You are on page 1of 1

DELMENDO, JAMMIL A.

12 HAS 2
Wanpepti + ME = HIV

Para simulant ang tulang aking pinag-isipan ng ilag buwan, shout out nga pala sa ex kong, itago
na lang natin sa pangalang “Mayyang”.

Mayyang, ako’y iyong pinagpalit, dahil sa ako’y gipit. Saan nga ba kumakapit, ang mga poging
tulad ko, ngunit gipit? Minsan lang akong matawag na pogi, may wanpepti sa huli. Eh siyemre
gipit ako, yung bakla na yung lumapit, ‘di pa ba ako kakapit?

Oo, totoo. Totoo na, marumi akong tao. Totoo na, namamakla ako. Pero aking mayyang, gusto
ko lamang na malaman mo, na ginagawa ko lamang ‘to para sa’yo. Para madala kita sa Mc.Do.
Napakaarte mo kasi, ayaw mong kumakain tayo sa tabi-tabi. Wala na nga akong pera aayain mo
pa akong mag milktea, ako lang din manlilibre.

UGGH, saglit lang. May gumugulo sa akin isipan. Mga traumang lagi kong napapanaginipan,
(kahit gising). Mga trauma na hindi ikaw ang dahilan, o hindi dahil sa ako’y iyong iniwan, kundi
sa sarili ko lang ding kagagawan; ang pa-ma-mak-la, na tanging para sa’yo lamang mahal kong
Mayyang.

O teka, bakit kayo nagtatawanan? Kagaya niyo lang din pala si Mayyang.

HINDI NIYO LANG ALAM ANG AKING PINAGDAANAN. MGA GABING


KARAHASAN AY AKING HINAHARAP, PASAKIT SA’KIN AY KANILANG
SINASARAP, KANILA AKONG NILALASAP.

KANILA AKONG HINAHAWAKANG KUNG SAAN-SAAN. MAPA DITO, DITO, DI…TO,


HINAHAPLUSAN. Nakaka kiliti pag minsan. NGUNIT NAKAKA DIRI KUNG AKING
PINAGMAMASDAN. ‘Di ba, ‘di ba? Nakaka diri ‘di ba?

Mapapapikit ako na lang ako sa isang banda, lahat ng gusto nilang gawin ay gagawin nila. Pinag
pi fiestahan nila ang aking katawan habang ako’y nakahiga, makakatulog na lang ako at pagsapit
ng umaga, katabi mo na yung pera.

Araw-araw petsa de peligro, kaya sa bawat araw na gipit ako, bakla ang nilalapitan ko para
masuportahan ko ang luho moa king Mayyang. Bakla kasi ang alam kong madaling kapitan, sa
oras ng pangangailangan. Parang naging trabaho ko na rin ito kasi gabi-gabi may sweldo.
Nagkaroon nga rin ako ng Mio dahil dito. Ito yung lagi naming sinasakyan tuwing kami’y
namamasyal kung saan-saan. Minomotor lang naman naming mula Batanes hanggang Sulo.
LANG NAMAN.

Impusible ‘di ba? Impusible nga. Impusibe, Parang yung chance na, magamot aking
karamdaman. MAY HIV AKO, KAYA SIGE MANDIRI KAYO. Pero sana, kayong mga
kabataan, na kung ituring ay mga pag-asa ng bayan, ‘wag niyo akong tularan. Nag-aantay na
lang ako ng limang minute mula nung sinimulan ko ang tulang ito. Maya-maya, ligwak na ako.
Kaya kung bisyo niyo ang naging trabaho ko, ‘di pa huli ang lahat mga bro. Maghanap kayo ng
masmarangal na trabaho. At kayo, future medical practitioners, sana makagawa kayo ng paraan
para magamot ang ganito klaseng karamdaman.

AT MAYYANG, AKING MAYYANG. Kung ito’y iyong napapakinggan kahit nasan ka man,
yung utang mo sakin na wanpepti ‘wag mo na bayaran. MAHAL NA MAHAL KI…(deads)

You might also like