You are on page 1of 2

Nagsimula ang lahat sa paglalahad ni Rizal ng katotohanan sa pamamagitan ng

kanyang mga nobela. Ang Noli Me Tangere at El filibusterismo na naging daan


para mabuhay ang puso ng mga Pilipino upang maghimagsik at makamit ang
inaasam na kalayaan ng Pilipinas laban sa pamahalaan ng Espanya. Inilahad dito
ang kanyang mithiin na kapayapaan para sa mga Pilipino Dahil sa mga nobelang
ito, ang pamahalaan ng Espanya ay pinagbibintangan si Jose Rizal bilang pinuno
ng rebolusyon. Maging ang kanyang kapatid na si Paciano ay pinahirapan para
umamin na si Rizal ay may kinalaman sa nasabing rebelasyon.

Nobyembre 1896 ay nadakip si Rizal at dinala sa Fort Santiago. Sa kulungan ay


may isang alipin o tagasilbi na nakakakuwentuhan niya ng kanyang buhay.
Ginunita niya ang kanyang kabataan, kung paano naikwento sa kanya ni Paciano
ang pagbitay sa tatlong paring martir na GOMBURZA (Gomez, Burgos at
Zamora), ang pagtuturo ng kanyang ina na si Teodora Alonzo at ang kwento ng
batang gamo-gamo, ang pagpunta niya sa Biñan upang mag-aral, ang
pagkakakulong ng kanyang ina, ang pagpapalit ng apelyidong Mercado sa Rizal,
ang buhay niya sa Ateneo Municipal at ang paggamot ni Rizal sa problema sa mata
ng kanyang ina.

Naikwento rin niya ang pagpasok sa Unibersidad Central de Madrid noong 1884.
Dito ay nag-aral siya ng medicina. Naitatag din dito ang Kilusang Propaganda na
isang organisasyon na naglalayon ng kalayaan sa pamamahayag at mabigyan ng
pantay na karapatan ang mga Pilipino katulad ng mga Kastila. Ilan sa mga kasapi
ay sina Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce at Manuel Hidalgo. Sa pamamagitan
ng La Solidaridad, ang pahayagan ng kilusan, naipaparating nila ang kanilang mga
adhikain. Enero ng taong 1891 nang nagkaroon ng pag-aaway sa kilusan ng
maisipan na nilang maghalal ng pangulo. Ayon kay Marcelo H. del Pilar, ang
adhikan ng La Solidaridad ay pampribado na matinding tinutulan ni Rizal. Para sa
kanya ang adhikain ng La Solidaridad ay dapat pambansa.
Pagbalik sa Pilipinas, itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina. Ito’y isang
pansibikong samahan ng mga Pilipino na naglalaman ng pagbabago sa ilalim
ng mga Kastila. Dito ay nakilala niya si Andres Bonifacio. Ngunit ang La Liga
Filipina ay nanatiling pangarap. Itinuring na isang samahan na kumakalaban
sa Espanya ang La Liga Filipina. Nagtanim ng mga mapangwasak na polyeto
ang ilang ahente ng mga prayle sa maleta ni Rizal. Dahil dito, kababalik palang ni
Rizal sa Pilipinas ay ipinahuli na siya at ipinatapon sa isang malayong lugar, sa
Dapitan, isang maliit na bayan sa hilagang-kanluran ng Mindanao. Sa lugar na
iyon ay nakilala niya ang pag-ibig ng kanyang buhay na si Josephine Bracken,
isang Irish na ipinanganak sa Hong Kong, na kung saan ay nagkaroon sila ng anak
pero namatay din ng ilang oras. Sa kabila ng pagpapatapon kay Rizal sa Dapitan at
pagsulat niya ng manifesto na hindi pag-aalsa ang sagot sa hinaing ng mga
Pilipino, nais pa rin ng mga prayle na siya ay mamatay.

Ika-30 ng Disyembre, 1896 ay ang nakatakdang Araw ng Kamatayan ni Rizal. Ang


huling kahilingan ni Rizal ay harapin niya ang mga babaril sa kanya ngunit hindi
siya pinayagan. Ang mga Kastila ay gusto siyang barilin sa likod tulad ng isang
traydor. Nang siya ay pinagbabaril na, naisipan niyang humarap ng kaunti para sa
pagbasak niya sa lupa ay nakaharap siya sa kalangitan. Sa pagkakamatay ni Rizal,
lalong lumaganap ang himagsikan sa Pilipinas. Nakamit ng Pilipinas ang kalayaan
noong ika-12 ng Hunyo, 1898. Ilang taon ang nakalipas, naideklarang Pambansang
Bayani si Dr. Jose P. Rizal.

You might also like