You are on page 1of 15

REPLEKTIBONG

SANAYSAY
REPLEKTIBONG SANAYSAY
Ayon kay Michael Stratford,
isang guro at manunulat,
ang replektibong sanaysay
ay isa sa mga tiyak na uri ng
sanaysay may kinalaman sa
introspeksiyon na
pagsasanay.
REPLEKTIBONG SANAYSAY
Kinapapalooban ito ng pagbabahagi ng mga
bagay na naiisip, nararamdaman, pananaw
at damdamin hinggil sa isang paksa at kung
paano ito nakalikha ng epekto sa taong
sumulat nito. Maihahalintulad ito sa
pagsusulat ng journal at academic portfolio.
Ito ay kadalasang nakabatay sa karanasan
kaya mula nilalaman nito ay masasalamin
ang pagkatao ng sumulat.
REPLEKTIBONG SANAYSAY
Ayon kay Kori Morgan, guro mula
sa West Virginia University at
University of Akron. Ito ay
nagpapakita ng personal paglago
ng isang tao mula sa isang
mahalagang karanasan o
pangyayari.
REPLEKTIBONG SANAYSAY

Madalas, ibinabahagi rin ng


sumusulat ang kanyang
natutuhan at kung paano ito
gagamitin sa buhay sa hinaharap
o kaya naman kung paano pa
pauunlarin ang mga kahinaan
hinggil sa isang tiyak na aspekto.
HALIMBAWA NG MGA PAKSA NA MAAARING GAWAN
NG REPLEKTIBONG SANAYSAY

 librong katatapos lamang basahin


 katatapos na proyekto hinggil sa pananaliksik
 pagsali sa isang pansibikong gawain
 praktikum tungkol sa isang kurso
 paglalakbay sa isang tiyak na lugar
 isyu tungkol sa pagkagumon sa pinagbabawal na
gamot
 isyu tungkol sa mga pinag-aawayang teritoryo sa West
Philippine Sea
 paglutas sa isang mabigat na suliranin
 isang natatanging karanasan bilang mag-aaral
at marami pang iba
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGSULAT NG
REPLEKTIBONG SANAYSAY
 Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis na
iikutan ng nilalaman ng sanaysay.
 Isulat ito gamit ang unang panauhan.
 Mahalagang magtaglay ito ng patunay o patotoo
batay sa iyong mga naobserbahan o katotohanang
nabasa hinggil sa paksa
 Gumamit ng mga pormal na salita sa pagsulat nito.
 Gumamit ng tekstong naglalahad sa pagsulat nito.
 Sundin ang tamang estraktura o bahagi sa
pagsulat ng sanaysay.
 Gawing lohikal at organisado ang pagkakasulat.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG
REPLEKTIBONG SANAYSAY

Ang replektibong sanaysay


ay dapat na magtaglay ng
introduksiyon, katawan at
wakas o kongklusyon.
SA PAGSULAT NG SIMULA
 Maaaring mag-umpisa sa pagsagot sa mga
sumusunod na tanong: Ano ang aking nararamdaman
o pananaw tungkol sa paksa? Paano ito
makakaapekto sa aking buhay? Bakit hindi ito
makakaapekto sa aking pagkatao?
 Matapos masagot ang mga tanong, lagumin ang mga
sagot sa loob ng isang pangungusap.
 Dapat na makapukaw sa atensiyon ng mga
mambabasa
 Maaaring gumamit ng iba’t ibang paraan ng pagsulat
ng mahusay na panimula.
 Maaaring gumamit ng kilalang pahayag mula sa tao o
quotation, tanong, anekdota, karanasan atbp.
 Pagpapakilala ng paksa o layunin.
 Isulat sa loob ng isang talata.
SA PAGSULAT NG KATAWAN
 Dito inilalahad ang mga pantulong o kaugnay na
kaisipan tungkol sa paksa.
 Maglagay ng mga obhetibong datos batay sa
naobserbahan o nararanasan.
 Makakatulong nang malaki kung gagamit ng mga
mapagkakatiwalaang sanggunian bilang karagdagang
datos na magpapaliwanag ng paksa.
 Isulat ang iyong mga napagnilay-nilayan o mga
natutunan, paano umunlad ang iyong pagkatao o mga
gintong aral.
 Magbigay rin ng mga patotoo kung paano nakatulong
ang mga karanasang ito.
SA PAGSULAT NG WAKAS O KONGKLUSYON
 Muling banggitin ang tesis o ang
pangunahing paksa.
 Lagumin ito sa pamamagitan ng
pagbanggit kung paano ito magagamit
ang iyong mga natutuhan sa buhay sa
hinaharap.
 Maaaring magbigay ng hamon sa mga
mambabasa.
 Ang replektibong sanaysay isang personal
na pagtataya tungkol sa isang paksa.
HALIMBAWA NG
REPLEKTIBONG SANAYSAY
Replektibong sanaysay patungkol sa dinaluhang seminar hinggil
sa paksang “ Paghahanda at Paghubog sa mga Mag-aaral ng
ika-21 Siglo”
We need to prepare our children for a competitive
future and the future is now.” Ito’ang katagang
namutawi sa bibig ni Sec. Jesli Lapuz, ang dating
kalihim ng Kagawaran ng edukasyon. Ang
masalimuot na bukas na binabanggit dito ay ang
pagbabagong nararanasan sa buhay ng mga mag-
aaral ng ika-21 siglo dulot ng pagsibol ng
modernisasyon at pagsulpot ng makabagong
imbensiyon at teknolohiya. Mahalagang maunawaan
natin ang katangian ng mga kabataang mag-aaral sa
kasalukuyan at kung paano nila huhubugin upang
maging handa sa pagharap sa totoong buhay.
Ayon sa seminar na aking dinaluhan, ang 21st
century skills na dapat mahubog sa mga mag-aaral na
pilipino sa kasalukuyang panahon ang ang kakayahang
panteknolohiya (technological fluency), komunikasyon
(communication), pakikiisa (teamwork), pamumuno
(leadership), at paglutas sa problema (problem solving).
Kung ang mga ito ay maituturo sa mga mag-aaral,
maihahanda sila sa pagharap sa totoong buhay lalo na
sa larangan ng pagtatrabaho. Tulad na lang halimbawa
ng datos na inilabas ng Department of Labor and
Employment o DOLE, ayon sa kanilang tala, 17.6 % ng
49.1 % ng walang trabahosa bansa noong 2006 ay mga
kabataan. Ang pangunahing dahilan kung bakit
hindi sila matanggap sa trabaho ay dulot ng
kakulangan nila ng sapat na kasanayan sa
komunikasyon o pakikipagtalastasan.
Sa aking personal na karanasan, ang suliraning ito ay
nag-uugat sa kakulangan ng mga gawain sa pagtuturo at
pagkatuto sa paaralan nahumuhubog sa kakayahan ng
mga mag-aaral na magsalita ng mahusay- ito man ay
pasulat o pasalita. Akin ding napagtanto na mahalagang
mataya ang kasanayan ng mga mag-aaralhindi lamang sa
antas na pagsasaulo ng mga datos o mahahalagang
impormasyon sa halip kailangang magamit nila sa
totoong buhay ang kanilang mga natutuhan.
Binigyang-pansin din sa seminar na suportahan ang
isinusulong na pagbabago ng pamahalaan sa edukasyon-
ang paglunsad ng K to 12 Basic Education Program.
Pangitain at layunin ng programang ito na ang bawat
magtatapos na mag-aaral sa Senior High School ay
magtataglay ng sapat na kakayahang panteknolohiya
(Technology Skills), kasanayang pampagkatuto at
paglulunsad ng pagbabago.

You might also like