You are on page 1of 3

Tenebris: Ang diyos ng mga Gubat

Isinulat ni: Cale Angelo A. Suarez

“Kung ano ang iyong gagawin, isipin palagi kung tama o mali”

Isang kwentong karanasan kung saan ano ang iyong gagawin ay may epekto kung ito ay
mapapabuti o ikasasama ng isang pangyayari. Noong unang panahon nagsimula ang lahat kung
saan ang mga lalake ay naglilibot sa mga gubat ng Pilipinas para maghanap ng pagkain para sa
kanilang pamilya. Kahit dumating na ang itim na gabi, ang mga lalake ay mukang mga batang
“nagsusunog ng kilay” para makatapos lang ng kanilang Gawain. Habang naglalakad sila sa
malaking gubat at naisipan na nila na bumalik pero napansin nila na hindi na nila alam kung
nasaan sila sa gubat at gusto na nila makauwi. Ang isang lalake na ang pangalan ay Amor ay
naisipan niyang sabihan ang mga kalampo niya na kumalma para makapag-apuhap ng maigi
kung ano ang gagawin nila. Nang lumipas ang isang oras, may nakita si Amor na isang liwanag
na kung saan may nakita itong isang lalake na may sibat. Nagulat naman ito at hindi naman tao
kundi isang makapangyarihang nilalang. Nang lumapit itong isang nilalang nagtanong ito, “Ikaw
ba at mga kalampi mo ay nawawala? Si Amor ay bigla nalang namangha at ito ay hindi
makapagsalita ng maigi kasi may isa siyang nakitang kakaibang lalake na hindi niya nakikita
pero nakasagot ito ng mainam. “Opo nawawala kami at gusto na namin makauwi ng ligtas at
makita ang aming pamilya” ang tugon ni Amor. Nag salita ang lalake na tulungan sila makauwi
ng hindi sila sisigaw ng malakas na wala ng bukas. Nang ito ay nakatulong sa mga kalampi ni
Amor nagpasalamat naman si Amor ng marami na mukang nakakita ng isang reyna. Tinanggap
nung lalake ang pasasalamat ni Amor. Habang paalis yung lalake sumigaw si Amor ano po
pangalan niyo? Ang sagot nung Lalake, “Tenebris… Ang diyos ng mga Gubat. Nang nalaman ni
Amor ang pangalan nito bigla itong nakapagisip kung ano ang pwedeng magawa niya para
mapabalik nito ang pabor ni Tenebris. Kaya gumawa ito ng isang bagay na hindi makikita ng iba.
Nang ibibigay nito ni Amor isinama niya ang buong nayon para makilala nila ang diyos.
Sinubukan ni Amor sumigaw sa Gubat at baka ito lumapit sakanila. Pero hindi lumapit kundi
biglaan nalang dumating nung kumurap ng mata ang mga tao. Nagtanong si Tenebris, “Bakit
ninyo ako tinatawag?” Nagsalita si Amor, “ito po Tenebris pasasalamat ko po sa iyo gawa ng
nailigtas niyo kami sa disgrasya at napauwi niyo po kami ng payapa”. Nang nakita ni Tenebris
ang regalo tinanggap niya ito at nagpasalamat. Pero hindi lang niya ito tinanggap ng walang
kapalit, kahit ang ginawa ni Amor ay magbigay ng regalo para sa nagawi ni Tenebris binalikan
rin naman ng diyos ang binigay ni Amor. Binigay nito ng isang natatanging diamante na hindi
nakikita ng ibang tao kundi ang mga diyos lang ang kayang magbigay at kumuha nito. Nakita ng
mga tao ang ibinigay ni Tenebris at nagbigay rin sila ng pasasalamat kahit wala itong ginagawa
sakanila. Kaya ang nangyari hindi sila nabigyan ng Diamante na katulad nung kay Amor. Dahil
nararamdaman ni Tenebris na hindi naman sila nagbibigay ng pasasalamat para sa pabubuti
kundi para lang dun sa Diamante. Kaya ang mga tao ay puro butas ang bulsa maliban kay Amor
na may Diamante na hawak pauwi. Lumipas ang isang araw at naisipan ng mga tao na pumunta
sa gubat na para maghanap ng pagkain. Nakakita sila ng isang puno na kasing laki ng isang
higante na hindi nila maabot ang mga masasarap na bunga. Kaya ang ginawa nila sinubukan nila
ang ginawa ni Amor sumigaw ng pangalan ng diyos ng mga gubat at bigla itong gumana at
nandun na si Tenebris. Nagtanong ito “kung bakit uli ito itinawag”? Nagsalita ang isa doon sa
tao na ang pangalan ay Rico na nasa gubat na “patulong naman sa pagkuha”. Pumayag si
Tenebris na pumitas ng marami para na rin mabigyan ang iba. Nagpasalamat sila at habang sila
ay pabalik sinamahan na rin niya ang mga tao. Nung nakabalik na sila nagtaka ang mga tao
paano sila nakakuha ng ganung karaming prutas sa isang puno na pinuntahan nila sa gubat.
Sinabi nila na bigay ito ni Tenebris galing sa puno napakali na hindi naming maabot. Nagtaka
ang mga ibang tao, “Nagpasalamat kayo?” tanong ng isa sa mga tao. Sabi nila “Opo”, kaya mas
lalo napaisip ang mga tao. Kaya habang nag-iisip ito bigla nalang kumulo ang tiyan nung
nakakuha ng prutas at umalis na ito. Nagalit ang isang lalake na ang pangalan na Angelo at ang
asawa niya na si Maria. Dahil nainggit ito sakanila gawa ng hindi man lang ito mabigyan sila.
Kaya ang ginawa nila habang pababa ng pababa ang Araw nag-isip sila ng isang plano kung
pano rin sila makakakuha ng Prutas na katulad nung ibang tao at paano rin nila magkakaroon
nung Diamante na katulad na meron si Amor. Kaya ang ginawa nila inisip nila na pumutol ng
mga puno para magkaroon ng prutas na katulad dun kay Rico pero wala naman itong nakuha at
sinubukan rin nito mag hukay para makapaghanap ng Diamante. Pero wala rin silang nahanap na
Diamante. Nang “bumaba si Luna at tumaas si Sol” Nakita kita nalang ni Tenebris na puro putol
na ang puno niya at wala ng natira kahit isang magandang lupa. Nagalit ito ng nagalit kahit an
gang aw-aw nung mga aso sa lugar kung saan si Amor nakatira ay puro maingay. Dahil sa
malakas na sigaw ni Tenebris.

Nang nakadating si Tenebris sa lugar kung saan si Amor nakatira hinanap nito si Amor
hindi dahil para makipagkaibigan kundi makipag-away. Sinigawan niya ito at tinanong, “SINO
ANG GUMAWA NITO SA AKING GUBAT?” Lahat ng tao ay nagsabi na wala naman silang
ginagawa at nagalit rin ito dahil sinisisi ni Tenebris ang mga tao kaya ang ginawa nila ay binato
nito ng binato ng mga bagay na kung ano ang Makita nilang bagay na kaya nilang ibato. Umalis
rin naman si Tenebris at may huling sinabi ito. “Mali ang inyong nagawa kaya magsisi kayo sa
mga susunod na pangyayari.” Habang nagluluto si Amor ng Hapunan para sa kanyang pamilya
ang kanyang asawa ay biglang tumakbo papasok sa kanilang bahay para sabihan si Amor na
nawawala ang kanilang anak. Kaya nagtaka rin ito gawa ng nung lumabas si Amor nakita niya na
nawawala rin ang mga anak nung mga kalampi nito. Nagtaka siya na kung nasan ang anak nito.
Isa dito ang kalampi ni Amor ay inisip na ito ay gawain ng isang diyos kundi si Tenebris. Kaya
ang mga tao ay tumakbo papunta sa Gubat kung saan nasan si Tenebris at sumigaw ito.
“Tenebris, Magusap tayo.” Biglaan nalang dumating uli si Tenebris kung “bakit ito nangyayari
sakanila kung bakit nawawala ang mga anak nila.” Sumagot naman si Tenebris ito ay isa
ninyong parusa gawa sa ginawa niyo sa aking Gubat. Sumigaw naman si Amor na hindi naman
sila ang gumawa nito. Pero hindi pa rin pumayag si Tenebris gawa ng kung hindi ang gagawa
nito sino ang gagawa. Kaya napilitan ang mga lalake na bumalik para gumawa ng armas para
mapatay nila si Tenebris. Kahit ito ay nanghihingalo na sakanila gagawin nila ang lahat para lang
maibalik ang kanilang Anghel ng Tahanan. Kaya nung nakahanda na sila sumugod agad ito sa
Gubat para makipaglaban kay Tenebris. Habang naglalaban sila may napansin si Amor na wala
sa mga lalake at kundi ang kanyang Kapatid na si Angelo. “NASAN SI ANGELO??” Ang sigaw
niya. Bumalik ito na malaman man lang niya na nagtatago pala ito gawa na konsensya siya sa
kanyang ginawa sa pagputol ng puno at paggulo ng mga lupa sa Gubat ni Tenebris.

Sumigaw uli si Amor na sinabi niya ay “TENEBRIS ITIGIL NA ITO!!” itinigil niya ang
laban dahil pumayag ito na pakinggan kung ano ang sasabihin ni Amor. Nag pasensya si Amor
dahil sa gawain ng kanyang kapatid na hindi naman talaga niya ginusto ang mga pangyayari na
ito. Kaya ang ginawa ni Angelo umamin ito kay Tenebris at nagpatawad sa kanyang masamang
gawain kaya ito tinanggap naman ni Tenebris ang Pasensya ni Angelo. Pero umamin rin naman
si Maria na kasali siya dun kaya ang ginawa nila habang pabalik sa lugar ni tinitirhan nila si
Angelo at Maria ay taga dala nalang ng mga gamit na ginamit nila Amor sa paglaban kay
Tenebris at ito ay isang parusa sa mag asawa. Dahil sa inggit nila hindi nila nakontrol ang
kanilang pagkilos at kahit may mga pangyayari na magiging masama ginawa na rin na nila. Pero
hindi lang ito ang parusa nila. May parusa si Tenebris para sa mag asawa, at ang parusa nito ay
magtatanim sila ng puno na mas marami pa dati kaya nung nalaman nila ito. Wala silang
magawa kundi pumayag nalang at hindi sila makakaiwas ang mga payo ni Tenebris. Lumipas
ang sampung taon nagawa na nila ang kalahati na gusto ni Tenebris. Pero ito ang ginawa nila
Nagtulong tulong ang mga tao kasama si Amor at ang pamilya niya para matapos ang gawain
nila mga 1 taon at kalahati ang nakalipas nagawa nila ito at hindi na nahirapan ang mag asawa sa
pagtanim ng mga puno. Kaya sa ngayon ang mga tao pag nagputol ng puno nagtatanim dapat sila
ng kahit 5 ng puno para hindi ito mawala ng pag tulong sa atin gawa sa pagbigay ng oksiheno
para sa ating sarili. Kaya dapat hindi natin putulin ang mga puno sa mga Gubat. Natapos ang
lahat sa mabuti at nakapagsimula uli ng maayos ang mga tao sa mga gawain ni Tenebris.
Hanggang gabi hindi na si Tenebris napikit kundi palagi niya ito minumulat at hindi na siya galit
sakanila at meron na itong pusong mammon sa mga tao na kung san si Amor nakatira.
Pinangalan nila ang kanilang lugar na Lungsod sa Dilim gawa ng tungkol sa Pangalan ng diyos
ng mga Gubat na si Tenebris. Kaya nung nalaman nito nagpasalamat rin ito sakanila di katulad
na sila Amor ang nagpapasalamat sakanya para sa mga gawain ni Tenebris. Kaya hangga’t sa
dulo nang paglaki nung mga puno hindi na uli naulit ang mga pangyayari na ginawa ni Angelo.

WAKAS

You might also like