita ka na ban g mga pamayanan sa
mga kabundukan? Paano ito nangyari?
Maraming 1______ang nag-iwan ng kinalbong
bahagi ng 2______.Pinutol nito ang mga
3______at hindi pinapalitan ng bago. Dito
pumapasok ang mga 4_____. Tinatawag nila
ito ng 5______ at 6______. Pagkatapos ng
dalawang 7_______hindi na nila ito
tataniman. Kung maganda pa ang mga
8_______ na ginawa ng mga 9______. Maaring
magtayo ng 10______sa dating 11_______ sa
halamanan, dadami ang mga 12_______at
ito’y magiging munting 13_______ng mga
14_______.Sisikapin nilang taniman ang
15_______upang makapag-ani. Ngunit dahil
sa kakulangan sa 16________hindi sila
makapag-ani ng 17_______. At kung hindi
marunong maglinis, mmagkakalat sila ng
18_______.

V. TAKDANG-ARALIN Maggupit ng balita at idikit ito sa


bondpaper.
SANAYANG AKLAT 6

Paksa: Pagmimina sa Bundok Diwalwal, Ipinatigil

TUKLASIN
Noong unang panahon talagang malinis ang kapaligiran natin.
Sa ilog maligo ang mga tao, maglaba at iba pa. Kung ihahambing
natin ngayo kunti na lamang ang naggawa ng mga iyan. Bakit kaya sa
panahon ngayon kakaunti na laman ang gumagamit sa ilog. Sa aralin
natin alamin natin ang dahilan.

MOTEBISYUNAL NA TANONG
1. Sino ang nanood ng balita kagabi?
2. Ano ang nabalitaan ninyo?

GAWAIN 1
Magpakita ng larawan ng minahan.

Ano ang nakita ninyo?


Mayroon ba kayong narinig na balita tungkol sa minahan?
PAGSUSURI

GAWAIN 2
Alamin ang kahulugan ng sumusunod: PNP,DENR,AFP, polusyon, minero

ALAM MO BA NA….

Sa kabundukan ay maraming likas na yaman,, kaya lang


hindi lang ito ginamit ng husto, kung baga inabusuhan sa
paggamit kaya nagdulot ito ng kasamaan sa ating lugar pati sa
tao. Ano kayang likas yaman ang tinutukoy nito?

PAGMIMINA SA BUNDOK DIWALAWAL IPINATIGIL


Ipinatigil ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa
pamumuno ni Kalihim Heherson Alvarez ang pagmimina at lahat na operasyon sa
pagpoproseso ng mineral sa Bundok Diwalwal, sa Monkayo, Compostela Valley
noong Linggo, Agosto11, 2002 upang sugpuin ang patuloy na paglala ng polusyon
at karahasang nagaganap sa naturang lugar.
Magkasabay na ipinahayag nina AFP Chief, Hen. Roy Cimatu at PNP Chief,
Director Hemogenes Ebdane, ang pagpapadala ng pwersang pulisya at military
upang kontrolin ang magulong kondisyon sa Bundok Diwalwal sa loob ng dalawa
hanggang tatlong lingo.
Ayon kina Cimatu at Ebdane ang magkasamang pwersa na itatalaga sa
Bundok Diwalwal ay regular na papalitan upang maiwasan ang pagiging malapit
ng mga awtoridad at ng mga opeyreytor ng minahan.
Kapag natiyak na ang seguridad ng lugar at matigil na ang pagmimina,
magtatayo ang mga inhinyero ng DENR ng mga daan kung saan patatakbuhin ang
mga dumi dulot ng opersayon ng pagmimina.. Kaugnay nito, lilinisin din ang
Ilog Naboc at itatayo ang People’s Small Scale Mining Protection Program.

Ipasagot ang sumusunod:


Saan matatagpuan ang Bundok Diwalwal?
Ano-ano ang hakbang na ginawa ng PNP at AFP upang makontrol ang karahasang
naganap sa Bundok Diwalwal?
Paano nakokontrol ng DENR ang patuloy na paglalng polusyon sa Monkayo,
Compostela Valley?
Paano tutulungan ng DENR ang maliliit na minero na makinabang sa yaman ng
kanilang bayan?

PAGTATALAKAY

GAWAIN 3
Patingnan muli ang balita. Ilang talata mayroon ang balita? Tungkol saan ang
bawat balita?
PAGSASANAY

GAWAIN 4
Ipabasa naman ang isang balita na naisulat sa tsart. Iwasto nila ang
pagkakasulat nito.

Implementasyon ng BEC Sinimulan Na

Sinimulan na nitong Taong Panuuran 2002-2003 ang


Implementasyon ng 2002 Basic Education Curriculum(BEC) na inilunsad ng
kagawaran ng edukasyon (DepEd) sa pamumuno ni Kalihim Raul Roco.
Tampok ng BEC na sumasaklaw sa antas Elementarya at
Sekundarya ang asignaturang MAKABAYAN. ito ang pinagsama-samang mga
asignaturang Araling Panlipunan, Musika, Arts, PE, Edukasyon sa
Pagpapahalag, TEEP o EPP sa ilalim nga asignaturang tinatawag na MAKABAYAN.
Sinimulan ang pagpapatupad ng BEC ay naglunsad ng malawakang
pagsasanay o seminar- workshop ang DepEd para sa mga public school teachers
na nilahukan din ng mga guro sa mga pribadong paaralan na nagkainteres sa
pagpapatupad ng naturang kurikulum..

PAGLALAPAT

PANGKATANG GAWAIN
Isulat muli ang talatang ito. Basahin kung saan magsisimula ang bawat
talata.

Pakikipagsapalaran Kahit Saan


Ang buhay ay isang pakikipagsapalaran kahit saan-maging sa lupa sa
tubig o kaya’y sa himpapawid. Pinili ni Amelia Mary Earhart ang himpapawid.
Siya ang kauna-unahang babaeng piloto na nagpalipad ng eroplano patawid ng
Atlantic Ocean. Marami siyang sinulat na aklat tungol sa kanyang mga abentura
sa paglipad. Bumagsak ang kanyang eroplano, sa nahuli niyang paglipad.
Samantala, isang kasiyahan kay Joy adamson ang pakikipagsapalaran sa lupa.
Mahilig siyang mag-aral ng mga hayop sa gubat. Inaalagaan niya ang isang
munting leon at tinuruan niya itong mamuhay muli sa gubat. Tuwang-tuwa si
Jacques Cresteau sa kanyang mga abentura sa dagat. Sa kanyang Payapang
Daigdig isinulat niya ang mga pagpupulong ng mga higanteng tulya,
nakalalasong isda at malalaking pating. Bilang prodyuser mahilig siya sa mga
pelikulang kinunan sa ilalim ng tubig. Tumutulong din siya sa pag-imbento ng
aqualung na ginagamit ng maninisid upang makahinga nnang matagal sa ilalim
ng tubig.

TANDAAN
Bawat talata ay nakatuon sa isang ideya. Kalimitan nasa
unang pangungusap ang pangunahing ideya ng balita. Ang iba
pang pangungusap sa talata ay sumusuporta sa pangunahing
diwa.
PAGSUBOK NG KAALAMAN

Alam Ba Ninyo?
Nakakita ka na ba ng mga pamayanan sa mga kabundukan? Paano ito
nangyari? Maraming 1.________ ang nag-iiwan ng kinalbong bahagi ng
2.________. Piniputol nito ang mga 3. _______ at hindi pinapalitan ng bago.
Dito pumapasok ang mga 4.______. Tinatamaan nilo ito ng 5________ at 6______.
Pagkatapos ng dalawang 7______, hindi na nila ito tataniman. Kung maganda pa
ang mga 8______ na ginawa ng mga 9._____. Maaaring may magtayo ng 10________
sa dating 11______, sa halaman, dadami ang mga 12. _______ at ito’y magiging
munting 13._______ ng mga 14. _________, Sisikapin nilang yaniman ang
15_______ upang makapag-ani. Ngunit dahil sa kakulangan sa 16_______ hindi
sila makapag-ani ng 17._______. At hindi marooning maglinis, magkakalat sila
ng 18.________.

Mga pagpipiliang salita

Kabundukan
Kubo daan kaingero
paligid likha puno
tubig magtotroso
Ikabubuhay tao bundok
palay at mais
pamayanan
Kaingin basura
pag-aani
TAKDANG ARALIN
Maggupit ng balita at idikit ito sa short bondpaper

Sabjek:Filipino Baitang: V
Petsa: Sesyon: 7

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang kakayahan sa


mapanuring pakikinig at pag-unawa sa
napakinggan.

Pamatayan sa Pagganap: Nakapagbibigay ng sariling pamagat


para sa napakinggang kuwento at
pagsasagawa ng roundtable na pag-uusap
tungkol sa isyu o paksang napakinggan.

Kompetensi: Nabibigyang-kahulugan ang tulang


napakinggan sa pamamagitan ng mga
kilos.
CG F5PN-Ib-5
I. LAYUNIN
Kaalaman: Nabibigyang-kahulugan ang tulang
napakinggan sa pamamagitan ng mga
kilos.

Saykomotor: Naisasagawa ang tulang napakinggan sa


pamamagitan ng kilos.

Apektiv: Napahahalagahan ang wastong


pangangalaga sa kalusugan.

II. PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Tula: Wastong Pagkain


B. SANGGUNIAN Hiyas sa Pagbasa pp 3--4

C. KAGAMITANG Larawan, tsart


PAMPAGTUTURO

III. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA Ano-ano ang mga pagkaing kinakain


Pangmotibesyunal na ninyo?
tanong: Ito ba ay nakabubuti sa inyong
kalusugan?
Ano-ano ang ginagawa ninyo para maging
malusog ang pangangatawan?
Aktiviti/Gawain: Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat.
Ipabuo ang puzzle na ibinibigay sa
bawat pangkat na nag-eehersisyo, mga
masustansiyang pagkain, batang
naliligo at natutulog. Ipasulat sa
cartolina istrip ang nabuo nila.

B. PAGLALAHAD Pakikinig sa tula gamit ang DRTA na


Abstraksyon paraan.
(Pamamaraan ng Ano-ano ang katangian ng taong malusog?
Pagtalakay) Ano ang pagkaing nagpapalakas ng buto
at nagpapatibay ng ngipin? Ano pa ang
mga pagkaing nagpapalusog ng katawan?

C. PAGSASANAY Ibigay ang katangian ng taong malussog.


Mga Paglilinang na Ano-ano ang mga pagkaing nagpapalakas
gawain: ng buto at nagpapatibay ng ngipin? Ano
pa ang mga pagkaing nagpapalusog ng
katawan? Bakit masasabing isang
kayamanan ang malusog na pangangatawan?

D. PAGLALAPAT Pangkatin ang mga mag-aaral sa lima.


Aplikasyon Ipabigkas at isakilos ang napakinggang
tula.
I-Unangsaknong
II-Ikalawang saknong
IIII-Ikatlong saknong
IV-Ikaapat na saknong
V- Ikalimang saknong.

E. PAGLALAHAT Kailangang kumain ng wastong pagkain


Generalisasyon upang mapanatiling malusog ang ating
katawan.Paano mo mapangalagaan ang
iyong kalusugan?

IV. PAGTATAYA Sagutin. Isulat ang mga pagkaing


pagkaing nakabubuti sa mga sumusunod:
1. mata
2. ngipin
3. buto

V. TAKDANG-ARALIN Gumuhit ng mga pagkaing nagpapalusog ng


katawan batay sa Go, Grow, Glow

SANAYANG AKLAT 7

Paksa: Tula: Wastong Pagkain

TUKLASIN
Alam ba ninyo na hindi sa laki ng tao masusukat ang
kalusugan?

MOTEBISYUNAL NA TANONG
1. Ano-anong mga pagkain ang kinakain ninyo araw-araw?
2. Ito ba’y nakabubuti sa inyong kalusugan?
3. Ma’y ginawa ba kayo para maging malusog?

GAWAIN I
Pangkatin sa apat ang mga mag-aaral.
Ibigay sa mga bata ang mga larawang gupit-gupit na nakalagay
sa envelope.
Ipabuo ang mga larawan:
PANGKAT I – NAG-EEHERSISYO
PANGKAT II – MASUSTANSIYANG PAGKAIN
PANGKAT III - BATANG NATUTUTULOG
PANGKAT 4 – BATANG NALILIGO

PAGSUSURI

GAWAIN 2

Ano ang nabuo ninyo?

ALAM MO BA NA….
May kasabihang “ Isang kayamanan ang malusog na
pangangatawan”
Ang buhay ay biyaya ng Maykapal at dagdag na
biyaya ang pagiging malusog.Ang pag-aalaga ng katawan upang
maging malusog ang atin namang handog sa Maykapal. Paano ito
magagawa? Pakinggan ninyo ang tula. Gamit ang DRTA.
WASTONG PAGKAIN

Ang taong malusog, lubhang masayahin,


matalas ang isip at hindi sakitin
katawa’y maganda at hindi patpatin,
pagkat alam niya ang wastong pagkain.

Lusog ng katawan nasa kinakain,


ang gulay at prutas, dapat na piliin
sa dilis at tulya, sa puso ng saging,
lalakas ang buto, titibay ang ngipin.

Lilinaw ang mata’t, katawa’y lalaki,


sa sariwang gatas, itlog at kamote,
malunggay at petsay, sa isda at karne,
ang bata’y matanda, lulusog, bubuti.

Sa ating pagkain laging tatandaan,


mga bitamina nitong tinataglay.
Sa sariwang prutas, isda saka gulay,
lulusog, gaganda, hahahaba ang buhay.

PAGTATALAKAY

GAWAIN 3
Ano-ano ang mga pagkaing nagpapalakas ng buto at nagpapatibay ng
ngipin? Ano pa ang
mga pagkaing nagpapalusog ng katawan?
Bakit masasabing isang kayamanan ang malusog na pangangatawan?

PAGSASANAY

GAWAIN 3
Ibigay ang katangian ng taong malusog.

PAGLALAPAT
Pangkatin ang mga mag-aaral sa lima. Ipabigkas at isakilos ang
napakinggang tula.
I-Unang saknong
II-Ikalawang saknong
III-Ikatlong saknong
IV-Ikaapat na saknong
V- Ikalimang saknong

TANDAAN
Laging isaisip natin na kailangang kumain tayo ng
wastong pagkain upang mapanatiling malusog ang ating katawan.

PAGTATAYA

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Sagutin. Isulat ang mga pagkaing nakabubuti sa mga sumusunod:


1. mata 2. ngipin
3. buto

TAKDANG ARALIN
Gumuhit ng mga pagkaing nagpapalusog ng katawan batay sa Go,
Grow, Glow.
Sabjek:Filipino Baitang: V
Petsa: Sesyon: 8
Pamantayang Pangnilalaman: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba't
ibang uri ng teksto at napalalawak ang
talasalitaan.
Naipamamalas ang iba't ibang kasanayan upang
maunawaan ang iba't ibang teksto.
Pamatayan sa Pagganap: Nakapagtatala ng mga kailangang impormasyon
o datos.
Kompetensi: Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa
kuwento sa tulong ng naglalarawang
balangkas. CGF5PB-Ib-5.4
Naitatala ang mga mahahalagang impormasyon
mula sa binasang teksto. F5EP-Ib-10
I. LAYUNIN
Kaalaman: Nakapagbubuo nang mabisa sa mga mahalagang
impormasyon mula sa binasang teksto.

Saykomotor: Nakapagdudugtong sa mga pangyayari sa


kuwento sa tulong ng nakalarawang balangkas.
Apektiv: Nakapagpapamalas ng paggalang sa mga hayop
II. PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Paggawa ng Balangkas sa Seleksyong Binasa


"Ang Kabayo"
B. SANGGUNIAN Gintong Aklat sa Pagbasa 6 PP. 74-78
C. KAGAMITANG Larawan, tsart
PAMPAGTUTURO

III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
Pangmotibesyunal na Ano ang sinasakyan ng mga nakatira sa bundok
tanong: noon? Mayroon pa ba kayong
makikita na mga hayop na kagaya sa binanggit
ninyo ngayon?
Ano-ano ang mga mahahalagang bagay na
naidudulot sa atin ng mga hayop na iyon?

Pangkatin sa apat ang klase. Magpakita ng


Aktiviti/Gawain: larawan ng kabayo. Gamit ang graphic
organizer ipatala sa bawat pangkat ang
naitutulong ng kabayo sa tao.

B. PAGLALAHAD Pagbasa sa seleksyon gamit ang DRTA na paraan.


Abstraksyon Talakayin ang paggawa ng balangkas. Ano ang
(Pamamaraan ng isusulat sa Roman Numeral? Ano ang tawag sa
Pagtalakay) mga isinusulat sa ilalim ng panguhaing diwa?

C. PAGSASANAY Pagsulat nga balangkas sa pisara batay sa


Mga Paglilinang na binasang kuwento.
gawain:

D. PAGLALAPAT Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat. Gumawa


Aplikasyon ng balangkas sa seleksyong binasa.

E. PAGLALAHAT Ano ang balangkas?


Generalisasyon Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa
mga hayop?

IV. PAGTATAYA
Basahin ang balangkas na ito pagkatapos
gumawa ng balangkas ng binasa. Gamiting
huwaran ang ipinakitang balangkas.
ANG KILYAWAN
Kahanga-hanga ang ibong
kilyawan. Nagagandahan ang kanilang balahibo
at kawili-wili ang kanilang pag-uugali. Kapag
nakakuha ng karapatan sa pangingisda ang isang
pares ng kilyawan, hindi nila pinapayagang
mangisda ang rito iba. HU=umuhukay sila sa
baybayin ng hanggang 13 talampakan ang lalim.
Dito sila tumitira at nangingitlog. Lima
hanggang walo ang iniitlog ng kilyawan.
Nangingitlog sila sa pinagpatung-patong na mga
buto ng isda. Pitong araw bago mapisa ang
itlog.
Maraming kilyawan sa
kapuluan ng Malaya at New Guinea. Matitingkad
ang kulay ng kanilang balahibo. Sa Europa, ang
kilyawan ay karaniwang asul-berde ang dakong
taas ng katawan at matingkad na kulay
kastanyas ang dibdib
V. TAKDANG-ARALIN Humanap ng isang seleksyon tungkol sa isang
hayop. Gumawa ng balangkas tungkol dito.

SANAYANG AKLAT 8

Paksa: Paggawa ng Balangkas sa Seleksyong Binasa "Ang Kabayo"

TUKLASIN
Ang mga hayop ay may malaking naitulong sa atin. Sa araw na
ito, alamin natin ang hayop na ginamit noon hanggang ngayon.

MOTEBISYUNAL NA TANONG
1. Ano ang sinasakyan ng mga nakatira sa bundok noon?
2. Mayroon pa ba kayong makikita na mga hayop na kagaya sa
binanggit ninyo ngayon?
3. Ano-ano ang mga mahahalagang bagay na naidudulot sa atin ng mga
hayop na iyon?
GAWAIN 1
Magpakita ng larawan ng kabayo. Ipalarawan ang mga nagawa nito sa atin.

Pangkatin sa apat ang klase.


Gamit ang graphic organizer ipatala sa bawat pangkat ang naitulong ng
kabayo sa atin.

PAGSUSURI

GAWAIN 2
Ipapakita ang kanilang mga sagot sa pisara.
Ipabigay ang kahulugan ng sumusunod na mga salita:
dayami eskoba kabayo kuwadra bisiro

ALAM MO BA NA….

Pangalawa sa aso, ang kabayo ay kaibigan at


mahal ng tao. Alam mo ba kung bakit? Basahin ninyo ang
sanaysay na ito upang malaman ninyo.

ANG KABAYO
Mula pa noong unang panahon, ang kabayo ay ginagamit na ng tao.Una, ang
kabayo ay pinagkukunan ng pagkain. Pangalawa, ginagamit ang kabayo sa
pakikidigma.
Sa kasalukuyan, ang kabayo ay tagahila ng kalesa, karwahe at tirbuli.
Dito sa ating bansa, ginagamit ang kabayo sa karerahan, tulad sa Sta. Ana sa
Maynila. Ang kabayo ay ginagamit sa lahat ng dako ng daigdig maliban sa mga
lugar na lubhang malamig o kaya’y napakataas.
Ang pangunahing pagkain ng kabayo ay dayami at mga butil tulad ng
trigo. Malakas uminom ang kabayo. Umiinom sila bago kumain at hangga’t maari,
dalawang oras matapos kumain. Hindi dapat painumin ang kabayo kung pagod o
naiinitan.
Ang batang kabayo ay tinatawag na bisiro. Mulat na ang mata ng bisiro
kapag ipinanganak. Puno na ng balahibo ang buong katawan. Tumatayo na at
lumalakd na ito ilang sandali pagkapanganak. Sa loob ng dalawang lingo,
lumalabas na ang panggitnang ngipin nito at nabubuo ang lahat na ngipin sa
loob ng anim na buwan.
Matalino at maamo ang kabayo kung kaya mahal sila ng tao. Kailangang
unawain ng tao ang kabayo upang maging maganda ang kanilang samahan. Kung
nais mong lumapit sa kabayo sa kuwadra, magmula ka sa likod nito upang hindi
siya magulat. Malumanay na kausapin ang kabayo kapag nais mong lapitan ito.
Tulad ng tao, napapagod din ang kabayo. Pakainin ito at painumin sa
takdang oras. Linisin ang dumi sa balahibo ng kabayo sa pamamagitan ng
eskoba. Pagkatapos punasan ito ng malambot na basahan.
Kapag mapagmahal ang amo, mapagmahal din ang kabayo.

PAGTATALAKAY

GAWAIN 3
Ano ang pagkakaiba ng gamit ng kabayo noon at ngayon?
Ano-ano ang katangian ng kabayo na kaugnay ng kanyang
pagkapanganak at paglaki?
Paano dapat pakisamahan ng tao ang kabayo?
Bakit sinasabing ang kabayo ay mahal ng tao pangalawa sa aso?
Ikaw, gusto mo bang alaga ang kabayo?

PAGSASANAY

GAWAIN 4
Pagsulat ng balangkas sa pisara batay sa binsanang kuwento.

PAGLALAPAT
Balikan ang binasang seleksyon. Batay sa huwarang balangkas, isulat
ang mga pangunahing paksa at mga detalye nito. Sundin ang halimbawa.

PAMAGAT_______________
I. Mga Gamit ng Kabayo
A._______________________
B._______________________

II._________________________
A._______________________
B._________________________
III.__________________________
A._________________________
B._________________________
IV.__________________________
B._________________________
C._________________________

TANDAAN
Ang balangkas ay binubuo ng pamagat, pangunahing diwa
at mga detalyeng sumusuporta sa pangunahing diwa. Ginagamit
ang mga bilang romano sa pangunahing diwa at ginagamit ang
mga bilang arabiko sa mga detalyeng sumusuporta sa
pangunahing diwa.

PAGTATAYA

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Basahin ang kuwentong ito pagkatapos gumawa ng balangkas


batay dito. Gamiting huwaran ang ipinakitang balangkas.

ANG KILYAWAN
Kahanga-hanga ang ibong kilyawan. Nagagandahan ang kanilang balahibo at
kawili-wili ang kanilang pag-uugali. Kapag nakakuha ng karapatan sa
pangingisda ang isang pares ng kilyawan, hindi nila pinapayagang mangisda
rito ang iba. Humuhukay sila sa baybayin ng hanggang 13 talampakan ang lalim.
Dito sila tumitira at nangingitlog. Lima hanggang walo ang iniitlog ng
kilyawan. Nangingitlog sila sa pinagpatung-patong na mga buto ng isda. Pitong
araw bago mapisa ang itlog.
Maraming kilyawan sa kapuluan ng Malaya at New Guinea. Matitingkad ang
kulay ng kanilang balahibo. Sa Europa, ang kilyawan ay karaniwang asul-berde
ang dakong taas ng katawan at matingkad na kulay kastanyas ang dibdib.

TAKDANG ARALIN
Humanap ng isang seleksyon tungkol sa isang hayop. Gumawa
ng balangkas tungkol dito.
Sabjek:Filipino Baitang: V
Petsa: Sesyon: 10
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang kakayahan sa
mapanuring pakikinig at pag-uunawa sa
napakinggan.
Pamatayan sa Pagganap: Nakapagbibibgay ng sariling pamagat
para sa napakinggang kuwento at
pagsasagawa ng roundtable na pag-uusap
tungkol sa isyu o paksang napakinggan.
Kompetensi: Naibibigay ang paksa ng napakinggang
kwento/usapan. FSPN-IC-9-7
Naisasalaysay muli ang napakinggang
teksto sa pamamagitan ng pagsasadula.
FSPS-IC-1-6.1
Nasasagot ang mga tanong sa binasang
tekstong pang impormasyon. FSPB-IC-3.2

I. LAYUNIN
Kaalaman: Nasasabi ang paksa ng napakiggang
kwento/usapan
Saykomotor: Nakagagawa ng pagsasadula sa
nasasabing paksa sa napakinggang
kuwento o usapan.
Apektiv: Napahahalagahan ang mga nagawa ng
ating mga dting pangulo
II. PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Kuwento: "Ang Dalawang Pangulo"


B. SANGGUNIAN
Pagdiriwang ng Wikang Filipino 5,
Pagbasa p.76-81

C. KAGAMITANG Larawan
PAMPAGTUTURO

III. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA Sino ang ating pangulo ngayon?


Pangmotibesyunal na May mga nagawa na ba siya?
tanong: Sino-sino pa ang kilalang ninyo na
pangulo natin?
Mayroon din ba siyang nagawa?
Sa mga pangulong nagdaan sino-sino
Aktiviti/Gawain:
kaya ang ipinanganak sa buwan ng
Agosto?
Magpakita ng larawan ng pangulo. Pag-
usapan ang mga nagawa niya.
Paunlarin ang talasalitaan ng mga bata
sa pamamagitan ng pagbigay
kasingkahulugan sa salitang may
salungguhit.
1. Labag sa kanyang kalooban ang
maling ipinapagawa ng kaibigan kung
kaya't siya ay nagrebelde.
2. Maraming negosyante sa Maynila
kung kay't tinatawag itong sentro ng
kalakaran.
3. Ang rehiyon ay binunuo ng mga
probinsya.
4. Ang Manila Bay ay daungan ng mga
barko.
5. Ang kagustuhang magsilbi sa Diyos,
siya ay pumasok sa isang seminaryo.

B. PAGLALAHAD Ipabasa ng tahimik ang kuwento na


Abstraksyon naisusulat sa tsart.
(Pamamaraan ng Sagutin ang sumusunod na tanong:
Pagtalakay) 1. Sino ang dalawang pangulong pinag-
usapan sa kuwento?
2. Bakit hindi maiwasang sila ay
paghambingin?
3. Paano sila nagkaibi sa panglabas na
anyo?
4. Anong uri ng pangulo si Quezon? Si
Magsaysay?
Pagbigay paksa sa nabasang kuwento.

C. PAGSASANAY Balikan ang kuwento. Ibigay ang


Mga Paglilinang na paksang pangungusap sa talata at
gawain: isulat sa papel.
1. Talata 2
2. Talata 6
3. Talata 7

D. PAGLALAPAT Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat.


Aplikasyon Hanayin ang talata. Ipabigay ang paksa
nito. Pagkatapos naibigay nila ang
paksa sa talatang sinagutan nila,
isasadula nila ang kuwentong
napakinggan.
I - Talata 1
II. - Talata 3
III. - Talata 4
IV - Talata 5

E. PAGLALAHAT Paano ninyo nahula ang paksa ng bawat


Generalisasyon talata?
Dapat bang pahalagahan ang mga nagawa
ng bbawat pangulo natin? Paano?

IV. PAGTATAYA Kopyahin ang talata. Salungguhitan ang


pangungusap na nagbibigay ng paksa?
Nangingibabaw ang pagiging malapit sa
masa ni Magsaysay kaya't sa tuwing nasa
pagtitipon siya, isang kaway lamang niya
sa tao ay maligayang-maligay na ang mga
ito. Ang pagkiramdam ng mga ito'y may
taling mahigpit na nagbibigkis sa
kanila. Masaya sila kahit dampi lamang
ng kamay o ngiti ang ipukol sa kanila
ng pangulo. Ganoon siya minahal ng mga
mamamayan.

V. TAKDANG-ARALIN Kopyahin ang talata. Bilogan ang paksang


pangungusap. Sa mga Ingles, ang sinong

SANAYANG AKLAT 10

Paksa: Kuwento: "Ang Dalawang Pangulo"

TUKLASIN
Marami ng pangulong nanunungkulan sa ating bansa. Bawat isa
sa kanila ay may kanya-kanyang nagawa.

MOTEBISYUNAL NA TANONG
1. Sino ang ating pangulo nating ngayon?
2. May mga nagawa na ba siya?
3. Sino-sino pa ang kilalang ninyo na pangulo natin?
4. Mayroon din ba siyang nagawa?
5. Sa mga pangulong nagdaan sino-sino kaya ang ipinanganak sa
buwan ng Agosto?

GAWAIN 1
Magpakita ng larawan ng pangulo. Pag-usapan ang mga nagawa niya.

PAGSUSURI
GAWAIN 2

Paunlarin ang talasalitaan ng mga bata sa pamamagitan ng pagbibigay


kasingkahulugan sa mga salitang may salungguhit.
1. Labag sa kanyang kalooban ang maling ipinapagawa ng kaibigan
kung kaya’t siya ay nagrebelde.
2. Maraming negosyante sa Maynila kung kaya’t tinatawag itong
sentro nga kalakalan.
3. Ang rehiyon ay binubuo ng mga lalawigan.
4. Ang Manila Bay ay daungan ng mga barko.
5. Sa kagustuhang magsilbi sa Diyos, siay ay pumasok sa isang
monastery0.

ALAM MO BA NA….

Sa dami ng presidente na nungkulan sa ating bansa may


dalawang pangulo na may nagawa rin sa ating bansa, hindi pa man siguro
tayo ipinanganak sa panahong nanungkulan sila pero ang kuwento ang
makapagsabi kong ano-ano ang mga nagawa nila.

Ang Dalawang Pangulo

Nagbabalik-aral ang klase nina Roy sa mga naging pangulo ng ating


bansa. Natuon ang kanilang pansin kina Manuel L. Quezon at Ramon Magsaysay.
Alam ba ninyo ang dalawang pangulong ito’y kapwa ipinanganak
noong Agosto 31, 1907.
At dahil dito, hindi maiwasang sila ay maaalala at paghambingin
tuwing ginugunita natin ang araw ng kanilang kapanganakan.
Sa panlabas na anyo, si Quezon ay isang mestizo dahil sa
pagkakaroon niya ng dugong Espanyol. Samantala, si Magsaysay ay nagtataglay
ng kayumanging kulay.
Kapwa sila may may matatag na paninindigan, na siyang
kailangang-kailangan ng isang namumuno.
Kapwa sila madaling magalit, ngunit kung gaano kabilis ang bugso
ng kanilang damdamin, ganoon din kabilis humupa ito.
Higit na matagal na naglingkod si pangulong Quezon kaysa kay
Pangulong Magsaysay.Naging pangulo nang walong taon si Quezon, samantalng
tatlong taon lamang si Magsaysay. Ang pagbagsak ng sinasakyang eroplano ang
naging dahilan ng maagang pagpanaw ni Magsaysay.
May kanya-kanya silang pamamaraan sa pagpapatakbo ng ating
bansa. Si Quezon ay naniniwala sa kanyang adhikaing pagkamakabayan. Siya ang
kinikilalang “Ama ng Wikang Pambansa”.
Nangingibabaw ang pagiging malapit sa masa ni Magsaysay kung
kaya’t sa tuwing nasa pagtitipon siay, isang kaway lamang niya sa tao ay
maligayang-maligaya na ang mga ito. Ang pakiramdam ng mga ito’y may taling
mahigpit na nagbibigkis sa kanila. Masaya na sila kahit dampi lamang ng kamay
o ngiti ang ipukol sa kanila ng pangulo. Gaanoon siya minahal ng kanyang mga
mamamayan.

PAGTATALAKAY

GAWAIN 3

SAGUTIN
Sino ang dalawang pangulong pinag-usapan sa kuwento?
Bakit hindi maiwasang sila ay paghambingin?
Paano sila nagkaiba sa panlabas na anyo?
Anong uri ng pangulo si Quezon? Si Magsaysay?

PAGSASANAY

GAWAIN 4

A. Balikan ang kuwento. Hanapin ang talatang tinutukoy sa ibaba. Sipiin


ang paksang pangungusap sa talata at isulat sa papel.
1. Talata 2
2. Talata 6
3. Talata 7

B. Pagbigay paksa sa buong kuwento

PAGLALAPAT
Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat. Hanayin ang
talata.Ipabigay ang paksa sa talata na ibinigay sa kanila. Isasadula nila ang
napakinggang kuwento.
I - Talata 1
II. - Talata 3
III. - Talata 4
IV - Talata 5

TANDAAN
Ang paksa ay siyang nagbigay kahulugan sa buong
kuwento. Maari itong makikita sa unahan, gitna at hulihan ng
talata.

PAGSUBOK NG KAALAMAN
Kopyahin ang talata. Salungguhitan ang pangungusap na
nagbigay ng paksa.
Nangingibabaw ang pagiging malapit sa masa ni Magsaysay kung
kaya’t sa tuwing nasa pagtitipon siya, isang kaway lamang niya sa
tao ay maligayang-maligaya na ang mga ito. Ang pakiramdam ng mga
ito’y may taling mahigpit na nagbibigkis sa kanila. Masaya na sila
kahit dampi lamang ng kamay o ngiti ang ipukol sa kanila ng
pangulo. Ganoon siya minahal ng kanyang mga mamamayan.

TAKDANG ARALIN
Kopyahin ang talata. Bilogan ang paksang pangungusap.
Sa mga Ingles, ang singsing pangkasal ay karaniwang inilalagay
sa ikatlong daliri ng kaliwang kamay. Marahil ito ay dahil sa
lumang paniniwala na may ugat na nag-uugnay mula rito
papunta sa puso.
Subalit sa mga taga-Kanluran, isinusuot sa ikakasal
ang singsing sa ikatlong daliri ng kanang kamay, ang kamay na
nakalaan sa panunumpa.
Sabjek:Filipino Baitang: V
Petsa: Sesyon: 11
Pamantayang Pangnilalaman: Napaunlad ang kasanayan sa pagsulat ng
iba't ibang uri ng sulatin.

Pamatayan sa Pagganap: Nakasusulat ng isang talata tungkol sa


isang isyu o paksa.
Kompetensi: Nababaybay nang wasto ang salitang
natutuhan sa aralin/hiram. FSPU-IC-1
Naipagmamalaki ang sariling wika sa
pammamgitan ng paggamit nito. F4PL-0a-j-i

I. LAYUNIN
Kaalaman: Nakagugunita ng mga kaisipan at
paglalalhad na nauugnay sa isang
paniniwala.

Saykomotor: Nakapaggawa ng wastong pagbaybay sa mga


salitang
Apektiv: Napapatalas ang pangangalaga ng

II. PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Liham "Buhok, Suklayin, Ayusin"

B. SANGGUNIAN Hiyas sa Pagbasa5, pahina 24-29


C. KAGAMITANG
PAMPAGTUTURO
tsart, larawan
III. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA Ano ba ang alam ninyong paniniwala tungkol


Pangmotibesyunal na sa pagsusuklay ng buhok?
tanong: Ano ang naibigayy sa buhok sa ating
histsura?
Paano ninyo pinangangalagaan ang inyong
buhok?
Aktiviti/Gawain: Ibigay ang dahilan ng pagkakalbo at
pagkalagas ng buhok.
Paano maaalagan ang buhok?
Ipabasa ang sumumusunod na mga salita at
ipauganya sa ipinakitang larawan.
ponytail, hair spray, gel, natural oilm
braid, shampoo, brush, spray net, curler

B. PAGLALAHAD Ipabasa ang liham ba naisulat sa tsart.


Abstraksyon Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
(Pamamaraan ng 1. Sino kaya si Ate Lydia?
Pagtalakay) 2. Ano ang suliranin ni Eunice?
3. Ibigay ang paglalahas ng buhok dahilan
ng pagkakalbo ng buhok.
4. Paano maaalagan ang buhok?
Sa mga salitang natagpuan kanina, ang wika
. Dahil hindi Tagalog ano ang tawag nito?

C. PAGSASANAY Ipabasa ang sumusunod na mga salita at


Mga Paglilinang na baybayin sa orihinal na baybay sa wikang
gawain: banyaga.
1. tensyon
2.
3. emosyonal
4.kolum
5. doktor
6. Kanser
7.losyon
8.produkto
9.malnutrisyon
Itanong kong ano ang nagawa nilang salita?

D. PAGLALAPAT Gamitin sa pangngusap ang sumusunod na


Aplikasyon salita 1.
2. emotional 3. brush 4. physical 5.
doktor
E. PAGLALAHAT Ano ang salitang hiniram?
Generalisasyon Paano mapapanatiling maganda ang ating
buhok?

IV. PAGTATAYA Isulat ang wastong baybay sa Filipino sa


sumusunod na salitang hiram. Pagkatapos
gamitin ito sa
1. computer 2. baskteball 3. chart 4.
televison
5. gallon 6. driver 7. truck 8. trash 9.
cabinet
10. malnutrition
V. TAKDANG-ARALIN Isulat ang wastong baybay sa Filipino sa
sumusnod na mga salita:
1. doorbell 2. spaghetti 3. cake 4. auto 5.
radio

SANAYANG AKLAT 11

Paksa: Liham "Buhok, Suklayin, Ayusin"

TUKLASIN
May kasabihan na ang buhok ay isang biyaya natin na dapat
bigyan nang wastong pangangalaga. Alamin natin ngayon ang
kahalagahan ng ating buhok.

MOTEBISYUNAL NA TANONG
1. Ano ba ang alam ninyong paniniwala tungkol sa pagsusuklay
ng buhok?
2. Ano ang naibigay ng ating buhok sa ating histsura?
3. Paano ninyo ito pinangalagaan?

GAWAIN 1
Ipabasa ang sumusunod na mga salita at ipa-ugnay sa bawat bilang.
pony tail braid
hairspray shampoo
gel brush
natural oil spray

1. 2.

3. 4.

PAGSUSURI

GAWAIN 2
Ano ang masasabi ninyo sa mga larawang pinag-ugnay ninyo sa mga
salita?
Ginawa ba ninyo ito? Bakit?

ALAM MO BA NA….

Mahalaga ang buhok. Isipin mo na lang ang hitsura mo


kung kalbo ka o sobrang nipis ng buhok mo. Kaya hindi
nakapagtatakang matunghayan mo ang problemang ito sa kolum ni
Dir. Ate Lydia sa Magasing Tanglaw.
Liham, “Buhok, Suklayin, Ayusin”

29 Bonifacio Street
Lubao, Pampangga
Setyembre 2, 2016

Dir Ate Lydia,

Tagahanga mo ako Ate Lydia. Lagi kong binabasa ang kolum mo sa


Tanglaw. Magaganda ang mga payo mo sa mga nagpapadala sa iyo ng liham.
Alam mo, Ate Lydia, matagal ko nang nais kang sulatan. Tinutukso
nga ako sa klase dahil sa sobrang nipis ng buhok ko. Kita ang anit sa
ssobrang pino ng buhok ko. Sabi ng Nanay ko, kinalbo na raw ako noong
bata pa para kumapal ang buhok ko, ngunit nang tumubo ay manipis pa rin.
Ano kaya ang gagawin ko? May gamut kayang pampakapal ng
buhok?
Sana’y tulunga mo ako Ate Lydia. Babasahin ko ang mga
susunod mong kolum upang malaman ang iyong kasagutan.
Maraming salamat at dalangin ko ang lalo pang tagumpay ng
iyong kolum.

Sumasainyo,
Eunice Perez

PITAK NI ATE LYDIA

Mahal kong Eunice,


Maraming dahilan ang pagkakalbo ng buhok. Halimbawa ay ang
mga taong may kanser na sumasailalim sa chemotheraphy. Ang gamot na ito sa
mga may kanser ay nakakalbo ng buhok.
Mayroon ding mga kaso ng “pansamantalang pagkakalbo” na maaring dulot ng
silang sakit, mga gamot, malnutrisyon, o sobrang tension, pisikal man o
emosyonal. At dahil nga pansamantala lamang, muling tumutubo at kumakapal ang
buhok sa loob ng ilang buwan matapos na magamot ang pangunahing sanhi ng
pagkakalbo. Baka ito ang kaso mo, kaya mabuting sabihin mo sa mga magulang
mong patingnan ka sa doktor upang malaman ang sanhi ng sobrang nipis ng buhok
mo.
Masama ring ugali ang laging pagbe-braid o pagsasalapid ng
buhok o paggamit ng ponytails o curlers dahil nababanat nang husto ang buhok
at pwedeng magdulot nang pagkalugas ng buhok na maaring mauwi sa pagkakalbo.
PAGTATALAKAY
GAWAIN 3
Sino kaya si Ate Lydia?
Ano ang suliranin ni Eunice?
Ibigay ang dahilan ng pagkakalbo o pagkalagas ng buhok.
Paano maalagaan ang buhok?

PAGSASANAY

GAWAIN 4

Ipabasa ang sumusunod na mga salita at ipabaybay sa orihinal


na baybay sa wikang banyaga: tensyon, emosyonal, kolum doktor, losyon,
malnutrisyon, pisikal

PAGLALAPAT
Pangkatang Gawain

Gamitin sa pangngusap ang sumusunod na salita:


1. 2. emotional 3. brush 4. physical 5. doktor

TANDAAN
Maraming banyagang salita ang hiniram natin sa
pagsasalita ngunit, naging bahagi ito n gating wika. Ito’y
tinatawag na salitang hiram.
PAGSUSUBOK NG KAALAMAN

PAGSUBOK NG KAALAMAN
Isulat ang wastong baybay sa Filipino sa sumusunod na salitang
hiram. Pagkatapos gamitin ito sa pangungusap.
1. computer 2. baskteball 3. chart 4. televison 5. gallon
6. driver 7. truck 8. trash 9. cabinet 10. Malnutrition
TAKDANG ARALIN
Isulat ang wastong baybay sa Filipino sa sumusnod na mga salita:
1. doorbell
2. spaghetti
3. cake
4. auto
5. radio

Sabjek:Filipino Baitang: V
Petsa: Sesyon: 12
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamalas ang kakayahan at tatas sa
pagsasalita at pagpapahayag ng
sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin.
Pamatayan sa Pagganap: Nakasasali sa isang usapan tungkol sa
isang paksa.
Naibabahagi ang isang pangyayring
nasaksihan o naobserbahan F5PS-Id-3.1
Kompetensi: Naisasagot ang mga tanong sa binasang
anedokto. F5PB-Id-3.4
Nagagamit ang pangkalahatang
sangggunian sa pagtatala ng mga
mahahalagang impormasyon tungkol sa
isang paksa. F5EP-Id-5

I. LAYUNIN
Kaalaman: Nasasabi ang mga pangyayaring
nasaksihan o naobserbahan noon sa mga
bata ngayon.

Saykomotor: Nakabubuo ng mga sagot sa tanong sa


binasang kuwento o pangyayari.

Apektiv: Napapapangalagaan ang mga punongkahoy.

II. PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Kuwento "Ang Bundok ng Tralala

B. SANGGUNIAN Pagdriwang ng Wikang Filipino V


Pagbasa, p. 2-5

C. KAGAMITANG Larawan, tsart


PAMPAGTUTURO

III. PAMAMARAAN

F. PAGHAHANDA Saan natin makikita ang mga malalaking


Pangmotibesyunal na at sari-saring punonkahoy?
tanong: Sino ang nakapaglakbay na sa isang
gubat?
Anong makikita sa gubat?
Mapagpakita ng mga larawan ng isang
Aktiviti/Gawain: gubat.
Ano kaya ang mga pangyayri dito?
Magpakita naman ng isa pang larawan ng
mga kagamitan sa pagputol ng kahoy.
Ipabigay ang kasingkahulugan sa
sumusunod na mga salita
1. Maraming troso ang binaba mula sa
bundok?
2. Tanging sila lamang ang natagpuang
pasahero.
3. Masaya nilang pinagsasasaluhan ang
kanilang bagonng pagkain.
4. Hindi nila nakaligtaan handugan ng
salusalo ang may kaarawan.
G. PAGLALAHAD Ipabasa ang anekdotang "Ang Bundok ng
Abstraksyon "
(Pamamaraan ng Sagutin ang sumusunod na mga tanong
Pagtalakay) 1. Sino-sino ang magkakaibigan?
2. Saan sila patungo?
3. Ano anng pakay nila roon?
Ano ang nakapigil sa kanilang sadya sa
naturang lugar? Bakit?

H. PAGSASANAY Basahin ang mga pangyayari. Ipaliwanag


Mga Paglilinang na kung paano makatutulong sa
gawain: pangangalaga sa kagubatan o
kabundukan.
1. Nagkakaingin ang mga batang Bundok
Makiling. Bago ,tinakpan nila ang mga
basura saka nila sinilaban. 'Tama ba
iyon?' Bakit?
2. Sa kabundukan ang mag-asawang Celso
at Narding. Ano ang pinakamabuting
nilang gawin upang hindi madamay ang
mga ugat ng punungkahoy?

I. PAGLALAPAT Pakisagot ng bawat sanaysay nito.


Aplikasyon Tignan ang kanilang mga sagot kung
tama ba o hindi. Kalbo na ating
kagubatan. Bilang batang iskawt paano
ka makakatutulong sa muling
paggugubat? Anong ugali ang dapat
pairalin?
J. PAGLALAHAT Paano ninyo nasagutan ang mga tanong sa
Generalisasyon kuwento? Ano ang tawag natin sa bahagii
ng talat na siyang nagpapakita ng
ralata/
IV. PAGTATAYA Mag-isip ng mga pangyayari:Iguhit ito.
Sumulat ng tatlong pangunngusap batay
sa larawan
V. TAKDANG-ARALIN Magdala ng larawan ng gubat. Bumuo ng
isang talata tungkol sa larawan.

SANAYANG AKLAT 12

Paksa: Kuwento "Ang Bundok ng Tralala”

TUKLASIN
Masarap mamasyal sa kabundukan lalo na sa panahon ngayon na
may maayos ng mga daan. Kaakit-akit tingnan ang mga puno sa
kaguabatan, mga palayan, maisan at hayopan. Sa umagang ito tungahayan ninyo
ang isang kwento sa isang bundok.

MOTEBISYUNAL NA TANONG
1. Saan natin makikita ang mga malalaki at sari-saring uri ng
punongkahoy?
2. Sino ang nakapaglakbay na sa isang gubat?
3. Anong makikita sa gubat?

GAWAIN 1
Magpakita ng mga larawan.
PAGSUSURI
GAWAIN 2
Ano-ano ang makikita ninyo
sa larawan?
Bakit kaya nagkaganito?
Sa larawang ito, saan kaya
sila pupunta at ano kaya ang
pakay nila?
Bakit kaya sila may
maraming dala?

ALAM MO BA NA….

Sa isang lugar, may pangkat ng mga kabataan


na nagpunta sa bukid dala-dala ang mga gamit pamputol.
Alamin natin sa kuwento kong ano kaya ang ginawa nila sa
kanilang mga dala.

ANG BUNDOK TRALALA

Magkakasama ang magkakaibigang sina Mang Brando, Greg, Frankie, at


Claude papunta sa Bundok ng Tralala. Sakay sila ng isang trak. May dala
silang pamutol ng kahoy, pagkain, at damit para sa ilang araw.Malayo pa ay
inaasam-asam na nila ang makukuhang troso sa sadyaing Bundok ng Tralala.
Sa daan, mabagal ang daloy ng trapiko dahil sa naganap na
aksidente. May nagkabanggaang dalawang sasakyan na ikinasugat ng dalawang
pasahero. Mabuti naman at hindi masyadong grabe. Nasugatan ang braso ng isang
ale. Nagasgas naman ang hita ng isa. Mabuti na lamang at sa awa ng Diyos,
walang nagyaring masama sa iba pang pasahero.Tanging sa dalawang pasahero
lamang nabanggit.
Mayamaya, may nadaanan silang bukirin. Nakita nila ang traktorang
ginamit ng mga magsasaka sa pag-aararo. Pagsapit nila sa may paanan ng
bundok, namitas sila ng maraming prutas tulad ng saging, atis, duhat, at
manga. Tanghali na nang dumating sila sa tuktok ng bundok. Masayang
pinagsaluhan nina mang Frankie ang kanilang pagkain: kanin, pritong isda, at
atsara.
Bagama’t nakaligtaan nila ang sabaw ng tinolang manok na inihanda
ng kanyang maybahay, magan ang kanilang pananghalian.
Matapos makapananghalian, nang handa na silang mamutol ng mga
puno ng kahoy, may dumating na isang mama. Nagpakilala siya na isa siyang
kawani ng pamahalaan na ang tungkulin ay pangalagaan ang mga punongkahoy sa
kabundukan. Ipinaliwanag sa kanila na ipinagbabawal ang pagtotroso sa panig
ng kagubatang yaon sapagkat ang gubat ay nakalbo na. Ang pagkaubos ng mga
puno sa kagubatan at kabundukan ay maaaring maging sanhi ng pagbaha at
pagkaanod ng matabang lupa. Hindi na nila itinuloy ang balak nilang pamumutol
ng mga puno. At sa halip na mamalagi nang ilang araw, umuwi na lamang at
bumaba na mula sa bundok ang magkakaibigan.
Sino-sino ang magkakaibigan?
Saan sila patungo?
Ano ang pakay nila noon?
Ano ang nakapigil nila sa kanilang sadya sa naturang lugar? Bakit?
Ipaliwanag ang kahalagahan ng punongkahoy sa kabundukan sa pagpigil sa
pagbaha.

PAGTATALAKAY
GAWAIN 3
Sino-sino ang magkakaibigan?
Saan sila patungo?
Ano ang pakay nila noon?
Ano ang nakapigil nila sa kanilang sadya sa naturang lugar?

PAGSASANAY

GAWAIN 4
Basahin ang mga pangyayari. Ipaliwanag kung paano makatutulong sa
pangangalaga sa kagubatan o kabundukan.
1. Nagkakaingin ang mga batang Bundok Makiling. Bago tinakpan nila ang
mga basura saka nila sinilaban. 'Tama ba iyon?' Bakit?
2. Sa kabundukan ang mag-asawang Celso at Narding. Ano ang
pinakamabuting nilang gawin upang hindi madamay ang mga ugat ng
punungkahoy.

PAGLALAPAT
Pakisagot ng bawat sanaysay nito. Tignan ang kanilang mga sagot kung
tama ba o hindi. Kalbo na ating kagubatan. Bilang batang iskawt paano ka
makakatutulong sa muling paggugubat? Anong ugali ang dapat pairalin?

TANDAAN
Malaki ang naitulong ng kagubatan sa ating buhay kaya
alagaan natin, ingatan at mahalin.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Mag-isip ng mga pangyayari: Iguhit ito. Sumulat ng tatlong


pangungusap batay sa larawan.
TAKDANG ARALIN
Magdala ng larawan ng gubat. Bumuo ng isang talata tungkol
sa larawan.

Sabjek:Filipino Baitang: V
Petsa: Sesyon: 13

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring


panonood ng iba't-ibang uri ng media.

Pamatayan sa Pagganap: Nakagagawa ng movie trailer para sa maikling


pelikulang napanood.

Nailalarawan ang tagpuan at tauhan ng


napanood na pelikula. F5PD-Id-g-II
Kompetensi: Napapahalagahan ang mga tekstong
pampanitikan sa pamamagitan ng pagpapakita
ng interes sa pagbasa. F4PL-Oa-j-4

III. LAYUNIN Naibigay ang tagpuan at tauhan ng napanood


Kaalaman: na pelikula.
Saykomotor: Nakakabubuo ng interes sa pagbasa batay sa
napahalagang tekstong panitikan.

Apektiv: Napapahalagahan ang nagawa ng isang matanda


para sa bayan

IV. PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Talambuhay “Ina ng Katipunan”


B. SANGGUNIAN Hiyas sa Pagbasa p, 64
Youtube.com
C. KAGAMITANG telebisyon, flashcard, internet you tube
PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA Nanonood ba kayo ng telebesyon araw-araw?


Pangmotibesyunal na Ano-ano ang pinanood ninyong programa?
tanong: Saan pa ninyo napanood ang ibang palabasa
maliban sa telebisyon?
Panonood ng maikling pelikula
Ipasagot ang sumusunod na tanong
Aktiviti/Gawain: Saan nangyari ang napanood ninyong pelikula?
Sino-sino ang mga tauhan nito?
Napukaw pa ang interes ninyo sa pag-aaral sa
napanood?
May alam ba kayong nanunugkulan sa ating
bayan na matanda?
Kinaya pa ba nila ang pamamahala?
Talasalitaan
hinaing,
naulinigan,makahulagpos,natiktikan,masilayan

B. PAGLALAHAD Ipabasa ang Talambuhay "Ina ng Katipunan”.


Abstraksyon Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
(Pamamaraan ng Paano naipakita ni tandang Sora ang
Pagtalakay) kanyang pagiging makabayan?
Bakit ipinatapon si Tandang Sora sa Guam?
Bilang isang mag-aaral, papaano ka
makapaglilingkod sa iyong bayan?
Kung ikaw si Tandang Sora, gagawin mo rin ba
ang ginawa niya?
hadlang ba ang katandaan sa panunnugkulan sa
bayan?

C. PAGSASANAY PANGKATANG GAWAIN


Mga Paglilinang na Ipabasa ang sumusunod na talata sa naibigay
gawain: na pangkat na magpapakita ng interes sa
binasa
I- unang talata
II- ikalawang talata
III-ikatlong talata
IV-ikaapat na talata
D. PAGLALAPAT Tumawag ng isang batang babasa sa talambuhay
Aplikasyon na magpapakita ng interes sa pagbasa

E. PAGLALAHAT Sa panonood ng pelikula kailangan din ang


Generalisasyon pag-uunawa kong ano ito para malaman ang
tagpuan, tauhan at mga pangyayari.
At sa pagbasa naman kailangang maihanda ang
ating sarili para mapahalagahan ang
kuwentong binasa.
IV. PAGTATAYA A.Manood na naman ng pelikula ang mga bata
na pinamagatang Urduha.
Ipabigay ang tagpuan at mga tauhan nito
B. Ipabasa ng bawat pangkat ang ilang talata
sa Talambuhay at ipabasa ito na nagpapakita
ng interest sa pagbasa.

V. TAKDANG-ARALIN Magtala ng limang pelikula na napaood ninyo.


Isulat ang tagpuan at tauhan nito.

SANAYANG AKLAT 13

Paksa: Talambuhay “Ina ng Katipunan”

TUKLASIN
Hindi sagabal ang gulang sa pagtatanggol ng kalayaan.
Isang Talambuhay ang babasahin ninyo ngayon. Alamin natin kung
paano kinaya ng isang matanda ang panunugkulang ginawa niya.

MOTEBISYUNAL NA TANONG
1. Nanonood ba kayo ng telebisyon araw-araw?
2. Ano-ano ang pinanood ninyong programa?
3. Saan pa ninyo napanood ang ibang palabas maliban sa
telebisyon?

GAWAIN 1
Panonood ng maikling pelikula pinamagatang “DAYO”.

PAGSUSURI

GAWAIN 2
Ipasagot ang sumusunod na tanong:
Saan nangyari ang napanuod ninyong pelikula?
Sino-sino ang mga tauhan nito?
Napukaw ba ang interes ninyo sa pag-aaral sa napanood?

ALAM MO BA NA….

Sa panood ng pelikula ay katulad din sa pagpapakinig


o pagbabasa ng kuwento na kailangang mapukaw ang interes para
maintindihan natin ito. Sa kuwentong inyong babasahin
kailangang ituon ninyo ang sarili at isip sa babasahin para
lalong maunawaan ito.
Basahin ang Talambuhay

INA NG KATIPUNAN

Bago sumiklab ang himagsikang Pilipino laban sa mga Kastila, si Tandang


Sora ay isang karaniwang mamamayan ng Banilad, Balintawak, Caloocan. Tahimik
siyang nabubuhay sa piling ng kanyang mga anak na nagsasaka ng kanilang
maliit na lupain sa Banilad. Mayroon noong tindahan si tandang Sora. Sa
likuran ng tindahan ay mayroon silang bakuran na natatamnan ng malalagong
punongkahoy.
Noon, sa tindahan ni Tandang Sora, karaniwang napapag-usapan ng mga
bumibili niyang mga kanayon ang di kasiyahan sa pamamalakad, sa pang-aabuso
at pang-aapi ng mga dayuhang Kastila. Naging tagapakinig si Tandang Sora sa
mga hinaing at galit ng mga mga makabayang Pilipino na nagnanais maghimagsik
laban sa mga Kastila. Sa kanya ring tindahan naulinigan ang pagtatag ni
Andres Bonifacio ng lihim na kilusan ng mga Katipunero na ang layunin ay
ibagsak ang paghahari ng mga kastila sa ating sariling bayan.
Walumpu’t tatlong taon noon si Tandang Sora, ngunit hindi ito naging
sagabal upang siya’y makapaglingkod sa bayan. Kabilang siya sa magigiting na
Pilipina na may matinding pagnanais na makahulagpos at makalaya ang ating
bansa sa di-makataong pamamalakad ng mga namumunong Kastila.Naging ina siyang
nagmalasakit at nagpala sa mga nagugutom.Laging may handing mainit na sabaw
at pagkain si Tandang Sora anumang oras dumating ang mga napapagod at
nagugutom na Katipunero. Ginamot at inaalagaan niya sa kanyang tahanan ang
mga Katipunerong may sakit. Sa dilim ng gabi ay hinahatdan niya ng pagkain
ang mga nagtatagong katipunero sa liblib na bahagi ng kanilang bakuran.
Natiktikan ng mga Kastila ang lihim na pagtulong ni Tandang Sora sa mga
naghimagsik na Pilipino. Hinuli, ikinulong at ipinatapon siya sa pulo ng
Guam. Nakabalik lamang siya sa sariling bayan noong masakop ng Amerikano ang
Pilipinas. Lahat ng Pilipinong bilanggo sa Guam ay kanilang pinalaya at
ipinabalik sa Pilipinas. Matandang-matanda na noon si Tandang Sora. Sa kabila
ng kanyang katandaan, nakadama siya ng kasiyahan nang muli niyang masilayan
ang kanyang minamahal na bayan. Bilang pagdakila sa kanyang mga ginawa siya
ay tinawag na “Ina ng Katipunan.” Sa gulang na 107 namatay ang “Ina ng
Katipunan.”
Naging makasaysayang pook ang tindahan at kanilang bakuran. Bilang
pagdakila sa mga kabutihang ginawa ni Tandang Sora na walang iba kundi si
Melchora Aquino, isinunod sa kanyang pangalan ang makasaysayang pook na iyon.

PAGTATALAKAY
GAWAIN 3
Paano naipakita ni Tandang Sora ang kanyang pagiging makabayan?
Bakit ipinatapon si Tandang Sora sa Guam?
Bilang isang mag-aaral, papaano ka makapaglilingkod sa iyong bayan?
Kung ikaw si Tandang Sora, gagawin mo rin ba ang ginawa niya?
Hadlang ba ang katandaan sa panunnugkulan sa bayan?

PAGSASANAY

GAWAIN 4

PANGKATANG GAWAIN
Ipabasa ang sumusunod na talata sa naibigay na pangkat na magpapakita
ng interes sa binasa
I- unang talata
II- ikalawang talata
III-ikatlong talata
IV-ikaapat na talata
PAGSASANAY

GAWAIN 4

PAGLALAPAT
Tumawag ng isang batang babasa sa talambuhay na magpapakita ng interes
sa pagbasa

TANDAAN
Maging matanda man ay hindi pa rin ito hadlang sa
panunungkulan sa paglilingkod ng bayan.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

A. Manood na naman ng pelikula ang mga bata na pinamagatang


Urduha.
Ipabigay ang tagpuan at mga tauhan nito.
B. Ipabasa ng bawat pangkat ang ilang talata sa Talambuhay at
ipabasa ito na nagpapakita ng interes sa pagbasa.

TAKDANG ARALIN
Magtala ng limang pelikula na napaood ninyo Isulat ang
tagpuan at tauhan nito
Sabjek:Filipino Baitang: V
Petsa: Sesyon: 14
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang kakayahan sas mapanuring
pakikinig
Pamatayan sa Pagganap: Nakapagbibigay ng sariling pamagat para sa
napakinggang kuwento at pagsasagaw ng roundtable
na pag-uusap tungkol sa isyu sa paksang
napakinggan
Kompetensi: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang
sawikain F5PN-Ie-3.1

I. LAYUNIN
Kaalaman: Nakapagbibigay ng kahulugan sa sawikaing
napakinggan
Saykomotor: Nakasisipi ng sawikain
Apektiv: Naipagpatuloy ang mabuting pag-uugali
II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA Sawikain
B. SANGGUNIAN LM Filipino
C. KAGAMITANG Tsart, larawan
PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
Pangmotibesyunal na May kasabihan ba kayong alam?
tanong: Ano-ano ang mga ito?

Aktiviti/Gawain Magpakita ng larawan ng mga bata na may


mabuting ginagawa.
Magbigay sila ng panungusap tungkol dito.
Ipabasa ang sumusunod na mga parirala at piliin
sa kahon ang kahulugan.
1. usad pagong
2. malikot ang kamay
3. ilaw ng tahanan
4. bukal sa loob
5. busilak ang puso

Mabagal kumilos Ina tapat kumukuha ng


hindi kanya malinis ang kalooban

B. PAGLALAHAD Pakinggan ang mga pangungusap na binasa sa guro


Abstraksyon na naisulat sa tsart gamit ang mga parirala sa
(Pamamaraan ng una. Itala ang mga parirala na binaggit sa guro.
Pagtalakay) 1. Usad pagong ang mga sasakyan sa daan
patungong airport.
2. May malikot na kamay sa isa sa mga mag-aaral
ni Gng. Fernandez.
3. Ang ating ina ay ang ilaw ng tahanan sa ating
pamilya.
4. Bukal sa loob niya ang pagtulong sa iba.
5. Si Aling Juanita ay may busilak na puso sa
kanyang mga manggagawa kaya siya’y minahal rin
sa kanila.
Ipabigay ang mga kahulugan nito.
C. PAGSASANAY Pangkatang Gawain.Ipagawa ng bawat pangkat.
Mga Paglilinang na Ipabigay ang kahulugan sa sumusnod na mga
gawain: sawikain. Hanapin ang kahulugan nito sa Hanay B.
Isulat ang titik ng tamang sagot.
___________ 1. balik- a. mahigpit
___________ harap ang hawak
2. busilak b. mabuti ang
ang puso pakikitungo
sa harap
ngunit
___________ taksil sa
likuran
___________ 3. kapit- iyakin
tuko
___________ 4. makapal c. malinis ang
ang palad kalooban
5. mababaw d. masipag
ang luha

D. PAGLALAPAT Salungguhitan ang sawikain sa bawat pangungusap.


Aplikasyon 1.Halatang masama ang loob ni Bb. Gan dahil
hindi siya nakasama sa mga bibigyan ng parangal.
2. Tinik sa lalamunan ang kanyang tiyuhin lagi
na lang nakaayon sa kalabang pulitiko
3. Wow! Parang di madapuang langaw si terso sa
suot nitong tuxedo.
4. Ang masasamang bagay na ginawa mo sa iyong
kapwa, gaano man kaliit, ay muling babalik sa
iyo sa ibang paraan, itaga mo sa bato.
5. Ingat na ingat akong kausapin si Bb. Austria,
balat-sibuyas kasi siya.

E. PAGLALAHAT Ano ang sawikain?


Generalisasyon

IV. PAGTATAYA Piliin ang titik ng sawikain na tugma sa


isinasaad ng pangungusap.Isulat ang titik sa
sagutang papel.
a. naningalang pugad
b. halik-hudas
c. taingang kawali
d. isang kahig, isang tuka
f. bantay-salakay

1. Binata na si Eric. Palagi siya sa kapit-bahay


na si Thelma. Si Thelma ay dalaga. Si Eric
ay___________ na.
2. Tawag nang tawag ang ina kay Romy. Naririnig
ni Rom yang tawag ngunit hindi siya sumasagot.
Patuloy siya sa ginagawa at parang walang
naririnig. Siya ay_________.
3. Gabi-gabi Si Aling Linda ay nawawalan ng
paninda. Nagtataka siya kung bakit nagkagayon,
samantalang may pinagbabantay naman siya..
Naghihinala tuloy siya na ang pinagbabantay niya
ay isang____________.
4. Matipid si Ana. Hindi siya palabili, hindi
siya namimili ng mamahaling bagay. Ang kita nila
ay halos hindi sumasapat sa kanilang gastos.
Sila ay __________.
5. Sa lahat ng bata sa aming looban, kaaw-awa
itong si Ramon. Kayang-kaya siyang palyakin ng
kapwa at siya ay laging tampulan ng panunukso.
Siya ay ________ sa aming pook.

V. TAKDANG-ARALIN Piliin ang kahulugan ng mga sumusunod na sawikain.


Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Malikot ang kamay


A. Palabati C.
kasalanan
B. Magnanakaw D. sinungaling
2. nagasgas ang bulsa
A nabutas ang bulsa C.nadukutan
ng malaki
B. nawalan ng pera D.
nadukutan ng malaki

3. Pantay na ang paa


A. namatay na C.
magkasintaas na paa
B. pareho ang paa D.
Nakatayo na

4. Mainit na ulo
A. naguguluhan
C.nilalagnat
B. nagagalit
D. nakakapaso

5. Di-maliparang uwak
A. liparan ng mga ibon C. ubod ng
lawak
B. liparan ng mga hindi uwak D. ubod ng
liit na

pinaliparan
SANAYANG AKLAT 14

Paksa: Sawikain

TUKLASIN
May mga salitang hindi natin maintindihan dahil bago ito
sa ating pandinig. Sa leksyong ito tunghayan natin kong ano ito.

MOTEBISYUNAL NA TANONG
1. May kasabihan ba kayong alam?
2. Ano-ano ang mga ito?

GAWAIN 1
Magpakita ng larawan ng mga bata na may mabuting ginagawa.
Magbigay sila ng panungusap tungkol dito.

PAGSUSURI

GAWAIN 2
Ipabasa ang sumusunod na mga parirala at piliin sa kahon ang kahulugan.
1. usad pagong
2. malikot ang kamay
3. ilaw ng tahanan
4. bukal sa loob
5. busilak ang puso

Mabagal kumilos Ina tapat kumukuha ng


hindi kanya malinis ang kalooban

ALAM MO BA NA….

Sa usapan at pakikinig minsan nalilito tayo sa


kung ano ang ipahihiwatig nito dahil sa mga salitang kabago-
bago lamang sa atin. Kailangang pang mailarawan itong mabuti
sa nagsasalita, Pakinggan ninyo ngayon ang mga parirala na
ibibigay ko at kong ano ang kahulugan nito.
Pakinggan ang mga pangungusap na binasa sa guro na
naisulat sa tsart gamit ang mga parirala sa una. Itala ang mga
parirala na binaggit sa guro.

PAGTATALAKAY
GAWAIN 4

Ipabigay ang mga kahulugan nito.


1. Usad pagong ang mga sasakyan sa daan patungong airport.
2. May malikot na kamay sa isa sa mga mag-aaral ni Gng. Fernandez.
3. Ang ating ina ay ang ilaw ng tahanan sa ating pamilya.
4. Bukal sa loob niya ang pagtulong sa iba.
5. Si Aling Juanita ay may busilak na puso sa kanyang mga manggagawa
kaya siya’y minahal rin sa kanila.
PAGSASANAY

GAWAIN 3
Pangkatang Gawain.Ipagawa ng bawat pangkat. Ipabigay ang kahulugan sa sumusunod
na mga sawikain. Hanapin ang kahulugan nito sa Hanay B. Isulat ang titik ng
tamang sagot.

____________ 1. balik-harap a. mahigpit ang hawak


2. busilak ang puso b. mabuti ang pakikitungo sa
____________ harap ngunit taksil sa
likuran
iyakin

3. kapit-tuko c. malinis ang kalooban


___________ 4. makapal ang
palad d. masipag
___________
5. mababaw ang luha
___________

PAGLALAPAT
Salunnguhitan ang sawikain sa bawat pangungusap.
1. Halatang masama ang loob ni Bb. Gan dahil hindi siya nakasama sa mga
bibigyan ng parangal.
2. Tinik sa lalamunan ang kanyang tiyuhin lagi na lang nakaayon sa kalabang
pulitiko
3. Wow! Parang di madapuang langaw si terso sa suot nitong tuxedo.
4. Ang masasamang bagay na ginawa mo sa iyong kapwa, gaano man kaliit, ay
muling babalik sa iyo sa ibang paraan, itaga mo sa bato.
5. Ingat na ingat akong kausapin si Bb. Austria, balat-sibuyas kasi siya.

TANDAAN
Ang sawikain o idioma ay salita o grupo ng mga salitang
patalinghaga ang gamit. Oto’y nagbibigay ng di tuwirang
kahulugan.
Kadalasang malalim ang mga gamit na salita at pinapalitan ang
pangkaraniwang pagtawag sa isang bagay at ginagawang
matatalinghagang pahayag.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Piliin ang titik ng sawikain na tugma sa isinasaad ng


pangungusap.Isulat ang titik sa sagutang papel.
a. naningalang pugad
b. halik-hudas
c. taingang kawali
d. isang kahig, isang tuka
f. bantay-salakay

1. Binata na si Eric. Palagi siya sa kapit-bahay na si Thelma. Si


Thelma ay dalaga. Si Eric ay___________ na.
2. Tawag nang tawag ang ina kay Romy. Naririnig ni Romy ang tawag
ngunit hindi siya sumasagot. Patuloy siya sa ginagawa at parang
walang naririnig. Siya ay_________.
3. Gabi-gabi si Aling Linda ay nawawalan ng paninda. Nagtataka siya
kung bakit nagkagayon, samantalang may pinagbabantay naman siya..
Naghihinala tuloy siya na ang pinagbabantay niya ay
isang____________.
4. Matipid si Ana. Hindi siya palabili, hindi siya namimili ng
mamahaling bagay. Ang kita nila ay halos hindi sumasapat sa
kanilang gastos. Sila ay __________.
5. Sa lahat ng bata sa aming looban, kaaw-awa itong si Ramon.
Kayang-kaya siyang palyakin ng kapwa at siya ay laging tampulan ng
panunukso. Siya ay ________ sa aming pook.

TAKDANG ARALIN
Piliin ang kahulugan ng mga sumusunod na sawikain. Isulat ang
titik ng tamang sagot.

1. Malikot ang kamay


A. Palabati C. kasalanan
B. Magnanakaw D. sinungaling

2. nagasgas ang bulsa


A nabutas ang bulsa C.nadukutan ng
malaki
B. nawalan ng pera D.nadukutan ng malaki

3. Pantay na ang paa


A. namatay na C.
magkasintaas na paa
B. pareho ang paa D. Nakatayo na

4. Mainit na ulo
A. naguguluhan C.
nilalagnat
B. nagagalit D.
nakakapaso

5. Di-maliparang uwak
A. liparan ng mga ibon C. ubod ng lawak
B. liparan ng mga hindi uwak D. ubod ng liit na
pinaliparan

Sabjek:Filipino Baitang: V
Petsa: Sesyon: 15

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang kakayahan at talas sa


pagsasalita at pagpapahayag ng
sariling ideya, kaisipan, karanasan,
at damdamin
Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat
ng iba’t ibang uri ng sulatin
Pamatayan sa Pagganap: Nakasusulat ng isang talata tungkol sa
isang isyu o paksa.
nakasasali sa isang usapan tungkol sa
isang paksaa

Nabibigkas ng may wastong tono, diin,


antala at damdamin ang napakinggang
Kompetensi: tula.F5PN-Ie-3.1
Nakasusulat ng maikling tula. F5PU-Ie-
2.2

I. LAYUNIN Nakakasabi ang pagkaka-iba sa tono,


Kaalaman: diin at damdamin sa napakinggang tula

Saykomotor: Nakakagawa ng tula


Apektiv: Napapahalagan ang pag-aalaga at
proteksyon sa ating kalikasan.

II. PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Pilipinas kong Mahal


B. SANGGUNIAN Bagong Filipino sa Salita't Gawa
(Pagbasa) p. 61-65

C. KAGAMITANG tsart, larawan, flashcards


PAMPAGTUTURO

III. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA Kayo ba'y nakapaglakbay na?


Pangmotibesyunal na Mahal ba ninyo ang ating bansa?
tanong: Ano-ano ang mga bagay sa ating bansa
na hindi kayang mapantaya ng salapi?
Bakit?
Gamit ng mga flashcards gamitin sa
Aktiviti/Gawain:
pangungusap ang sumusunod na mga
salita at ipabigay ang kahulugan nito.
natatangi, nililimi, batis, taglay
Ano-ano kayang mga bagay ang
maipagmalaki natin sa ating bansa?

B. PAGLALAHAD Ipakita ang tsart na may tula .


Abstraksyon Basahin sa guro pakinggan mabuti ito
(Pamamaraan ng sa mga bata
Pagtalakay) Sa tulang narinig ano-ano ang mga
kilalang taguri sa ating bansa?
Paano natin maigpamalaki ang ating
bansa?
Ano-ano ang inyong ginawa para gumanda
ang ating bansa?
Ipabasa ng may wastong tono at diin
ang tula
Ano ang napansin ninyo sa binasang
tula?

C. PAGSASANAY Ipabasa muli ang tula na may wastong


Mga Paglilinang na tono at diin ng buong klase, pangkat,
gawain: at piling bata.
D. PAGLALAPAT Pangkatang gawain
Aplikasyon Sumulat ng tula tungkol sa:
Pangkat I - Ilog
Pangkat II - Dagat
Pangkat III- Bundok
Pangkot IV -Gubat

E. PAGLALAHAT Ano ang tula?


Generalisasyon Paano ito isusulat?
Paano mo pahalagahan at mapangalagaan
ang kalikasan?
IV. PAGTATAYA I. Pumili ng isang bata para ipabasa
ng wasto ang tula
II. Sumulat ng tula tungkol sa
pagmamahal sa kalikasan.

V. TAKDANG-ARALIN Magdala ng larawan na nagpapakita ng


likas na yaman sa ating bansa.

SANAYANG AKLAT 15

Paksa: Pilipinas Kong Mahal

TUKLASIN
Maraming pook sa ating bansa na hindi makikita sa ibang
lugar kung kaya’y dinarayo tayo ng mga turista galing sa iba’t
ibang panig ng mundo.. Nakikita na ba ninyo ang mga pook na ito?

MOTEBISYUNAL NA TANONG
Mahal ba ninyo ang ating bansa?
Ano-ano ang mga bagay sa ating bansa na hindi kayang mapantayan ng
salapi? Bakit?

GAWAIN 1
Gamit ang mga flashcards.
Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na mga salita at ipabigay ang
kahulugan nito.
PAGSUSURI

GAWAIN 2
Ano-ano kaya ang mga bagay ang maipagmalaki natin sa ating bansa?

ALAM MO BA NA….

Napakaganda ng ating bansang Pilipinas. Sagana ito sa


magagandang tanawin kaya dinarayo ng mga turista taun-taon.
Sagana rin ito sa mga likas na yaman. Taglay rin ito ng
pambihirang kasaysayan ng ating magigiting na mga bayani.
Lahat ng ito ay inilalarawan sa tulang “Pilipinas Kong Mahal.”

PILIPINAS KONG MAHAL

Sa buong daigdig sadyang natatangi


Bansang Pilpinas kilalang taguri
Kanyang kagandahan aking nililimi,
Di mapantayan milyon mang salapi.

Sa bundok at parang biyayang naroroon,


Malawak na dagat, masasayang ibon
Ang mayamang dagat at mumunting ibon,
Kaloob ng langit, ating Panginoon.

Maunlad na lungsod at luntiang bukid,


Gusaling matayag, lansangang marikit,
Malalaking tulay malinaw na batis,
Inyong makikita sa buong paligid.

Kasaysayang taglay nitong aming bansa


Sa bawat panahon tangi’t pambihira,
Dinilig ng dugo bayaning dakila
Hindi mapapawi sa aming gunita.

Bansang Pilipinas – iyan ang bayan ko,


Bayang minamahal ng bawat Pilipino,
Ang aking dalangin manatili ito,
Masaya’y maunlad, payapang totoo.

PAGTATALAKAY

GAWAIN 3
Ano ang napansin ninyo sa binasang tula?

PAGSASANAY

GAWAIN 4
Ipabasa muli ang tula ng buong klase na may wasyong tono at diin,
pagkatapos ipabasa sa pangkat, at pagkatapos sa piling bata.

PAGLALAPAT
Pangkatang gawain
Sumulat ng tula tungkol sa:
Pangkat I - Ilog
Pangkat II – Dagat
Pangkat III- Bundok
Pangkat IV –Gubat

TANDAAN
Ang tula ay binubuo ng saknong at mga linya at ang mga
salita sa hulihan ay magkasintunog.
Tungkol sa ating bansa ito ay nakaaakit dahil sa
mga magagandang tanawin kaya atin itong mahalin.

PAGSUBOK NG KAALAMAN
I. Pumili ng isang bata para ipabasa ng wasto ang tula.
II. Sumulat ng tula tungkol sa pagmamahal sa kalikasan.
TAKDANG ARALIN
Magdala ng larawan na nagpapakita ng likas na yaman sa ating
bansa.

Sabjek:Filipino Baitang: V
Petsa: Sesyon: 16

Pamantayang Pangnilalaman: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa


iba't-ibang uri ng teksto at napalawak
ang talasalitaan

Pamatayan sa Pagganap: Nakapagsasagawa ng reader's theater


Nasasagot ang mga tanong sa binasang
talaarawan. F5P13-Ie-3.3
Kompetensi: Naibibigay ang mahahalagang pangyayari
sa nabasang talaarwan/talambuhay F5PB-
Ifh-II
Naibabahagi ang karansan sa pagbasa
upang mahikayat ang iba na magbsa ng
iba’t-ibang akda. F4PL-O-j-5
I. LAYUNIN Nakapagbibigay ng katibayan sa mga
Kaalaman: ginawa sa mga ginawa araw-araw.

Saykomotor: Nakakabuo ng talaarawan.

Apektiv: Nakakatamo ng kasiyahan sa pagiging


makatutuhan(realistic)

II. PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Talaarawan
B. SANGGUNIAN Hiyas sa Wika 5 p. 92-95

C. KAGAMITANG tsart
PAMPAGTUTURO

III. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA Mahalaga ba ang bawat araw sa atin?


Pangmotibesyunal na Pare-pareho ba ang nagganap sa inyo?
tanong:

Tumawag ng ilang bata at itanong o


Aktiviti/Gawain: ipabahagi ang karanasan nila sa
nakalipas na linggo o araw. Itanong.
Paano ninyo ito maalala?

B. PAGLALAHAD Ipabasa ang talarawan ni Arlene na


Abstraksyon naisulat sa tsart. Sagutin ang mga
(Pamamaraan ng sumusunod.
Pagtalakay) Saan nagpunta si Arlene isang araw?
Ano ang ginawa niya upang hindi niya
malimutan ang karanasaan niya?
Ano-ano ang ginawa niya sa Sabado at
Linggo?
Paano niya ito isinulat?
C. PAGSASANAY Gawing gabay ang karanasan sa buong
Mga Paglilinang na klase ang nakalipas na araw.
gawain: Ipatala nila ang ginawa ng klase mula
umaga hanggang hapon.

D. PAGLALAPAT Gumawa ng talarawan o talaan ng mga


Aplikasyon ginagawa mo sa loob ng isang linggo.
Simula mo sa araw ng linggo.
Mga gawain ko sa isang linggo.
A. Sa umaga
1.
2.
B. Sa hapon
1.
2.
C. Sa gabi
1.
2.

E. PAGLALAHAT Ano ang talarawan?


Generalisasyon Paano ito isinusulat?
Ano ang nadarama ninyo ng isulat ninyo
ang inyong talarawan?

IV. PAGTATAYA Ayusin ang mga nakasulat upang makabuo


ng dalawang talarawan. Gawing huwaran
ang binasang talarawan.
1.miyerkulas
2. Abril 10, 1997
3. namalengke kami sa palengke
4. tinulugan namin bumangon ang
matanda
5. nakita namin ang matanda na
nakadapa
6. Huwebes, Abril 11, 1997
7. naglalaba kami sa ilog
8. isang napakalaking sawa ang
bumagtas sa ilog
9. isang batang lalaki ang tumatakbong
takot na takot
10. wala na ang sawa ng dumating ang
mga tao.

V. TAKDANG-ARALIN Gumawa na talarawan tungkol sa nakalipas


na Sabado
SANAYANG AKLAT 16

Paksa: Talaarawan

TUKLASIN
Araw-araw iba-iba ang ginagawa natin na ito’y bahagi ng ating
paglaki. Masarap itong balikan kaya minsan nasisiyahan tayong
magkuwento kasama ang ating mga kaibigan. Sa palagay ninyo lahat ba
sa atin naalala pa ba ang mga karanasang ito? Paano ito ginagawa?

MOTEBISYUNAL NA TANONG
Mahalaga ba ang bawat araw sa atin? Pare-pareho ba ang
nagganap sa inyo?

GAWAIN 1
Tumawag ng ilang bata at itanong o ipabahagi ang karanasan nila sa
nakalipas na linggo o araw.

PAGSUSURI

GAWAIN 2
Itanong
Paano ninyo ito maalala?

ALAM MO BA NA….

Sa panahon noon uso ang pagkuha ng larawan at ilagay sa


album, ngayon usong-uso ang pagkuha ng larawan at e popost sa
facebook para makita at madaling maalala ang mga ginawa. Ano
pa kaya ang isang paraan para madaling maalaala natin ang mga
nakalipas nating ginawa na usong uso noon na sa ngayon may iba
pang gumagawa nito.
Ipabasa ang talarawan ni Arlene na
naisulat sa tsart.
ANG TALAARAWAN NI ARLENE
Kalagayan: Papunta sa Lungsod ng Tanggub, Ozamis sina Arlene. Ang paliparan
ng eroplano o airport ay nasa Lungsod ng Dipolog. Sa Dipolog nakatira ang
kanyang Tita Carmen at Tito Teddy. Doon muna sila matutulog. Itinala niya sa
kanyang talaarawan ang mga karanasan niya sa pagtigil doon.

Sabado, ika – 5 ng Hunyo 1997


Pagkakain ng agahan, ipinasyal kami ni Tita Carmen sa Rizal
Shrine. Ito pala ay nasa baybay dagat. Napakalamig at sariwang-sariwa ang
hangin na nagbubuhat sa dagat at napakalinaw ng tubig. Napakasarap langhapin
ang sariwang hangi.
Linggo, ika-6 ng Hunyo 1997
Pagkakain ng agahan, inihatid kami ni Tito Teddy sa Bus terminal
patungong Ozamis. Alas dose na kami nakarating sa Lungsod ng Tanggub.
Dito kami titigil limang araw. Maulan ang lugar na ito, mura rito ang
mga bungang kahoy. Napakalalaki ani inihain sa aming saging.

PAGTATALAKAY
GAWAIN 3
Sagutin ang mga sumusunod.
Saan nagpunta si Arlene isang araw?
Ano ang ginawa niya upang hindi niya malimutan ang karanasaan
niya?
Ano-ano ang ginawa niya sa Sabado at Linggo?
Paano niya ito isinulat?

PAGSASANAY

GAWAIN 4
A. Gawing gabay ang karanasan sa buong klase ang nakalipas na araw.
Ipatala nila ang ginawa ng klase mula umaga hanggang hapon
B. Pag-usapan ang kanilang nagawang tala.

PAGLALAPAT
Gumawa ng talaraawan o talaan ng mga ginagawa mo sa loob ng isang
linggo.
Simula mo sa araw ng linggo. Mga gawain ko sa isang linggo.
A. Sa umaga
1.
2.
B. Sa hapon
1.
2.
C. Sa gabi
1.
2.

TANDAAN
Gumawa ng talaarawan tungkol sa karanasan mo noong Sabado
PAGSUBOK NG KAALAMAN

Ayusin ang mga nakasulat upang makabuo ng dalawang talarawan. Gawing


huwaran ang binasang talarawan.
1. miyerkulas
2. Abril 10, 1997
3. namalengke kami sa palengke
4. tinulugan namin bumangon ang matanda
5. nakita namin ang matanda na nakadapa
6. Huwebes, Abril 11, 1997
7. naglalaba kami sa ilog
8. isang napakalaking sawa ang bumagtas sa ilog
9. isang batang lalaki ang tumatakbong takot na takot
10. wala na ang sawa ng dumating ang mga tao.

TAKDANG ARALIN
Gumawa na talarawan tungkol sa nakalipas na Sabado.
Sabjek:Filipino Baitang:V
Petsa: Sesyon: 17
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig
at pag-unawa sa napakinggan.
Pamatayan sa Pagganap: Nakapagtatala ng mga kailanganag impormasyon o
datos
Kompetensi: Nagagamit ang isinalarawang balangkas upang
maipakita ang nakalap na impormasyon. F5EP-Ie-8

I. LAYUNIN
Kaalaman: Nakapagpapahayag nang malinaw sa mga impormasyong
nakalap
Saykomotor: Nakapagbubuo ng balangkas gamit ang mga
impormasyong nakalap
Apektiv: Napapahalagahan ang katapangan na ginawa ng ating
mga ninuno para sa pagmamahal ang ating bansa
II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA Sandaang Pulo (Alamat)
B. SANGGUNIAN Bagong Filipino sa Salita at Gawa 5 Pagbasa p. 74-
79
C. KAGAMITANG tsart, larawan
PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
Pangmotibesyunal na Nakarinig o nakabasa na ba kayo ng alamat?
tanong: Pakinggan ang mga alamat na ibibigay sa mga bata.
Saan ninyo ito nakuha?

Magpakita ng larawan.
Ano-ano kaya ang nangyayari sa larawan?
Aktiviti/Gawain: Talasalitaan:
gamitin sa pangungusap ang mga salita at ipabigay
sa mga bata ang kahulugan nito.
Sandaan, agaw-dilim, tumaob, salinlahi, bukang-
liwayway, maharlika, datu, sultan raha

B. PAGLALAHAD Pakinggan sa mga bata ang alamat


Abstraksyon
(Pamamaraan ng Sagutin ang mga tanong:
Pagtalakay) Ano-anong magagandang katangian ng mga pinuno ang
ipinakita nin Raha Masibueg at Datu Mabisqueg?
Sa papaanong paraan pinili ni Raha Masibueg ang mga
mandirigma?
Bakit nagkakabuklod ang mga Pilipino kahit
magkakaiba ang bayan at wika?
Bilang isang bagong sibol na Pilipino, papaano mo
maipapakita ang pagdakila at pagpapahalaga sa mga
nagawang kabayanihan ng ating mga ninuno?
C. PAGSASANAY
Mga Paglilinang na Ipakita ang isang balangkas
gawain: Pag-aralan ang laman nito.
Ipabasa sa tsart ang alamat.
Balikan ang mga impormasyong nito.

D. PAGLALAPAT
Aplikasyon Pangkatang Gawain
Ilagay sa balangkas ang mga impormasyong hiningi
nito.
I. Kalagayan ng Mga Tribu sa Kapuluan
A. May iba’t ibang tribu sa iba’t ibang dako
B. Watak-watak ang maliliit na kaharian
C. Bwat tribu ay pinamumunuan ng datu, sulatan,
o raha
TAPUSIN ANG BALANGKAS. Sumulat ng mga detalye sa
bawat bilang.
II. Ang pagtatanggol ng Tribu ng Mag-amang
Maharlika
A.
B.
C.
III. Ang Paglitaw ng Sandaang Pulo
A.
B.
C.

E. PAGLALAHAT Ano ang balangkas?


Generalisasyon Ano ang ipinakita sa ating mga ninuno sa
pakikipaglaban sa mga kaaway?
IV. PAGTATAYA Basahin sa mga bata ang kuwentong pinamagatang “
Ang Mapaminsalang Lahar”
Sumulat ng balangkas tungkol nito.
1.Pamagat:_________________________________________
2.Pangunahing Paksa
I.
A._______________________________________________

B._______________________________________________

C._______________________________________________

3. Mga Detalye
II. Layunin ng Binasa

A.________________________________________________

B.________________________________________________
C.________________________________________________
III. Kabutihang naibabahagi ng binasa

A.________________________________________________

B.________________________________________________

C.________________________________________________

V. TAKDANG-ARALIN Magsaliksik at sumulat ng isang talata tungkol sa


iba pang pangyayari sa “Sandaang Pulo”. Isulat ito
sa papel.

SANAYANG AKLAT 17

Paksa: Sandaang Pulo (Alamat)

TUKLASIN
Ang kagandahan ng ating bansa ay umaakit sa libo-libong
turista na galing sa iba’t ibang panig ng daigdig. Tuklasin natin
ngayon ang isang lugar sa ating bansa na nasa napakahilagang parte
nito.

MOTEBISYUNAL NA TANONG
Nakarinig o nakabasa na ba kayo ng alamat?
Pakinggan ang mga alamat na ibibigay sa mga bata.
Saan ninyo ito nakuha?

GAWAIN 1
Magpakita ng larawan.
Ano-ano kaya ang nangyayari sa larawan?

PAGSUSURI

GAWAIN 2
Talasalitaan:
Gamitin sa pangungusap ang mga salita at ipabigay sa mga bata ang
kahulugan nito.
sandaan, agaw-dilim, tumaob, salinlahi, bukang-liwayway, maharlika,
datu,sultan, raha
ALAM MO BA NA….

Maganda ang ating bansang Pilipinas. Saan mang dako ng


ating kapuluan ay sagana sa likas na ganda’t yaman. Mga
bagong tanawin na hindi pagsasawaang pagmasdan saan ka man
pupunta. Isa sa kahanga-hangang tanawin sa Hilagang Luzon ay
ang “Sandaang Pulo.”

SANDAANG PULO
May magandang kwento ang matatanda sa Pangasinan na
nagpapaliwanag kung paano nagkaroon ng “Sandaang Pulo” sa Look ng Pangasinan.
Ayon sa kwento, may iba’t ibang tribu sa iba’t ibang
dako ng kapuluan. Ngunit watak-watak ang maliliit sa kaharian. Bawat isa’y
pinamumunuan ng mga maharlika n atinatawag na datu, sultan, o raha.
Si Raha Masibueg, matalino, maunawain, at matapang na
pinuno ang namumuno sa isang kaharian. Daan-daang kawal ang kanyang sinanay.
Sa pagtanda ng raha, ipinagpatuloy ng kanyang anak, si Datu mabisqueg, ang
pamumuno sa mga sinanay na kawal. Sa pagdaraan ng panahon, naging matahimik,
masagana, at maunlad ang kaharian.
Agaw-dilim noon. Nilusob ng mga kaaway ang kaharian.
Pinulong ni Raha masibueg ang kanyang konseho. Ipinayo na salubungin ang
kaaway.. mula sa maraming kawal na sinanay ni Raha Masibueg, pumili ng
sandaan si Mabisqueg.
Naganap sa dagat ang labanan. Tumagal ang labanan.
Tumagal ang labanan ng maghapon at magdamag. Nang kinabukasan, tumahimik sa
pook na pinaglabanan. Walang natira isa man sa sinanay ni Datu mabisqueg.
Nalipol lahat ang sandaang kawal pati ng mga kaaway.
Lumipas ang araw. Naging malungkot ang buong tribu.
Laging nakatanaw sa dagat ang mga tao. Hanggang isang bukang-liwayway,
biglang naiba ang malawak na dagat. Humihigit-kumulang sa sandaang pulo ang
kanilang nakita. Ang ilan ay hugis na tumaob na bangka, ang iba’y tulad ng
katawan ng mga mandirigma.
Mula noon, pinaniniwalaan nang mga tao na ang mga pulong
iyon ay sandaang kawal na nalipol sa labanan. Magsisilbing alaala sa susunod
na salinlahi ang alamat ng”Sandaang Pulo” sa Look ng Pangasinan.

PAGTATALAKAY
GAWAIN 3
Sagutin ang mga tanong:

A. Ano-anong magagandang katangian ng mga pinuno ang ipinakita nin Raha


Masibueg at Datu Mabisqueg?
Sa papaanong paraan pinili ni Raha Masibueg ang mga mandirigma?
Bakit nagkakabuklod ang mga Pilipino kahit magkakaiba ang bayan at
wika?
Bilang isang bagong sibol na Pilipino, papaano mo maipapakita ang
pagdakila at pagpapahalaga sa mga nagawang kabayanihan ng ating mga
ninuno?
B. Ipakita ang isang balangkas
Pag-aralan ang laman nito.

GAWAIN 4

Ipabasa sa tsart ang alamat.


Balikan ang mga impormasyon nito.

PAGLALAPAT
Pangkatang Gawain
Ilagay sa balangkas ang mga impormasyong hiningi nito.
I. Kalagayan ng Mga Tribu sa Kapuluan
A. May iba’t ibang tribu sa iba’t ibang dako
B. Watak-watak ang maliliit na kaharian
C. Bwat tribu ay pinamumunuan ng datu, sulatan, o raha
TAPUSIN ANG BALANGKAS. Sumulat ng mga detalye sa bawat bilang.
II. Ang pagtatanggol ng Tribu ng Mag-amang Maharlika
A.
B.
C.
III. Ang Paglitaw ng Sandaang Pulo
A.
B.
C.

TANDAAN
Sa pagbabalangkas ng kwento o seleksyon, kinikuha
muna ang pangunahing kaisipan ng bawat talata. Itinatala ang
maliliit na detalyeng tumutulong sa paglinang ng pangunahing
kaisipan. Ginagamit ang bilang Romano para sa pagsulat ng
pangunahing kaisipan at ang malaking titik para sa pagsulat ng
mga detalye.
Sa pagsulat ng balangkas, maaaring gumamit ng pangungusap,
parirala, o Salita.
Sa alamat ipinakita ang pagmamahal sa ating bayan dahil
ipinaglaban ng mga ninuno natin ang ating bansa.
PAGSUBOK NG KAALAMAN

Basahin ang sanaysay.


Ang Mapinsalang
Lahar
Hindi sukat akalain ng maraming Pilipino sa Pampanga na sasapit sa
kanila ang mga hirap ng pamumuhay sa kapaligiran.
Sinalanta ng bagyo ang kanilang mga tahanan at bahay-kubo. Walang
mapagtatamnan pagkat ang lupang sinasaka ay natabunan ng lahar. Gayundin
naman, pininsala ng pagsabog ng bulkan ang ibang bahagi ng karagatan na
inaasahan ng mga mangIngisda. Nangamatay ang mga isdang kanilang inaasahan
tulad ng bangus, tilapia, dalagambukid, at iba pa. Nahahalintulad ang
kanilang pamumuhay sa buhay-alamang na kadalasa’y sumasala sa oras na parang
mga patay-gutom. Ngunit hindi pulos paghihirap ang kanilang nararanasan.
Maraming mga Pilipinong may mga ginintuang ang nagdadala at nagbibigay sa
kanila ng mga kagamitan, pagkain, at donasyon. Iyan ay isang tatak ng pagka
Pilipino, ang tumulong sa mga napinsala.Marami ngang pagsubok sa atin
subali’t kaya nating harapin ang mga ito.
Sa kabila ng mga pagsubok na ito, nagtitiwala ang mga Pilipino na
gaganda at sasagana muli ang kapaligirang sinira ng kalikasan.

Sumulat ng balangkas tungkol sa binasang kuwento. Gawin ito sa


sagutang papel. Tularan ang naritong pormat.
1.
Pamagat__________________________________________________________
_______

2. Pangunahing Paksa
I.
A._________________________________________________________
______
B._________________________________________________________
______
C._________________________________________________________
_____
3. Mga Detalye
II. Layunin ng Binasa
A._________________________________________________________
______
B._________________________________________________________
______
C._________________________________________________________
______
III. Kabutihang naibahagi ng binasa
A._________________________________________________________
______
B._________________________________________________________
______
C._________________________________________________________
______

TAKDANG ARALIN
Magsaliksik at sumulat ng isang talata tungkol sa iba pang
pangyayari sa “Sandaang Pulo”. Isulat ito sa papel.

Sabjek:Filipino Baitang: V
Petsa: Sesyon: 18

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang kakayahan sa


mapanuring pakikinig at pag-unawa sa
napakinggan.

Pamatayan sa Pagganap: Nakasasali sa isang usapan tungkol sa


isang paksa
Kompetensi: Nagagamit ang iba’t ibang uri ng
panghalip sa usapan at paglalahad ng
sariling karanasan F5WG-If-j-3

I. LAYUNIN
Kaalaman: Nakakikilala ang panghalip na panao

Saykomotor: Nakabubuo ng mga pangungusap na may


panghalip panao

Apektiv: Nakasusunod sa ipinagagawa ng guro sa


klase

II. PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Mga Panghalip Panao

B. SANGGUNIAN Hiyas sa Wika 5 p. 61-65

C. KAGAMITANG larawan, tsart


PAMPAGTUTURO

III. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA Sino-sino ang inyong kinakausap


Pangmotibesyunal na palagi?
tanong: Ano-ano ang mga karamihang binabanggit
sa inyong usapan?

Magpakita ng larawan. Pabuuin ang mga


bata ng mga pangungusap na maaring
Aktiviti/Gawain: mapag-usapan tungkol sa larawan.
Tatawag ng ilang bata at ipabasa ang
nabuong mga pangungusap.

B. PAGLALAHAD
Abstraksyon Ipabasa ang dula-dulaan sa tsart.
(Pamamaraan ng Mga Tanong:
Pagtalakay) Bakit tinawagan ni Marvin si
Christian?
Bakit tinawag na Ama ng Blarilang
Pambansa si Lope K. Santos?
Sa palagay mo, bakit si Lope K. Santos
ang inaatasang sumulat ng Balarilang
Pambansa?
Ano ang masasabi mo sa taong may
kakayahang sumulat ng aklat tulad ni
Lope K. Santos?
Ipabasa ang pangungusap.
“Hndi lamang siya manunulat kundi
makata pa at naging guro rinn
gobernador at naging senador din
siya”?
Anong salita ang ipinalit sa
pangngalang Lope K. Santos?

C. PAGSASANAY
Mga Paglilinang na Magpakita ng tsart ng Panghalip na
gawain: Panao.
Mag-usapan ang mga bata sa kanilang
katabi.
Pagtulungan nilang basahing muli ang
usapan sa dayalogo. Ipabigay ang
panghalip na panao na ginagamit sa
sumusuond:
1. ng nagsasalita
Halimbawa:
-na iisa ang bilang
ako
na dadalawa o higit ang bilang
kami
2. ng kausap
- na iisa ang bilang
na dalawa o higit ang bilang
3. ng pinag-usapan

D. PAGLALAPAT Pangkatin sa apat ang mga bata.


Aplikasyon Magsasadula sa isang karanasan na
ginagamitan ng panghalip panao.

E. PAGLALAHAT Ano ang panghalip panao?


Generalisasyon Anong katangian ang ipinamalas sa
mga bata sa dayalogo sa kanilang pag-
aaral na nakuha nila ang ipinagawa ng
guro?

IV. PAGTATAYA Piliin ang panghalip na panao sa bawat


pangungusap. Salungguhitan ang tamang
sagot.
1. Nangako siyang daraan muna bago
umuwi.
2. Tinapos niya ang gawaing sinimulan
na.
3. Ikaw na muna ang tumulong sa kanya.
4. Sa akin iniutos ang mga gawaing
iyan.
5 Magsikap kayo, kung nais ninyong
umasenso.
6. Magtulungan tayo sa lahat ng
pagkakataon.
7. Atin ang bansang ito kaya dapat
nating mahalin.
8. Ipinagmalaki mob a ang iyong
bansa?
9. Oo, ipinagmalaki ko ang aking
bansa.
10. Ano ang nagawa mo nang kabutihan
sa bansa?

V. TAKDANG-ARALIN Punan ng angkop na panghalip panao ang


bawat patlang.
1. Lupa natin ito.______ang dapat
magmalasakit.
2. Sina Ana, Maria,Josefa, at ako ang
gagawa nito. Magsisimula na ba_______?
3.Tumulong ako at si Ate Leny sa
kanila.Nagwalis________ng buong
bakuran.
4. Ikaw at si Ate Melba ay
ipinatatawag ng punong-guro. Pupunta
na ba_________sa tanggapan?
5. Mga kaklase,
magsitayo________lahat.Itinataas na
ang bandila sa tagdan.

SANAYANG AKLAT 18

Paksa: Mga Panghalip Panao

TUKLASIN
Minsan tayo’y nakukulitan kapag nagsasalita ang tao na
pabalikbalik. Naranasan ba rin ninyo ito?

MOTEBISYUNAL NA TANONG
Sino-sino ang inyong kinakausap palagi?
Ano-ano ang mga karamihang binabanggit sa inyong usapan?

GAWAIN 1
Magpakita ng larawan.

Pabuuin ang mga bata ng mga pangungusap na maaring mapag-usapan tungkol sa


mga larawan.

PAGSUSURI

GAWAIN 2
Tatawag ng ilang bata at ipabasa ang nabuong mga pangungusap.

ALAM MO BA NA….

Maliban kay Manuel L. Quezon na tinaguriang Ama ng


Wikang Pambansa, may isa pang tao na may malaking nagawa para
sa ating wika. Sino kaya ito?
Basahin ang dayalogo.

Nag-usapan ang dalawang magkaklase.

Ama ng Balarila ng
Wikang Pambansa
MARVIN: Hello, magandang umaga po. Pwede po bang makausap si Christian?
CHRISTIAN: Magandang umaga naman. Akon a nga si Christian. Ikaw bas i Marvin?
MARVIN: Oo, ako nga. Natapos mo na ba ang ating takdang-aralin.
CHRISTIAN: Iyon bang talambuhay ni Lope K. Santos? Oo, natapos ko na. Handa
aka na ba? Ididikta ko na sa iyo.
MARVIN: Sandali, kukuha lang ako ng bolpen at notbook. O, sige, handa na ako.
Ano ang sagot sa tanong na Bakit tinatawag na Ama ng Balarilang Pambansa si
Lope K. Santos?”
CHRISTIAN: Noong si Manuel Quezon ang pangulo ng Pilipinas, napili ang
Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa. Ipinag-utos ng pangulong Quezon sa
Surian ng Wikang Pambansa na gumawa ng Balarila para sa mataas na paralan. Si
G. Lope K. Santos ang naatasang sumulat ng Balrila ng Wikang Pambansa. Ang
aklat ang naging batayan ng mga araling panggramatika.
MARVIN: Ang galing pala niya!
CHRISTIAN: Aba, oo. Hindi lamang siya manunulat kundi makata pa. Marami
siyang nasulat na nobela at mga tula. Naging guro rin, gobernador at naging
senador pa siya.
MARVIN: Naku, ang galing mong magrereserts! Ang dami mong alam tungkol sa
kanya.
CHRISTIAN: nabasa ko sa aklat ng aking ate ang talambuhay niya.
MARVIN:O, sige, maraming salamat sa tulong mo. Narito si Amie sa amin at mag-
aaral na kami.
CHRISTIAN: O, hala, magkita na lamang tayo bukas sa iskul.
MARVIN: Sige, babay.
CHRISTIAN: Babay.

PAGTALAKAY

Bakit tinawagan ni Marvin si Christian?


Bakit tinawag na Ama ng Balarilang Pambansa si Lope K. Santos?
Sa palagay mo, bakit si Lope K. Santos ang inatasang sumulat ng Balarilang
Pambansa?
Ano ang masasabi mo sa ataong may kakayahang sumulat ng aklat tulad ni Lope
K. Santos?

GAWAIN 3
Magpakita ng tsart ng Panghalip na Panao. Mag-usapan ang mga bata sa
kanilang katabi.

Nasa ibaba ng tsar tang Panghalip na Panao


Pinapalitang Bilang o Kailanan
Ngalan ng Isahan Dalawahan Maramihan
Tao/Panauhan
Taong Nagsasalita Ako, akin, ko Tayo, kami,
natin,atin
Taong Kausap Ikaw, ka, iyo, mo Kita, kata
Kayo, inyo, ninyo
Taong pinag- Siya, niya, kanya
uusapan Sila, kanila,
nila
PAGSASANAY

GAWAIN 4
Ipabigay ang panghalip na panao na ginagamit sa sumusuond:
1. ng nagsasalita Halimbawa:
-na iisa ang bilang ako
-na dadalawa o higit ang bilang kami
2. ng kausap
- na iisa ang bilang
- na dalawa o higit ang bilang
3. ng pinag-usapan

PAGLALAPAT
Pangkatin sa apat ang mga bata. Magsasadula sa isang karanasan na
ginagamitan ng panghalip panao.

TANDAAN
Ang panghalip na panao ay panghalili sa
pangalan ng tao, ito’y maaring isahan at maramihan.

Itanong
Anong katangian ang ipinamalas sa mga bata sa dayalogo sa
kanilang pag-aaral na nakuha nila ang ipinagawa ng guro?

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Piliin ang panghalip na panao sa bawat pangungusap. Salungguhitan


ang tamang sagot.
1. Nangako siyang daraan muna bago umuwi.
2. Tinapos niya ang gawaing sinimulan na.
3. Ikaw na muna ang tumulong sa kanya.
4. Sa akin iniutos ang mga gawaing iyan.
5 Magsikap kayo, kung nais ninyong umasenso.
6. Magtulungan tayo sa lahat ng pagkakataon.
TAKDANG ARALIN
Punan ng angkop na panghalip panao ang bawat patlang.
1. Lupa natin ito.______ang dapat magmalasakit.
2. Sina Ana, Maria,Josefa, at ako ang gagawa nito. Magsisimula na
ba_______?
3.Tumulong ako at si Ate Leny sa kanila.Nagwalis________ng buong
bakuran.
4. Ikaw at si Ate Melba ay ipinatatawag ng punong-guro. Pupunta
na ba_________sa tanggapan?
5. Mga kaklase, magsitayo________lahat.Itinataas na ang bandila
sa tagdan

Sabjek:Filipino Baitang: V
Petsa: Sesyon: 19

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamalas ang iba't-ibang kasanayan


upang maunawa ang iba't-ibang teskto.

Pamatayan sa Pagganap: Nakapagtatala ng mga kailangan


impormasyon o datos.

Kompetensi: Nabigbigyang kahulugan ang bar graph,


pie, talahanayan at iba pa. F5EP-If-g-
2
I. LAYUNIN
Kaalaman: Nakakapagbibigay katibayan sa nabasang
sitwasyon.

Saykomotor: Nakabubuo ng paglalahat batay sa


impormasyong makikita

Apektiv: Napapahahalagan ang pag-unlad sa bansa


(Productivity)

II. PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Liham : Cavite: Sona ng Mapayapang


Industriya at Produkto

B. SANGGUNIAN Hiyas sa Pagbasa 5 p. 212-217

C. KAGAMITANG graph, mapa, tsart


PAMPAGTUTURO

III. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA Sino ang nakatanggap na ng liham?


Pangmotibesyunal na Saan galing ito?
tanong: Magpakita ng liham.
Ano kaya ang laman nito?
Sa babasahing liham ano kayang mayroon
sa Cavite.
Aktiviti/Gawain:
Alamin ang kahulugan sa sumusunod na
mga salita: sona, pabrika, lalawigan
, industriya

B. PAGLALAHAD Ipabasa ng tahimik na nasa pahina 212-


Abstraksyon 217 ng aklat
(Pamamaraan ng Sagutin: Saan at kanino nagmula ang
Pagtalakay) liham?
Bakit sumulat si Joey kay Dingdong?
Ano ang pagkaka-iba ng Cavite noon sa
ngayon?
Bakit nasabi ni Joey na mababago na
ang sistema ng komunikasyon sa Cavite?
Dapat bang ituring ang Cavite na Sona
mapayapang industriya at produkto?
Bakit?
Gawin ang pagbubuo ng paglalahat batay
sa impormasyon mula sa tsart, graph,
at mapa.
C. PAGSASANAY Buksan ang pahina 216 sa aklat. Sagutin
Mga Paglilinang na ang kahulugan ng graph "Palitan ng
gawain: dolyar sa Piso?

D. PAGLALAPAT Paunlarin at payamanin ang tsart sa


Aplikasyon pahina 216.
Bumuo ng paglalahat tungkol sa tsart.
Samang Mag-aaral: Iskedyul ng
Pagpapatala sa Bagong Kasapi

E. PAGLALAHAT Paano mabigyang kahulugan ang isang


Generalisasyon tsart, mapa, graph at iba pa?

IV. PAGTATAYA Bigyang kahulugan ang mapa pahina 217

V. TAKDANG-ARALIN Bigyang kahulugan ang graph sa 217.


Bumuo ng paglalahat sa tungkol dito.

SANAYANG AKLAT 19

Paksa: Liham: Cavite: Sona ng Mapayapang Industriya at Produkto


TUKLASIN
Usong-uso noon ang liham para makapag-ugnay sa iba. Sa
ngayon, malaki ang ipanagbago sa pakikipag-ugnayan sa isat-isa.
Alamin natin kong anong pagbabagong ito.

MOTEBISYUNAL NA TANONG
Sino ang nakatanggap na ng liham?
Saan galing ito?

GAWAIN 1
Magpakita ng liham. Ano kaya ang laman nito?

PAGSUSURI

GAWAIN 2

Alamin ang kahulugan sa sumusunod na mga salita.


sona, pabrika, lalawigan , industriya
1. Sona ng mapayapang industriya at produkto ang Cavite.
2. Maraming itinatayong pabrika sa Cavite kaya nga hindi naghihirap ang mga
taga doon sa pagahanap ng trabaho.
3. Ang lalawigan ng Cebu ay malapit lang sa atin.
4. Ang Lola Isyang ay nagtatrabaho sa industriya ng pagawaan ng mga damit sa
Maynila.

ALAM MO BA NA….

Sa Cavite hindi naghihirap ang mga tao sa kanilang


mga pamumuhay. Malaki ang ipinagbago sa lugar na ito. Ano-ano
kayang ginawa ng pamahalaan nila na ito’y umasenso. Basahin
ninyong tahimik ang liham.
Cavite: Sona ng Mapayapang Industriya at Produkto
(Liham)
22 Kaingin

Kawit, Cavite

Marso 22, 2014


Mahal Kong Dingdong,

Kumusta na ang kaibigan kong nakasama sa Asian Boy Scouts


Jamboree? Ang balita ko’y ang inyong tropa ang napiling pinakamahusay
na tropa ng mga batang iskawt na dumalo sa jamboree. Maligayang bati!
Sumulat ako sa iyo hindi lamang upang batiin ka sa tagumpay na
iyong nakamit. Nais kong ibalita sa iyo na darating ang aking ama mula
sa limang taong paglalakbay niya sa Amerika sa sususnod na buwan. Sa
huling sulat niya ay kasama ka sa kinukumusta. Dapat lang, dahil ikaw
ang pinakamatalik kong kaibigan. Sa pagbabalik daw niya ay inaasahan
niyang makikita ka sa aming tahanan. Magkaroon kami nga munting salo-
salo sa aming palaisdaan na dati naming pinupuntahan. Ikaw ang unang
padadalhan ko ng imbitasyon sa susunod na buwan.
Sabik na sabik akong makita’t makausap ka. Limang taon na
tayong hindi nagkikita. Hindi sapat ang minsang pagsusulatan natin.
Alam ko naman kaya kayo umalis ng Cavite ay dahil natakot kayo sa
gulong nagaganap dito. Huwag kang mag-alala. Tahimik na ngayon sa
Cavite. Hayaan mong kwentuhan kita ng mga nagaganap sa baying
sinilangan ni Heneral Emilio Aguinaldo.
Kung noong araw ay kinatatakutan at iniiwasan ng mga turista
at negosyante ang Cavite, ngayon ay nagsisiskip na ang trapikosa
Aguinaldo Highway dahil paunlad na nang paunlad an gaming lalawigan.
Marami na ritong naipapatayong pabrika. Napapasyalan na rin namin ang
pinakamalaking mall sa Bacoor. May isa pang malaking mall sa Imus na
madalas din naming puntahan. Parang lungsod na ang Bacoor at Imus.
Maayos na rin ang mga kalye rito. Pinalapad ang Coastal Road at
marami nang binuksang provincial at municipal road network.
Makabago na rin an gaming sistema ng komunikasyon. Kayraming mga
itinayong opisina ng telepono. May mga tanggapan na ng Meralco at
Nawasa sa bawat bayan. Ito ang dahilan kung bakit halos lahat ng
negosyo at pabrika ay naipatayo na sa Cavite. Sa TCIE sa Dasmarinas at
Gateway sa General Trias ay parang kabuting nagsulputan ang maraming
pabrika. Maunlad na maunlad ang EPZA sa Cavite. Itinuring ang Cavite na
sona ng mapayapang industriya at produkto dahil patuloy ang produksyon
ng mga indutriya rito. Matanda’t kabataan ay payapa’t masayang
nakapaghanap-buhay sa Cavite.
Siguro naman ay nailarawan ko sa iyo ang Caviite na nakita mo noon
sa Cavite ngayon. Hindi ko man mahikayat na magbalik kayo sa Cavite ay
natutuwa na ako kung makapamasyal kayo rito nang walang takot at
pangamba.
Humaba yata ang sulat ko. Hintayin mo na lamang ang ipadadala ko
sa iyong imbitasyon.

Ang iyong kaibigan,

Joey

Mga tanong:
Saan at kanino nagmula ang liham?
Bakit sumulat si Joey kay Dingdong?
Ano ang pagkaka-iba ng Cavite noon sa ngayon?
Bakit nasabi ni Joey na mababago na ang sistema ng komunikasyon sa
Cavite?
Dapat bang ituring ang Cavite na Sona mapayapang industriya at
produkto? Bakit?
Gawin ang pagbubuo ng paglalahat batay sa impormasyon mula sa tsart,
graph, at mapa

GAWAIN 3
Buksan ang pahina 216 sa aklat. Sagutin ang kahulugan ng graph "Palitan
ng dolyar sa Piso"
39 000
40 000
41 000
42 000
43 000
44 000
45 000 48.50 centavos
46 000

Dec 23 24 29 Jan 2 5 6 7 8 9 10

PAGSASANAY

GAWAIN 4
Samang Mag-aaral: Iskedyul ng Pagpapatala sa Bagong Kasapi
SAMANG MAG-AARAL: Iskedyul ng pagpapatala sa Bagong Kasapi
Oras/Lugar Gawain
8:00 – 8:30 Gusaling FVR -pagpapakita ng I.D. at katibayan
mula sa gurong tagapayo
8:30 - 9:00 -pakikipanayam sa tagapayo ng samahan
Gusaling DECS
-pagrerehistro para sa bagong kasapi
9:00 - 10:30
Gusaling Pampangasiwaan

PAGLALAPAT
TANDAAN
Tandaan ang sumusunod na hakbang:
1 Pag-aralang mabuit ang nakalarawan
2. Bigyang –pansin sa tsar tang nilalaman ng impormasyon, sag rap
ay ang mahalagang tala, at sa mapa ay ang direksyon o lugar na
katatagpuan mo sa mga lalawigan, lungsod o bayan.
3. Bumuo ka ng paglalahat batay sa iyong nakikitang tala.
4. Tiyakin ang paglalahat. Iwasan ang pagbabago-bago ng
sasabihin.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Bumuo ng limang paglalahat tungkol sa mapa.

TAKDANG ARALIN
Bigyang kahulugan ang graph sa 217. Bumuo ng paglalahat
sa tungkol dito.
Sabjek:Filipino Baitang:V
Petsa: Sesyon: 20
Pamantayang Pangnilalaman: Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat
ng iba’t ibang uri ng sulatin.
Pamatayan sa Pagganap: Nakasusulat ng isang talata tungkol
sa isang isyu o paksa.
Kompetensi: Nakasusulat ng talatang
nagsasalaysay.
F5PU-If-2.1
Nagagamit ang wika bilang tugon sa
sariling pangangailangan at
sitwasyon. F4PL-O-a-j-2
I. LAYUNIN
Kaalaman: Nakagugunita ng mga kaisipan na
nauugnay sa isang isyu lamang para
sa isang talata.
Saykomotor: Nakabubuo ng talatang nagsasalaysay
na ginagamit ang wika bilang tugon
sa sariling pangangailangan
Apektiv: Humahanga sa ginawang hakbang na
mapag-isa ang pagmamahal sa ating
bayan
II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA Pagsulat ng Talata
B. SANGGUNIAN Hiyas sa Wika 5, p.88-91
C. KAGAMITANG PAMPAGTUTURO tsart, larawan,
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Ano ang wikang pambansa natin?
Pangmotibesyunal na tanong: Bakit tayo ay may wikang pambansa?

Aktiviti/Gawain: Ipakita ang larawan ni Manuel L.


Quezon
Itanong:
Sino ba ang nakikita ninyo sa
larawan?
Kailan natin siya pinapahalagahan?
Ano ba ang nagawa niya sa ating
bayan?
B. PAGLALAHAD Basahin sa mga bata sa kanilang
Abstraksyon aklat ang talatang pinamagatang
(Pamamaraan ng Pagtalakay) “Wikang Pambansa”
Talakayin:
Paano sinisimulan ang talataan?
Anong titik ang ginagamit sa simula
ng bawat pangngusap ng mga
pangngalang pantangi?
Papaano nagtatapos ang bawat
pangungusap?
Saan-saan ang mga palugit?
Ano-ano ang mga pamaksang
pangungusap sa bawat talata?

C. PAGSASANAY Ipakita ang wastong anyo ng talataan

Pamagat___________

Espasyo ___________

Pasok_______________________________
__________________________

____________________________________
______________________________

____________________________________
______________________________

____________________________________
______________________________

____________________________________
______________________________
Suriing mabuti ang talataan
Pagsunod-sunurin ang mga pangungusap
D. PAGLALAPAT upang makabuo ng isang maayos na
talata. Isulat ang bilang 1-5 sa
patlang. Paglatapos isulat sa iyong
kwaderno ang nabuong talata.
Paano isusulat ang talata?
Paano napagbuklod tayong mga
Pilipino para magkaunawaan?
IV. PAGTATAYA
Pagsunod-surin ang mga pangungusap
upang mabuo ang talata. Isulat
ang bilang 1-5

_________ Pagakatapos na mapilii ang


Tagalog bilang batayan ng Wikang
Pambansa.
_________ Ipinag-utos ng Pangulong
Quezon sa Surian ng Wikang Pambansa
na gumawa ng dalawang bagay:
_________Si G. Lope Santos ay
naatasang gumawa ng Balarila ng
Wikang Pambansa
_________Una: Isang diksyunaryong
Tagalog-Ingles at ikalawa, isang
gramatika para sa ikaapat na taon ng
mataas na paaralan at ikalawang
antas ng Paaralang Normal
_________ Dahil sa sinulat niyang
Balarila ng Wikang Pambansa na
naging batayan ng mga sumusunod na
aklat pang gramatika, kinikilalang
Ama ng Balarilang Pambansa si Lope
K. Santos
V. TAKDANG-ARALIN Sumulat ng dalawa o tatlong talata
tungkol sa isang paksang mapipili sa
nakatala.
1. Isang Paglalakbay
2. Mga Yaman sa Ating Kagubatan
3. Ang Ating Mga Bayani

SANAYANG AKLAT 20

Paksa: Pagsulat ng Talata

TUKLASIN
Iba talaga ang bansa natin dahil nahahati tayo sa pamamagitan
ng mga pulo. Mahirapmagkakaintindihan lalong lalo na sa pagsasalita
dahil sa layo nito. Ano kaya ang ginawa ng mga namunuan noon para
tayo magka-isa? Tuklasin natin ngayon sa araling ito.
MOTEBISYUNAL NA TANONG
1. Ano ang wikang pambansa natin?
2. Bakit tayo ay may wikang pambansa?

GAWAIN 1
Ipakita ang larawan ni Manuel L. Quezon
PAGSUSURI

GAWAIN 2
Itanong:
Sino ba ang nakikita ninyo sa larawan?
Kailan natin siya pinapahalagahan?
Ano ba ang nagawa niya sa ating bayan?

ALAM MO BA NA….
Hindi basta-basta na makasulat tayo ng kong ano mang
gusto nating isusulat. Sa pagsusulat, alamin din natin kong
ito bay pangungusap lamang o talata. Alamin natin ngayon kong
paano ito gagawin.
PAGTATALAKAY
Paano sinisimulan ang talataan?
Anong titik ang ginagamit sa simula ng bawat pangngusap ng
mga pangngalang pantangi?
Papaano nagtatapos ang bawat pangungusap?
Saan-saan ang mga palugit?
Ano-ano ang mga pamaksang pangungusap sa bawat talata?

GAWAIN 3
Ipakita ang wastong anyo ng talataan
Pamagat___________
Espasyo ___________

Pasok_________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

PAGSASANAY

GAWAIN 4
Suriing mabuti ang talataan

PAGLALAPAT
Pagsunod-sunurin ang mga pangungusap upang makabuo ng isang maayos na
talata. Isulat ang bilang 1-5 sa patlang. Paglatapos isulat sa iyong kwaderno
ang nabuong talata.
__________Noong itatag ito, pitong miyembro ang hinirang ni Pangulong
Quezon.
__________Ang Surian ng Wikang Pambansa ay ang lupon ng wika na itinatag
noong 1937 para sa pagpili ng wikang pambansa.
__________Lahat ng mag kagawad ng lupon ay nagsasalita ng iba’t ibang
wika.
__________Ang iba pang kagawad ay kumakayawan sa wikang Ilokano, Cebuano,
Bicol, Hiligaynon at Maranaw.
__________Ang tagapangulo ng Lupon ay si Jaime de Veyra na taga- Leyte at
ang kalihim ay si Cecilio Lopez, isang Tagalog.

TANDAAN
May mga panuntunang sinusunod sa wastong pagsulat ng talata.
Isulat ang pamagat sa gitna sag awing itaas ng sulatang papel.
Lagyan ng espasyo sa pagitan ng pamagat at mga talataan.
Gamitin ang malaking titik sa simula ng mahahalagang sa lita sa
pamagat/simula ng bawat pangungusap, simula ng mga
pangngalang pantangi at sa pagsulat ng pamagat.
Gamitin ang wastong bantas sa hulihan ng bawat pangungusap.
Ipasok ang unang pangungusap ng talataan.
Magkaroon ng palugit sa magkabilang panig ng papel.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Pagsunod-surin ang mga pangungusap upang mabuo ang talata.


Isulat ang bilang 1-5 sa patlang.
_________ Pagkatapos na mapilii ang Tagalog bilang batayan ng Wikang
Pambansa.
_________ Ipinag-utos ng Pangulong Quezon sa Surian ng Wikang Pambansa na
gumawa ng dalawang bagay.
_________ Si G. Lope Santos ay naatasang gumawa ng Balarila ng Wikang
Pambansa.
_________ Una: Isang diksyunaryong Tagalog-Ingles at ikalawa, isang
gramatika para sa ikaapat na taon ng mataas na paaralan at ikalawang
antas ng Paaralang Normal
_________ Dahil sa sinulat niyang Balarila ng Wikang Pambansa na naging
batayan ng mga sumusunod na aklat pang gramatika, kinikilalang Ama
ng Balarilang Pambansa si Lope K. Santos
TAKDANG ARALIN
Sumulat ng dalawa o tatlong talata tungkol sa isang paksang
mapipili sa nakatala.
1. Isang Paglalakbay
2. Mga Yaman sa Ating Kagubatan
3. Ang Ating Mga Bayani

MGA YUGTO NG PAGKATUTO

Sabjek: Filipino Baitang: V

Petsa: Sesyon: 21

Pamantayang Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba't ibang


Pangnilalaman: uri ng teksto at napalalawak ang talasalitaan.

Pamatayan sa Pagganap: Nakapagsasagawa ng readers' theater.

Kompetensi: Naibibigay ang paksa ng napakinggang


kuwento/usapan. Nakapagbibigay ng
angkop na pamagat sa isang talata.
Naipapakita ang pagtanggap sa mga ideya ng
nabasang akda.

I. LAYUNIN
Kaalaman: Nakapagbibigay ng angkop na pamagat/paksa sa
isang talata.
Saykomotor: Naisusulat ang angkop na pamagat/paksa ng isang
talata.

Apektiv: Napahahalagahan ang pagiging makabayan.

II. PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Tula: Ang Bayan Ko

B. SANGGUNIAN Pagdiriwang ng Wikang Filipino Wika 5 pahina 103,


CG F5PN-Ic--g-7 at F5PB-Ig-8 ,

C. KAGAMITANG Tsart, larawan


PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Mahal mo ba ang iyong bayang sinilangan? Paano
Pangmotibesyunal mo maipakikita ang pagmamahal sa bayan natin?
na tanong: Pangkatin ang klase sa apat .Bigyan ng mga
ginupit na larawan ang bawat pangkat at ipabuo
ito. Ano ang nabuo ninyong larawan? Paano mo ito
mapangangalagaan? Bakit?

Aktiviti/Gawain:

B. PAGLALAHAD Pagbasa sa tula.


Abstraksyon 1. Ano ang pamagat ng tula? Ipaliwanag.
(Pamamaraan ng 2. Ipinagmamalaki ba ang bayang Pilipinas?
Pagtalakay) 3. Ano-ano ang nangyayari sa ating kagubatan,
kabundukan, kapatagan at katubigan?
4. Ano ang maaaring kahinatnan ng ating bansa sa
hinaharap? Bakit?
5. Bilang batang mamamayan, paano mo maipapakita
ang pagmamahal mo sa bayan?
6. Ano ang paksang nakapaloob sa tula?

C. PAGSASANAY Pakinggang mabuti ang kwento at tula. Humandang


Mga Paglilinang na ibigay ang paksa sa sariling pangungusap.
gawain: Si Leandro ay nag-iisang -anak ng kanyang mga
magulang. Sa gulang na anim na taon, mahilig
siyang makisalamuha sa mga tao, bata man o
matanda. Hindi kakikitaan ng pagkamahiyain kapag
kinakausap ng iba. Saanman pumunta, malapit o
malayo mang lugar, madaling makakita ng kaibigan
si Leandro dahil sa kanyang katabilan.
D. PAGLALAPAT Pangkatin ang klase sa apat. Magbigay ng angkop
na pamagat sa talatang nabasa sa inyong pangkat.

E. PAGLALAHAT Ang paksa ng isang tula, kwento, talataan, o


Generalisasyon impormasyong naririnig, o nabasa ay naglalaman ng
pangunahing diwa o pangkalahatang kaisipan nito.
IV. PAGTATAYA Isulat ang angkop na pamagat o paksa ng sumusunod
na sitwasyon.
1. Nagbibigay-init sa ating katawan
Nakatutulong sa hayop at halaman
Liwanag sa lupa sa gabi at araw
Tinaguriang “Buhay ng mga nilalang.

Sa umaga, pagsikat, kami’y maligaya


Sa ‘ming paggawa, ika’y kasa-kasama
Sa katanghalian, init, katindihan
At sa hapon naman, liwanag, malamlam.

Pagdating ng gabi, wala ka sa paningin


Liwanag ng bituin, kislap nagniningning
Pati na ang buwan, ika’y hinihiraman
Kanilang liwanag sa gabing mapanglaw.
V. TAKDANG-ARALIN Sumulat ng isang maikling talata at isulat ang
angkop na pamagat/paksa nito.

Sanayang Aklat 21

PAKSA: Tula: Ang Bayan Ko, Angkop na Pamagat/Paksa

Tuklasin

Ang kahalagahan sa tamang paraan na pangangalaga sa ating


kapaligiran at likas na yaman ay s’yang nakasalalay sa kabuhayan ng
mga mamamayan.

MOTIBISYUNAL NA TANONG

1. Mahal mo ba ang iyong bayang sinilangan?


2. Paano mo maipakikita ang pagmamahal sa bayan natin?

Gawain 1
Pangkatin ang klase sa apat. Bigyan ng mga ginupit na larawan ang bawat
pangkat at ipabuo ito.
PAGSUSURI

GAWAIN 2
Ano ang nabuo ninyong larawan?
Paano ninyo ito mapangalagaan?

ALAM MO BA NA
Ang bayang tinitirahan natin ay napakaganda. Inaasahan ang lahat ng
naninirahan dito na pangalagaan at panatilihin ang kaayusan nito para sa
kabutihan ng lahat . Ngayon ay babasa tayo ng isang tula tungkol sa
mangyayari kung mapabayaan ang ating kalikasan.

ANG BAYAN KO
Nina :Filipinas D. Gabot
Evelyn Bellen
Marcela L. Sadang

Pilipinas ang bayan kong minamahal


kinagisnan ng aking mga minamahal
Dito ko natutuhan ang lahat ng
kaalaman
Sa tulong ng wikang kaloob ng
Maykapal.

Mahigit na pitong libong isla sa


buong kapuluan
Naliligid ng tubig at malawak na
kalikasan
Sagana sa pagkain sa kapataga’t
kabundukan
Gayundin sa lawa, ilog, at
karagatan.

Ang mga ibo’t hayop sa gubat


naninirahan
Unti-unting nawawala sa
pansariling pakinabang
Mga bundok, nakakalbo, pinuputol
na kakahuyan
Nasasalantang tanim, tao’t hayop
kung tag-ulan.

Kapag hindi pinangalagaan ang


ating kayamanan
Tayo rin ang aani ng ating
kapabayaan
Mapaminsalang bagyo, tagtuyot,
ganti ng kalikasan
Ang ating mararanasan sa ating
kinabukasan.

PAGTATALAKAY

Gawain 3

1. Ano ang pamagat ng tula? Ipaliwanag.


2. Ipinagmamalaki ba ang bayang Pilipinas?
3. Ano-ano ang nangyayari sa ating kagubatan, kabundukan, kapatagan at
katubigan?
4. Ano ang maaaring kahinatnan ng ating bansa sa hinaharap? Bakit?
5. Bilang batang mamamayan, paano mo maipapakita ang pagmamahal mo sa bayan?
6. Ano ang paksang nakapaloob sa tula?

Ang tula, kuwento, o talataan ay may paksang tinatalakay. Ang paksa ay


ang pangunahing diwang pinag-uusapan sa lathalain. Ang paksa ay nakapaloob sa
anumang uri ng panitikan: tula, kwento, dula-dulaan, liham, sanaysay, at iba
pa.
Sa masusing pakikinig o pagbabasa, matutukoy ang pinapaksa ng lathalain
o panitikan. Kapag nabatid na ang paksa, magiging madali na ring mabigyan ng
angkop na pamagat ang tula, kwento, o talataan.

PAGSASANAY

Gawain 4

Pakinggang mabuti ang kwento at tula. Humandang ibigay ang paksa sa


sariling pangungusap.

1. Si Leandro ay nag-iisang-anak ng kanyang mga magulang. Sa gulang


na anim na taon, mahilig siyang makisalamuha sa mga tao, bata man o
matanda. Hindi kakikitaan ng pagkamahiyain kapag kinakausap ng iba.
Saanman pumunta, malapit o malayo mang lugar, madaling makakita ng
kaibigan si Leandro dahil sa kanyang katabilan.
2. Sinimulan niya ang kanyang hilig sa paggawa-gawa ng mga tugma
hanggang nang lumaon, naging saknong na iba’t iba na ang pinapaksa. Sa
pamamagitan ng pagbabasa at pagsasanay sa kanyang kakayahan sa
pagsulat, nakagagawa na siya ng mga tula. Iyan si Menandro, ang
malikhaing mag-aaral. Sa mga kasayahan, nahihilingan siyang bumigkas ng
tula na magiliw naman niyang pinagbibigyan. Naging masaya ang umpukan
sa kanyang palaging pagbibigay.

3. Ikaw ang aming tinatawagan


Sa sandali ng pangangailangan
Ikaw ang sa ami’y nakasubaybay
Sa bawat sandali ng aming buhay.

“Salamat po sa Inyo,” sa oras ng kaligayahan


“Tulungan po Ninyo kami,” sa gipit na kalagayan
Anupat bawat sandali, hanap nami’y Ikaw
Sana po, Panginoon, huwag Kayo sa ami’y hihiwalay.

PAGLALAPAT

Pangkatin ang klase sa apat. Magbigay ng angkop na pamagat/paksa sa


talatang nakalaan sa inyong pangkat.

Pangkat I - Halina o Hangin, ako’y iyong dalhin


Doon sa malayong mga papawirin
Ibig ko sa itaas, akin ding marating
Ginto sa bahaghari, akin ding kukunin.

Kaylamig ng dampi sa gabing malalim


At sa madaling araw, nakapanginginig din
Wari ko’y haplos ni Inang ginigiliw
Na sa aking pagtulog, ipinaghehele pa rin.

Pangkat 2 - Marungis ang kaanyuan at gula-gulanit ang kanyang


damit. Pagala-gala siya sa lansangan
na palaging nakalahad ang maruruming palad sa bawat
taong mamataan o kaya’y
masalubong sa daan. Kadalasa’y sinisinghalan dahil
sa kanyang paghihingi. Kung

minsan nama’y kinaaawaan at binibigyan ng limos ng natitirang


barya sa lukbutan. Sa
pagdudumali sa pag-abot sa mga ito, nalalaglag sa
kamay at gumugulong ang barya sa
lansangan walang takot na hinahabol upang pulutin sa gitna ng mga
rumaragasang sasakyan sa daan. Ni hindi na nakuhang gumanti ng
ngiti o pasasalamat man lamang ang kaawa-awang nilalang.

Pangkat 3 - Isa iyong malaking bahay na nasa gitna ng maluwang na


bakuran. Bagama’t may
kalumaan, kakikitaan pa rin ng tibay at tatag sa
kabila ng maraming taong nagdaan.
Naglalakihang punungkahoy ang nasa paligid ng malawak na looban
nito. Ang rehas na bakal ng tarangkahan ay kinalawang na sa tagal
ng panahong nakasara. Ang mga bintana ay nananatiling nakapinid
at tila walang nilikhang nagpapala sa kalakihan ng bahay at
kalawakan ng bakuran.

Pangkat 4 - Mataas siyang lalaki na sadyang napakalaki


At sa puno ng balite, doon nagpipirme.
May hawak na tabako may ningas kung gabi
Ang nilalang na kung tawagi’y higante o kapre.

Tila nag-aabang siya ng taong maliligaw


Sa pinamamahayang puno, matiyagang naghihintay
Di naman nananakit, ngunit iyong katatakutan
Sa pambihirang laki’t kanyang kaanyuan.

Tandaan
Ang paksa ng isang tula, kwento, talataan, o impormasyong
naririnig, o nabasa ay naglalaman ng pangunahing diwa o
pangkalahatang kaisipan nito.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Isulat ang angkop na pamagat o paksa ng sumusunod na sitwasyon.

1. Nais kong marating ang malalayong bayan


Sasakay sa barko’t maglipat-pantalan
Magtitipon ng pera’t ipadadala kay Inay
Sa aking paglaki, siya’y paglingkuran.

2. Gumagapang iyon papalapit sa nakahigang ina sa loob ng kulungan.


Paisud-isod na dinidilaan ang bawat dinaraanan. Sa wakas, nadilaan nito
at nakapa ang malusog na dibdib ng ina. Umungol-ungol na hinitit ang
dibdib ng ina sa pagsipsip ng gatas na mainit-init. Matagal ding sumuso
at pagkatapos, doon na rin sa lugar na iyon, pasumandaling humimlay at
nakatulog sa init na nanggagaling sa katawan ng ina.

3. Maruming kamay ang nakalahad sa nagdaraan


Umaamot ng awa’t salaping ibibigay
Sa kumakai’y nakatanghod, lumalasap, tumatanaw
Parang ibig mang-agaw sa tindi ng kagutuman.

TAKDANG ARALIN

Sumulat ng isang maikling talata at isulat ang angkop na


pamagat/paksa nito.
Sabjek: Filipino Baitang: V
Petsa: Sesyon 22
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa
pagsasalita at pagpapahayag ng sariling
ideya kaisipan, karanasan at damdamin.
Pamatayan sa Pagganap: Nakasasali sa isang usapan tungkol sa
isang paksa.
Kompetensi: Nagagamit ang magagalang na pananalita sa
pagsasabi ng hinaing o reklamo.

I. LAYUNIN Nagagamit ang mga magagalang na pananalita


Kaalaman: sa pagsasabi ng mga hinaing o reklamo.

Saykomotor: Nakagagawa ng pagpupulong gamit ang mga


magagalang na pananalita.
Apektiv: Naipakikita ang pagiging magalang sa
pananalita.
II. PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Sa Pagpupulong
B. SANGGUNIAN Gintong Aklat sa Wika 6 pahina 8-12,
CGF5PS- Ig-12.18
C. KAGAMITANG Tsart, larawan
PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA Ano-anong samahan ang sinasamahan mo sa


Pangmotibesyunal na paaralan? Dumadalo ka ba sa kanilang
tanong: pagpupulong? Ipabuo sa klase ang puzzle.
Ipadikit ito sa pisara. Tumawag ng isang
bata na kukuha ng isa. Pagkatapos
maidikit tumawag ulit ng ibang bata
hanggang sa maubos ang mga ginupit-gupit
na larawan. Ano ang nabuong larawan? Ano
Aktiviti/Gawain: sa palagay ninyo ang ginagawa nila?

B. PAGLALAHAD Ipasadula ang diyalogo. Anong samahan ang


Abstraksyon nagpulong? Ano ang paksa ng kanilang
(Pamamaraan ng pulong? Saan ito ginanap? Naging maayos ba
Pagtalakay) ang pulong? Bakit? Ano ang napagkasunduan
ng mga kasapi tungkol sa pagdaraos ng
palatuntunang parangal sa mga bayan? Ano-
ano ang mga magagalang na pananalita ang
ginamit sa pulong?
C. PAGSASANAY Sa pagpupulong. Ano-ano ang mga
Mga Paglilinang na ekspresyong ginamit sa iba't ibang
gawain: pagkakataon sa pulong
1. sa pagsisimula ng pulong
2. sa pagbasa ng katitikan ng kalihim
3. sa pagbibigay ng mungkahi
4.sa pagpapatibay ng mungkahi
5. sa pagtatapos ng pagpupulong
D. PAGLALAPAT Pangkatin ang klase sa dalawa. Mamili ng
Aplikasyon mamumuno sa bawat pangkat. Maghanda ng
isang pagpupulong na ginagamit ang mga
ekspresyong natutuhan. Mag-usap kung sino
ang unang magpaparinig ng inihandang
pulong. Ang makikinig ang magbibigay ng
pagpapahalaga o mungkahi sa narinig na
pulong. Gayon din ang gagawin ng susunod
na pangkat.
E. PAGLALAHAT Sa pagpupulong sa paaralan, sa pamayanan o
Generalisasyon maging sa simbahan, may mga ekspresyong
ginagamit upang maging maayos ang
pagtatalakayan ng mga kasapi.
Nagreklamo ka sa iyong kaklase dahil
pinakikialaman palagi ang iyong mga gamit,
paano mo ito sasabihin sa kanya?
IV. PAGTATAYA Aling pananalita sa kahon ang dapat
gamitin sa:
1. pagtanggap ng mungkahi
2. pagtutol sa nagsasalita
3. mayroon kang mungkahi
4.pagtatapos ng pulong

-Pormal kong ipinahahayag


na tapos
na ang pulong na ito.
-Ang mungkahi ay
pinagtitibay
-Hindi ko gusto ang iyong
mungkahi
-Iminumungkahi ko po
-Ang mugkahi ao palagay ay
wala
V. TAKDANG-ARALIN sa ayos.
Pumili ng dalawa sa inyo na maging
pansamantalang pangulo at kalihim.
Magkaroon ng pagpupulong bukas sa paghalal
ng mga opisyales sa klase.
Sanayang Aklat 22

PAKSA: "Sa Pagpupulong, Magagalang na Pananalita”

TUKLASIN

Sa ating paaralan o simbahan man, ay may mga samahan na itinatag


upang makatulong sa mga proyektong pambayan/pampaaralan. Ang mga
samahang ito ay karaniwang nagpupulong upang matalakay ang mga
proyektong isasagawa.

MOTIBISYUNAL NA TANONG:

Ano-anong samahan ang sinasamahan mo sa paaralan?


Dumadalo ka ba sa kanilang pagpupulong?

GawAIN 1

Ipabuo sa klase ang isang puzzle. Tumawag ng isang bata na kukuha ng isa.
Pagkatapos maidikit tumawag ulit ng ibang bata hanggang sa maubos ang mga
ginupit-gupit na larawan.

PAGSUSURI
GAWAIN 2
Ano ang nabuo ninyong larawan?
Ano sa palagay ninyo ang ginagawa nila?

ALAM MO BA NA…

Sa pagdalo ng mga pagpupulong mahalagang matutuhan ang


mga magagalang na ekspresyong ginamit sa talakayan sa pulong. Sa
babasahin natin ngayon sikapin mong matutuhan ang mga
ekspresyong ito.
SA PAGPUPULONG
Ni: Greta R. Estrella

Pangulo: Magandang hapon sa inyo. Inihahayag


ko ang
pagsisimula ng pulong. Bb. Kalihim,
pakibasa ang katitikan ng unang
pulong.

Kalihim: Magandang hapon sa lahat.


Ginanap ang unang
pulong noong Hunyo 15 ganap na ika-
2:00 n.h. Ang paksang tinalakay ay
tungkol sa pagdaraos ng buwanang
palatuntunan bilang parangal sa bayani
na isinilang sa bawat buwan.

Pangulo: Iminumungkahi ko na pagtibayin


ang katitikan ng
nasabing pulong.

Pangalawang
Pangulo : Pinapangalawahan ko.

Pangulo : Ngayon naman ay pag-usapan natin kung paano isasagawa


ang palatuntunan.

Tagapagbalita: Iminumungkahi ko na humingi tayo ng payo sa ating guro


tungkol dito.

Pangulo : Magandang mungkahi. Sang-ayon ba kayo?


(Nagtaas ng kamay ang lahat)
Kung gayon, pakinggan natin si Bb. David.

Guro : Ang palatuntunan ay gaganapin tuwing unang Lunes ng


buwan pagkatapos ng
pagpupugay sa watawat. Ang bawat baitang ay
mamamahala sa palatuntunan.
Maikli lang ang palatuntunan na nagtatampok sa
kadakilaan ng bayani. Ito ay
maaaring ipakita sa pamamagitan ng dula, awit,
tula, akrostiks, sayaw at iba pa.

Tagapagbalita: Maaari po bang magtanong? Kailan po magsisimula?

Guro : Sa buwan ng Hulyo.

Pangulo : Salamat po. Bb. David. Mayroon pa ba kayong nais


maliwanagan? (Walang
nagtaas ng Kamay.) Kung gayon, ipinipinid ko na
ang pagpupulong sa araw na
ito.

PAGTATALAKAY

GAWAIN 3

1. Anong samahan ang nagpulong?


2. Ano ang paksa ng kanilang pulong?
3. Saan ito ginanap?
4. Naging maayos ba ang pulong? Bakit?
5. Ano ang napagkasunduan ng mga kasapi tungkol sa pagdaraos ng
palatuntunang parangal sa mga bayani?

Sa pagpupulong sa paaralan, sa pamayanan o maging sa simbahan, may


mga ekspresyong ginagamit upang maging maayos ang pagtatalakayan ng mga
kasapi.

Dapat gumamit ng magagalang na pananalita.

PAGSASANAY

GAWAIN 4

Sa pagpupulong, ano-ano ang mga ekspresyong ginamit sa iba't ibang


pagkakataon

1. sa pagsisimula ng pulong?
2. sa pagbasa ng katitikan ng kalihim?
3. sa pagbibigay ng mungkahi?
4. sa pagpapatibay ng mungkahi?
5. sa pagtatapos ng pagpupulong?

PAGLALAPAT
Pangkatin ang klase sa dalawa. Mamili ng mamumuno sa bawat
pangkat. Maghanda ng isang pagpupulong na ginagamit ang mga ekspresyong
natutuhan. Mag-usap kung sino ang unang magpaparinig ng inihandang pulong.
Ang makikinig ang magbibigay ng pagpapahalaga o mungkahi sa narinig na
pulong. Gayon din ang gagawin ng susunod na pangkat.
Nagreklamo ka sa iyong kaklase dahil pinakikialaman palagi ang iyong
mga gamit, paano mo ito sasabihin sa kanya?

TANDAAN
Sa pagpupulong sa paaralan, sa pamayanan o maging sa
simbahan, may mga ekspresyong ginagamit upang maging maayos ang
pagtatalakayan ng mga kasapi.
Dapat gumamit ng magagalang na pananalita.

PAGSUBOK NG KAALAM-AN
Aling pananalita sa kahon ang dapat gamitin sa:
1. pagtanggap ng mungkahi
2. pagtutol sa nagsasalita
3. mayroon kang mungkahi
4. pagtatapos ng pulong

 Pormal kong ipinahahayag na tapos na


ang pulong na ito.
 Ang mungkahi ay pinagtitibay
 Hindi ko gusto ang iyong mungkahi
 Iminumungkahi ko po
 Ang mungkahi o palagay ay wala sa
ayos

TAKDANG ARALIN

Pumili ng dalawa sa inyo na maging pansamantalang pangulo at


kalihim. Magkaroon ng pagpupulong bukas sa paghalal ng mga
opisyales sa klase.
Sabjek: Filipino Baitang: V
Petsa: Sesyon: 23
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa
pagsasalita at pagpapahayag ng
sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin.
Pamatayan sa Pagganap: Nakasasali sa isang usapan tungkol sa
isang paksa.
Kompetensi: Nagagamit ang iba't ibang uri ng
panghalip sa usapan at pagsasabi
tungkol sa sariling karanasan.
I. LAYUNIN
Kaalaman: Natutukoy ang panghalip na pamatlig at
patulad
Saykomotor: Nakagagawa ng diyalogo gamit ang
panghalip na pamatlig at patulad.
Apektiv: Naipakikita ang pagpapahalaga sa
pagiging masipag.
II. PAKSANG-ARALIN

IV. PAKSA Ang Pilipinong Imbentor, Mga Panghalip


na Pamatlig at Patulad
V. SANGGUNIAN Hiyas sa Wika pahina 66-69, CG F5WG-
If-j-3
VI. KAGAMITANG Tsart, cartolina istrip
PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Naiisip nyo ba kung paano tayo
Pangmotibesyunal na nagkakailaw?
tanong: Sino kaya ang nakaimbento nito?
Pangkatin ang klase sa apat. Ipabuo
ang mga pinaghahalong mga salita. Ano
ang nabuo ninyo? Ano ang gusto ninyong
malaman tungkol dito? Hayaang makabuo
ng mga tanong ang mga bata
Aktiviti/Gawain:

B. PAGLALAHAD Pagbasa sa seleksiyon.


Abstraksyon 1. Anong katangian mayroon si Agapito
(Pamamaraan ng Flores?
Pagtalakay) 2. Bakit hindi agad nakapagpasya si
Pangulong Quezon sa paggamit ng
imbensiyon ni Agapito Flores?
3. Bakit mahalaga ang naging payo ng
Pranses?
4. Bakit mahalaga ang inimbento ni
Agapito Flores?
5. Sino-sino pa ang Pilipinong
imbentor na kilala mo?
6. Tingnan ang ikaapat na pangungusap.
Ano ang salitang ginamit na tumutukoy
sa bombilya?
7. Paano mo pahahalagahan ang mga
Pilipinong nakilala sa iba't ibang
larangan?
Pagtatalakay sa panghalip na pamatlig
at patulad.
C. PAGSASANAY Basahin ang mga pangungusap. Ibigay
Mga Paglilinang na ang panghalip na pamatlig at panghalip
gawain: na patulad.
1. Hayun pala ang tuta ko sa ilalim ng
puno.
2. Mainit pala riyan sa tabi ng
bintana.
3. Ganito ba ang paghahalo sa matamis
na ube?
4. Heto na po ang inyong gatas.
D. PAGLALAPAT Pangkatin ang klase sa apat. Gawin ito
Aplikasyon sa loob lamang ng 2 minuto
I - Sumulat ng maikling diyalogo gamit
ang panghalip na pamatlig.
II - Sumulat ng maikling diyalogo
gamit ang panghalip na patulad.
II - Magsadula ng maikling dula-dulaan
gamit ang
panghalip na pamatlig at patulad.
IV - Sumulat ng tatlong pangungusap
gamit ang panghalip na pamatlig o
patulad.
E. PAGLALAHAT Ano ang panghalip na pamatlig?
Generalisasyon Patulad? Ano ang
gagawin mo upang magtagumpay ka sa
iyong ginagawa?
IV. PAGTATAYA Tukuyin ang sinalungguhitang salita,
ito ba'y pamatlig o patulad.
1. Ire ba ang hinahanap mong karayom?
2. Ayun na ang dyip na ating sasakyan.
3. O, eto ang baon mo.
4. Oo, ganyan nga. Huwag mong
titigilan ng paghalo.
V. TAKDANG-ARALIN Sumulat ng tigdadalawang pangungusap
na panghalip na pamatlig at panghalip
na patulad.

Sanayang Aklat 23

PAKSA: Mga Pilipinong Imbentor, Mga Panghalip na Pamatlig at Patulad

TUKLASIN
Huwag mawalan ng pag-asa sa mga pinaggagawa dahil
mapapansin din ito. Ang taong masikap, sa huli ay magtatagumpay.

MOTIBISYUNAL NA TANONG
1. Naiisip nyo ba kung paano tayo nagkakailaw?
2. Sino kaya ang nakaimbento nito?

GAWAIN 1
Pangkatin ang klase sa apat. Ipabuo ang mga pinaghahalong
mga salita.
(Ang Pilipinong Imbentor)

PAGSUSURI

GAWAIN 2

Ano ang nabuo ninyo?


Ano ang gusto ninyong malaman tungkol dito?
Hayaang makabuo ng mga tanong ang mga bata.

ALAM MO BA NA…

Sa pagsusumikap mong mapansin ang iyong ginagawa ay


may patutunguhan din, tulad sa babasahin nating ngayon
tungkol sa isang imbentor na nakaimbento ng ilaw.

. Ang Pilpinong Imbentor


Nina: Lydia P. Palunio, Ph.D.
Francisca G. Ril

Noong si Pang. Manuel Luis Quezon pa ang pangulo ng Pilipinas, may


lumapit na lalaki sa kaniyang opisina.

“Ako po si Agapito Flores. May inimbento po akong ilaw na de-kuryente


na hindi katulad ng
karaniwang bombilya. Nagbibigay po ito ng magandang liwanag,” ang paliwanag ni
Agapito.
“Mainam nga sana ang bombilyang iyan, ngunit nag-aalaala ako na baka
walang magkagusto riyan,” ang sagot ni Pang. Quezon.

“Ganito po ang paggamit nito,” ang paliwanag ni Agapito. At ipinakita


ni Agapito ang paraan ng paggamit ng bombilya.

“Hindi ko malaman ang gagawin sa imbensiyon mo. Kailangan pang doon sa


Amerika manggaling ang pahintulot ng mga Amerikano para magamit iyan,” ang
paliwanag ni Pang. Quezon.

Hindi nawalan ng pag-asa si Agapito. Nagpatuloy pa rin siya sa


pagpapaliwanag. Isang panauhin sa Malacañang ang nakarinig sa paliwanag ni
Agapito tungkol sa kaniyang imbensiyong bombilya. Isa pala itong tauhan ng
pamahalaang Pranses.

“Ipadala kita sa Paris, upang bigyan ng patent ang inembento mong


bombilyang tubo,” ang sabi ng Pranses.

Makikita ang kasiyahan sa mukha ni Agapito. “Ano po ba ang patent?”


ang tanong niya sa Pranses.

Katibayan ito ng pagmamay-ari ng pagkakatuklas ng isang bagay.


Kailangan ito upang walang makagaya ng ginawa ng imbentor,” ang patuloy na
paliwanag ng Pranses.

Tuwang-tuwang nagpasalamat si Agapito sa sinabi ng Pranses. Hindi


nagtagal, binili ng General Electric Company ng Amerika ang patent ng
naimbentong bombilya ni Agapito Flores.

PAGTATALAKAY

GAWAIN 3

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:


Bakit nakatuwaan ng mga tao ang kalabaw?
Paano nagpepenitensya ang mga kalalakihan sa Marinduque?
Bakit dinarayo ang pahiyas sa Quezon?
Ano ang pinakahintay ng mga bata sa Santacruzan? Bakit?
Mainam bang ipagpatuloy ang mga kaugaliang nabasa mo sa kuwento.

Ang ito at diyan ay mga panghalip na pamatlig na inihalili sa


pangalan ng malapit o malayo sa nagsasalita, kausap, o nag-uusap. Pag-aralan
ang tsart.
Malapit sa Malapit sa Kausap Malayo sa nag-
Nagsasalita uusap

iyan iyon
ito/ire

heto hayan/ayan hayun/ayun

dito diyan doon

Ang panghalip ay maaari ring patulad.

Halimbawa:

Ganito/Ganire - Malapit sa nagsasalita

Ganyan - Malapit sa kausap

Ganoon/Gayon - Malayo sa nag-uusap

PAGSASANAY

GAWAIN 4

Basahin ang mga pangungusap. Ibigay ang panghalip na pamatlig at


panghalip na patulad.

1. Hayun pala ang tuta ko sa ilalaim.


2. Mainit pala riyan sa tabi ng bintana.
3. Ganito ba ang paghahalo sa matamis na ube?
4. Heto na po ang inyong gatas.

PAGLALAPAT
Pangkatin ang klase sa apat. Gawin ito sa loob lamang ng 2 minuto.

Pangkat I - Sumulat ng maikling diyalogo gamit ang panghalip na


pamatlig.
Pangkat 2 - Sumulat ng maikling diyalogo gamit ang panghalip na
patulad.
Pangkat 3 - Magsadula ng maikling dula-dulaan gamit ang panghalip na
pamatlig at patulad.
Pangkat 4 - Sumulat ng tugma gamit ang panghalip na pamatlig o patulad.
TANDAAN

Ang mga panghalip na pamatlig ay inihahalili sa pangngalang


nagtuturo ng lugar na kinalalagyan ng pangngalan.
Ang panghalip na patulad ay inihahalili sa itinutulad na bagay.
Ano ang gagawin mo upang magtagumpay ka sa iyong ginagawa?

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Tukuyin ang sinalungguhitang salita, ito ba'y pamatlig o patulad.

1. Ire ba ang hinahanap mong karayom?


2. Ayun na ang dyip na ating sasakyan.
3. O, eto ang baon mo.
4. Oo, ganyan nga. Huwag mong titigilan ng paghalo.

TAKDANG ARALIN

Sumulat ng tigdadalawang pangungusap na panghalip na pamatlig at


panghalip na patulad.
Sabjek: Filipino Baitang: V
Petsa: Sesyon: 24
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang iba't ibang kasanayan
upang maunawaan ang iba't ibang
teksto.
Pamatayan sa Pagganap: Nakapagtatala ng mga kailangang
impormasyon o datos.

Kompetensi: Nabibigyang- kahulugan ang mapa ng


pamayanan.

I. LAYUNIN
Kaalaman: Nabibigyang- kahulugan ang mapa ng
pamayanan.
Saykomotor: Nakagagawa ng mapa ng pamayanan.

Apektiv:
Naipakikita ang pagmamahal sa mga
magulang.
II. PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Nang Minsang Mawala si Adrian, Mga


Pananda sa Mapa
B. SANGGUNIAN LM sa Filipino, CG F5-EP-If-g-2

C. KAGAMITANG
PAMPAGTUTURO Tsart, cartolina istrip
III. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA
Pangmotibesyunal na Gaano kadakila ang pag-ibig ng isang
tanong: ama sa kaniyang anak? Gaano mo kamahal
ang iyong ama? Paano mo siya
pinaglilingkuran? Pangkatin ang klase
sa apat. Patingnan ang mapa ng
Barangay Malinis. Pag-aralan kung
nasaan ang bawat gusali o ahensiya ng
Aktiviti/Gawain: pamayanan. Sagutin ang mga sumusunod
na tanong. Isulat ang sagot sa manila
paper. Saang direksiyon naroon ang
ospital? Saan makikita ang simbahan?
Saang direksiyon ka tutungo kung ikaw
ay nasa paaralan papunta sa tindahan?
Mula sa ospital, saang direksiyon ka
tutungo sa pagpunta sa paaralan?
Naging madali ba ang pagkuha sa
lokasyon ng lugar? Paano mo nakuha ang
direksiyon nito?
B. PAGLALAHAD Pagbasa sa kuwento. Ano ang propesyon
Abstraksyon ni Adrian? Bakit umiiyak si Adrian
(Pamamaraan ng Pagtalakay) habang naglalakad sa may kagubatan? 3.
Ano ang ginawa ng kaniyang ama tuwing
sila’y nagpahinga? Bakit niya ginawa
iyon?Kung kayo si Adrian, gagawin mo
rin ba ang kaniyang ginawa? Bakit?
C. PAGSASANAY Ipakitang muli ang mapa ng Barangay
Mga Paglilinang na gawain: Malinis.Ibigay ang pananda ng mga
sumusunod:
1. paaralan 2. tindahan
3. plasa 4.
ospital
D. PAGLALAPAT Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat.
Aplikasyon Gumawa ng mapa sa inyong pamayanan.
Pumili ng isa sa mga kasapi ninyo na
ang kanilang pamayanan ang gagawan ng
mapa. Gamitin ang mga pananda.
E. PAGLALAHAT Ang mga pananda sa mapa ay
Generalisasyon napakahalaga. Ito ang magtuturo sa
atin kung saang direksiyon ito
makikita/matatagpuan.
Paano mo maipakikita na mahal mo ang
iyong ama?
IV. PAGTATAYA Iguhit ang inyong pamayanan gamit ang
mga pananda.

V. TAKDANG-ARALIN Sumulat ng isang maikling talata upang


ilahad kung paano ka pumapasok sa
eskwelahan sa araw-araw at ano-anong
kalye ang iyong nadadaanan patungo sa
iyong paaralan.
Sanayang Aklat 24

PAKSA: Noong Minsang Naligaw si Adrian, Mga Pananda sa Mapa

TUKLASIN
Mahalaga na mayroon tayong kaalaman sa pagbasa ng mapa at
mga panandang nakalagay dito upang hindi tayo mawawala sa lugar na
pupuntahan natin.

MOTIBISYUNAL NA TANONG

1. Gaano kadakila ang pag-ibig ng isang ama sa kaniyang anak?


2. Gaano mo kamahal ang iyong ama?
3. Paano mo siya pinaglilingkuran?

GAWAIN 1
Pangkatin ang klase sa apat. Patingnan ang mapa ng Barangay Malinis.
Pag-aralan kung nasaan ang bawat gusali o ahensiya ng pamayanan. Sagutin ang
mga sumusunod na tanong. Isulat ang mga sagot sa manila paper.

Purok
I
K P P
S
u
u
r Purok 2 r
o
o
k
k

3
4

1. Saang direksiyon naroon ang ospital?


2. Saan makikita ang simbahan?
3. Saang direksiyon ka tutungo kung ikaw ay nasa paaralan papunta sa
tindahan?
4. Mula sa ospital, saang direksiyon ka tutungo sa pagpunta sa paaralan.

PAGSUSURI

GAWAIN 2
Naging madali ba ang pagkuha sa lokasyon ng lugar?
Paano mo nakuha ang direksiyon nito?

ALAM MO BA NA…

Ang mga pananda ay nakatutulong ng malaki upang ang


isang tao’y hindi maliligaw sa kanyang dinaanan.Tulad sa kuwentong
babasahin natin ngayon, alamin natin kung ano ang ginawa niya upang
makabalik sila sa kanilang pinanggalingan.

Nang Minsang Naligaw si Adrian


Bunsong anak si Adrian sa
tatlong magkakapatid. Siya lamang ang
naiba ang propesyon dahil kapwa
abogado ang dalawang nakatatanda sa
kaniya. Dahil may kaya sa buhay ang
pamilya, natupad ang pangarap niyang
maging isang doKtor. Lumaki siyang
punung-puno ng pagmamahal mula sa
kaniyang mga magulang at mga kapatid
na nakapag-asawa rin nang makapagtapos
at pumasa sa abogasya.Naiwan siyang
walang ibang inisip kundi mag-aral at
pangalagaan ang kaniyang mga magulang.

Matagumpay niyang natapos ang pagdodoktor at hindi nagtagal ay


nakapagtrabaho sa isang malaking ospital. Ngunit sadya yatang itinadhana na
matapos ang dalawang taon mula nang siyang maging ganap na doktor, pumanaw
ang kaniyang pinakamamahal na ina. Naiwan sa kaniya ang pangangalaga ng ama
na noon ay may sakit na ring iniinda.

Malimit siyang mapag-isa sa tuwing nabibigyan ng pagkakataong


makapagpahinga dulot na rin ng hindi niya maiwan-iwanan na ama. Naisin man
niyang magtrabaho at manirahan sa ibang bansa katulad ng kaniyang mga
kapatid, ang katotohanang may nakaatang na responsibilidad sa kaniyang
balikat ang pumipigil sa kaniyang mangibang-bayan upang manatili sa piling
ng ama at alagaan ito hanggang sa kahuli-hulihang yugto ng kaniyang buhay.

Inggit na inggit sa mga kasabayang doktor na nasa kanila nang


lahat ang luho at oras na makahanap ng babaing makakasama habambuhay. Ayaw
rin niyang mapag-isa balang-araw kapag nawala na ang kaniyang ama.

Isang araw, habang nagpapahinga matapos ang halos ang limang oras na
operasyon, nakatanggap siya ng tawag mula sa kasambahay na sinusumpong ng
sakit ang kaniyang ama.

Nagmadali siyang umuwi at sa kabutihang palad, naagapan naman niya


ang ama. Bahay, ospital. Bahay, ospital. Paulit-ulit na takbo ng buhay na
pakiramdam ni Adrian ay matatapos lamang kapag tuluyan nang mawala ang
kaniyang ama. Hindi niya namamalayan, unti-unti niyang nararamdaman ang
pagkaawa sa sarili Nais niyang makawala sa responsibilidad at magkaroon ng
panahon para sa sarili.

Daddy patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa


katanghalian na po ako ng buhay ko. Ayaw ko pong mag-isa balang araw kapag
kayo’y nawala.

Dahan-dahan niyang binuhat ang ama na halos hindi na makapaglakad


nang maayos. Pinasan niya ang ama at isinakay sa kaniyang kotse. Walang imik
na sumama ang ama. Naglakbay sila ng halos isang oras. Nang sila’y nakarating
sa isang lugar, huminto ang kotse at pinasan ni Adrian ang
ama. Tinunton nila ang daan papasok sa isang kagubatan. Mabigat ang ama kaya
paminsan-minsan ay tumitigil sila sa lilim ng puno upang magpahinga. Wala pa
ring imik ang ama habang binabali ang maliliit na sanga. Napansin niyang
tumutulo ang luha ng anak. “Bakit ka umiiyak?” tanong ng ama kay Adrian.
“Wala po Dad.”

Nagpatuloy sa paglalakad si Adrian na pasan-pasan ang ama. Patuloy


rin ang pagtulo ng
kaniyang luha. Alam niyang labag sa kaniyang kalooban ang kaniyang gagawin.
Maraming beses din silang tumigil upang magpahinga at paulit-ulit din ang
pagbabali ng ama ng maliliit na sanga ng puno.Napansin ito ni Adrian.

“Bakit n’yo po binabali ang mga sanga ng puno sa tuwing tayo’y


nagpapahinga, Dad?,” tanong ni Adrian. Tumugon ang ama na may ngiting
namutawi sa kaniyang labi.

“Alam ko nais mo akong iligaw sa loob ng kagubatan. Anak,


palatandaan ito na dito tayo dumaan, para sa pagbalik mo ay hindi ka
maliligaw.”

Lalong bumilis ang pag-agos ng luha ng binata. Walang kaimik-imik,


muling pinasan ni
Adrian ang ama at natagpuan ang sariling bumabalik sa lugar kung saan sila
nanggaling.

Alam ni Adrian na hindi na siya maliligaw. Hinding-hindi na.

PAGTATALAKAY

GAWAIN 3

1. Ano ang propesyon ni Adrian?


2. Bakit umiiyak si Adrian habang naglalakad sa may kagubatan?
3. Ano ang ginawa ng kaniyang ama tuwing sila’y nagpahinga? Bakit niya
ginawa iyon?
4. Kung kayo si Adrian, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa? Bakit?

Pagtatalakay Mga Pananda sa Mapa

puno palayan
bulkan
simbahan

dagat
tulay -- -----
-

paaralan daan
----------
---

burol
bundok

pagamutan

riles
ilog

PAGSASANAY

GAWAIN 4

Ipakitang muli ang mapa ng Barangay Malinis. Ibigay ang pananda ng mga
sumusunod:

1. paaralan
2. tindahan
3. plasa
4. ospital

PAGLALAPAT

Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat. Gumawa ng mapa sa inyong


pamayanan. Pumili ng isa sa mga kasapi ninyo na ang kanilang pamayanan ang
gagawan ng mapa. Gamitin ang mga pananda.

TANDAAN
Ang mga pananda sa mapa ay napakahalaga. Ito ang magtuturo sa atin
kung saang direksiyon ito makikita/matatagpuan.
Paano mo maipakikita na mahal mo ang iyong mga magulang?
PAGSUBOK NG KAALAMAN

Iguhit ang inyong pamayanan gamit ang mga pananda.

TAKDANG ARALIN

Sumulat ng isang maikling talata upang ilahad kung paano ka pumapasok


sa eskwelahan sa araw-araw at ano-anong kalye ang iyong nadadaanan
patungo sa iyong paaralan.
Sabjek: Filipino Baitang: V
Petsa: Sesyon: 25
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring panood
ng iba't ibang uri ng media.

Pamatayan sa Pagganap: Nakagagawa ng movie trailer para sa maikling


pelikulang napanood.

Kompetensi: Nailalarawan ang tagpuan at tauhan ng napanood na


pelikula.

I. LAYUNIN
Kaalaman: Nailalarawan ang tagpuan at tauhan ang napanood
na pelikula.
Saykomotor: Naisasadula ang ginampanan ng mga tauhan sa
napanood na pelikula.

Apektiv: Naipapakita ang pagpapahalaga sa pamilya.

II. PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA "Magnifico"

"
B. SANGGUNIAN LM sa Filipino, CG F5PD-I-g-11

C. KAGAMITANG LM sa Filipino, Pelikula


PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA Sa paanong paraan mo maipakikita ang pagmamahal


Pangmotibesyunal na mo sa iyong pamilya? Ano nga ba ang kayang gawin
tanong: ng isang bata para makatulong sa pamilya?
Nararapat ba na ang isang bata ay tumutulong sa
kanyang pamilya? Pangkatin ang klase sa apat.
Isadula sa loob lamang ng 2 minuto ang mga
paraang ginawa mo sa pagtulong ng inyong
pamilya/pagpapakita ng pagmamahal sa iyong
Aktiviti/Gawain: pamilya. Ang ipinapakita ninyo kanina ay ginagawa
nyo ba sa inyong tahanan o sa pamilya ninyo? Ano
ang iyong nararamdaman kung nakatulong ka sa
iyong pamilya?

B. PAGLALAHAD
Abstraksyon
Panonood ng pelikula.
(Pamamaraan ng Pagtalakay)
Ilarawan ang tagpuan ng pelikula. Sino-sino ang
mga tauhan ng pelikula? Ilarawan ang kalagayan
nina Pikoy.
C. PAGSASANAY Sagutin ang mga sumusunod ayon sa napanood na
Mga Paglilinang na gawain: pelikula.
Tagpuan Mga Pangunahing Tauhan
Katangian

D. PAGLALAPAT
Aplikasyon Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat. Pumili ng
isang tagpo sa pelikulang napanood. Gawing
makatotohanan ang paganap. Gawin ito sa loob
lamang ng 3 minuto.

E. PAGLALAHAT
Generalisasyon Ang pagmamahal sa pamilya ay walang
iniinda.Tumulong upang gagaan nang bahagya ang
mga suliraning kinakaharap.Bata ka man ay mayroon
din kang maitutulong.

IV. PAGTATAYA Ilarawan ang pangunahing tauhan ng kuwento at ang


mga katangian nito.

V. TAKDANG-ARALIN Manood ng pelikula. Ilarawan ang tagpuan, isa-


isahin ang mga pangunahing tauhan at ang mga
katangian nito.
Sanayang Aklat 25

PAKSA: "Magnifico"

TUKLASIN
Tayong mga Pilipino ay likas na mapagmahal sa pamilya. Sa hirap
at ginhawa tayo ay nagtutulungan,.

MOTIBISYUNAL NA TANONG
1. Sa paanong paraan mo maipakikita ang pagmamahal mo sa iyong
pamilya?
2. Ano nga ba ang kayang gawin ng isang bata para makatulong sa
pamilya?
3. Nararapat ba na ang isang bata ay tumutulong sa kanyang
pamilya?

GAWAIN 1
Pangkatin ang klase sa apat. Isadula sa loob lamang ng
2 minuto ang mga paraang ginawa mo sa pagtulong ng inyong pamilya/pagpapakita
ng pagmamahal sa iyong pamilya.

PAGSUSURI

GAWAIN 2
Ang ipinapakita ninyo kanina ay ginagawa nyo ba sa inyong tahanan o sa
pamilya ninyo?
Ano ang iyong nararamdaman kung nakatulong ka sa iyong pamilya?

ALAM MO BA NA…

Ang lahat ng mga nagawa natin sa buhay ay para sa ating pamilya.


Kahit ano ay gagawin natin upang matugunan ang pangangailangan sa
pamilya. Sa umagang ito mapapanood ninyo ang isang kuwento tungkol
sa pagmamahal ng isang bata sa kaniyang pamilya.

Magnifico
Si Pikoy ay mula sa isang maralitang pamilya. Umikot ang kanilang
estorya sa tahanan sa Lumban, Laguna. Dahil sa kahirapan ay halos mawalan
nang pag-asa ang kaniyang pamilya, dumagdag pa rito ang mga iba’t ibang
klaseng suliranin-ang kaniyang bunsong kapatid na babae na may cerebral
palsy, ang kanyang kuya na nag-aaral sa Maynila natanggalan ng iskolarship,
ang kaniyang lola naman ay may stomach cancer at siya naman ay mahina sa
eskwela. Madalas niyang nakikitang nag-aaway ang kaniyang mga magulang dahil
sa pera at sa gagastusin
sakaling mamatay ang kaniyang lola Magda. Pasan pa niya ang pag-aalaga sa
kaniyang kapatid na may sakit at hindi makalakad.
Ang ama niya ay namamasukan lamang
bilang isang karpentero at ang kaniyang ina ay
walang regular na trabaho. Kahit na bata pa
lamang si Pikoy ay ninais na niyang makatulong
sa magulang sa anumang paraan na kaya niya. Sa
huli, ang kabusilakan ng puso ni Pikoy ang
siyang nakatulong sa pamilya niya at sa mga
ilang taong natulungan at naimpluwensiyahan
niya kahit sa mga maliliit na paraan at bagay.

Sa murang edad ay nagsikap siya


upang makatulong sa araw-araw na gastusin sa
abot na makakaya niya. Gumawa si Pikoy ng
paraan upang unti-unting buuin ang kabaong ng
kaniyang lola sa tulong ng kaniyang mga
kaibigan. Walang reklamong naririnig sa kaniya
ang kaniyang magulang.

Sa huli hindi inaasahan ang mga


nangyari. Nasagasaan si Pikoy at siya ang
gumamit sa ginawa niyang kabaong para sa
kaniyang lola. Naging inspirasyon ang butihing bata sa mga nagawa niya.

PAGTATALAKAY

GAWAIN 3
1. Ilarawan ang tagpuan ng pelikula.
2. Sino-sino ang mga tauhan ng pelikula?
3. Ilarawan ang kalagayan nina Pikoy.
4. Kung kayo ang nasa kalagayan ni Pikoy, magagawa nyo rin ba yong ginawa
niya para sa kaniyang lola? Bakit?
PAGSASANAY

GAWAIN 4

Sagutin ang talahanayan na nasa ibaba batay sa napanood ninyong pelikula.

MGA PANGUNAHING TAUHAN KATANGIAN


TAUHAN

PAGLALAPAT

Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat. Pumili ng isang tagpo sa


pelikulang napanood. Isadula ito. Gawing makatotohanan ang paganap. Gawin
ito sa loob lamang ng 3 minuto.

TANDAAN

Ang pagmamahal sa pamilya ay walang iniinda.Tumulong


upang gagaan nang bahagya ang mga suliraning kinakaharap.Bata ka
man ay mayroon din kang maitutulong.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Ilarawan ang pangunahing tauhan ng kuwento at ang mga katangian


nito.

TAKDANG ARALIN
Manood ng pelikula.Ilarawan ang tagpuan, isa-isahin
ang mga pangunahing tauhan at ang mga katangian nito.
Sabjek: Filipino Baitang: V
Petsa: Sesyon: 26
Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring
Pangnilalaman: pakikinig at pag-unawa sa napakinggan.

Pamatayan sa Pagganap: Nakapagbibigay ng sariling pamagat para sa


napakinggang kuwento at pagsasagawa ng roundtable
na pag-uusap tungkol sa isyu o paksang
napakinggan.

Kompetensi: Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa tekstong


napakinggan.
Naipamamalas ang paggalang sa ideya, damdamin at
kultura ng may akda ng tekstong napakinggan o
nabasa.

VI. I. LAYUNIN Nakapagbibigay ng angkop na


Kaalaman: pamagat sa tekstong
napakinggan.
Saykomotor: Naisusulat ang angkop na pamagat sa tekstong
nabasa.
Apektiv: Naipakikita ang pagpapahalaga sa mga nagawa ng
ating mga bayani.

VII. II. PAKSANG-ARALIN


A. PAKSA Pagbibigay ng Angkop na Pamagat sa Tekstong
Napakinggan
B. SANGGUNIAN LM Filipino, CGF5PN-Ic-g-7
C. KAGAMITANG Tsart
PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Mahilig ba kayong magbasa ng iba't ibang
Pangmotibesyunal teksto? Paano ang tamang paraan ng
na tanong: pagbibigay ng angkop na pamagat?
Pangkatin ang klase. Sabihin ang kahulugan
ng bawat isa gamit ang inihandang gawain
a. panglunas b. pamalit
I - Isulat ang gabay na salita na makikita
sa diksyunaryo para sa mga salitang
Aktiviti/Gawain: lilinangin.
II - Isulat kung anong bahagi ito ng
salita.
III - Isulat ang kahulugan nito.
IV - Sumulat ng isang pangungusap gamit
ang mga salitang ito.
V - Magbigay ng isang salitang
kasingkahulugan nito. Madali/mahirap ba
ang ipinagagawa sa inyo? Paano ninyo ito
nasagot?

B. PAGLALAHAD Pakikinig ng teksto. Ano-ano ang kagamitan ng


Abstraksyon asin? Ano ang angkop na pamagat ng tekstong
(Pamamaraan ng napakinggan?
Pagtalakay) Sa isang teksto ay may nakapaloob itong pamagat.
C. PAGSASANAY Dito napapaloob ang diwang ipinahihiwatig o
Mga Paglilinang kaisipang ipinahahayag ng babasahin.
na gawain:

Ibigay ang angkop na pamagat ng narinig na


teksto.
D. PAGLALAPAT Pangkatin ang klase sa apat. Bigyan ng teksto ang
Aplikasyon bawat pangkat at isulat ang angkop na pamagat
nito.
E. PAGLALAHAT Dapat tandaan na mahalaga ang pamagat sa anumang
Generalisasyon uri ng katha. Dito napapaloob ang diwang
ipinahihiwatig o kaisipang ipinahahayag ng
babasahin.
Paano mo pahahalagahan ang mga nagawa ng ating
mga bayani para sa bayan?

IV. PAGTATAYA Isulat ang angkop na pamagat ng sumusunod. Isulat


ang titik ng tamang sagot.
1. Nang ipatapon si Jose Rizal ng mga Espanyol sa
Dapitan, ipinangako niya sa gobernador-heneral na
hindi siya tatakas. Isang araw hinikayat siya ni
Pio Valenzuela na tumakas ngunit tumanggi si
Rizal at sinabing nakapagbibitiw na siya ng
pangako sa isang pinunong Espanyol na kailanma'y
di siya tatakas.

a. Si Rizal sa Dapitan B. Gobernador-heneral


c. Mga Espanyol
2. Nang sumiklab ang himagsikan noong 1896,
inialok ni Teresa Magbanua ang kaniyang
paglilingkod kay Heneral Perfecto Poblador.
Tinanggihan siya ng Heneral noong una pagkat ayon
sa kanya, ang pakikihamok sa digmaan ay para sa
mga lalaki lamang. "Ang babae man maaaring maging
tagapagtanggol ng bayan," matatag na wika ni
Teresa. Napahinuhod ang heneral na ibilang siya
sa hukbong lumaban sa himagsikan.

a. Himagsikan b. Teresa Magbanua,


Tagapagtanggol ng Bayan c. Heneral

V. V. TAKDANG-ARALIN Sumulat ng isang maikling teksto at bigyan ito ng


angkop na pamagat.

Sanayang Aklat 26

PAKSA: “Pagbibigay ng Angkop na Pamagat sa Tekstong Napakinggan"

TUKLASIN
Ang pagbabasa ng mga talataan, kuwento, tula, at iba pa ay
upang malalaman o makukuha kung ano ang tinatalakay nito.

MOTIBISYUNAL NA TANONG
1. Mahilig ba kayong magbasa ng iba't ibang teksto?
2. Paano ang tamang paraan ng pagbibigay ng angkop na pamagat?

GAWAIN 1
Pangkatin ang klase. Sabihin ang kahulugan ng bawat isa gamit ang
inihandang gawain
a. panglunas b. pamalit

I - Isulat ang gabay na salita na makikita sa diksyunaryo para sa mga


salitang lilinangin.
II - Isulat kung anong bahagi ito ng salita.
III - Isulat ang kahulugan nito.
IV - Sumulat ng isang pangungusap gamit ang mga salitang ito.
V - Magbigay ng isang salitang kasingkahulugan nito.

PAGSUSURI

GAWAIN 2
Madali/mahirap ba ang ipinagagawa sa inyo?
Paano ninyo ito nasagot?

ALAM MO BA NA…

Mahalagang malaman mo ang tinatalakay ng


isang talataan, kuwento, tugma at tula. Sa umagang
ito ay matutunan ninyo kung paano makuha ang
angkop na pamagat sa napakinggang teksto.
Makinig mabuti.

Noong araw, ang asin ay ginagamit na


pamalit ng mga bagay na hindi mabili sa pera.
Inilalagay din ang asin sa pagkain. Ang isda at
karne ay tumatagal kung inaasinan. Ginagawa rin
itong pang-ulam ng iba. Ang asin din ay ginagamit
na pampaputi at panglinis ng mga ngipin. Ang asin
ay nagbibigay din ng lasa sa mga pagkain. Ang asin
ay ginagamit ding panglunas ng mga sakit at sugat.
Ginagamit ng mga tao ang asin sa iba’t-ibang
paraan.
PAGSASANAY

GAWAIN 3

Ano-ano ang gamit ng asin?


Ano ang angkop na pamagat sa napakinggan ninyong teksto?

Sa isang teksto ay may nakapaloob itong pamagat. Dito napapaloob ang


diwang ipinahihiwatig o kaisipang ipinahahayag ng babasahin.

GAWAIN 4

Makinig nang mabuti sa kuwento/teksto. Ibigay ang angkop na pamagat sa


tekstong narinig.

Si Maricar at ang kaniyang ina ay nasa palengke.


Maricar: Inay, sobra po ng siyam na piso ang sukli ng ale.
Aling Aida: “Oo nga ano? Naku! Aling tindera, sobra ang ibinigay mong
sukli. Isauli mo nga,
Maricar.”
Maricar: Opo inay. Ale, eto na po ang inyong sobrang sukli.
Aling Tindera: Sa iyo na yan, Ineng. Iyan ay para sa mga batang matapat
katulad mo.

A. Gantimpala para sa Katapatan


B. Si Maricar at ang Tindera
C. Ang Maling Pagsukli ng Tindera.

PAGLALAPAT

Pangkatin ang klase sa tatlo. Ibigay ang angkop na pamagat ng


sumusunod.

Pangkat I – Si Marcelo H. del Pilar ay tinaguriang Dakilang


Propagandista. Isa siyang abogado na
kilala sa pagsulat ng mga artikulo laban sa mga
pang-abuso ng mga paring Kastila.
Naging patnugot at tagapaglathala ng La
Solidaridad. Namatay siya sa Espanya dahil sa
sakit at pangungulila.

Pangkat II – Nagtayo ng pagawaan si Guillermo Tolentino kung saan


pinasimulan niya ang
kanyang malikhaing mga gawa sa sining na nagbigay
sa kanya ng katawagang “Prinsipe
ng mga Manlililok na Pilipino.” Ilan sa mga kahanga-
hangang likha niya ang Monumento
ni Bonifacio at ang “Oblation” sa kampus ng
Pamantasan ng Pilipinas.

Pangkat III – Si Jose Fortich Ozamiz ay ipinanganak noong Mayo 5,


1898 sa Aloran, Misamis
Occidental. Siya ay nahirang na unang gobernador ng
lalawigan ng Misamis Occidental.
Nahalal din siyang kinatawan ng Pambansang Asemblea
at naging kauna-unahang taga-
Misamis Occidental na nahalal na Senador.

Pangkat IV – Si Larry Alcala ay nagsimulang maging kartunista noong


1946. Nakalikha siya ng
mga popular na tauhang sinubaybayan ng tao sa mga
komiks at magasin, katulad ng
kalabog en Bosyo ang unang kartun sa bansa na
isinapelikula at ang Asyong Aksaya.
Noong Marso 15, 1984, isa siya sa ginawaran ng Life
Achievement Award ng
KOMOPEC BO (Komiks Operation Brotherhood) dahil sa
kanyang mahalagang ambag
sa industriya. Nagturo siya sa Unibersidad ng
Pilipinas at nagsimula ang tinatawag na
Commercial Art – bilang kursong pangkolehiyo noong
1953.

TANDAAN

Mahalaga ang pamagat sa anumang uri o katha. Dito


napapaloob ang diwang ipinahihiwatig o kaisipang ipinahahayag ng
babasahin.
Paano mo pahahalagahan ang mga nagawa ng ating mga bayani para sa bayan?

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Isulat ang angkop na pamagat ng sumusunod. Isulat ang titik


ng tamang sagot.

1. Nang ipatapon si Jose Rizal ng mga Espanyol sa Dapitan, ipinangako


niya sa gobernador-heneral na hindi siya tatakas. Isang araw hinikayat
siya ni Pio Valenzuela na tumakas ngunit tumanggi si Rizal at sinabing
nakapagbibitiw na siya ng pangako sa isang pinunong Espanyol na kailanma'y
di siya tatakas.

a. Si Rizal sa Dapitan b. Gobernador-heneral


c. Mga Espanyol
2. Nang sumiklab ang himagsikan noong 1896, inialok ni Teresa
Magbanua ang kaniyang paglilingkod kay Heneral Perfecto Poblador.
Tinanggihan siya ng Heneral noong una pagkat ayon sa kanya, ang
pakikihamok sa digmaan ay para sa mga lalaki lamang. "Ang babae man
maaaring maging tagapagtanggol ng bayan," matatag na wika ni Teresa.
Napahinuhod ang heneral na ibilang siya sa hukbong lumaban sa himagsikan.

a. Himagsikan b. Teresa Magbanua, Tagapagtanggol


ng Bayan c. Heneral

TAKDANG ARALIN

Sumulat ng isang maikling teksto at bigyan ito ng angkop na


pamagat.
Sabjek: Filipino Baitang: V
Petsa: Sesyon: 27
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa
pagsasalita at pagpapahayag ng
sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin.
Pamatayan sa Pagganap: Nakasasali sa isang usapan tungkol sa
isang paksa..
Kompetensi: Nakapagbibigay ng panuto.

VIII. I. LAYUNIN
Kaalaman: Nakapagbibigay ng panuto.

Saykomotor: Nakasusulat ng panuto.


Apektiv: Napahahalagahan.ang pagsunod sa mga
panuto.
IX. II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA Panuto/Direksiyon, Mga Impormasyon

B. SANGGUNIAN Hiyas sa Wika pahina 154, CGF5PS-Ih-8

C. KAGAMITANG Tsart
PAMPAGTUTURO
X. III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Sa inyong bahay, sinusunod nyo ba ang
Pangmotibesyunal na mga sinasabi ng inyong mga nanay at
tanong: tatay? Paano?
Sa paaralan, sinusunod nyo ba ang mga
panuto sa tuwing may pagsusulit na
ibinibigay ang guro? Bakit? Sundin ang
panutong ibibinibigay ng guro.
1. Gumuhit ng bilog kasinlaki ng piso.
Aktiviti/Gawain: 2. Sa ilalim ng bilog gumuhit ng
parihaba na pababa at nakadikit sa
bilog.
3. Sa bawat gilid ng parihaba gumuhit
ng parihaba na pahalang.
4. Sa ibaba ng pababang parihaba
gumuhit ng dalawa ring parihaba na
magkatabi.
Mahirap bang gawin o sundin ang mga
panuto? Bakit
mahalaga na sundin ng tama ang bawat
panuto?

B. PAGLALAHAD Pagbasa sa Mga Impormasyon.


Abstraksyon 1. Bakit may mga tagubilin ang
(Pamamaraan ng paaralan para sa mga nagpapatala?
Pagtalakay) 2. Anong mangyayari kung walang
ganitong panuto/direksiyon?
3. Saan pang lugar nakakakita ka ng
mga direksiyon? 4.
Anong uri ng panuto/direksiyon ang
nabasa mo na?
5. Bakit mahalagang sundin ang mga
panuto/direksiyon?

Ang panuto ay tagubilin sa


pagsasagawa ng inuutos na gawain.
Ang panuto ay maaaring pabigkas o
nakasulat ang mga panuto. Mahalaga na
marunong magbigay ng panuto upang
makatulong sa maayos, mabilis, at
wastong pagsasagawa ng gawain.
C. PAGSASANAY Basahin ang mga sumusunod at sagutin.
Mga Paglilinang na 1. Gulang ng batang papasok sa Hunyo.
gawain: 2. Oras ng panayam at pagsusulit sa
umaga.
3. petsa ng pagpapatala
4. mga dokumentong dadalhin ng
magpapatala.
D. PAGLALAPAT Pangkatin ang klase sa apat. Magbigay
Aplikasyon ng panuto sa mga sumusunod.
Pangkat I - pagtimpla ng calamansi
juice
Pangkat - II - pagsuot ng sapatos
Pangkat III - sa pagligo
Pangkat IV - paglilinis ng isdang
lulutuin
E. PAGLALAHAT Mahalaga na marunong magbigay ng
Generalisasyon panuto upang makatulong sa maayos,
mabilis, at wastong pagsasagawa ng
gawain.
IV.PAGTATAYA Sumulat ng panuto sa paglalaro ng
luksong tinik.

V.TAKDANG-ARALIN Ibigay ang mga panuto sa tamang


paglalaba ng damit.

Sanayang Aklat 27

PAKSA: Panuto/Direksiyon, Mga Impormasyon

TUKLASIN
Ang mga ipinagagawa sa inyo, kailangan ang lahat masusunod
ng tama. Makinig/ Intindihin nang mabuti ang ipinagagawa.

MOTIBISYUNAL NA TANONG
1. Sa inyong bahay, sinusunod ba ninyo ang mga sinasabi ng inyong
mga nanay at tatay? Paano?
2. Sa paaralan, sinusunod ba ninyo ang mga panuto sa tuwing may
pagsusulit na ibinibigay ang guro? Bakit?

GAWAIN 1

Sundin ang panutong ibinibigay ng guro.

1. Gumuhit ng bilog kasinlaki ng piso.


2. Sa ilalim ng bilog gumuhit ng parihaba na pababa at nakadikit sa bilog.
3. Sa bawat gilid ng parihaba gumuhit ng parihaba na pahalang.
4. Sa ibaba ng pababang parihaba gumuhit ng dalawa ring parihaba na
magkatabi.

PAGSUSURI

GAWAIN 2

Mahirap bang gawin o sundin ang mga panuto?

Bakit mahalaga na sundin ng tama ang bawat panuto?

ALAM MO BA NA…

Ang kamalia’y maiwasan natin kung nasusunod natin


ng tama ang ipinagagawa. Babasa tayo ngayon ng isang seleksiyon
tungkol sa isang impormasyon.

Isang araw ay sumama si Hannah sa kanyang ina at bunsong kapatid.


Pumunta sila sa Kindergarten na papasukan ni Sarah. Sa labas ng silid-tanggapan
ng punungguro ay ito ang nabasa ni Hannah.
Mga Impormasyon

1. Ang panayam at pagsusulit para sa mga mag-aaral ay magsisimula sa Enero


1 at matatapos sa Pebrero 15.
2. Mga batang may gulang na 4 at 5 bago dumating ang Hunyo 1 ang tatanggapin.
3. Ang panayam at pagsusulit ay magsisimula sa ika - 9 hanggang ika-12 ng
tanghali.
4. Ang panayam at pagsusulit sa hapon ay magsisimula sa ika-2 hanggang ika-
5 ng hapon.
5. Dalhin ang Sertipiko ng Kapanganakan ng bata at ang Income Tax ng magulang
sa taong kasalukuyan.
6. Magbayad muna ng Examination Fee at ibigay ang resibo sa kalihim kasama
ng mga dokumento sa bilang 5.
7. Maghintay ng tawag sa pangalan ng bata.
8. Hindi sasamahan ng magulang ang bata sa panayam at pagsusulit.
9. Kunin ang resulta ng panayam at pagsusulit pagkaraan ng isang linggo.
10. Ang pasukan ay sa Hunyo 1, 2003.

PAGTATALAKAY

GAWAIN 3

1. Bakit may mga tagubilin ang paaralan para sa mga nagpapatala?


2. Anong mangyayari kung walang ganitong tagubilin?
3. Saan pang lugar nakakakita ka ng mga tagubilin?
4. Anong uri ng tagubilin ang nabasa mo na?
5. Bakit mahalagang sundin ang mga tagubilin?

PAGTATALAKAY

Ang panuto ay tagubilin sa pagsasagawa ng inuutos na gawain. Ang panuto


ay maaaring pabigkas o nakasulat ang mga panuto. Mahalaga na marunong magbigay
ng panuto upang makatulong sa maayos, mabilis, at wastong pagsasagawa ng
gawain.

PAGSASANAY

GAWAIN 4

Basahin ang mga sumusunod at sagutin.

1. Gulang ng batang papasok sa Hunyo.


2. Oras ng panayam at pagsusulit sa umaga.
3. petsa ng pagpapatala
4. mga dokumentong dadalhin ng magpapatala.
PAGLALAPAT
Pangkatin ang klase sa apat. Magbigay ng panuto sa mga sumusunod.

Pangkat I - pagtimpla ng calamansi juice


Pangkat - II - pagsuot ng sapatos
Pangkat III - sa pagligo
Pangkat IV - paglilinis ng isdang lulutuin

TANDAAN

Mahalaga na marunong magbigay ng panuto upang makatulong sa


maayos, mabilis, at wastong pagsasagawa ng gawain.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Sumulat ng panuto sa paglalaro ng luksong tinik.

TAKDANG ARALIN

Ibigay ang mga panuto sa tamang paglalaba ng damit.


Sabjek: Filipino Baitang: V
Petsa: Sesyon: 28
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa
pagsasalita at pagpapahayag ng sariling
ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.

Pamatayan sa Pagganap: Nakasasali sa isang usapan tungkol sa


isang paksa.

Kompetensi: Nagagamit ang iba't ibang uri ng panghalip


sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling
karanasan.

I.LAYUNIN
Kaalaman: Nakikilala ang panghalip na panaklaw.

Saykomotor: Nakasusulat ng diyalogo gamit ang


panghalip na panaklaw.
Apektiv:
Naipagmamalaki/Napananatili ang kulturang
Pilipino tulad ng ating mga katutubong
sayaw.

II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA Ina ng Katutubong Sayaw, Mga Panghalip na
Panaklaw

B. SANGGUNIAN Hiyas sa Wika pahina 70-73, CG F5WG-If-j-3

C. KAGAMITANG PAMPAGTUTURO Tsart, cartolina istrip, larawan


III. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA Sino sa inyo ang mahilig sumayaw?


a. Pangmotibesyunal na Anong paborito ninyong sayaw?
tanong: Ano-ano ang mga katutubong sayaw natin?
Bigyan ng limang minuto ang mga bata na
makapagpapakita ng tatlong hakbang ng
katutubong sayaw.
Mahalaga bang panatilihin natin ang ating
katutubong sayaw?
Paano natin mapanatili ang mga ito lalo na
sa mga katutubong sayaw?
b. Aktiviti/Gawain:

B. PAGLALAHAD Pagbasa.
a. Abstraksyon Bakit kaya halos lahat ng taga-Barangay
b. (Pamamaraan ng Sto Niño ay nanood ng paligsahan?
Pagtalakay) Bakit tinawag na "Ina ng Katutubong Sayaw"
si Francisca Reyes Aquino?
Basahin ang mga sumusunod na pangungusap.
1. Bawat isang kalahok sa paligsahan ay
binigyan ng sertipiko ng komiti.
2. Halos lahat ng mga taga-Barangay Sto.
Niño ay nanood ng paligsahan
3. Tuwang-tuwa ang balana at sila’y pawang
masisigla sa nakita nilang iba’t-ibang
katutubong sayaw.
Anong salita ang sumasaklaw sa kaisahan ng
kinatawang pangngalan?Ano-ano naman ang
salitang sumasaklaw sa dami o kalahatan ng
kinatawang pangngalan?
C. PAGSASANAY Piliin sa loob ng kahon ang mga panghalip
a. Mga Paglilinang na na panaklaw na angkop sa patlang upang
gawain: mabuo ang pangungusap.
1. ______ sa aming panauhin ay kaibigan ni
kuya.
2. Tuwang-tuwa ang _______ at sila'y _____
masisigla sa nakita nilang iba't ibang
katutubong sayaw.
3. Noong una’y halos limot na ng ________
ang mga katutubong sayaw.
4. Halos ______ ng mga taga-barangay Sto.
Niño ay nanood ng paligsahan.
5. _____ kalahok ay binigyan ng sertipiko
ng komiti.

madla pawang
isa pa karamihan
lahat bawat isa
D. PAGLALAHAT Ang isa, isa pa, iba, bawat isa ay
a. Generalisasyon halimbawa ng panghalip na panaklaw na
nagsasaad ng kaisahan, samantalang ang
lahat, tanan, pulos, balana, pawang, madla
ay halimbawa ng panghalip na panaklaw na
nagsasaad ng dami o kalahatan.
Ang panghalip na panaklaw ay may
kinatawang katuturan na maaaring tiyakan o
di-tiyakan. Ang panghalip na di-tiyakan ay
binubuo ng mga panghalip na pananong na
dinudugtungan ng pangatnig na man.
Halimbawa:
sino – sinuman saan -
saanman
ano – anuman kanino -
kaninuman
alin – alinman kailan
- kailanman

Ano-ano ang mga katutubong sayaw natin?


Paano natin ito mapananatili?
IV. PAGTATAYA Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na
panghalip na panaklaw. Isulat ang titik ng
tamang sagot.
1.Ang ( a. balana b. bawat isa c. iba)
sa inyo ay makakapagbigay ng inyong
mungkahi.
2. (a. Sinumang b. Alinmang c. Saanmang)
dako ng mundo, pagmamahal ang kailangan ng
3. (a. bawat b. lahat c. ibang) tao.
4. Halos ganyan din ang nasa isip ko. Heto
pakinggan ninyo. "Pagmamahalan ng ( a.
isa't-isa b. bawat c. isa ) ay
mahalaga sa:
5. (a. balana b. isa c. ilan)."
V. TAKDANG-ARALIN Sumulat ng limang pangungusap gamit ang
panghalip na panaklaw.

Sanayang Aklat 28

PAKSA: Ina ng Katutubong Sayaw, Mga Panghalip na Panaklaw

TUKLASIN
Ang bansang Pilipinas ay mayaman sa kultura. Napayaman ito
ng husto ng ating mga ninuno sa pamamagitan ng pakipag-ugnayan sa
iba’t ibang bayan kahit hindi pa dumating ang mga dayuhan na sumakop
nito. Dapat lang na ipagmamalaki natin ang ating mga kultura.

MOTIBISYUNAL NA TANONG

1. Sino sa inyo ang mahilig sumayaw?


2. Anong paborito ninyong sayaw?
3. Ano-ano ang mga katutubong sayaw natin?

GAWAIN 1

Pangkatin ang klase sa apat. Bigyan ng limang minuto ang mga bata
na makapagpapakita ng tatlong hakbang ng katutubong sayaw?

PAGSUSURI

GAWAIN 2

Mahalaga bang panatilihin natin ang ating katutubong sayaw? Paano


natin mapanatili ang mga ito lalo na sa mga katutubong sayaw.

ALAM MO BA NA…

Tayong mga Pilipino ay mahilig sumayaw. Bawat lugar ay may


kaniya-kaniyang katutubong sayaw. Sa babasahin natin ngayon
malalaman natin kung sino ang nagpaunlad sa katutubong sayaw
natin.
Ina ng Katutubong Sayaw
Nina: Lydia P. Laluni
Francisca G. Ril

Barangay Camotes, Cebu

Enero 20, ______

Mahal kong Rowena,

Natanggap ko ang liham mo sa akin. Akala ko’y hindi mo natanggap


ang aking paanyaya.

Masayang nairaos ang pista rito sa amin lalo na nga sana kung kayo
nina Tita Saling ay nakarating. Karamihan sa aming panauhin ay kasamahan
ni kuya Selmo sa opisina. May mga pagtatanghal na ginawa sa Bulwagang
Barangay. Nagkaroon ng paligsahan sa pagsayaw ng mga katutubong sayaw.
Halos lahat ng mga taga- Barangay Sto. Niño ay nanood ng paligsahan.
Tuwang-tuwa ang balana at sila’y pawang masisigla sa nakita nilang iba’t
ibang katutubong sayaw. Bawat isang kalahok sa paligsahan ay binigyan ng
sertipiko ng komiti.

Napakarami pala nating katutubong sayaw. Ang mga ito’y tinipon at


isinaaklat ni Francisca Reyes Aquino. Noong una’y halos limot na ng madla
ang mga katutubong sayaw. Ngunit sa pananaliksik si Francisca Reyes Aquino
muling nagpasigla ng interes sa ating mga katutubong sayaw. Dahil sa
napakalaking ambag niya sa ating kultura, siya’y pinarangalan ng
Magsaysay Award at tinawag siyang, “Ina ng Katutubong Sayaw.”

Marami pa akong ikukuwento sa iyo sa muli kong pagsulat sa iyo.

Kumusta na lamang sa inyong lahat lalong-lalo na kay Tita Saling.

Ang iyong pinsan,

Mary Joy
PAGTATALAKAY

1. Bakit kaya halos lahat ng taga-Barangay Sto. Niño ay nanood ng


paligsahan?
2. Bakit tinawag na “Ina ng Katutubong Sayaw” si Francisca Reyes Aquino?
3. Ano kaya ang kalagayan ng ating mga katutubong sayaw?
4. Ano-anong katutubong sayaw ang alam mo?
5. Paano mo mapanatili ang ating katutubong sayaw?

Basahin ang mga sumusunod na pangungusap.

1. Bawat isang kalahok sa paligsahan ay binigyan ng sertipiko ng komiti.


2. Halos lahat ng mga taga-Barangay Sto. Niño ay nanood ng paligsahan.
3. Tuwang-tuwa ang balana at sila’y pawang masisigla sa nakita nilang
iba’t-ibang katutubong sayaw.

Anong salita ang sumasaklaw sa kaisahan ng kinatawang pangngalan?


Ano-ano naman ang salitang sumasaklaw sa dami o kalahatan ng kinatawang
pangngalan?

PAGSASANAY

Gawain 4
Piliin sa loob ng kahon ang mga panghalip na panaklaw na angkop sa
patlang upang mabuo ang pangungusap.

madla pawang isa pa karamihan lahat bawat isa


1. ______ sa aming panauhin ay kaibigan ni kuya.
2.
3. Tuwang-tuwa ang _______ at sila'y _____ masisigla sa nakita nilang
iba't ibang katutubong sayaw.
4. Noong una’y halos limot na ng ________ ang mga katutubong sayaw.
5. Halos ______ ng mga taga-barangay Sto. Niño ay nanood ng paligsahan.
6. ____ kalahok ay binigyan ng sertipiko ng komiti.

PAGLALAPAT

Pangkatin ang klase sa apat. Sagutin ang nakalaan sa inyong pangkat.

Pangkat I - Bumuo ng usapan gamit ang panghalip na panaklaw.


Pangkat II - Sumulat ng maikling karanasan gamit ang panaklaw.
Pangkat III - Sumulat ng maikling diyalogo gamit ang panghalip na
panaklaw.
Pangkat IV - Sumulat ng apat na pangungusap gamit ang panaklaw.

TANDAAN

Ang isa, isa pa, iba, bawat isa ay halimbawa ng panghalip na panaklaw
na nagsasaad ng kaisahan, samantalang ang lahat, tanan, pulos, balana,
pawang, madla ay halimbawa ng panghalip na panaklaw na nagsasaad ng dami o
kalahatan.
Ang panghalip na panaklaw ay may kinatawang katuturan na maaaring
tiyakan o di-tiyakan. Ang panghalip na di-tiyakan ay binubuo ng mga panghalip
na pananong na dinudugtungan ng pangatnig na man.
Halimbawa: sino – sinuman saan - saanman
ano – anuman kanino -
kaninuman
alin – alinman kailan -
kailanman

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na panghalip na panaklaw. Isulat ang


titik ng tamang sagot.
1. Ang ( a. balana b. bawat isa c. iba) sa inyo ay makakapagbibigay ng
inyong mungkahi.
2. (a. Sinumang b. Alinmang c. Saanmang) dako ng mundo, pagmamahal ang
kailangan ng 3. (a. bawat b. lahat
c. ibang) tao.
4. Halos ganyan din ang nasa isip ko. Heto pakinggan ninyo. "Pagmamahalan ng
( a. isa't-isa b. bawat
c. isa ) ay mahalaga sa:
5. (a. balana b. isa c. ilan)."

TAKDANG ARALIN

Sumulat ng limang pangungusap gamit ang panghalip na panaklaw.

Sabjek: Filipino Baitang: V


Petsa: Sesyon: 29
Pamantayang Pangnilalaman: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa
iba't ibang uri ng teksto at
napalalawak ang talasalitaan.
Pamatayan sa Pagganap: Nakapagsasagawa ng readers' theater

Kompetensi: Naibibigay ang kahulugan ng salitang


pamilyar at di-pamilyar sa pamamagitan
ng kasalungat.
I. LAYUNIN Naibibigay ang kahulugan ng salitang
Kaalaman: pamilyar at di-pamilyar sa pamamagitan
ng kasalungat.
Saykomotor: Nakabubuo ng mga salitang
magkasalungat.
Apektiv: Nabibigyang-halaga ang kaayusan at
kalinisan ng kapaligiran.
II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA Natuto sa Panaginip
B. SANGGUNIAN Hiyas sa Pagbasa pahina 128-129, CG
F5PT-Ih-i-1.5
C. KAGAMITANG Larawan, Tsart
PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Kayo ba'y nananaginip sa inyong
Pangmotibesyunal na pagtulog?
tanong: Ano-ano ang napanaginipan ninyo?
Pangkatin ang klase sa apat. Magbigay
ng mga larawan sa bawat pangkat
halimbawa payat at matabang babae,
makapal at manipis na aklat, maliit at
malaking bato. Pagtatapatin ang mga
Aktiviti/Gawain: larawan ayon sa kabaligtaran nito.
Ano ang napapansin ninyo sa inyong
ginawa?
Ano ang tawag natin sa mga salitang
ito?

B. PAGLALAHAD Pagbasa sa tula. Ano ang natutuhan ng


Abstraksyon tauhan sa kanyang panaginip? Bakit
(Pamamaraan ng sinabi ng ilog na binging-bingi na
Pagtalakay) siya? Maaari bang magkatotoo ang
panaginip na ito? Bakit?
Pagbibigay ng Kahulugan ng Salita sa
Pamamagitan ng Kasalungat
Ang kasalungat ay kabaligtaran.
Halimbawa:

sigaw - bulong
una
- huli

mataas - mababa
C. PAGSASANAY Magbigay ng mga salitang
Mga Paglilinang na magkasalungat. Gamitin ito sa
gawain: pangungusap.

D. PAGLALAPAT Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat.


Aplikasyon Pangkat I - Gumuhit ng dalawang
pares na bagay na magkasalungat.
Pangkat II - Sumulat ng tatlong
magkasalungat na salita.
Pangkat III - Sumulat ng tatlong
pangungusap gamit ang mga salitang
magkasalungat.
Pangkat IV - Ibigay ang kasalungat
ng mga sumusunod na salita: bukas,
lumulubog, at winasak.
E. PAGLALAHAT Ang kasalungat ay ang kabaligtaran.
Generalisasyon Ano ang magagawa ng batang tulad mo
upang mapangalagaan ang paligid lalo
na ang mga ilog?
IV. PAGTATAYA Ibigay ang kasalungat ng salitang
sinalungguhitan. Piliin ang sagot sa
loob ng kahon.
1. Isang gabi noon ako'y nanaginip
2. Sa tindi ng amoy at kalat sa gilid.
3.Ulila ang gabi, ulilang karimlan.
4. Kaibigang tabla na makakapitan
lapit-lapit sana nang maabot naman.
5.Dati kaming puno, mayabong, mataas .
6. Sanggalang sa bagyo, sa bahay
panlunas.

panlaban liwanag
araw gitna
mababa binuo
layu-layo
V. TAKDANG-ARALIN Sumulat ng apat na magkasalungat na
salita. Gamitin ito sa pangungusap.

Sanayang Aklat 29

PAKSA: Natuto sa Panaginip, Mga Salitang Magkasalungat

TUKLASIN
Minsan ay may pangyayaring pumupukaw sa ating mga
kamaliang nagawa. Ito’y nagpaalala lamang, na sa tamang panahon
maituwid natin.
MOTIBISYUNAL NA TANONG
1. Kayo ba'y nananaginip sa inyong pagtulog?
2. Ano-ano ang napanaginipan ninyo?

GAWAIN 1

Pangkatin ang klase sa apat. Magbigay ng mga larawan sa bawat pangkat.


Pagtatapatin ang mga larawan ayon sa kabaligtaran nito. Ilagay ito sa manila
paper at ipaskil sa pisara.

PAGSUSURI
GAWAIN 2

Ano ang napapansin ninyo sa inyong ginawa?


Ano ang tawag natin sa mga salitang ito?

ALAM MO BA NA…

Mahalaga ang ilog kung ito’y gamitin ng husto. Malaki ang


tulong na maibibigay nito sa tao. Ngunit kung ang tao ay marupok at
hindi marunong tumingin na dulot sa kanyang kabutihan, ito’y
magbibigay ng malaking pinsala. Babasa tayo ngayon ng isang tula
tungkol sa kaniyang napanaginipan.

Natuto sa Panaginip
Nina: Lydia P.
Lalunio. Ph.D.

Francisca G. Ril

Patrocinio V. Villafuerte

Isang gabi noon, ako’y


nanaginip:
Mag-isa ako sa gitna ng
tubig.
Sa tindi ng amoy at
kalat sa gilid,
Alam ko na agad ito’y
Ilog Pasig.

“Saklolo! Saklolo!” itong


aking sigaw,
Walang makarinig, walang
nagdaraan.
Ulila ang gabi, ulilang
karimlan,
Ang matinding takot ang
naramdaman.

“O Ilog na itim,
samo ko sa iyo,
Sa alon mong dilim,
ililigtas ba ako?”
“Ano iyang turan?
Binging-bingi ako
Sa mga basurang nasa
katawan ko.”

“Kaibigang Tabla na
makakapitan,
Lapit-lapit sana nang
maabot naman.”
“Ako ang nalabi sa mga
kagubatang
Kinalbo, sinunog, hindi
tinaniman.

“Dati kaming puno,


mayabong mataas;
Sanggalang sa bagyo, sa
baha’y panlunas.
Nang putulin kami’t
kanilang winasak,
Ang sinira nila’y
kanila ring bukas.”

Wala na bang isda, wala


na bang buhay
Na makaririnig sa aking
panawagan?
Pati hangin yata’y
walang pakialam
Sa kapal ng usok na
nakabalatay.
Lumulubog ako di
makahinga
Sa dumi ng tubig at
amoy-basura
Mabuti na lamang
panaginip pala.
May hatid na aral sa
ating balana.

PAGTATALAKAY

GAWAIN 3

1. Ano ang natutuhan ng tauhan sa kanyang panaginip?


2. Bakit sinabi ng ilog na binging-bingi na siya?
3. Maaari kayang magkatotoo ang panaginip na ito?
4. Ano ang magagawa ng batang tulad mo upang mapangalagaan ang
paligid lalo na ang mga ilog?
5. Bakit dapat tayong tumulong sa pagpapanatili ng kalinisan ng
ating mga ilog?

PAGTATALAKAY
Pagbibigay ng Kahulugan ng Salita sa Pamamagitan ng Kasalungat

Ang kasalungat ay kabaligtaran.

Halimbawa:
sigaw - bulong
una - huli
mataas - mababa

PAGSASANAY

GAWAIN 4
Magbigay ng mga salitang magkasalungat. Gamitin ito sa pangungusap.

PAGLALAPAT
Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat.
Pangkat I - Gumuhit ng dalawang pares na bagay na
magkasalungat.
Pangkat II - Sumulat ng tatlong magkasalungat na salita.
Pangkat III - Sumulat ng tatlong pangungusap gamit ang mga
salitang magkasalungat.
Pangkat IV - Ibigay ang kasalungat ng mga sumusunod na salita:
bukas, lumulubog, at winasak.

TANDAAN
Ang kasalungat ay kabaligtaran.

Ano ang magagawa ng batang tulad mo upang mapangalagaan ang paligid


lalo na ang mga ilog?

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Ibigay ang kasalungat ng salitang sinalungguhitan. Piliin


ang sagot sa loob ng kahon.

1. Isang gabi noon ako'y nanaginip


2. Sa tindi ng amoy at kalat sa gilid.
3. Ulila ang gabi, ulilang karimlan.
4. Kaibigang Tabla na makakapitan lapit-lapit sana nang maabot
naman.
5. Dati kaming puno, mayabong, mataas .
6. Sanggalang sa bagyo, sa bahay panlunas.

panlaban liwanag
araw gitna
mababa binuo
layu-layo

TAKDANG ARALIN

Sumulat ng apat na magkasalungat na salita. Gamitin ito sa


pangungusap.
Sabjek: Filipino Baitang: V
Petsa: Sesyon: 30

Pamantayang Pangnilalaman: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa


iba't ibang uri ng teksto at
napalalawak ang talasalitaan.

Pamatayan sa Pagganap: Nakapagsasagawa ng readers' theater

Kompetensi: Naibibigay ang mahahalagang pangyayari


sa nabasang talaarawan/talambuhay.
Nakasusulat ng balangkas sa anyong
pangungusap o paksa sa binasang
teksto.
I.LAYUNIN
Kaalaman: Naibibigay ang mahahalagang pangyayari
sa nabasang talaarawan/talambuhay.
Saykomotor: Nakasusulat ng balangkas sa anyong
pangungusap o paksa sa binasang teksto

Apektiv: Nasasabing ang katapatan at


pagmamalasakit sa kapakanan ng
mahihirap ang landas tungo sa
kadakilaan.

II. PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Idolo ng Karaniwang Tao

B. SANGGUNIAN Hiyas sa Pagbasa pahina 90-91, CG


F5PB-If-h-11 Gintong Aklat sa Pagbasa
6 pahina 77 at Bagong Filipino sa
Salita at Gawa 5 pahina 6

C. KAGAMITANG Tsart, larawan


PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA
Pangmotibesyunal na Sino-sino ang mga naging pangulo
tanong: sa Ikatlong Republika? Sino sa kanila
ang tinatawag na idolo ng masang
Pilipino? Bakit tinawag siyang idolo
ng karaniwang tao? Pangkatin ang
klase sa apat. Magbigay ng mga
cartolina strips sa bawat pangkat.
Aktiviti/Gawain: Ipaayos ang mga nakasulat nito sa
balangkas na anyo. Ilagay ang mga ito
sa manila paper. Pagkatapos ipaskil sa
pisara. Gawin lamang ito sa loob ng
dalawang minuto. Ano ang tawag sa
ipinagagawa sa inyo? Bakit mahalaga
ang pagbabalangkas?

B. PAGLALAHAD Pagbasa sa talambuhay.


Abstraksyon 1. Ano-ano ang nagawa ni Pangulong
(Pamamaraan ng Magsaysay para sa mga mahihirap at
Pagtalakay) karaniwang mamamayang Pilipino?
2. Ano-ano ang mga kapuri-puring bagay
na nagawa niya para sa sambayanang
Pilipino?
3. Bakit tinawag si Ramon Magsaysay na
idolo ng karaniwang tao?
4. Sa inyong palagay, magagawa kaya ni
Pangulong Magsaysay ang kanyang mga
nagawa noon kung sakalit nabubuhay pa
siya ngayon at siya ang namumuno sa
ating bansa?
5. Kung sakali’t mabigyan ka ng
pagkakataong mamuno sa isang samahan,
ano-ano ang magagawa mo para
matulungan ang mahihirap?
Sa pagbabalangkas, kumuha muna ng
pangunahing kaisipan ng bawat
talataan. Pagkatapos, itala ang
maliliit na detalyeng tumutulong sa
paglinang ng pangunahing kaisipan.
Gamitin ang
malaking titik, bilang Arabiko sa
pagsulat ng mga detalye. Maaaring
gumamit ng pangungusap, parirala o
salita sa pagbabalangkas. Ang
balangkas ay makatutulong sa
pagsasalaysay na muli ng kwento o
seleksyon. Pag-aralan ang balangkas na
ito.

C. PAGSASANAY Punan ng pangunahing paksa o mga


Mga Paglilinang na detalye ang balangkas sa ibaba buhat
gawain: sa iyong binasa.
I. Mga Magulang ni Ramon Magsaysay
A.
B.
II. Pag-aaral ni Ramon Magsaysay
A. _____________________
B. _____________________
C. _____________________
III. Ang mga Katungkulan sa Bawat
Panahon
A. _____________________
B. _____________________
C. _____________________

D. PAGLALAPAT Pangkatin ang klase sa apat. Ipabasa


Aplikasyon ang talambuhay ni Pangulong Manuel A.
Roxas. Gawin ang nasa activity card.

Pangkat I - Isulat ang Pamagat at


Kapanganakan ni Manuel A. Roxas
Pangkat II - Ang mga Magulang ni
Manuel A. Roxas
Pangkat III - Ang Pag-aaral ni Manuel
A. Roxas
Pangkat IV - Ang mga Naging
Katungkulan ni Manuel A. Roxas sa
Pamahalaan
E. PAGLALAHAT Ang pagbabalangkas ay maayos na
Generalisasyon pagtatala ng mga pangunahing kaisipan
o paksa ayon sa pagkakasunod-sunod sa
isang katha, teksto, o seleksyon.
Kung sakaling mabigyan ka ng
pagkakataong mamuno sa isang samahan,
ano-ano ang magagawa mo para
matulungan ang mga mahihirap?

IV. PAGTATAYA Basahing mabuti ang talambuhay ng


ating Pangulong Manuel L. Quezon.
Pagkatapos, gawin ang kasunod na
balangkas.
____________________________

I. Mga Magulang ni Manuel L. Quezon


A. ___________________________
B. ___________________________
II. Pag-aaral ni Manuel L. Quezon
A. ___________________________
B. ___________________________
C. ___________________________
III. Mga Tungkulin sa Pamahalaan
A. ___________________________
B. ___________________________
C. ___________________________

V. TAKDANG-ARALIN
Gumawa ng balangkas sa talambuhay ni
Pangulong Benigno Simeon C. Aquino
III.
Sanayang Aklat 30

PAKSA: “Idolo ng Karaniwang Tao”, Balangkas

TUKLASIN

Ang taong may nagawang mabuti sa kanyang bayan ay hindi


malilimutan ng sangkatauhan.

MOTIBISYUNAL NA TANONG

1. Sino-sino ang mga naging pangulo sa Ikatlong Republika?


2. Sino sa kanila ang tinatawag na idolo ng masang Pilipino?
3. Bakit tinawag siyang idolo ng karaniwang tao?
GAWAIN 1

Pangkatin ang klase sa apat. Magbigay ng mga cartolina strips sa bawat


pangkat. Ipaayos
ang mga nakasulat nito sa balangkas na anyo. Ilagay ang mga
ito sa manila paper. Pagkatapos
ipaskil sa pisara. Gawin lamang ito sa loob ng dalawang
minuto.

III - Ang mga Naging Katungkulan ni Manuel A. Roxas sa


Pamahalaan
Unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas
II – Ang mga Magulang ni Manuel A. Roxas
I – Ang Pag-aaral ni Manuel A. Roxas
Nag-aaral sa Pamantasan ng Pilipinas ng Batas
Nagtapos ng elementarya sa Paaralang Bayan ng Capiz
Sekundarya sa Manila High School
Pangulo ng Pilipinas
Senador
Gobernador
Kinatawan ng Kongreso
Gerardo Roxas Sr.
Rosario Acuña Roxas
PAGSUSURI

GAWAIN 2
Ano ang tawag sa ipinagagawa sa inyo?
Bakit mahalaga ang pagbabalangkas?

ALAM MO BA NA…

Dakila ang lahing kayumangging pinagmulan.


Pinatunayan ito ng ating mga bayani, at mga Pangulo ng ating
bansa sa kagitingan na kanilang nagawa. Narito ang isang
talambuhay.

Idolo ng Karaniwang Tao


(Talambuhay)
.
Nina: Lydia P. Lalunio, Ph.D.
Francisca G. Ril
Patrocinio V. Villafuerte

Si Monching ay ikalawa sa walong anak nina Exequiel Magsaysay at


Perfecta del Fiero.
Ipinanganak siya sa Iba, Zambales noong Agosto 31, 1907. Isang guro sa
bokasyonal na paaralan ang kanyang ama at nagtitinda naman sa kanilang bahay
ang kanyang ina.
Lumipat sila sa Castillejos, Zambales noong sampung taon pa lamang si
Monching. Nagtayo ng isang talyer si Mang Exequiel dito. Nagtapos ng
elementrya si Monching sa Castillejos at sa Zambales Academy. Sa karatig
bayan naman ng San Narciso siya nagtapos ng sekundarya bilang salutatorian ng
kanilang klase. Natapos niya ang apat na taong kurso sa komersyo sa Jose
Rizal College noong 1932. Noong Hunyo 1933, ikinasal siya kay Luz Banzon at
nagkaroon sila ng tatlong anak. Sila ay sina Teresita, Milagros at Ramon
Magsaysay Jr.

Ang kakayahang mamuno ay naipakita ni Monching noong panahon ng


digmaan. Noong 1942, nakipagtulungan siya sa mga matataas na pinuno ng
military ng Estados Unidos sa pagbuo ng Zambales Guerrillas. Naging
tagapamahala sila sa paglalaan ng pagkain at iba pang pangangailangan ng mga
gerilya na nagmumula sa mga sibilyang Pilipino.
Noong liberasyon, siya rin ang namahala sa kaligtasan ng babaang
“Air Strip” ng mga sundalong Amerikano sa bayan ng San Marcelino sa Zambales.
Bilang pagkilala sa kanyang matagumpay na misyon, nataas ang kanyang
tungkulin. Mula sa pagiging isang kapitan siya ay naging komandante. Nahirang
siyang gobernador militar ng Zambales.
Noong 1946, nahalal siyang kinatawan ng Zambales. Hinirang siya
ni Pangulong Manuel Roxas na mamuno ng misyon sa Kongreso ng Estados Unidos
upang mapagtibay ang Rogers Veteran Bill na matagumpay niyang naisagawa.
Napili siyang isa sa sampung pinakamahusay na kinatawan mula 1948
hanggang1951 dahil sa ipinakita niyang kakayahan bilang natatanging
mambabatas.
Napagtibay ang kanyang mga panukalang batas gaya ng paglalaan ng
pondo para sa mga pension ng mga sundalo at kaanak nito, paglikha ng Bureau
of Agricultural Extension at pagtatayo ng Veterans Memorial Hospital.
Nahirang din siyang Kalihim ng Tanggulang Pambansa noong 1950. Siya ang
napiling “Man of the Year” ng taong 1950-1951 ng Phlippine Free Press at
Beterano ng Taon, 1952. Marami pa siyang karangalang natanggap: U.S. Bronze
Star, Legion of Merit Degree of Doctor of Laws, Military Merit Medal,
Presidential Medal for Exemplary Public Service (pinakabatang pinarangalan)
at marami pang iba.
Noong 1953, Kumandidato siya sa pambansang halalan. Dahil sa napamahal
siya sa sambayanang Pilipino, milyun-milyong Pilipino ang nagtaguyod sa
kanyang kandidatura. Bilang nanalong Pangulo ng Pilipinas, siya ang
pinakabatang inihalal sa pinakamataas na tungkulin sa bansa. Naiiba rin siya
sa mga nakaraang nanumpang pangulo ng Pilipinas. Nakabarong Tagalog siya
nang manumpa sa Luneta noong Disyembre 30, 1953.
Mula nang siya ay maging Pangulo ng Pilipinas, nabuksan ang
pintuan ng Malacañang para sa mga taong bayan. Ang sinumang tao na nais
makipagkita sa kanya ay malayang nakapupunta sa Palasyo. Nilikha niya ang
Presidential Complaints and Action Committee upang tumulong sa pamahalaan sa
pagdinig ng mga reklamo at hinaing ng karaniwang tao. Naglunsad siya ng
karagdagang proyekto sa patubig upang tulungan ang mga tao sa mga lalawigan
na maragdagan ang kanilang tanim at mapalaki ang kanilang kinikita.
Naisakatuparan niya ang paghahati-hati ng naglalakihang lupain upang
maipamahagi iyon sa mga magsasaka nang hulugan sa kanilang kinikita. Hinimok
niya na ipakita ang pagmamahal sa bansa sa pamamagitan ng paggamit ng gawang-
Pilipino, tulad ng pagsuot ng barong-tagalog at balintawak, at ng paggamit ng
wikang Filipino. Bilang pangulo, siya ay ilang ulit na pinarangalan sa ibang
bansa dahilan sa kanyang mga nagawa.
Dahilan sa ipinakita niyang katapatan at pagmamalasakit sa
kapakanan ng mahihirap, tinagurian siyang “Idolo ng Karaniwang Tao.”
Mamamalagi sa mga alaala ng mga mamamayang Pilipino ang kadakilaan ng yumaong
Pangulong Ramon Magsaysay.

PAGTATALAKAY

GAWAIN 3
1. Ano-ano ang mga nagawa ni Pangulong Magsaysay para sa mahihirap at
karaniwang mamamayang Pilipino?
2. Ano-ano ang mga kapuri-puring bagay na nagawa niya para sa sambayanang
Pilipino?
3. Bakit tinawag si Ramon Magsaysay na “Idolo ng mga Karaniwang Tao?”
4. Sa inyong palagay, magagawa kaya ni Pangulong Magsaysay ang kanyang mga
nagawa noon kung sakalit nabubuhay pa siya ngayon at siya ang namumuno sa
ating bansa?
5. Kung sakali’t mabigyan ka ng pagkakataong mamuno sa isang samahan, ano-
ano ang magagawa mo para matulungan ang mahihirap?

PAGSASANAY

GAWAIN4

Punan ng pangunahing paksa o mga detalye ang balangkas sa ibaba buhat sa


iyong binasa.

I. Mga Magulang ni Ramon Magsaysay


A.
B.
II. Pag-aaral ni Ramon Magsaysay
A. _____________________
B. _____________________
C. _____________________
III. Ang mga Katungkulan sa Bawat Panahon
A. _____________________
B. _____________________
C. _____________________

PAGLALAPAT

Pangkatin ang klase sa apat. Ipabasa ang talambuhay ni Pangulong


Manuel A. Roxas. Gawin ang nasa activity card.

Unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas

Ang unang pangulo ng Pilipinas ay ipinanganak sa Capiz noong Enero 1,


1892. Anak siya nina Gerardo Roxas Sr. at Rosario Acuña. Kapwa nabibilang sa
mariwasang angkan sa Capiz. Nagtapos siya ng elementarya sa paaralang bayan ng
Capiz at ng sekundarya sa Manila High School. Sa Pamantasan ng Pilipinas siya
nag-aral ng batas at nagtapos siya noong 1913. Nanguna siya sa pagsusulit sa
Bar na may markang 92%.

Sa Maynila siya unang nagtrabaho bilang abogado sa tanggapan ng kanyang


kapatid. Nagturo siya ng batas sa ilang kilalang pamantasan sa Maynila. Nahalal
siyang gobernador ng lalawigan ng Capiz. Nakilala siyang mahusay na
mananalumpati at natatanging mambabatas ng mga pangunahing lider pulitika sa
bansa. Noong 1922, muling kumandidato at nahalal na ispiker ng mababang
kapulungan. Simula noon, naging kaagapay ang batang mambabatas ng dalawang
haligi ng lider pulitiko ng bansa, sina Quezon at Osmeña.

Sa loob ng sampung taon, pinangunahan niya ang tanging misyon ng


Kongreso ng Amerika sa ikapagtatamo ng kalayaan ng ating bansa. Noong 1934,
kumandidato siyang muli at nahalal bilang kinatawan ng konstitusyonal
Kombensyon. Nahirang siyang Kalihim ng Pananalapi, naging Tagapangulo ng
National Development Company at National Council. Ipinakita niya ang kanyang
natatanging kakayahan bilang isang matalinong ekonomista. Bago sumiklab ang
digmaan noong 1941 siya’y muling kumandidato at nahalal na senador.

Noong panahon ng digmaan, 1942-1944, kusang- loob siyang naglingkod


bilang kawal ng lihim ng kilusan ng Hukbong Militar. Siya ang naatasang
komandante ng Hukbo ng Pilipinas at ayudante ni Heneral MacArthur. Siya rin ang
namahala sa pagdadala ng pagkain sa Corregidor at Bataan mula sa Bisaya. Noong
mga panahong iyon malaki ang naitulong niya sa pamumuno ng kilusan ng mga
gerilyang Pilipino hanggang sa pagdating muli ng mga Amerikano sa bansa.
Nahalal siyang Pangulo ng Pilipinas sa pambansang halalan. Napaharap
siya sa napakaraming suliraning iniwan ng nakaraang digmaan. Nanguna rito ang
pagpapanibagong tatag ng ekonomiya ng buong bansa na napinsala ng nakaraang
digmaan. Isa sa kanyang pinakamahalagang nagawa sa sambayanang Pilipino ay ang
pagkakaloob ng panlahat na amnestiya sa lahat ng mga nasasakdal at nakatulong
bilang kolaborator noong panahon ng pananakop ng Hapones. Inatake siya sa puso
noong Abril15, 1948 habang siya ay bumibigkas ng talumpati sa Clark Air Base
sa Pampanga. Hindi na nakita ng magiting na Pangulo ng Pilipinas na si Manuel
A. Roxas ang katuparan ng kanyang mga inadhikang pag-unlad ng katatatag na
Republika ng Pilipinas.

Pangkat I-Isulat ang Pamagat at Kapanganakan ni Manuel A. Roxas


Pangkat II -Ang mga Magulang ni Manuel A. Roxas
Pangkat III - Ang Pag-aaral ni Manuel A. Roxas
Pangkat IV - Ang mga Naging Katungkulan ni Manuel A. Roxas sa
Pamahalaan

TANDAAN

Ang pagbabalangkas ay maayos na pagtatala ng mga pangunahing


kaisipan o paksa ayon
sa pagkakasunod-sunod sa isang katha, teksto, o
seleksyon.

Kung sakaling mabigyan ka ng pagkakataong mamuno sa isang samahan, ano-


ano ang magagawa mo para matulungan ang mga mahihirap?

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Basahing mabuti ang talambuhay ng ating Pangulong Manuel L.


Quezon. Pagkatapos, gawin ang kasunod na balangkas.
Ang Tala ng Baler
Nina: Angelita L. Aragon
Rufina A. Darilag
Zenaida S. Badua
Agripino G. Darilag

Si Manuel L. Quezon ang unang Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas.


Siya ay ipinanganak noong Agosto 19, 1878 sa Baler, Tayabas na ngayon ay
lalawigan na ng Aurora. Ang kanyang ama ay si G. Lucio Quezon at ang
kanyang ina ay si Gng. Maria Molina.

Matalino si Manuel. Lagi siyang nangunguna sa kanyang klase.


Nagsimula siyang mag-aral sa paaralan ng mga pari sa Baler. Ipinagpatuloy
niya ang kanyang pag-aaral sa mataas na paaralan at sa kolehiyo sa
Maynila. Nag-aral siya at nakatapos ng abogasya.

Nagsimulang maglingkod sa bayan si Manuel L. Quezon bilang isang


piskal. Nahalal siyang gobernador at saka kinatawan ng lalawigan ng
Quezon. Nahalal siyang senador at siya ang kauna-unahang Pilipino na
naging Pangulo ng Senado. Malaki ang kanyang nagawa para mapagtibay ang
Batas Tydings-McDuffie sa Kongreso ng Amerika. Ang batas na ito ay
nagtakda ng pagtatatag ng Komonwelt ng Pilipinas. Ito ang nagbigay ng
katiyakan ng kalayaan ng Pilipinas sa pamahalaan ng mga Amerikano. Nahalal
na Pangulo ng Komonwelt si Manuel L. Quezon noong 1935.

I. Mga Magulang ni Manuel L. Quezon


A. ___________________________
B. ___________________________
II. Pag-aaral ni Manuel L. Quezon
A. ___________________________
B. ___________________________
C. ___________________________
III. Mga Tungkulin sa Pamahalaan
A. ___________________________
B. ___________________________
C. ___________________________

TAKDANG ARALIN

Gumawa ng balangkas sa talambuhay ni Pangulong Benigno Simeon C.


Aquino III.
Sabjek: Filipino Baitang: V
Petsa: Sesyon: 31
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa
pagsasalita at pagpapahayag ng
sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin.
Pamatayan sa Pagganap: Nakasasali sa isang usapan tungkol sa
isang paksa.
Kompetensi: Naipapahayag ang sariling opinyon o
reaksiyon sa isang napakinggang balita
isyu o usapan.
Nagagamit ang wika bilang tugon sa
sariling pangangailangan at sitwasyon.
I. LAYUNIN
Kaalaman: Naipapahayag ang sariling opinyon o
reaksiyon sa isang napakinggang balita
isyu o usapan.
Saykomotor: Naisusulat ang sariling opinyon o
reaksiyon sa isang napakinggang balita
isyu o usapan.
Apektiv: Nakaiiwas sa mga sakit dulot ng tag-
ulan.
A. PAKSANG-ARALIN

B. PAKSA Mga Mag-aaral Pinag-iingat Ngayong


Tag-ulan
C. SANGGUNIAN LM sa Filipino, CG F5PS-Ia-j-1
II. KAGAMITANG PAMPAGTUTURO Tsart, larawan
III. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA Paano mo maiiwasan ang sakit dulot ng


Pangmotibesyunal na tag-ulan? Paano mo malalaman na
tanong: uulan? Kayo ba'y nakikinig/nanonood
nga mga balita? Bakit?
Pangkatin ang klase sa apat. Magpakita
ng mga larawan at ipasulat kung ano
ang gagawin nila upang maiiwasan ang
mga ito. Paano natin maiiwasan ang
Aktiviti/Gawain: mga ito?
Bilang isang bata ano ang maitutulong
mo sa mga naging biktima ng isang
trahedya?
B. PAGLALAHAD Isagawa ang role play ng isang TV
Abstraksyon broadcaster gamit ang gawaing
(Pamamaraan ng Pagtalakay) telebisyon. Ito ay ipinagkasundo na ng
mga piling mag-aaral.
1. Tungkol saan ang balita?
2. Sino ang pinag-uukulan ng balita?
3. Anong sakit ang maaring makuha mo
kung maglalaro ka sa lugar na may
mataas na tubig ulan?
4. Ano ang dapat mong gawin upang
makaiwas sa sakit dulot ng tag-ulan
5. Magbigay ng opinyon tungkol dito.
Ang balita ay nagbibigay ng iba’t
ibang impormasyon kaugnay ng mga
pangyayaring nagaganap sa ating bansa
o iba pang dako ng daigdig. Ang mga
impormasyong ito ay mahalagang
pagtalakayan upang makapagpasya kung
ito’y makabubuti sa kapakanan ng
mamamayan at makapagpapaunlad sa ating
kabuhayan. Sa pamamagitan ng
pagbibigay ng tamang reaksyon,
makabubuo ng opinyong pangmadla.
C. PAGSASANAY Basahin ang balita sa ibaba. Magbigay
Mga Paglilinang na gawain: ng opinyon tungkol dito.
Lilinangin ng National Manpower and
Youth Council
( NMYC) ang kakayahan ng mga kabataan
sa bansa na maging mangangalakal o
negosyante at magkaroon ng sariling
sikap. Ang programang ito ay
nagkakaloob sa mga kabataan ng
kaalaman at kakayahan sa pagpapatakbo
ng isang maliit na negosyo sa sarili
nila.
D. PAGLALAPAT Pangkatin ang klase sa apat. Isulat
Aplikasyon ang inyong opinyon/reaksiyon tungkol
dito.
I - Landslide sa Bundok Diwalwal Tatlo
Patay
II - Bata Naliligo sa Creek Nalunod
III - Nagtitinda ng Sampaguita
Nasagasaan Patay
IV- Malaking Baha sa Bulacan
E. PAGLALAHAT Ang pagbibigay ng opinyon o reaksiyon,
Generalisasyon mahalaga na malinaw sa iyo ang
inilalahad nito at ang mga detalye na
sumasagot sa mga tanong na Ano, Sino,
Saan, Kailan, at Paano.
IV. PAGTATAYA Basahing mabuti ang mga balita at
ibigay ang tamang reaksyon dito.
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Nagbabala kamakailan ang DepEd sa
lahat ng mga paaralang pampubliko at
pampribado laban sa madalas na
pagpapalit ng mga aklat na kanilang
ipinapagamit sa mga mag-aaral.
Pinapayagan lamang ng DepEd ang mga
paaralan na magpalit ng aklat tuwing
ikaanim na taon.
a. Dapat sumunod sa itinagubilin ng
DepEd magpalit ng aklat tuwing ikaanim
na taon.
b. Nagbabala ang DepEd laban sa
pagpapalit ng aklat.
c. Maging masigasig ang mga paaralan
sa pagpalit ng aklat tuwing ikaanim na
taon.
2. Ang Kagawaran ng Pangkalusugan ay
nagangampanya sa pagsugpo ng "Dengue
Fever" sa ating mga mamamayan.
Naglunsad ang bawat Health Center ng
bayan kung paano maiiwasan ang
pagkakaroon ng "Dengue Fever." Ang
tamang pagtatapon ng basura sa
basurahan.
a. Dapat sundin ang mga pamamaraan ng
kalinisan ng kapaligiran.
b. Nagbabala ang Kagawaran ng
Pangkalusugan sa pagsugpo ng "Dengue
Fever."
c. Maging malinis sa paligid upang
maiwasan ang Dengue Fever."
V. TAKDANG-ARALIN Makinig/Manood ng balita. Isulat
kung tungkol saan ito at magbigay
ng reaksiyon tungkol dito.

Sanayang Aklat 31

PAKSA: Mga Mag-aaral Pinag-iingat Ngayong Tag-ulan

TUKLASIN
Mahalaga ang kalusugan ng tao mula sa pagkabata.
Pangalagaan ang mga kabataan para sa kanilang magandang kinabukasan.

MOTIBISYUNAL NA TANONG
1. Paano mo maiiwasan ang sakit dulot ng tag-ulan?
2. Paano mo malalaman na uulan?
3. Kayo ba'y nakikinig/nanonood ng mga balita? Bakit?.

GAWAIN 1

Paano mo maiiwasan ang sakit dulot ng tag-ulan?


Paano mo malalaman na uulan?
Kayo ba'y nakikinig/nanonood ng mga balita? Bakit?.
PAGSUSURI

GAWAIN 2

Paano natin maiiwasan ang mga ito?


Bilang isang bata ano ang maitutulong mo sa mga naging biktima ng isang
trahedya?

ALAM MO BA NA…

Mabuting gawi ang makinig/magbasa araw-araw ng mga balita upang


mabatid natin ang mga napapanahong pangyayari dito sa ating
bansa at sa iba pang panig ng daigdig. Ngayon pakinggan ninyo
ang isang balita tungkol sa pinag-iingat ang mga kabataan
ngayong tag-ulan.

Ang Mag-aaral Pinag-iingat Ngayong Tag-ulan


Magandang umaga bayan, nagbabala ang
Kagawaran ng Kalusugan tungkol sa mga sakit na
dulot ng tag-ulan. Pinaaalalahanan ang mga
magulang na huwag hayaan ang mga bata na maglaro
sa mga lugar na may mataas na tubig. Magsuot ng
anumang bagay na natatakpan ang paa upang
maiwasan ang anumang bacteria na nagdudulot ng
sakit na leptospirosis mula sa mga ihi at dumi
ng hayop. Hugasan ng sabon at punasan ng malinis
na tuwalya ang paa pagkatapos lumusong sa tubig.

Maging maingat sa kalusugan upang sakit ay maiwasan.

PAGSASANAY

GAWAIN 3
1. Tungkol saan ang balita?
2. Sino ang pinag-uukulan ng balita?
3. Anong sakit ang maaring makuha mo kung maglalaro ka sa lugar na may mataas
na tubig ulan?
4. Ano ang dapat mong gawin upang makaiwas sa sakit dulot ng tag-ulan
5. Magbigay ng opinyon tungkol dito.

PAGTATALAKAY

Ang balita ay nagbibigay ng iba’t ibang impormasyon kaugnay ng mga


pangyayaring nagaganap sa ating bansa o iba pang dako ng daigdig. Ang mga
impormasyong ito ay mahalagang pagtalakayan upang makapagpasya kung ito’y
makabubuti sa kapakanan ng mamamayan at makapagpapaunlad sa ating kabuhayan.
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang reaksyon, makabubuo ng opinyong
pangmadla.

GAWAIN 4
Basahin ang balita sa ibaba. Magbigay ng opinyon tungkol dito.

Lilinangin ng National Manpower and Youth Council ( NMYC) ang


kakayahan ng mga kabataan sa bansa na maging mangangalakal o negosyante at
magkaroon ng sariling sikap. Ang programang ito ay nagkakaloob sa mga
kabataan ng kaalaman at kakayahan sa pagpapatakbo ng isang maliit na
negosyo sa sarili nila.

PAGLALAPAT
Pangkatin ang klase sa apat. Isulat ang inyong
opinyon/reaksiyon tungkol dito.
Pangkat I - Landslide sa Bundok Diwalwal Tatlo Patay
Pangkat II - Bata Naliligo sa Creek Nalunod
Pangkat III - Nagtitinda ng Sampaguita Nasagasaan Patay
Pangkat IV- Malaking Baha sa Bulacan

TANDAAN

Ang pagbibigay ng opinyon o reaksiyon, mahalaga na malinaw sa iyo


ang inilalahad nito at ang mga detalye na sumasagot sa mga tanong
na Ano, Sino, Saan, Kailan, at Paano.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Basahing mabuti ang mga balita at ibigay ang tamang reaksyon


dito. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Pinapayagan lamang ng DepEd ang mga paaralan na magpalit ng aklat
tuwing ikaanim na taon. a. Dapat
sumunod sa itinagubilin ng DepEd magpalit ng aklat tuwing ikaanim na
taon. b. Nagbabala ang DepEd laban
sa pagpapalit ng aklat.
c. Maging masigasig ang mga paaralan sa pagpalit ng aklat tuwing
ikaanim na taon.
2. Ang Kagawaran ng Pangkalusugan ay nagangampanya sa pagsugpo ng
"Dengue Fever" sa ating
mga mamamayan. Naglunsad ang bawat Health Center ng bayan kung
paano maiiwasan ang pagkakaroon ng "Dengue Fever." Ang tamang
pagtatapon ng basura sa basurahan.
a. Dapat sundin ang mga pamamaraan ng kalinisan ng kapaligiran.
b. Nagbabala ang Kagawaran ng Pangkalusugan sa pagsugpo ng "Dengue
Fever."
c. Maging malinis sa paligid upang maiwasan ang Dengue Fever."

TAKDANG ARALIN

Makinig/Manood ng balita. Isulat kung tungkol saan ito at magbigay


ng reaksiyon tungkol dito.
Sabjek: Filipino Baitang: V

Petsa: Sesyon: 32
Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa
Pangnilalaman: pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya,
kaisipan, karanasan at damdamin.
Pamatayan sa Pagganap: Nakasasali sa isang usapan tungkol sa isang
paksa.
Kompetensi: Nagagamit ang iba't ibang uri ng panghalip sa
usapan at pagsasabi tungkol sa sariling
karanasan.
I. LAYUNIN
Kaalaman: Natutukoy ang panghalip na paari.

Saykomotor: Nakagagawa ng diyalogo gamit ang panghalip na


paari.
Apektiv: Naipagmamalaki ang mga magagandang tanawin sa
Pilipinas.
II. PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA "Ang Lungsod ng mga Pino", Panghalip na Paari”


B. SANGGUNIAN Pagdiriwang ng Wikang Pilipino Wika 5, CG F5WG-
If-j-3
C. KAGAMITANG Tsart, cartolina istrip
PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA Ano-ano ang mga magagandang tanawin sa Pilipinas?


Pangmotibesyunal Sino sa inyo ang nakapunta na sa mga lugar na
na tanong: ito? Ano ang masasabi ninyo sa mga lugar na ito?
Paano mo ito maipagmamalaki?
Pangkatin ang klase sa apat. Bawat pangkat ay
sumulat ng tatlong pangungusap na nagsasalaysay
sa kanilang karanasan tungkol sa magagandang pook
sa Pilipinas. Ano ang napapansin ninyo sa mga
Aktiviti/Gawain: pangungusap na naisulat ninyo?
Ano-ano ang mga panghalip na ginamit ninyo?
B. PAGLALAHAD Pagbasa sa seleksiyon.
Abstraksyon 1. Saan at kailan namasyal ang pamilya nina
(Pamamaraan ng Romualdo?
Pagtalakay) 2. Bakit itinuturing na kabisera kung tag-araw
ang Baguio?
3. Bakit tinawag na zigzag road ang Kennon Road?
4. Ano ang sakit ng inay ni Romualdo? Ano ang
ibig sabihin ng allergy?
5. Anong uri ng klima mayroon ang Baguio?
6. Anong uri ng klima ang nababagay sa sakit ng
inay niya?
7. Ano-anong paninda ang nabili nila roon?
8. Patunayang napakasayang magbakasyon sa Baguio?
9. Ikaw, nais mo rin bang magbakasyon sa Baguio?
Bakit?

Pagtatalakay sa panghalip na paari. Basahin ang


pangungusap sa ibaba.

Ang pinamimili nila ay amin.

Ang panghalip na amin ay panghalip na


paari na ginagamit sa pagpapakita o pagpapahayag
ng pagmamay-ari.

Halimbawa:
Akin, ko
amin, namin
Iyo, mo
atin, natin
Niya, kanya
inyo, ninyo
Nila, kanila
C. PAGSASANAY Basahin ang mga pangungusap. Ibigay ang panghalip
Mga Paglilinang na na paari.
gawain: 1. Ibibigay na ang sa akin.
2. Malapit nang maluto ang sa atin.
3. Ang sa akin ay di mo dapat kunin.
4. Iyo lahat ito..
D. PAGLALAHAT Pangkatin ang klase sa apat. Gawin ito sa loob
Generalisasyon lamang ng 2 minuto.
I - Sumulat ng maikling diyalogo gamit ang
panghalip na paari.
II - Magbigay ng tatlong halimbawa ng panghalip
na paari at gamitin ito sa pangungusap.
III - Magsadula ng maikling dula-dulaan gamit ang
panghalip na paari.
IV - Sumulat ng tatlong pangungusap gamit ang
panghalip na paari at bilugan ang mga ito.

E. PAGLALAHAT Panghalip na paari ang tawag sa mga salitang


Generalisasyon gamit sa pagpapahayag ng pagmamay-ari. Kung ikaw
ay nakapunta sa isa sa magagandang tanawin sa
Pilipinas, paano mo mahikayat ang iba na pumunta
din don?

IV. PAGTATAYA Tukuyin ang panghalip na paari. Isulat ang sagot


sa sagutang papel.
1. Nawala ang sa kanila.
2. Kukunin ko na ang sa kanya.
3. Heto ang sa iyo.
4. Walang pangit sa akin. Lahat ay maganda.
V. TAKDANG-ARALIN Sumulat ng apat na pangungusap gamit ang
panghalip na paari.

Sanayang Aklat 32
PAKSA: “Ang Lungsod ng mga Pino", Panghalip na Paari”

Tuklasin

Ang bansang Pilipinas ay maraming mga magagandang tanawin na


nakahihigit pa sa ibang bansa. Ang mga ito ay dapat na
maipagmamalaki natin. Sa halip na ninais na makapunta sa ibang
bansa unahin ang paggalugad sa ating mga magagandang lugar.

Motibisyunal na tanong:
1. Ano-ano ang mga magagandang tanawin sa Pilipinas?
2. Sino sa inyo ang nakapunta na sa mga lugar na ito?
3. Ano ang masasabi ninyo sa mga lugar na ito?
4. Paano mo ito maipagmamalaki?

Gawain 1
Pangkatin ang klase sa apat. Bawat pangkat ay sumulat ng tatlong
pangungusap na pagsasalaysay sa kanilang karanasan tungkol sa magagandang
pook sa Pilipinas.

PAGSUSURI

Gawain 2
Ano ang napasansin nyo sa mga pangungusap na naisulat ninyo?
Ano-ano ang mga panghalip na ginagamit ninyo?
ALAM MO BA NA…

Mayroon tayong mga tanawin na maipagmamalaki natin. Isa


na rito ang Baguio. Tunghayan natin ngayon ang salaysay ng
tauhan sa karanasan niya sa pagpunta niya dito.

Ang Lungsod ng mga Pino


Nina: Filipinas D. Gabot

Evelyn B. Bellen

Marcela L. Sadang

Ibayong kasiyahan
ang nadarama ko kapag kami ay
isinasama sa pamamasyal ng
aming magulang. Masaya at
nakalilibang ang pamamasyal.
Alam mo ba kung saan at kailan
kami namasyal? Sa lungsod ng
Baguio kami namasyal. Ito ang
itinuturing na kabisera ng
Pilipinas kung tag-araw. Isa
ito sa mga itinuturing na
kabisera ng Pilipinas kung
tag-araw. Isa ito sa mga pook
panturismo na napasyalan ko.

Abril noon, walang pasok. Lubhang mainit ang panahon at tamang-tama


nabigyan ng bakasyon ang aking ama. Nagdaan kami sa Kennon Road. Ito ay pakiwal-
kiwal na daan sa gilid ng bundok at kilala sa tawag na zigzaz road. Totoong
mataas ang lugar na ito. Kaya sariwa, malamig, at amoy pino ang hangin dito.
Ganito ang nababagay na klima kay inay dahil siya ay may allergy. Nagpapantal
ang kanyang balat bukod pa sa pangangati. Lunas ang malamig na klima sa sakit
niya. Umupa sila ng bangka sa Burnham Park at kami ni kuya ay namangka habang
masayang nakatanaw sa amin sina inay at ate. Nawili kami ni kuya sa pamamangka
kaya nang bumalik kami sa lugar na pinag-iwanan namin sa kanila ay wala na sila
roon. “Hayun sila,” sabay turo ni kuya habang hinahanap namin sila. Namili na
pala sila ng mga halaman. May mga gulay, strawberry, bulaklak, walis, bag na
native, at marami pang iba. Marami pa kaming nilibot na lugar tulad ng Mines
View Park, Philippine Military Academy, Teachers Camp, Our Lady of Lourdes, at
Camp John Hay. Talagang napakasayang magbakasyon doon. Halina rin kayong
magbakasyon sa Lungsod ng mga Pino.
PAGTATALAKAY
Gawain 3

1. Saan at kailan namasyal ang pamilya nina Romualdo?


2. Bakit itinuturing na kabisera kung tag-araw ang Baguio?
3. Bakit tinawag na zigzag road ang Kennon Road?
4. Ano ang sakit ng inay ni Romualdo? Ano ang ibig sabihin ng allergy?
5. Anong uri ng klima mayroon ang Baguio?
6. Anong uri ng klima ang nababagay sa sakit ng inay niya?
7. Ano-anong paninda ang nabili nila roon?
8. Patunayang napakasayang magbakasyon sa Baguio.
9. Ikaw, nais mo rin bang magbakasyon sa Baguio? Bakit?

Basahin ang pangungusap sa ibaba.

Ang pinamimili nila ay amin.

Ang panghalip na amin ay panghalip na paari na ginagamit sa


pagpapakita o pagpapahayag ng pagmamay-ari.

Halimbawa:

Akin, ko amin, namin


Iyo, mo atin, natin
Niya, kanya inyo, ninyo
Nila, kanila

PAGSASANAY

Gawain 4

Basahin ang mga pangungusap. Ibigay ang panghalip na paari.

1. Ibibigay na ang sa akin.


2. Malapit nang maluto ang sa atin.
3. Ang sa akin ay di mo dapat kunin.
4. Iyo lahat ito..

 PAGLALAPAT

Pangkatin ang klase sa apat. Gawin ito sa loob lamang ng dalawang


(2 ) minuto.
I - Sumulat ng maikling diyalogo gamit ang panghalip na paari.
II - Magbigay ng tatlong halimbawa ng panghalip na paari at gamitin
ito sa pangungusap.
III - Magsadula ng maikling dula-dulaan gamit ang panghalip na
paari.
IV - Sumulat ng tatlong pangungusap gagamit ang panghalip na paari
at bilugan ang mga ito.

TANDAAN

Panghalip na paari ang tawag sa mga salitang gamit sa


pagpapahayag ng pagmamay-ari.

Kung ikaw ay nakapunta sa isa sa magagandang tanawin sa Pilipinas,


paano mo mahikayat ang iba na magbakasyon din doon?

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Tukuyin ang panghalip na paari. Isulat ang sagot sa sagutang papel.


1. Nawala ang sa kanila.
2. Kukunin ko na ang sa kanya.
3. Heto ang sa iyo.
4. Walang pangit sa akin. Lahat ay maganda.

TAKDANG ARALIN

Sumulat ng apat na pangungusap gamit ang panghalip na paari.


Sabjek: Filipino Baitang: V
Petsa: Sesyon: 33
Pamantayang Pangnilalaman: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa
iba't ibang uri ng teksto at
napalalawak ang talasalitaan
Pamatayan sa Pagganap: Nakapagsasagawa ng readers' theater.

Kompetensi: Naibibigay ang kahulugan ng salitang


pamilyar at di -pamilyar na salita sa
pamamagitan ng kasalungat.
Naibibigay ang bagong natuklasang
kaalaman mula sa binasang teksto.
I.LAYUNIN
Kaalaman: Naibibigay ang bagong natuklasang
kaalaman mula sa binasang teksto.
Saykomotor: Natutukoy ang kahulugan ng salitang
pamilyar at di -pamilyar na salita sa
pamamagitan ng kasalungat.
Apektiv: Naisasa-isip ang mabuti at masamang
dulot ng teknolohiya.

II.PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Kasaysayan ng Kompyuter, Kasalungat


B. SANGGUNIAN LM sa Filipino, CGF5Pt-Ihi-1.5, F5PB-
Ii-15
C. KAGAMITANG Tsart, larawan
PAMPAGTUTURO
VI. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA Ano-ano ang mga makabagong teknolohiya


Pangmotibesyunal na natin ngayon? Ano-ano ang mabuti at
tanong: masamang naidudulot ng makabagong
teknolohiya?
Pangkatin ang klase sa lima. Basahin
ang salita na nasa gitna ng dalawang
kahon. Isulat ang dalawang kasalungat
nito sa loob ng kahon na nasa bawat
Aktiviti/Gawain: gilid nito.
I - masalimuot
II - mahusay
III- nabubuo
IV - umunlad
Pareho ba ang kahulugan ng mga salita?
Ano ang tawag natin sa mga salitang
ito?

B. PAGLALAHAD Pagbasa. Sino si Charles Babbage?


Abstraksyon 1. Anong uri ng computer ang unang
(Pamamaraan ng naisip ni Charles?
Pagtalakay) 2. Kailan niya ito naimbento?
3. Anong makina ang sumunod niyang
naimbento?
4. Ano ang itinawag niya rito?
5. Ano-ano ang mga bagong kaalaman ang
iyong natutuhan sa unang talata?
Ang kasalungat ay kabaligtaran ang
kahulugan.
C. PAGSASANAY Ano-anong mga bagong kaalaman ang
Mga Paglilinang na iyong natutuhan sa unang talata?
gawain: Ibigay ang kasalungat ng mga sumusunod
na salita. mapanganib,
masikip, mahiyain, magdagdag

D. PAGLALAPAT Pangkatin ang klase sa apat. Gawin ito


Aplikasyon sa loob lamang ng limang minuto.
Hanapin sa bawat talata ng binasang
sanaysay ang mga bagong kaalaman na
inyong natutuhan. Gawin ang nakalagay
sa activity card.
I - Graphic Organizer - Unang talata
II - Facstorming Web - Ikalawang
talata
III - Semantic Web - Ikatlong talata
IV - Fishbone Web - Ikaapat na talata
E. PAGLALAHAT Ang kasalungat ay kabaligtaran ang
Generalisasyon kahulugan.
Dapat maging mapanuri sa mga bagong
kaalaman na matutuhan. Maaaring ito ay
magdulot ng mabuti o masama. Isagawa
ang mabuti at iwaksi ang masama.
VII. PAGTATAYA A. Piliin sa loob ng panaklong ang
kasalungat ng salitang itilisado.
1. Ang may pinakamalaking kapatagan sa
bansa ay ang Rehiyon III.
( pinakamalapad, pinakamaliit,
pinakamalawak)
2. Ang Nueva Eciya ay nag-aani ng
pinakamaraming palay.
(pinakakaunti, pinakamalaki,
pinakapuno)
B. Lagyan ng tsek(/) ang mabubuting
dulot ng teknolohiya at ekis(x) ang
masasamang dulot.
1. Mas mapapalapit sa iba sa
pamamagitan ng komunikasyon gamit ang
teknolohiya.
2. Mas mapapadali ang pagresponde sa
mga kaganapan.
3. Maaaring gamitin sa karahasan.
VIII. TAKDANG-ARALIN Tukuyin kung Internet Browser o
Social Media ang mga sumusunod:
1. Iternet Explorer
2. google
3. Chrome
4.You Tube
5. Firefox

Sanayang Aklat 33

PAKSA: Kasaysayan ng Kompyuter, Kasalungat

TUKLASIN
Malaking tulong ang makabagong teknolohiya sa pag-
usad ng kaalaman at ng edukasyon. Subalit kailangan nating
tandaan na nararapat nating gamitin ito ng wasto. Huwag
nating hayaan ang ating mga sarili na abusuhin ang
teknolohiya.

MOTIBISYUNAL NA TANONG

1. Ano-ano ang mga makabagong teknolohiya natin sa


kasalukuyan?
2. Ano-ano ang mabuti at masamang naidudulot ng makabagong
teknolohiya?
GAWAIN 1
Pangkatin ang klase sa apat. Basahin ang salita na nasa gitna
ng dalawang kahon. Isulat ang dalawang kasalungat nito sa loob ng
kahon na nasa bawat gilid nito.

Pangkat I - masalimuot
Pangkat II - mahusay
Pangkat III- nabubuo
Pangkat IV - umunlad

PAGSUSURI
GAWAIN 2

Pareho ba ang kahulugan ng mga salita?


Ano ang tawag natin sa mga salitang ito?

ALAM MO BA NA…

Sa kasalukuyang panahon marami nang makabagong teknolohiyang


nagsusulputan na makatulong sa pagpapadali ng mga gawain natin. Sa
umagang ito babasahin natin ang tungkol sa kompyuter.

Kasaysayan ng Kompyuter

Si Charles Babbage, isang


Ingles na mahusay sa matematika ang unang
nakaisip ng ideya tungkol sa isang
mechanical digital computer noong 1830.
Nagdisenyo at gumawa siya ng isang
masalimuot na makinang tinagurian niyang
analytical engine. Hindi natapos ito ni
Charles, ngunit nagsilbing batayan ng
paggawa ng mga kompyuter sa kasalukuyan
ang mga simulaing ginagamit niya sa
kanyang disenyo.

Pagkaraan ng sandaang taon, isang inhenyerong elektrikal na


Amerikano, si Vannevar Bush, ang gumawa ng unang analog na kompyuter.
Tinawag naman niya itong differential analyzer. Noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig mula 1939 hanggang 1945, gumawa ang mga inhenyero ng
elektrikong kompyuter analog para sa mga kanyong panudla ng mga eroplano.

Nakumpleto ang unang kompyuter na digital, ang Mark I, noong


1944 ni Howard Aiken, isang propesor sa Pamantasan ng Harvard. Si JohnVon
Neumann naman ang nakaisip gumawa ng isang kompyuter na nakapagtatago
ng programa sa memorya ng makina. Ang unang mga disenyo ng kompyuter ay
nabubuo ng programa, ngunit hindi nakapagtatago nito.

Sinasabing may tatlong henerasyon ang mga kompyuter. Binubuo


ang unang henerasyon ng mga kompyuter noong dekada 50. Noon pa man ang
mga kompyuter ay nakakagawa nang libu-libong kalkulasyon sa loob ng isang
segundo. Nalinang ang ikalawang henerasyon ng dekada 60 na ang kahusayan
ay 10 ulit kaysa sa unang henerasyon. Noong 1965 lumabas ang ikatlong
henerasyon ng kompyuter na ang kahusayan ay halos 100 ulit ang kahigitan
sa ikalawang henerasyon.Nakagagawa na ito ng isang milyong kalkulasyon
sa loob ng isang segundo.

Mula noon, patuloy nang umunlad ang mga disenyo ng mga


kompyuter. Laganap na ito sa lahat
ng larangan ng buhay tulad ng industriya, edukasyon, komunikasyon,
transportasyon, medisina at iba pa. Kaya sinasabing ang kasalukuyan at
ang hinaharap ay lubusan nang magiging panahon ng mga kompyuter.

PAGTATALAKAY

GAWAIN 3
Sino si Charles Babbage?
1. Anong uri ng kompyuter ang unang naisip ni Charles?
2. Kailan niya ito naimbento?
3. Ano ang itinawag niya rito?
4. Ano-ano ang mga bagong kaalaman ang iyong natutuhan sa unang
talata?

Ang kasalungat ay kabaligtaran ang kahulugan.

PAGSASANAY

GAWAIN 4
I. Ano-anong mga bagong kaalaman ang iyong natutuhan sa unang
talata?

II. Ibigay ang kasalungat ng mga sumusunod na salita.

mapanganib mahiyain
masikip magdagdag

PAGLALAPAT

Pangkatin ang klase sa apat. Gawin ito sa loob lamang ng


limang minuto. Hanapin sa bawat talata ng binasang sanaysay ang mga
bagong kaalaman na inyong natutuhan. Gawin ang nakalagay sa activity
card.
Pangkat I - Graphic Organizer - Unang talata.

Charles Babbage
Pangkat II - Facstorming Web - Ikalawang talata

Pangkat III - Semantic Web - Ikatlong talata

Pangkat IV - Fishbone Web - Ikaapat na talata


TANDAAN

Ang kasalungat ay kabaligtaran ang kahulugan.

Dapat maging mapanuri sa mga bagong kaalaman na matutuhan.


Maaring ito ay magdulot ng mabuti o masama. Isagawa ang mabuti at
iwaksi ang masama
.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

A. Piliin sa loob ng panaklong ang kasalungat ng salitang itilisado.


1. Ang may pinakamalaking kapatagan sa bansa ay ang Rehiyon III.
( pinakamalapad, pinakamaliit, pinakamalawak)

2. Ang Nueva Eciya ay nag-aani ng pinakamaraming palay.


(pinakakaunti, pinakamalaki, pinakapuno)

B. Lagyan ng tsek(/) ang mabubuting dulot ng teknolohiya at ekis (x) ang


masasamang dulot.
1. Mas mapapalapit sa iba sa pamamagitan ng komunikasyon gamit ang
teknolohiya.
2. Mas mapapadali ang pagresponde sa mga kaganapan.
3. Maaaring gamitin sa karahasan.

TAKDANG ARALIN
Tukuyin kung Internet Browser o Social Media ang mga
sumusunod:
1. Internet Explorer
2. Google
3. Chrome
4. You Tube
5. Firefox

Sabjek: Filipino Baitang: V


Petsa: Sesyon: 34
Pamantayang Pangnilalaman: Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat
ng iba't ibang uri ng sulatin.
Pamatayan sa Pagganap: Nakasusulat ng isang talata tungkol sa
isang isyu o paksa.
Kompetensi: Naibibigay ang datos na hinihingi ng
isang form.

I. LAYUNIN
Kaalaman: Naibibigay ang datos na hinihingi ng
isang form.
Saykomotor: Naisusulat ang mga hinihinging
impormasyon ng isang form.
Apektiv: Nabibigyang-halaga ang pagiging
responsible.
II. PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Isang Usapan


B. SANGGUNIAN LM sa Filipino, CG F5PU-Ii-16
C. KAGAMITANG Tsart, ibat-ibang forms
PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA Kung mag deposito ka ng pera sa bangko


Pangmotibesyunal na anong gagawin mo?
tanong: Ano ang karaniwang hinihinging
impormasyon sa isang pormularyo?
Pangkatin ang klase sa apat.
Bigyan ng iba't ibang forms ang bawat
pangkat at ipasulat ang mga
hinihinging impormasyon nito.
Aktiviti/Gawain: Pangkat I - Deposit Slip
Pangkat II – Community Tax
Pangkat III - Bio-data
Pangkat IV - Aplikasyon sa
Paglahok sa Palarong Sipa
Naging madali ba ang pagsagot sa mga
pormularyo?
Bakit kailangang tama ang iyong
ilalagay sa mga impormasyong hinihingi
sa pormularyo?

B. PAGLALAHAD Pagbasa ng isang usapan.


Abstraksyon 1. Sino-sino ang gumanap sa usapan?
(Pamamaraan ng 2. Ano ang naalala ni Cynthia habang
Pagtalakay) nagbabasa ang magkaibigan?
3. Saan pumunta ang magkaibigan upang
maghanap ng sagot sa kanilang takdang-
aralin?
4. Ano ang sinagutan ni Cynthia bago
makakuha ng aklat?
5. Ano-anong pangangailangan ng card
ang ibinigay na datos ni Cynthia?
6. Bakit hindi niya binigyan ng datos
ang panghuling kolum?
7. Tama ba ang mga datos na ibinigay
ni Cynthia?
8. Anong mabuting ugali ang ipinakita
ng magkaibigan?
9. Ikaw, katulad ka ba ng
magkakaibigan? Paano mo maipakikita
ang pagiging responsible?
Pagsasagawa ng Iba’t ibang “Forms”
May iba’t ibang “forms” o
pormularyong dapat sagutin para makuha
ang pangangailangan. Kapag humihiram
ng aklat sa silid-aklatan ay kailangan
ang “Library card” kapag ibig
maglabas ng pera o magdeposito ng pera
sa bangko ay kailangan ang
“withdrawal/deposit slip.”
C. PAGSASANAY Ibigay ang impormasyong hinihingi sa
Mga Paglilinang na Deposit Slip.
gawain: Idedeposito - P 3,700
2 – P 1,000
3 - P 500
2 – P 200
D. PAGLALAPAT Pangkatin ang klase sa apat. Isulat
Aplikasyon ang mga hinihinging impormasyon.
Pumili ng isa sa inyong kasapi na
magbibigay ng datos sa pormularyo.

I- Pangalan: __________ Kapanganakan:


_________ Gulang:___________
Tirahan: ___________
II- Paaralan:____________ Baitang:
________
Guro: ________________________
III- Ama:______________
Hanapbuhay:____________ Ina:
______________ Hanapbuhay:
______________
IV- Pagkamamamayan:____Estado Sibil:
________
Blng. ng Telepono: _____
E. PAGLALAHAT May iba't ibang pormularyong dapat
Generalisasyon sagutin para makuha ang
pangangailangan. Kailangan din na
masagot ito ng wasto.
Paano ka maging responsible sa iyong
ginagawa?
IV. PAGTATAYA Sagutin ang mga hinihinging
impormasyon ng pormularyo.
V. TAKDANG-ARALIN Bumili ng isang bio-data at ibigay ang
hinihingi nitong impormasyon.

Sanayang Aklat 34
PAKSA: “Isang Usapan” Pormularyo

TUKLASIN

May iba’t ibang “forms” o pormulatyong dapat sagutin para makuha


ang pangangailangan. Kapag humihiram ng aklat sa silid-aklatan ay
kailangan ang library kard. Kapag ibig maglabas ng pera o magdeposito
ng pera sa bangko ay kailangan ang withdrawal/deposit slip.

MOTIBISYUNAL NA TANONG
1. Kung mag deposito ka ng pera sa bangko anong gagawin mo? Ano
ang karaniwang hinihinging impormasyon sa isang pormularyo?

Gawain 1
Pangkatin ang klase sa apat. Bigyan ng iba't ibang forms ang bawat
pangkat at ipasulat ang mga hinihinging impormasyon nito.

Pangkat I - Deposit Slip


Pangkat II – Community Tax
Pangkat III - Bio-data
Pangkat IV - Aplikasyon sa Paglahok sa Palarong Sipa

PAGSUSURI

Gawain 2
Naging madali ba ang pagsagot sa mga pormularyo?
Bakit kailangang tama ang iyong ilagay sa mga impormasyong hinihingi sa
pormularyo?
ALAM MO BA NA…

Ang sinumang may sapat na karunungan ay kailangang sagutin nang


wasto ang mga hinihinging impormasyon sa mga pormularyo. Babasahin natin
ang usapan sa ibaba.

Sa paaralan, sa ilalim ng puno ng mangga habang nagbabasa ang


magkakaibigang sina Cynthia, Maricar, Sonia at Gemma. Naalala ni Cynthia
ang takdang-aralin na ibinigay sa kanila ng guro.

“Oo nga pala, mayroon tayong takdang-aralin sa Filipino,” ang wika


ni Cynthia.

“Ah, oo nakagawa na ba kayo?” tanong ni Maricar. “Hindi pa, bukas


pa naman yun,” sagot ni

Sonia. “Halikayo, pumunta tayo sa ating silid-aklatan, hanapin natin doon


ang mga kasagutan,” ang sabi ni Cynthia.

Nilisan nila ang lugar atpumunta sa silid-aklatan. “Magandang


tanghali po Gng. Rosel, (ang Librarian ng paaralan) kami po ay manghihiram
ng aklat upang maghanap ng mga kasagutan sa aming takdang-aralin,” ang sabi
ni Cynthia. Maaari na po ba kaming kumuha ng aklat?” tanong ni Maricar.
“Hindi pa, kailangang sagutan nyo muna ang Pormang Pang-aklatan,” ang sagot
ni Gng. Rosel.

Iniabot sa kanila ni Gng. Rosel ang Pormang Aklatan at sinimulan


itong sagutan. Nagpasiya ang apat na si Cynthia na lamang ang magbibigay ng
datos sa pormularyo.

Narito ang Pormang-Aklatan na kaniyang sinagutan.

Pangalan: Paaralang Maytalang-I Numero ng


Aklat: F 223

Pangalan ng Batang Petsa ng Petsa ng


Gumamit o Pagkakahiram Pagsasauli
Nanghiram ng Aklat na
ito

Agosto 15, 2016


Cynthia M.
Manalo

Pagkatapos sagutan ang pormularyo iniabot niya ito kay Gng. Rosel.
“Tama ang mga impormasyon na inyong inilagay sa form. “Sige eto na ang
aklat,” sabi ni Gng. Rosel. Ingatan ninyo ang paggamit nito,” dagdag pa
niya. “Opo, salamat po,” ang sagot ng magkakaibigan. ”Madali lang palang
sagutan ang Pormularyong Aklatan. Dapat ay makatotohanan ang mga impormasyon
na iyong ilalagay,” wika ni Cynthia. “Oo nga, halikayo gumawa na tayo ng
ating takdang-aralin,” ang sabi ni Maricar.
Pumunta sila sa mesa at umupo. Sinimulan nilang gawin ang kanilang
takdang-aralin. Kinabukasan, nagwasto ng takdang-aralin ang kanilang guro
at buong husay nilang nasagot ang kanilang takdang-aralin.

PAGTATALAKAY

Gawain 3
1. Sino-sino ang gumanap sa usapan?
2. Ano ang naalala ni Cynthia habang nagbabasa ang magkaibigan?
3. Saan pumunta ang magkaibigan upang maghanap ng sagot sa kanilang
takdang-aralin?
4. Ano ang sinagutan ni Cynthia bago makakuha ng aklat?
5. Ano-anong pangangailangan ng card ang ibinigay na datos ni Cynthia?
6. Bakit hindi niya binigyan ng datos ang panghuling kolum?
7. Tama ba ang mga datos na ibinigay ni Cynthia?
8. Anong mabuting ugali ang ipinakita ng magkaibigan?
9. Ikaw, katulad ka ba ng magkakaibigan? Paano mo maipakikita ang pagiging
responsible?

Pagsagot ng mga hinihinging Impormasyon ng iba’t ibang “Forms”.

May iba’t ibang “forms” o pormularyong dapat sagutin para makuha ang
pangangailangan. Kapag humihiram ng aklat sa silid-aklatan ay kailangan ang
“Library card” kapag ibig maglabas ng pera o magdeposito ng pera sa bangko
ay kailangan ang “withdrawal/deposit slip.”

PAGSASANAY

Gawain 4

Ibigay ang impormasyong hinihingi sa Deposit Slip.


Idedeposito - P 3,700
2 – P 1,000
3 - P 500
2 – P 200

Bangko Sentral
SAVINGS ACCOUNT DEPOSIT SLIP
Pangalan (Account Name)
Bilang ng Account
Halaga ng ideneposito ( sa salita)
___________________________________________

P _____________________
Denominasyon ng perang ideneposito
Perang Papel Bilang Halaga
Tig-iisang Libo
Tiglilimang daan
Tigdadalawang daan
Tig-iisang daan
Tig-lilimampu
Tig-dadalawampu
Tig-sasampu
Kabuuang Halaga

PAGLALAPAT

Pangkatin ang klase sa apat. Isulat ang mga


hinihinging impormasyon. Pumili ng isa sa
inyong kasapi na magbibigay ng datos sa pormularyo.

Pangkat I- Pangalan: _____________


Kapanganakan:_______________
Gulang: _______________
Tirahan:______________________

Pangkat II- Paaralan: ____________ Baitang: ____________


Guro: ________________

Pangkat III - Ama: ______________ Hanapbuhay:


_________________

Ina: _______________ Hanapbuhay:


___________________

Pangkat IV- Pagkamamamayan: ______________ Estado Sibil:


______________

Blg. ng Telepono: ___________________


TANDAAN
Ang mga pormularyo ay magsisilbing batayan ng isang
tao sa mga datos na ibibigay sa isang form. Dahil kung hindi ito ay
maaaring magpahamak sa iyo.

Paano ka maging responsible sa iyong ginagawa?

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Sagutin ang mga hinihinging impormasyon ng pormularyo.


Dahon ng
Impormasyon

Pangalan: _____________________ Gulang: _______________ Kasarian:


____________________
Tirahan: ____________________ Blg. ng Telepono:
_________________________
Petsa ng Kapanganakan: ___________________
Pangalan ng Ina: __________________________ Gawain:
___________________
Pangalan ng Ama: ________________________ Gawain: ___________________
Bilang ng Kapatid: _______ Babae: _______ Lalaki: __________
Pang-ilan sa Magkakapatid: ________________________

TAKDANG ARALIN
Bumili ng isang bio-data at ibigay ang hinihingi nitong
impormasyon.

Sabjek: Filipino Baitang: V


Petsa: Sesyon: 35
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang kakayahan sa
mapanuring pakikinig at pag-unawa sa
napakinggan.
Pamatayan sa Pagganap: Nakapagbibigay ng sariling pamagat
para sa napakinggang kuwento at
pagsasagawa ng roundtable na pag-uusap
tungkol sa isyu o paksang napakinggan.

Kompetensi: Nakasusunod sa 2-3 hakbang na panuto.

I.LAYUNIN
Kaalaman: Nakasusunod sa 2-3 hakbang na panuto.

Saykomotor: Naisasagawa ang 2-3 hakbang na panuto.

Apektiv:
Nakasusunod ng tama sa panuto.

II.PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Pagsunod sa Panuto

B. SANGGUNIAN https://www.slideshare.net>flamerock
CGF5PS-Ih-8, ni Aubrey Joyce B.
Coronico

C. KAGAMITANG Tsart
PAMPAGTUTURO
III.PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA Paano mo maisasagawa ng tama ang isang


Pangmotibesyunal na gawain? Bakit kailangan na masunod
tanong: ang isang panuto? Ipalaro ang larong
"Simon Says"
Ano ang nararamdaman ninyo sa laro?
Madali lang bang gawin? Bakit?

Aktiviti/Gawain:

B. PAGLALAHAD Pagbasa sa Pagsunod sa Panuto. May mga


Abstraksyon ipinagawa si Bb. Villasan sa kanyang
(Pamamaraan ng mga mag-aaral, ano ang mga ito? Kailan
Pagtalakay) ginagamit ang panuto?
Bakit kailangang sundin ang ibinibigay
na panuto?
C. PAGSASANAY Basahin ang mga pangungusap sa bawat
Mga Paglilinang na bilang. Alin-alin ang panuto? Isulat
gawain: ang bilang ng tamang sagot.
1. Nag-aaral sa paaralan ang mga mag-
aaral.
2. Lagyan ng pabalat ang inyong aklat.
3. Masayang nakinig ang mga bata sa
kuwentong ipinarinig ng guro.
4. Basahin ang kuwento sa mga pahina
68-70. Sagutin ang mga tanong na
makikita sa pahina 71.
5. Tasahan ang inyong lapis bago
kopyahin ang tula sa mga pahina 7-8.
D. PAGLALAPAT Pangkatin ang klase sa apat.
Aplikasyon Pangkat I - Gumuhit ng isang malaking
bilog. Gumuhit ng maliit na bilog sa
kaliwa ng malaking bilog.
Pangkat - II - Gumuhit ng isang
parisukat. Gumuhit ng bituin sa loob
nito.
Pangkat III - Isulat ang buong
pangalan ng isa sa inyong kasapi.
Salungguhitan ang patinig at bilugan
ang mga katinig.
Pangkat IV - Kayo ba ay lalaki o
babae? Kung lalaki kayo, iguhit ang
bituin sa ibaba ng bola, Kung babae
kayo, lagyan ng tsek ang manika.
E. PAGLALAHAT Ang pagsunod sa panuto ay nakatutulong
Generalisasyon sa maayos, mabilis at wastong
pagsasagawa ng gawain.
Kung may ipinagagawa ang nanay ninyo,
paano mo ito masusunod ng tama? Ang
pagsunod sa panuto ay nakatutulong sa
maayos, mabilis at wastong pagsasagawa
ng gawain.
IV. PAGTATAYA Sumulat ng panuto sa pag-awit ng
"Lupang Hinirang."

V. TAKDANG-ARALIN Gumawa ng panuto sa pagsasaing ng


kanin.
Sanayang Aklat 35

PAKSA: Pagsunod sa Panuto

TUKLASIN
Sa bahay, paaralan, o maging saanman ay may mga bagay na
dapat sundin ng maayos upang ito ay maging tama. Sa pagsunod natin
sa mga ito ay nagpapabilis at naging maayos ang mga ginagawa natin.

MOTIBISYUNAL NA TANONG
1. Paano mo maisasagawa ng tama ang isang gawain?
2. Bakit kailangan na masunod ang isang panuto?

GAWAIN 1

Ipalaro ang larong "Simon Says"

PAGSUSURI

GAWAIN 2

Ano ang nararamdaman ninyo sa laro?


Paano ninyo nasunod ang ipinagagawa ng guro?

ALAM MO BA NA….

Ang pagsunod nang maayos ay nakabubuti sa mga ipinapagawa.


Babasa tayo ngayon sa usapan sa klase ni Bb. Villasan sa
makikinig ng isang awit, na isinulat ni Aubrey Joyce B.
Corornico.

Makikinig ng awit ang klase ni Bb. Villasan.

Mga bata, makikinig tayo ng isang awit.


Bago natin ito pakinggan, Kumuha kayo
ng isang malinis na papel. Isulat ang inyong pangalan sa
unang guhit sa dakong kaliwa ng
inyong papel.
Itaas ang inyong papel upang
Isulat ang petsa ngayon sa
malaman ko kung nakasunod
kanang bahagi nito.
kayong lahat sa aking sinabi.

Ngayon ay making kayong


mabuti sa awit na aking
patutugtugin.

Matapos ninyong marinig


ang awit ay iguhit ninyo ang
larawan tungkol dito.

Itaas ang inyong iginuhit.


Ngayon, mga bata, isa-isa
kayong pumunta sa harapan at
ipakita ang inyong iginuhit.
PAGTATALAKAY

GAWAIN 3

1. May mga ipinagawa si Bb. Villasan sa kanyang mga mag-aaral, ano ang mga
ito?
2. Kailan gingamit ang panuto?
3. Bakit kailangang sundin ang ibinibigay na panuto?

PAGSASANAY

GAWAIN 4

Basahin ang mga pangungusap sa bawat bilang. Alin-alin ang panuto? Isulat ang
bilang ng tamang sagot.

1. Nag-aaral sa paaralan ang mga mag-aaral.


2. Lagyan ng pabalat ang inyong aklat.
3. Masayang nakinig ang mga bata sa kuwentong ipinarinig ng guro.
4. Basahin ang kuwento sa mga pahina 68-70. Sagutin ang mga tanong na
makikita sa pahina 71.
5. Tasahan ang inyong lapis bago kopyahin ang tula sa mga pahina 7-8.

PAGLALAPAT

Pangkatin ang klase sa apat.

Pangkat I - Gumuhit ng isang malaking bilog. Gumuhit ng maliit na


bilog sa kaliwa ng malaking
bilog.
Pangkat - II - Gumuhit ng isang parisukat. Gumuhit ng bituin sa
loob nito.
Pangkat III - Isulat ang buong pangalan ng isa sa inyong kasapi.
Salungguhitan ang patinig at bilugan ang mga katinig.
Pangkat IV - Kayo ba ay lalaki o babae? Kung lalaki kayo, iguhit
ang bituin sa ibaba ng
bola, Kung babae kayo, lagyan ng tsek ang
manika.
TANDAAN

Ang pagsunod sa panuto ay nakatutulong sa maayos, mabilis at


wastong pagsasagawa ng gawain.

Kung may ipinagagawa ang nanay ninyo, paano mo ito masusunod ng tama?

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Ang pagsunod sa panuto ay nakatutulong sa maayos, mabilis at


wastong pagsasagawa ng gawain.
Kung may ipinagagawa ang nanay ninyo, paano mo ito
masusunod ng tama?

TAKDANG ARALIN

Gumawa ng panuto sa pagsasaing ng kanin.


Sabjek: Filipino Baitang: V
Petsa: Sesyon: 36
Pamantayang Pangnilalaman: Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat
ng iba't ibang uri ng sulatin.
Pamatayan sa Pagganap: Nakasusulat ng isang talata tungkol sa
isang isyu o paksa
Kompetensi: Nakasusulat ng liham pangkaibigan.

I.LAYUNIN
Kaalaman: Nakikilala ang iba't ibang bahagi ng
liham-pangkaibigan
Saykomotor: Nakasusulat ng liham pangkaibigan.
Apektiv: Naipapakita ang paggalang sa mga
bagay na hindi mo pag-aari.

II.PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Isang Liham Pangkaibigan


B. SANGGUNIAN Hiyas sa Wika pahina 52-53, CGF5PU-Ij-
2.3
C. KAGAMITANG Tsart, cartolina istrip
PAMPAGTUTURO
III.PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Sino sa inyo ang may mga kaibigan na
Pangmotibesyunal na nasa malayo? Paano kayo
tanong: nakikipagtalastasan sa kanila? Bakit
mahalaga ang pakikipagtalastasan sa
kanila?
Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat.
Iwasto ang pagkasulat ng ibat'ibang
bahagi ng liham pangkaibigan.
Aktiviti/Gawain: Anong uri ng liham ito?
Paano ninyo isinulat ang liham na ito?
Ano ang nararamdaman mo kong ika’y
nakatanggap ng sulat mula sa iyong
kaibigan?

B. PAGLALAHAD Pagbasa sa "Isang Liham Pangkaibigan"


Abstraksyon 1. Kanino galing ang sulat ni Monette?
(Pamamaraan ng 2. Ano-ano ang ibinabalita ni Lani kay
Pagtalakay) Monette?
3. Malungkot ba si Lani sa kanyang
bagong paaralan? Bakit?
4. Bakit ibig ni Monette na mamasyal
kina Lani?
5. Paano sila makararating doon?
6. Kung ikaw ay taga-Bicol, paano mo
hihikayatin ang kaibigan mo sa ibang
lugar na pumasyal sa inyong lalawigan?
7. Tingnang mabuti at suriin ang sulat
ni Lani kay Monette. Anong uri ng
liham ito?
8. Ano-ano ang bahagi ng liham
pangkaibigan?
9. Paano ito isinusulat? Ano ang
nilalaman ng bawat bahagi?
10. Anong mga bantas ang ginagamit sa
pagsulat ng iba’t ibang bahagi ng
liham pangkaibigan?

Mga Bahagi ng Liham Pangkaibigan


1. Pamuhatan – Isinusulat ang tirahan
ng sumulat at petsa ng pagkakasulat.
2. Bating Panimula – Ito ang
pinakasimulang pagbati ng isang
sumulat sa kanyang sinusulatan.
Ginagamitan ng bantas na kuwit sa
hulihan.
3. Katawan ng Liham – Nakapaloob dito
ang nilalaman o mensaheng nais
ipahatid ng sumulat.
4. Bating Pangwakas – Dito ay magalang
na nagpapaalam ang sumulat. Ito ay
nagtatapos sa kuwit.
5. Lagda – Pangalan ng taong sumulat.
C. PAGSASANAY Ano-ano ang mga bahagi ng liham
Mga Paglilinang na gawain: pangkaibigan? Paano isinusulat ang
bawat bahagi? Anong bantas ang
ginagamit sa bating pangwakas? bating
panimula?

D. PAGLALAPAT Pangkatin ang mga mag-aaral sa


Aplikasyon lima.Mag-isip ng isusulat sa iba't
ibang bahagi ng liham pangkaibigan.
I - Pamuhatan
II- Bating Panimula
III-Katawan ng Liham
IV- Bating Pangwakas
V- Lagda
E. PAGLALAHAT Ang liham pangkaibigan ay may limang
Generalisasyon bahagi, Pamuhatan, Bating Panimula,
Katawan ng liham, Bating Pangwakas at
Lagda.
Ang iyong kapatid ay may sulat at ikaw
ang nakatanggap nito, bubuksan mo ba
ito? Bakit?
IV. PAGTATAYA Sumulat ng maikling liham para sa
iyong kaibigan..

V. TAKDANG-ARALIN Sumulat ng liham para sa iyong


pinsan.

Sanayang Aklat 36

PAKSA: Ang Sulat ni Monette, Liham Pangkaibigan

TUKLASIN
May mga kamag-anak na ang kanilang mga magulang o
kaibigan man ay nakatira sa malayo at doon na naghahanapbuhay. Dahil
dito, gumagawa tayo ng paraan na makipag-ugnayan sa kanila.
MOTIBISYUNAL NA TANONG
1. Sino sa inyo ang may mga kaibigan na nasa malayo?
2. Paano kayo nakikipagtalastasan sa kanila?
3. Ano ang nararamdaman mo kong ika’y nakatanggap ng sulat mula
sa iyong kaibigan?

GAWAIN 1

Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat. Iwasto at isaayos ang pagkasulat ng


liham.
1. ang iyong kaibigan
2. maraming bagong kaalaman ang aming natutuhan sa aming bagong guro sa
agham. Sasali pa nga ako sa Science Quiz Bee sa darating na sabado.
Ipagdasal mong manalo ako.
3. BLK. 11 Lot 622
kalayaan village, pasay city
ika-15 ng pebrero, 1999
4. mahal kong edith
5. edna

PAGSUSURI

GAWAIN 2

Anong uri ng liham ito?


Paano ninyo isinulat ang liham na ito?

ALAM MO BA NA…
Kapag tayo’y nakatanggap
ng isang sulat ay natutuwa at
nasasabik na basahin agad. Gusto
nating malaman kung ano ang
kaniyang kinaroroonan at
kalagayan sa kasalukuyan.
Babasahin natin ngayon ang
tungkol sa liham ni Lani para kay
Monette.
Ang
Sulat ni Monette
Nina: Filipinas D. Gobot
Evelyn B. Bellen
Marcela L. Sadang

“Sulat! Sulat para kay Monette Baskiñas,” ang malakas na tawag ni Mang
Nemy, ang kartero ng Barangay Liberty.
“Monette! Monette! May sulat ka,” ang tawag ng nanay ni Monette.
Sabik na inabot ni Monette ang sulat at dali-dali itong binuksan.”
Naku! Galing kay Lani, ang matalik kong kaibigang lumipat sa isang paaralan sa
lalawigan ng Albay. Mabuti naman at naalala niya ako,” ang wika ni Monette na
tuwang-tuwa.
Narito ang nilalaman ng sulat ni Lani para kay Monette:

12 Baclayon St.

Bacacay, Albay

Ika-10 ng Pebrero, 1999

Mahal kong Monette,

Kumusta ka na? Matagal ko nang ibig makarinig ng balita tungkol sa


iyo, kaya minabuti kong sulatan ka.

Ikaw pa rin ba ang nangunguna sa klase? Alam kong dahil sa iyong


angking talino at tiyaga, malayong may makatalo sa iyo. Bilib na bililb yata
ako sa iyo!

Nalungkot ako sa mga unang araw ko rito, sa bago kong paaralan.


Siyempre pa, hinahanap-hanap ko ‘yong dati kong mga kaibigan at guro, pero sa
ngayon, masayang-masaya na rin ako. Ang bait nila rito.

Alam mo ba, noong isang araw ay nagkaroon kami ng lakbay-aral?


Marami rin palang magandang tanawin dito. Napakaganda pala rito! Narating namin
ang ibaba ng Bulkang Mayon at talaga namang ito’y nakaaakit tingnan. Wala na
yatang bulkan ang gaganda pa sa Bulkang Mayon. Sadyang masidhi ang nararamdaman
kong paghanga sa hugis, tayog, at ganda nito. Ibig ko sanang maakyat ang ituktok
nito kaya lamang napakahirap daw gawin iyon. Nakarating din kami sa Cagsawa
Ruins, ang simbahan na natabunan nang ang Bulkang Mayon ay sumabog noong una
pang panahon. Ang Tore lang ng simbahan ang makikita at sinasabing marami raw
ang namatay dahil sa pagsabog na iyon. Namasyal din kami sa lungsod ng Legaspi.
Napakalinis ng lungsod na ito. Bigla ko tuloy naalala ang Maynila nang makakita
ako ng tindahan ng hamburger. Marami ring malaking tindahan dito. Bumili pa nga
kami ng mga kaklase ko ng mga tsinelas at bag na yari sa abaka. Sana, kasama
kita nang maibili rin kita ng bagong tsinelas.

Sabi ng nanay ko, pupunta raw kami riyan sa bakasyon. Kahit


papaano’y nasasabik na akong dumating ang araw na iyon. Magkikita na naman tayo.
Ikumusta mo na lang ako sa iyong Mommy at Daddy. Pakisabi sa kanilang
nagpapasalamat ako sa magandang jacket na ibinigay nila sa akin nang ako’y
umalis diyan. Malamig dito at palaging umuulan kaya’t palagi ko itong nagagamit.
Aasahan ko ang sagot mo sa sulat kong ito sa lalong madaling panahon.

Ang iyong kaibigan,

Lani
Ang Sulat ni Monette
Nina: Filipinas D. Gobot
Evelyn B. Bellen
Marcela L. Sadang

“Sulat! Sulat para kay Monette Baskiñas,” ang malakas na tawag ni Mang
Nemy, ang kartero ng Barangay Liberty.
“Monette! Monette! May sulat ka,” ang tawag ng nanay ni Monette.
Sabik na inabot ni Monette ang sulat at dali-dali itong binuksan.”
Naku! Galing kay Lani, ang matalik kong kaibigang lumipat sa isang paaralan sa
lalawigan ng Albay. Mabuti naman at naalala niya ako,” ang wika ni Monette na
tuwang-tuwa.
Narito ang nilalaman ng sulat ni Lani para kay Monette:

12 Baclayon St.

Bacacay, Albay

Ika-10 ng Pebrero, 1999

Mahal kong Monette,

Kumusta ka na? Matagal ko nang ibig makarinig ng balita tungkol sa


iyo, kaya minabuti kong sulatan ka.

Ikaw pa rin ba ang nangunguna sa klase? Alam kong dahil sa iyong


angking talino at tiyaga, malayong may makatalo sa iyo. Bilib na bililb yata
ako sa iyo!

Nalungkot ako sa mga unang araw ko rito, sa bago kong paaralan.


Siyempre pa, hinahanap-hanap ko ‘yong dati kong mga kaibigan at guro, pero sa
ngayon, masayang-masaya na rin ako. Ang bait nila rito.

Alam mo ba, noong isang araw ay nagkaroon kami ng lakbay-aral? Marami


rin palang magandang tanawin dito. Napakaganda pala rito! Narating namin ang
ibaba ng Bulkang Mayon at talaga namang ito’y nakaaakit tingnan. Wala na yatang
bulkan ang gaganda pa sa Bulkang Mayon. Sadyang masidhi ang nararamdaman kong
paghanga sa hugis, tayog, at ganda nito. Ibig ko sanang maakyat ang ituktok
nito kaya lamang napakahirap daw gawin iyon. Nakarating din kami sa Cagsawa
Ruins, ang simbahan na natabunan nang ang Bulkang Mayon ay sumabog noong una
pang panahon. Ang Tore lang ng simbahan ang makikita at sinasabing marami raw
ang namatay dahil sa pagsabog na iyon. Namasyal din kami sa lungsod ng Legaspi.
Napakalinis ng lungsod na ito. Bigla ko tuloy naalala ang Maynila nang makakita
ako ng tindahan ng hamburger. Marami ring malaking tindahan dito. Bumili pa nga
kami ng mga kaklase ko ng mga tsinelas at bag na yari sa abaka. Sana, kasama
kita nang maibili rin kita ng bagong tsinelas.
Sabi ng nanay ko, pupunta raw kami riyan sa bakasyon. Kahit papaano’y
nasasabik na akong dumating ang araw na iyon. Magkikita na naman tayo. Ikumusta
mo na lang ako sa iyong Mommy at Daddy. Pakisabi sa kanilang nagpapasalamat ako
sa magandang jacket na ibinigay nila sa akin nang ako’y umalis diyan. Malamig
dito at palaging umuulan kaya’t palagi ko itong nagagamit.
Aasahan ko ang sagot mo sa sulat kong ito sa lalong madaling panahon.

Ang iyong kaibigan,

Lani

Pagkatapos basahin ni Monette ang sulat ay lumapit ito sa kanyang ina at


sinabi, “Nanay, ayon dito sa sulat ni Lani, ang ganda raw ng Albay-isang
lalawigan sa Bicol. Sana, mabigyan tayo ng
pagkakataong makapamasyal doon. Gustong-gusto kong Makita ang Bulkang Mayon.”
“Hayaan mo, anak, kukumbinsihin ko ang Daddy mong doon tayo magbakasyon
sa Abril. Alam mo bang doon nakatira ang isa sa kanyang pinkamatalik na
kaibigan at balak ng iyong Daddy na talagang dalhin kayo roon?” Wika ng nanay
ni Monette.” Padalhan mo ng mensahe ang iyong kaibigan at sabihing darating
tayo roon isa sa mga araw mula ngayon.”

PAGTATALAKAY

GAWAIN 3
1. Kanino galing ang sulat ni Monette?
2. Ano-ano ang ibinabalita ni Lani kay Monette?
3. Malungkot bas si Lani sa kanyang bagong paaralan? Bakit?
4. Bakit ibig ni Monette na mamasyal kina Lani?
5. Paano sila makararating doon?
6. Kung ikaw ay taga-Bicol, paano mo hihikayatin ang kaibigan mo sa ibang
lugar na pumasyal sa inyong lalawigan?
7. Tingnang mabuti at suriin ang sulat ni Lani kay Monette. Anong uri ng
liham ito?
8. Ano-ano ang bahagi ng liham pangkaibigan?
9. Paano ito isinusulat? Ano ang nilalaman ng bawat bahagi?
10. Anong mga bantas ang ginagamit sa pagsulat ng iba’t ibang bahagi
ng liham pangkaibigan?

Mga bahagi ng liham pangkaibigan


1. Pamuhatan – Isinusulat ang tirahan ng sumulat at petsa ng pagkakasulat.
2. Bating Panimula – Ito ang pinakasimulang pagbati ng isang sumulat sa
kanyang sinusulatan.
Ginagamitan ng bantas na kuwit sa hulihan.
3. Katawan ng Liham – Nakapaloob dito ang nilalaman o mensaheng nais ipahatid
ng sumulat.
4. Bating Pangwakas – Dito ay magalang na nagpapaalam ang sumulat. Ito ay
nagtatapos sa
kuwit.
5. Lagda – Pangalan ng taong sumulat.

PAGSASANAY

GAWAIN 4
Sagutin ang mga sumusunod.

Ano-ano ang mga bahagi ng liham pangkaibigan?


Paano isinusulat ang bawat bahagi?
Anong bantas ang ginagamit sa bating pangwakas? bating panimula?

PAGLALAPAT
Pangkatin ang mga mag-aaral sa lima. Mag-isip ng isusulat sa
iba't ibang bahagi ng liham pangkaibigan.

I - Pamuhatan
II- Bating Panimula
III-Katawan ng Liham
IV- Bating Pangwakas
V- Lagda

TANDAAN

Ang liham pangkaibigan ay may limang bahagi, Pamuhatan, Bating


Panimula, Katawan ng liham, Bating Pangwakas at Lagda.

Ang iyong kapatid ay may sulat at ikaw ang nakatanggap nito, bubuksan mo ba
ito? Bakit?

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Sumulat ng maikling liham para sa iyong kaibigan

TAKDANG ARALIN
Sumulat ng liham para sa iyong pinsan.
Sabjek: Filipino Baitang: V
Petsa: Sesyon: 37
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang kakayahan sa
mapanuring panonood ng iba't bang uri
ng media.
Pamatayan sa Pagganap: Nakagagawa ng movie trailer para sa
maikling pelikulang napanood.

Kompetensi: Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa


napanood na maikling pelikula.

I.LAYUNIN
Kaalaman: Naiuugnay ang sariling karanasan sa
napakinggang teksto.
Saykomotor: Naisasadula ang ilang bahagi ng
napanood na maikling pelikula.

Apektiv:
Napahahalagahan ang pagiging masunurin
sa mga ipinagagawa.

II.PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Si Leah, ang Batang Langgam, Si Ping,


ang Matulunging Kambing

B. SANGGUNIAN CG F5PD-Ij-12,
https://youtu.be/B9t3RW2qN4U,
http://youtu.be/o2-BhuMTngM,
https://m.youtube.com>watch

C. KAGAMITANG Telibisyon , video player,video clip


PAMPAGTUTURO ng kuwentong Si Leah… at si Ping….,
larawan
III.PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
Pangmotibesyunal na Magpakita ng larawan ng mga
tanong: langgam. Ano ang ginagawa ng mga
langgam? Paano sila gumagawa? Sa
palagay ninyo bakit sila naghahakot ng
pagkain? Pangkatin ang klase sa
dalawa. Ipaayos ang mga larawang
ibinibigay sa kanila.
Aktiviti/Gawain: I- Larawan sa isang tahanan.
II- Larawan ng paghahanda sa pagpasok
sa paaralan.

B. PAGLALAHAD "Panonood ng kuwentong Si Leah, Ang


Abstraksyon Batang Langgam. Sino-sino ang mga
(Pamamaraan ng tauhan sa napanood na maikling
Pagtalakay) pelikula? Anong uri na batang langgam
si Leah? Ano ang konti niyang
kakulangan? Ano ang gagawin nila sa
araw na iyon?Isalaysay ang mga
pangyayari sa napanood. Ang
pagsunod-sunod ng pangyayari ay ayon
sa tamang pagkakasunod sa
kuwento/pelikula.

C. PAGSASANAY Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa


Mga Paglilinang na napanood na maikling pelikula.
gawain: 1.Naging mabait at masunurin si Leah
at siya na ang nagtuturo sa mga
langgam sa paghahanap ng pagkain.
2. Iyon ang araw sa pagsasanay sa
kaniya sa paghahanap ng pagkain.
3. Sinuway niya ang patakaran sa
pangunguha ng pagkain.
4. Isang umaga ginising si Leah ng
kaniyang ina ngunit siya'y tinatamad.
5. Umiyak siya sa akalang iniwanan
siya ng kaniyang mga kasama.

D. PAGLALAPAT Pangkatin ang klase sa apat. Pumili ng


Aplikasyon mga bahaging nagustuhan ninyo sa
pelikula at isadula ninyo ito.Gawin
lamang sa loob ng 2 minuto.

E. PAGLALAHAT Kinakailangang matamang manood ng mga


Generalisasyon pelikula upang mapagsunod-sunod mo ng
tama ang mga pangyayari.
Kung may iniuutos sa iyo ano ang
gagawin mo? Bakit?
IV.PAGTATAYA Panoorin ang maikling pelikulang Si
Ping, ang Matulunging Kambing.
Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa
napanood na pelikula.

V.TAKDANG-ARALIN Manood ng teleserye ngayong gabi at


isulat ang mga pangyayari sa wastong
pagkakasunod-sunod.

Sanayang Aklat 37

PAKSA: Si Leah, ang Batang Langgam, Pagsunodsunod ng mga Pangyayari.

TUKLASIN
Ang batang hindi marunong sumunod sa mga patakaran ay
makakaranas ng bagay na hindi niya malilimutan.
Mahalaga na ikaw ay maging masunurin.

MOTIBISYUNAL NA TANONG

Magpakita ng larawan ng mga langgam.

1. Ano ang ginagawa ng mga langgam?


2. Paano sila gumagawa?
3. Sa palagay ninyo bakit sila naghahakot ng pagkain?

GAWAIN 1

Pangkatin ang klase sa dalawa. Ipaayos sa wastong pagkakasunod-sunod


ang mga larawan.

I – Larawan sa isang tahanan.

A B C
D

II- Larawan ng paghahanda sa pagpasok sa paaralan.

A B B C

D E F
PAGSUSURI

GAWAIN 2
Madali lang ba ang pagsunod-sunod sa mga larawan?
Paano ninyo ito nagawa?

ALAM MO BA NA…

Kadalasan ang taong hindi sumusunod sa kautusan ay napapahamak. Mapapanood natin


ngayon ang isang maikling pelikula tungkol sa sa isang batang langgam na sumuway sa patakaran
ng mga langgam.

Si Lea ang Batang Langgam


https://youtube/b9t3rw29N4U

PAGTATALAKAY
Gawain 3
1. Ano ang pamagat ng maikling pelikula?
2. Sino-sino ang mga tauhan nito?
3. Ano ang kaunting pagkukulang ni Leah ang batang langgam?
4. Bakit maaga siyang ginising ng kaniyang nanay?
5. Bakit napahiwalay si leah ang batang langgam sa kaniyang mga kasama?
6. Kung kayo si Leah ang batang langgam gagawin nyo rin ba ang ginawa niya?
Bakit?
Pagsunod-sunod ng mga pangyayari sa napanood.
Ang pagsunod-sunod ng pangyayari ay ayon sa tamang pagkakasunod sa
kuwento/pelikula.

PAGSASANAY

Gawain 4

Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa napanood na maikling pelikula.

____ 1. At magmula noon naging masunurin si Leah at lumaki siyang


mabait at matalino. Siya a
ngayon ang nagtuturo sa mga batang langgam kung paano
maghahanap ng pagkain at ng
paano maging masunurin.
____ 2. Hindi sinunod ni Leah ang patakaran. Iniwan niya ang kaniyang
mga kasama at kumain siya.
____ 3. Bumalik siya sa pinaghahakutan nila ng pagkain ngunit wala na
ang kaniyang mga kasama.
____ 4. Si Leah ay isang batang langgam na masayahin at magalang,
ngunit may kaunti siyang
pagkukulang.
____ 5. Maaga siyang ginising ng kaniyang ina dahil ito ang unang araw
ng pagsasanay niya sa pagkuha
ng pagkain.
____ 6. Binalaan siya ni Lala na sa pag-uwi na kakain sabay-sabay na
sila dahil ito ang kanilang
patakaran.

PAGLALAPAT
Pangkatin ang klase sa apat. Pumili ng mga bahaging nagustuhan ninyo sa
maikling pelikula at isadula ninyo ito. Gawin lamang sa loob ng 2 minuto.

TANDAAN

Ang pagsunod-sunod ng pangyayari ay ayon sa tamang pagkakasunod sa


kuwento/pelikula.
PAGSUBOK NG KAALAMAN

Panoorin ang maikling pelikulang Si Ping, ang Matulunging


Kambing. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa napanood na
pelikula.
______ 1. Kung minsan nga lang nagkakadanpalpakpalpak siya dahil
sa munting pilay niya.
______ 2. Bilang pasasalamat ng mahal na Haring Agila ipinarangal
niyang pinakamatulunging mamamayan ng timpalok si Ping
Kambing.
______ 3. Si Ping Kambing ay masayahin at lubos na matulungin.
______ 4. Mula noon mas naging matulungin ang mga mamamayan ng
kaharian ng timpalok dahil nagsilbing inspirasyon nila si
Ping Kambing.
______ 5. Isang gabi nakita niya ang isang agila na walang malay at
ito’y tinulungan niya na lingid sa kaniyang kaalaman ay ito
pala ang hari ng mga Agila.

TAKDANG ARALIN
Manood ng teleserye “Ang Probinsyano” ngayong gabi at
isulat ang mga pangyayari sa wastong pagkakasunod-sunod.

You might also like