You are on page 1of 36

FILIPINO 9

Guro:
Bb. Aubrey Mae T. Baguio
Learning Target:
1. Nasusuri ang maikling
kuwento batay sa paksa, mga
tauhan, pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari, estilo ng
pagsulat ng awtor, at iba pa.
2. Nakikilala ang mga gamit ng
wika.
Ang Maikling
Kuwento
at
Mga Gamit ng
Wika
Ang Maikling Kuwento

Ayon kay Edgar Allan


Poe, Ama ng Maikling
Kuwento, ito ay isang
akdang pampanitikan
na likha sa guni-guni at
bungang-isip na hango
sa isang tunay na
pangyayari ng buhay.
Bahagi ng Maikling Kwento:
A. BANGHAY
-tumutukoy ito sa
maayos at malinaw na
pagkakasunod-sunod ng mga
magkakaugnay na pangyayari
sa paksa.
Bahagi ng Maikling Kwento:
A. BANGHAY
- ay naglalahad ng maayos
na pagsasalaysay ng mga
pangyayari tulad ng ano ang
mga pangyayari at ano ang
kaugnayan at kahulugan ng mg
pangyayaring ito sa binasang
akda.
Bahagi ng Banghay:
Bahagi ng Maikling Kwento:
Bahagi ng Banghay:
1. Eksposisyon
- sa bahaging ito
pininakikilala sa mga
mambabasa ang mga tauhan at
tagpuan.
Bahagi ng Maikling Kwento:
Bahagi ng Banghay:
2. Pasidhing Pangyayari
- tumitindi o tumataas ang galaw o
kilos ng mga tauhan na humahantong
sa sukdulan.Nahahati ito sa saglit na
kasiglahan at tunggalian na may
suliraning lulunasan o lulutasin ng
tauhan.
Bahagi ng Maikling Kwento:
Bahagi ng Banghay:
3. Kasukdulan
- ipinakikita ang mataas na
bahagi ng kapanabikan na sanhi
ng damdamin o maaksyong
pangyayari sa buhay ng mga
tauhan.
Bahagi ng Maikling Kwento:
Bahagi ng Banghay:
4. Kakalasan
- ito ang unti-unting pagbibigay
linaw sa mga pangyayari sa
akda.Dito inihuhudyat ang
pababang aksyon na nagbibigay-
daan sa nalalapit na katapusan ng
akda.
Bahagi ng Maikling Kwento:
Bahagi ng Banghay:
5. Wakas o Katapusan
- ang kinahihinatnan ng mga
tauhan at ng mga pangyayari sa
akda ay inilalahad nito.
Bahagi ng Maikling Kwento:
B. PAKSA
– ito ang sentral na ideya
na nakapaloob sa isang
kuwento o mahalagang kaisipan
sa akda.
Bahagi ng Maikling Kwento:
C. TAUHAN
– ang nagbibigay buhay sa
isang kuwento, makikilala sila sa
kanilang panlabas kaanyuan o
pisikal na panamit, at kilos na
nagpapahiwatig ng kanilang
ugali at diyalogo.
Bahagi ng Maikling Kwento:
D. SULIRANIN
– ang problemang
kakaharapin ng tauhan.
Bahagi ng Maikling Kwento:
E. TAGPUAN
– tumutukoy sa pook o
lugar na pinangyarihan ng
kuwento.
“Si Juan Na Laging Wala Sa Klase”

Si Juan Franciso ay anak ng


mayamang mag-asawa. Pagmamay-
ari ng ama niya ang pinaka-malaking
hacienda sa baryo nila.
Isa namang simpleng maybahay ang
ina niya, hindi na nito kailangang
magtrabaho sa dami ng pera nila.
“Si Juan Na Laging Wala Sa Klase”

Dahil nag-iisa siyang anak ng


mayamang mag-asawa, kampante si
Juan na hinding-hindi na siya
mamumulubi hanggang sa pagtanda
niya.
Ito ang dahilan kung bakit tamad
siya mag-aral.
“Si Juan Na Laging Wala Sa Klase”

“Hindi ko naman kailangan


gumradweyt, e, hindi ko na nga
kailangan mag-aral sa dami ng pera
niyo ni daddy,” palaging katwiran ni
Juan tuwing pinapagalitan ng ina
dahil sa hindi pagpasok sa klase niya.
“Si Juan Na Laging Wala Sa Klase”

Nagpatuloy ang hindi kaaya-


ayang gawain ni Juan.
Kahit guro niya ay pinupuntahan
na siya sa bahay nila upang
kamustahin kung bakit wala siya sa
klase.
“Si Juan Na Laging Wala Sa Klase”

“Anak, kailangan mong mag-


aral. Ang pinag-aralan ang tanging
bagay na hinding-hindi makukuha sa
iyo nino man,” sabi ng ina ni Juan
pagka-alis ng guro niya.
“Si Juan Na Laging Wala Sa Klase”

Hindi na mabilang-bilang ang


mga pagkakataong pinuntahan siya
ng guro niya sa bahay nila. Ngunit,
talagang tamad si Juan.
Mas gugustuhin pa niyang lumiban
sa klase at maglaro sa kompyuter or
mamasyal kasama ang barkada.
“Si Juan Na Laging Wala Sa Klase”

Isang araw, habang naglalaro ng


kompyuter si Juan at kaibigan niyang
si Pedro sa kwarto niya, may narinig
siyang isang malakas na sigaw ng ina
niya.
“Si Juan Na Laging Wala Sa Klase”

“Juan! Juan! Ang daddy


mo,” sabi ng ina ng batang tamad
mag-aral.
Inatake sa puso ang ama ni Juan.
Sinundan ito ng iba’t ibang
komplikasyon
“Si Juan Na Laging Wala Sa Klase”

Halos dalawang buwan na


nakaratay ang daddy niya sa ospital
bago ito pumanaw.
Pati yung hacienda na
pagmamay-ari nila ay naibenta
pambayad sa gastusin sa ospital.
“Si Juan Na Laging Wala Sa Klase”

“Anak, sa darating na pasukan,


kailangan mong lumipat ng
eskwelahan. Hindi na natin
kakayanin yung bayarin sa
pribadong paaralan diyan sa
baryo,” malungkot ng sabi ng ina ni
Juan sa kanya.
“Si Juan Na Laging Wala Sa Klase”

Naghirap silang mag-ina. Maraming


pagkakataon na kinailangan ni Juan
na pumunta sa paaralan na walang
laman ang tiyan o ang bulsa niya.
Doon niya napagtanto na kung sana
e nag-aral siya ng mabuti eh
gradweyt na siya sa kolehiyo at
makakatulong na sa ina niya.
“Si Juan Na Laging Wala Sa Klase”

Mas bata sa kanya ang mga


kaklase niya at ang mga kasing-edad
niya naman ay nagtatrabaho na.
Labis ang panghihinayang ni Juan
sa mga nasayang na panahon ngunit
wala na siyang magagawa.
“Si Juan Na Laging Wala Sa Klase”

“Kung sana pinahalagahan ko


na noon pa ang pag-aaral ko, ‘di
sana hindi na nahihirapan si Mama
maglabada,” ang pagsisisi na laging
bumubungad sa kanya sa tuwing
makikita ang ina na hirap na hirap
makakain lang sila.
Mga Tanong:
1. Sinu-sino ang mga tauhan ng
akda?
2. Ano ang naging suliranin?
3. Saan ang mga tagpuan?
4. Ano ang paksa?
5. Sino ang makapagbibigay ng
banghay?
Mga Gamit ng Wika

Ayon kay Michale


Halliday (1975), isang
dalubhasa sa
komunikasyon ng tao,
may limang natatanging
gamit ang wika.
Mga Gamit ng Wika

1. Interaksyunal
– paggamit ng wika upang
mapatibay ang pakikisalamuha at/o
relasyon sa mga tao.
Halimbawa:
“Magandang Umaga!” “Opo”
“Kumusta ka na?” “Ginang”, “Ginoo”
Mga Gamit ng Wika

2. Regulatoryo
– gamit ng wika kung ito ay
kumokontrol o gumagabay sa kilos
o asal ng iba. Nagpapahiwatig ito
ng awtoridad kaya ito sumusunod.
Mga Gamit ng Wika

Halimbawa:
• Pagbibigay patakan o tuntunin
• Pagbibigay ng direksiyon
• Panuto o paalala
• Pagsulat ng resipe
• Pagsulat ng mga batas
Mga Gamit ng Wika

3. Instrumental
– gamit ng wika kung ginagamit
ito upang matugunan ang mga
pangangailangan o kagustuhan sa
porma ng mongkahi, panghihikayat,
o pagbibigay-utos na hindi kasindihi
ng pagkontrol ng kilos.
Mga Gamit ng Wika

Halimbawa:
• “Gusto ko sanang hingin ang iyong
opinion hinggil sa…”
• Liham Pangalakal
• Liham ng Kahilingan

You might also like