May isang mag asawang diyos at diyosa na ang pangalan ay Alu na
diyos ng karagatan at Tala na diyosa ng buwan. Sila ay nakatira sa ilalim ng tubig na tinatawag na Eridisiyo ito ang kaharian ni Alu.
Nag sasama ng payapa ang dalawang mag asawa sa ilalim ng
karagatan. Ng isang araw may magandang nabalitaan si Alu, "mag kakaroon na tayo ng anak" wika ni Tala, tuwang tuwa ang mag asawa dahil sa ilang panahon nilang pagsasama ito ang unang beses na mag kakaroon sila ng anak. Makatapos ang ilang buwan nag karoon na sila ng anak na babae at pinangalanan nila itong Odette. Si Odette ay isang maganda na bata na may maitim na balat na mula sakanyang ama at maganda nmn na boses na mula sa kanyang ina. Sa pangangamba ni Alu at ni Tala na hindi lumaki ng maayos si Odette nag imbita sila ng ibang diyos at diyosa upang basbasan si Odette upang magabayan sya sa kanyang pag tanda. Dumating na ang mga diyos at diyosa sakanilang bahay upang bigyan ito ng basbas. Ang unang nag basbas kay Odette ay si Lito sya ang diyos ng liwanag, "binabasbasan ko ang batang ito na lumaki ng may liwanag sa kaniyang puso". Sunod naman ay si Karina sya ang diyosa ng kagandahan "binabasbasan ko ang batang ito na mag karoon ng magandang wangis at magandang puso". Ang pinaka huli naman ay si Tino sya ang diyos ng boses " binabasbasan kita na mag karuon ng magandang boses at gamitin ito upang ipag tangol ang mga nag hihirap". Sa sobrang galak ng mag asawa nag diwang sila kasama ang iba pang mga diyos at diyosa. Sa kabila ng kasiyahan na ito may naiingit na isang diyosa, sya ang diyosa ng dilim na si Alice. Si Alice ay isa sa mga kinakatakutan na diyosa at sya ay nakatira sa bulkan na tinatawag na Daluyo. Nakaramdam si Alice ng selos dahil binayayaan si Odette ng mga diyos. Nag babalak ito na kunin si Odette sa kanyang mga magulang at kunin ang enerhiya na binigay ng mga diyos sakanya,upang sya ang maging pinaka malakas sa mundo ng diyos at diyosa, ngunit makukuha lamang ito ni Alice pag labing walong taon na si Odette. Sa lalagitnaan ng gabi isinagawa ni Alice ang kanyang plano upang kunin si Odette, siya ay naging maliit na isa upang mabilis maka pasok sa bahay ng mag asawa. Pag katapos maka pasok sa kwarto ni Odette kumuha sya ng kumot at binalot si Odette at sila ay biglang nag laho. Pumunta si Alice sa abandonadong tore na walang labasan at duon niya tinago si Odette. Kinabukasan nagulat ang mag asawa dahil nawala ang kanilang anak na si Odette. Panay iyak ang mag sawa at hindi alam kung anong gagawin, nag tanong tanong sila kung may naka kita ba sakanilang anak hangang sa may nakita sila na katawan ng bata sa ilalim ng punong mangga, nanghina si Alu at si Tala sapagkat nawala na ang kanilang mga pangarap para sa kanilang anak. Ngunit hindi nila alam na si Odette ay buhay pa at ang kanilang natagpuan na katawan ay bunga ng punong manga na hinaluan ni Alice ng kanyang kapangyarihan upang maging kawangis ni Odette. Naging matagumpay ang plano ni Alice at pinalaki nya si Odette ng mag isa sa tore at hindi pinapayagan na umalis doon. Makalipas ang labim pitong taon ay kinilala narin ni Odette na ina si Alice at wala siyang kamalay malay sa nangyayari sa kaniyang buhay. Isang araw may lalaki na nag ngangalan na Lance at natagpuan nya ang isang abandunadong tore na kung saan may narinig siya na kumakanta sa taas, agad syang nabighani sa kanyang narinig kaya humanap siya ng daanan upang maka punta sa taas ng tore ngunit siya ay nag taka kung bakit walang lagusan patungo sa taas ng tore. Ngunit desidido Talaga ang lalaki na maka punta at makita kung sino ang kumakanta sa itaas ng tore kaya agad agad itong umuwi at kumuha ng mga gamit upang sya ay maka akyat sa itaas ng tore. Kinaumagahan napag desisyonan ni Lance na pumunta na sa tore, dali-dali niyang kinuha ang kaniyang mga gamit at nag lakbay patungo sa tore. Umalis na si Alice at binalaan niya si Odette na huwag lalabas dahil maari siyang kunin ng mga halimaw agad naman naniwala si Odette at sumagot na lamang ng "Opo ina". Nung naka alis na si Alice doon din ang pag dating ni Lance kumuha siya ng mahabang tali at tinapon ito sa taas ng tore, hindi ito napansin ni Odette dahil sya ay nag lilinis sa loob. Agad na umakyat si Lance upang makita kung sino ang dalaga na lumilikha ng magagandang tinig. Nagulat si Odette at kumuha ng palayok upang gamitin itong armas laban kay Lance, ngunit imbis na matakot si Lance siya ay nabighani sa ganda ni Odette susubukan sana lumusob si Odette ngunit agad-agad itong naiwasan ni Lance. Nag tanong si Odette kung anong kailangan ni Lance habang naka tutok ang palayok kay Lance, sumagot si Lance ng "gusto ko lamang makita ang binibini na lumilikha ng isang napakagandang tinig at hindi nga ako nag kamali, tulad ng iyong boses nakaka bighani din ng iyong mukha" agad naman tinanong ni Odette si Lance kung siya ba ay isang halimaw, nag taka si Lance at nag pakilala kay Odette, nawala ang takot ni Odette at sinabi nya ang tungkol sa kanyang sarili at ikwinento ang pinag sasabi ni Alice sakanya. Agad na nag taka si Lance dahil walang ina ang tratrato ng parang hayop sa kanilang anak. Inalok ni Lance si Odette na bumaba ngunit tumangi si Odette dahil siya ay natatakot na kunin siya ng mga halimaw, ipinaliwanag naman ni Lance na walang katotohanan ang ikwinekwento ni Alice. Sa kalagitnaan ng pag uusap nila dumating na si Alice agad na tumago si Lance sa ilalim ng kama. Nakita ni Alice ang tali sa bintana at pinag bintangan si Odette na tatakas ito, agad na sinapak ni Alice si Odette dahil hindi sinunod ni Odette ang payo ni Alice. Hindi napigilan ni Lance ang inis nya kaya kinuha nya ang palayok na katabi nya at sabay na lumabas sa kama at pinukpok sa ulo si Alice agad na nahimatay si Alice. Nakita nya na umiiyak si Odette at agad nyang kinuha ang kamay nito at sabay silang tumakas sa tore. Pinatahan ni Lance si Odette sa pag iyak, agad naman na gumaan ang loob ni Odette. Sa gitna na muna sila ng bundok nag palipas ng gabi dahil delikado umuwi ng hating gabi. Nagising sila sa boses ni Alice na inuutusan ang kaniyang alagad na hanapin sila Odette at Lance. Dali daling umalis sina Lance sa bundok at napag desisyonan ni Lance na pumunta sila sa kanilang bahay dahil mas ligtas sila roon. Na mangha si Odette sa mga nakikita niya dahil ito ang unang beses maka kita sya ng ibat ibang hayop halaman at iba pa. Nung maka rating sila malapit sa dagat na tagpuan sila ni Alice, agad na kinuha ni Alice ang kanyang matalim na kutsilyo upang patayin si Lance ngunit magaling din si Lance sa pakikipag laban, umiyak ng umiyak si Odette at hindi alam kung anong gagawin. Habang nakikipag laban si Lance kay Alice na pag desisyonan ni Odette tumulong at hindi niya alam na may kapangyarihan siyang taglay, ginamit nila ito upang matalo si Alice at nung malapit na matalo si Alice, itinapon ni Alice ang patalim patungo kay Lance ngunit hinarangan ito ni Odette, sabay na sumigaw si Alice at si Lance, dahil sa madaling panahon na pag sasama ni Lance at Odette na hulog na ito ng tuluyan sa dalaga, samantalang si Alice naman ay nang hinayang dahil sa ilang taon niyang pag sisikap upang mag karoon ng mas malakas na kapangyarihan nawala na lamang ito ng parang bula. Sinaksak ni Alu si Alice sa likod at sabay nag sabi ng "anak" agad na umiyak si Alu at Tala dahil sa kanilang nakita. Hindi sila maka paniwala na buhay si Odette ang kanilang anak nalaman nila ito sa pamamagitan ng marka ni Odette sa likod ng kaniyang tenga. Nagulat din si Lance dahil hindi niya aakalain na ang pag mamahal na naramdaman nya kay Odette ay hindi lag mamahal sa kasintahan kundi pag mamahal sa isang kapatid agad na umiyak ang tatlo at idinala si Odette sa kanilang kaharian.
Inilibing nila ang bangkay ni Odette ngunit may biglang tumubo
na malaking puno na nag rerepresenta ng katangian ni Odette. Nag sisimbulo ang punong ito sa kalayaan at kagandahan ng bawat isang nilalang sa mundo. Kahit anong kasamaan ang papasok sa buhay natin tayo padin ay mananalo kung tayo ay lalaban.