You are on page 1of 2

:4/Nagsimula ang lahat sa paglalahad ni Rizal ng katotohanan sapamamagitan ng kanyang mga nobela.

Ang Noli
Me Tangere at El filibusterismo ang naging hakbang sa pagtaas ng tabing upang itambad ang nasalikod na
mapanlilang na salita ng pamahalaan at simbahan. Sa nobela sinagot ang mapanirang puring paratang sa mga
Pilipino. Inilahad ang kawawang kalagayan ng Pilipinas, ang kanilang daing.
Dahil sa mga nobela ni Rizal, nabuhay sa puso ng mga Pilipino ang kanilang galit sa pamahalaan maghimagsik at
makamit ang kalayaan ng Pilipinas laban sa mapanlinglang na pamahalaan ng Espanya.
Sa kadahilanang ito, ang pamahalaan ng Espanya ay pinagbibintangan si Jose Rizal bilang pasimuno ng rebelasyon.
Maging ang kanyang kapatid na si Paciano ay pinahirapan para paaminin na si Rizal ay may-kaugnayan sa nasabing
rebelasyon.
Nobyembre 1896 nadakip si Rizal at dinala sa Fort Santiago. Doon siya ay pilit na ipinaaamin kung may kinalaman
siya sa rebelasyon. Nagunita rin ni Rizal ang kanyang nakaraan, kung paano naikwento sa kanya ni Paciano ang
pagbitay sa tatlong paring martyr na GOMBURZA, ang pagtuturo ng kanyang ina na si Teodora Alonzo ng tamang
pagdarasal at ang kwento ng batang gamo-gamo, ang pagpunta niya sa Bian upang mag-aral, ang pagkakakulong
ng kanyang ina ng dalawang taon dahil sa bintang na nilason niya ang kanyang hipag, ang buhay niya sa Ateneo
Municipal at ang paggamot ni Rizal sa problema sa mata ng kanyang nanang. Katulad ng ibang nasasakdal, si Rizal ay
pinapili ng kanyang abugado para i-depensa ang kanyang panig. Si Luis Taviel de Andrade, kapatid ni Jose Taviel na
dating guwardiya ni Rizal, ang naging abugado niya. Naikwento niya dito ang kanyang buhay sa Unibersidad ng Santo
Tomas.
Sa Santo Tomas siya kumuha ng kursong medico. Sa paglagi niya rito, natutunan niyang hindi lahat ng tao ay pantay-
pantay. Labis ang diskriminasyon sa mga estudyanteng Pilipino rito. Minsan noong nagpupulong silang mga kapwa
estudyanteng Pilipino ay inaway sila ng mga estudyanteng Espaol na ikinasugat ni Rizal. Ginamot ang sugat niya
ng tatay ni Leonor habang si Leonor naman, na kanyang pinsan at kasintahan, ay pinayapa ang galit na puso ni Rizal.
Marami napag-usapan sina Rizal at Taviel. Isa na rito ang mga kinalaban ni Rizal. Ayon kay Taviel, ang kinalaban ng
nobela ni Rizal ay ang gobyerno, relihiyon, kastilang kawani ng katarungan at karangalan ng Espanya. Kinatwiran ni
Rizal na bilang isang manunulat, kalaban niya ang lahat pati ang sarili niya. Lahat ng bagay na naisulat niya ay
nakaugat sa katotohanan, sa mga bagay na naisulat niya ay matatagpuan ng mga Pilipino ang kanilang mga sarili,
ang kanilang kasaysayan. Ikinulong nila, pinatay nila, hinukay sa libingan, itinapon.. Ganyan ang ginawa ng mga
Kastila sa karangalan at kasaysayan ng mga Pilipino. Tulad ng ginawa na pagpapahukay at pagpapatapon sa ilog ni
Padre Damaso sa bangkay ng tatay ni Ibarra; pagkatapos niya itong tinanggap sa pamamahay nito at pakainin noong
nabubuhay pa siya ay ganito pa ang iginanti sa ama.
Ikalawa ay ang nais iparating ni Rizal sa Espanya. Hinihiling lamang ng mga Pilipino ay ang pagkakapantay-pantay.
Isang mapayapang pagbabago sa pamamagitan ng edukasyon at gawaing sibiko. Makilala ang Pilipino bilang kapantay
ng kastila.
Ikatlo ang pagpunta ni Rizal sa Europa. Nagtataka si Taviel bakit nagawang iwan ni Rizal si Leonor? Anong layunin
ang mas matimbang pa keysa pagmamahal sa kasintahan? Nagpunta sa iba't ibang lugar sa buong mundo, sinong
nagtutustos saiyo? Isang lihim na organisasyon? Naalala ni Rizal bakit nga ba siya pumunta ng Europa. Pinapunta siya
ng kanyang kuya Paciano upang mag-aral doon ng medisina at gawin ang nararapat para sa bayan. Doon ay matututo
siya at malaya niyang maipamumukha ang baho ng pamahalaan ng mga kastila sa Pilipinas. Malaya niyang maisusulat
ang mga kailangang pagbabago at katarungan sa bayan. Ngunit paano si Leonor? Nasabi nalang ni Pasyano "Ang sarili
mo nalang ba ang iisipin mo?"
Pagbabalik-tanaw..
Taong 1884 nang makarating siya sa Unibersidad Central de Madrid. Dito ay nag-aral siya ng medisina. Napatunayan
niya na tama nga ang sinabi ng kanyang kuya Paciano na malayang magpahayag rito ang mga Pilipino. Kung nais
nilang tawaging hunghang ang mga pari ay masasabi nila. Kung gusto nilang tawaging bobo ang gobyerno ay
papalakpakan pa sila sa kanilang katapangan. Naitatag din dito ang Kilusang Propaganda. Isang organisasyon na
naglalayon ng kalayaan sa pamamahayag at mabigyan ng pantay na karapatan ang mga Pilipino katulad ng mga
Kastila. Ilan sa mga kasapi ay sina Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce at Manuel Hidalgo. Sapamamagitan ng La
Solidaridad, ang pahayagan ng kilusan, naipaparating ng kilusan ang kanilang mga adhikain.
kallanman ay hlndl mawawalan ang bawaL lsa sa aLln ng rason upang makallmuLan aL hlndl pag aralan ang kanlyang
buhay magkagayong wala pa Layo sa kallngklngan nlLo

You might also like