Professional Documents
Culture Documents
RIZAL SCRIPT For Stage Play
RIZAL SCRIPT For Stage Play
Narrator: Noong tatlong taong gulang pa lamang si Rizal, ang kanyang mahal na Ina
ang nagsilbing unang guro na nagturo sa kan’ya na bumasa ng alpabetong
tagalog, espanyol, at ingles.
(Hawak ng Ina ni Rizal ang isang babasahin habang siya’y tinuturuan nito)
Rizal: a, ba, ka, da, e, ga, ha, i, la, ma, na, pa, ra, sa, ta, o, wa, ya.
(Sabay ngingiti ang mag-ina sa isa’t isa at hahawakan ng Ina ang ulo ni Rizal)
Narrator: Makalipas ang maraming buwan, sa taon ‘ding iyon, tinuruan din ng iba’t
ibang pribadong tagapagturo gaya na lamang nina maestro Celestino, na
nagturo na magbasa, magsulat, relihiyon, at sa asignaturang matimatika.
Padua: Ang mag-alala ay huwag mong gagawin Pepe, pagkat sa edad mong iyan ay
marami ka pang dapat matututuhan. (Nakangiti habang nagpapayo)
Rizal: Maraming salamat po uli maestro Padua. (Nakangiti ito habang nakatingin sa
kanyang maestro)
Monroy: Mahilig ka ngang tunay sa sining Pepe. Ang pagiiskultura, ang pagpipinta, at
higit sa lahat sa pagsulat mo ng tula. (pa-bilib na pagpapahayag ng
ekspresyon)
(Habang nagaganap ang eksena ay may dadalaw naman sa tahanan nina Rizal upang
ibalita ang pagka-matay ng maestro Monroy)
RIZAL’S LIFE AND WORKS
- THE LIFE OF FILIPINO’s NATIONAL HERO -
Narrator: Sa bawat araw na lumilipas, mula noong namatay ang guro na si maestro
Monroy, napagdesisyunan ng ama ni Jose na kinakailangan na nitong
pumasok sa paaralan.
Teodora: Hindi ba’t alam mo namang sakitin ang ating anak? (Pag-aalalang tugon)
Francisco: Oo, ngunit siya rin ay masasanay at lalakas din ang kanyang katawan.
(Pagtitiwalang tugon)
(Papasok sa silid ng kaniyang mga magulang ang panganay na lalaking kapatid ni Rizal)
Francisco: Oo Paciano, ihatid mo sa Biñan ang ‘yong kapatid na si pepe Doon na muna
siya mamamalagi at mag-aaral.
Justiniano: Ikaw Jose! Maliit ka na ngang bata, maliit pa ang kaalaman mo!
(Papasok ang eksena ng pagpalo sa kanya ng kaniyang guro dahil sa kakaunting kaalaman
niya sa Espanyol at Latin)
Rizal: Chonggo? ako, chonggo? kaysa naman sayo, bangus! Bangus (4x)
Narrator: Ika-10 ng Hunyo taong 1872, sinamahan si Jose ng kanyang kuya Paciano
patungo sa Maynila. Doo’y nagbakasakaling makapasok sa unibersidad ng
Ateneo.
RIZAL’S LIFE AND WORKS
- THE LIFE OF FILIPINO’s NATIONAL HERO -
Pa. Magin: Hindi ka namin maaring tanggpin dahil una, ika’y nahuli na sa itinalagang
araw ng rehistrasyon. Ikalawa, mukha kang sakitin at patpatin para sa iyong
edad.
Ma. Burgos: Paumanhin po padre Magin, nakaka siguro akong mahusay na mag – aaral
itong si Jose at naniniwala akong magdudulot siya ng magandang reputasyon
sa paaralang ito. Kaya naman nararapat natin siyang tanggapin rito.
Rizal: Salamat Manuel Xerez Burgos, nang dahil sa iyo ako’y pinagbigyang
makapasok at makapag aral sa Ateneo municipal sa kabila ng pagkahuli ko
sa rehistrasyon at maging sa aking patpatin na katawan. (Nakangiting
pagpapasalamat sa kaniyang kaibigan)
Ma. Burgos: Walang anuman Rizal sana’y pagbutihin mo ang iyong pag-aaral rito.
(Nakangiting pag-bati)
Narrator: Hindi naging madali ang mga unang taon ni Jose sa Ateneo. Lubos nyang
pinaghirapang makamit ang matataas na grado upang matuwa sa kanya ang
kanyang nanang na sa mga panahong iyon ay kasalukuyang nasa piitan pa.
Rizal: Mabuti naman po nanang. Matataas naman po ang aking mga nakakamit na
grado. Tatlong buwan nalang nanang at makakalaya kana rito, magkakasama
na tayong muli.
(Sinalubong ng mag-kakapatid ang kanilang ina at kinuha ang ilan sa mga gamit nito)
Teodora: Anak, kay tagal ng panahon ng hindi tayo nagkita, ako ay nangulila sayo
Rizal: Ako rin po nanang. masaya ako na sa wakas kayo ay nakalaya na.
masayang-masaya ako na makita kang muli.
Narrator: Ipinagpatuloy ni jose ang sipag sa pag aaral, nakakuha sya ng mga medalya
at nananatiling matataas ang mga grado.
Narrator: Nasa labing anim na taong gulang si Rizal nang nadama ang unang pag-ibig
sa dalagang nag-ngangalang Segunda Katigbak na taga Lipa Batangas.
Si Rizal noon ay papuntang Trozo Manila upang bisitahin ang kanyang lola.
Kasama niya ang kaibigang si Mariano Katigbak. Isang araw pagdating sa
Lipa ay andon na si Segunda kasama ang iba pang bisita at agad nabighani
si Rizal sa taglay na kagandayan ni Segunda. karamihan sa mga bisita ay
kilala si Rizal bilang isang dalubhasa na pintur kaya hinikayat nila si Rizal na
ipinta ang dalaga, nag aalangan si Rizal kaya iginuhit nalang niya si segunda.
sa tuwing titingin si rizal kay segunda ang kanyang pisngi ay nagsisimulang
mamula. Si Segunda Katigbak ang kanyang puppy love. Sa kasamaang
palad, ang kanyang unang pag-ibig ay ikakasal sa isang taong bayan na si
Manuel Luz
Rizal: Marso 23, 1877… sa wakas dumating na rin ang araw ng aking pagtatapos,
natanggap ko ang pinaka mataas na parangal at akin ring nakamit ang
batsilyer ng artes.
Teodora: Jose! ano ba ang iniisip mo? masyado ka nang maraming nalalaman at baka
mapugutan ka na nang iyong ulo. Cisco! Pigilan mo nga ang anak mo sa
pinaplano niya! (Nag-aalalang pahayag)
Francisco: Hayaan mo siya Teodora. Kung ayan ang nais niya ay bigyan natin siya ng
pagkakataong magdesisyon ng kaniya.
Paciano: Ina, suportahan natin si Jose. Mas maganda siguro kung mas maiintindihan
niya ang lagay ng ating bansa sa pamamagitan ng edukasyon.
Teodora: (iiyak)
Rizal POV: Isang buwan ang lumipas pag-katapos kong makapagtapos sa Ateneo,
nakapagdesisyon ako na kunin muna pansamantala ang kursong Pilosopiya
at Literatura habang ako’y nag-aantay sa sagot ni Padre Pablo Ramon sa
kursong nababagay sa akin. Sa pagkakataong ito, ginamit ko ang apelyidong
Rizal upang hindi maka-agaw ng pansin sa mata ng mga espanyol sa aking
papasukang unibersidad. Habang ako’y nag-aaral sa unibersidad ng Sto.
Tomas ay doon nakilala ko ang isang kaakit-akit at mahinhing dalaga na anak
ni Tiyo Antonio Rivera na nagngangalang Leonor Rivera.
RIZAL’S LIFE AND WORKS
- THE LIFE OF FILIPINO’s NATIONAL HERO -
(Eksena sa isang bahagi ng paaralan)
Rizal: Bakit?
Rizal: Tahimik ang ating pamamaraan. Magsisimula tayo sa ating mga sarili sa
pamamagitan ng pagdadamayan.
(Susugod sa mga kastilang kamag-aral ang Pilipinong kamag-aral ngunit pipigilan ito ni
Rizal)
Tiyo Antonio: O sya, sya, magpahinga ka muna at magdadala ako ng gamot ha!
1-kamag-aral: Sayang Jose, ‘Di mo Nakita kung papa’no naming binugbog ang
mapuputlang Bangus na yon!
Tiyo Antonio: O sya, tama na muna yan at hayaan nyo muna magpahinga si Jose.
Bukas na lang kayo bumalik.
Tiyo Antonio: Ohh, inumin mo muna ito (Ibinigay ang herbal na gamot kay Jose)
Rizal: Wala nga akong ibang babae, baka ikaw ay mas marami nang
nakikilalang lalaki? (Pabirong tugon nito)
RIZAL’S LIFE AND WORKS
- THE LIFE OF FILIPINO’s NATIONAL HERO -
Leonor: Sino naman ang makikilala ko eh hind inga ako masyadong umaalis sa
dormitoryo?
Rizal: Mabuti pang ipagpatuloy na lamang sa ibang bansa ang aking pag-aaral.
dahil aking nakita sa unibersidad ng Sto. Tomas ang diskriminasyon sa mga
Pilipinong mag-aaral na tulad ko. Hindi ko na matitiis pa ang pang-aapi ng
mga propesor at mga namumuno roon. Higit na makabubuting ipagpatuloy
ko na lamang sa ibang bansa ang aking pangarap na maging isang
manggagamot. (Mariing pahayag nito sa kaniyang sarili)
Paciano: (Mahining pagbabasa ng liham ni Rizal) Mahal kong kapatid, nais kong
ipabatid ang aking pasasalamat sa iyong pagsuporta sa aking planong pag
alis. Iilan lamang kayong nakakaalam ng aking ninanais tulad nina Ate
Saturnina, Lucia, Tio Antonio, ang mga Valenzuela at ang aking ilang
matatalik na kaibigan. Kung maaari, ipabatid mo sa ating mga magulang at
sa aking minamahal na Leonor, patawarin nila ako sa aking biglaang
paglisan. Hindi ko kailanman kalilimutan ang aking misyon, at ito ay ang
mag obserba sa pamumuhay at kultura, lenguahe at adwana, industriya at
komersyo, ang gobyerno at batas dito sa Europa. Ito ay magsisilbing aking
paghahanda upang makatulong sa pagpapalaya sa ating bansang inaapi at
tinatapak tapakan. Lubos na nagmamahal, Pepe.
(Eksena kung saan matapos kumaway sa kanyang mga kaibigan at sumulyap sa huling
pagkakataon ay kumuha sya ng panulat at papel at iginuhit ni Rizal ang Maynila at
kanyang iba pang nakikita habang papalayo sa kanilang lugar)
1-Kaibigan: Jose?
2/3-kaibigan: Uy Pepe!
Rizal: Ayos lang din ako at Tama din kayo, dito na rin ako mag-aaral.
Apakagulo ng Sistema sa Unibersidad ng Sto. Tomas sa Pilipinas.
Hindi na makatarungan ang mga nakatataas.
2-Kaibigan: Nako Pepe, mukhang madami kang ikukwento samin ngayon simula
ng huli tayong lahat na mag-usap.
(Eksena kung saan ang imprentahan ay maglalabas ng dyaryo na nakalimbag din roon
ang kaniyang gawa at pagpapadala ng liham sulat ng kaibigan ni Rizal na si Francisco
Calvo)
Rizal: (Liham ni Francisco Calvo habang ito’y kaniyang binabasa) Binabati kita
Rizal! Napakahusay mo talagang sumulat ng akda. Nawa’y hindi ito ang
huling akdang maipalilimbag mo sa ating Palimbagan ng Dyaryong Pilipino.
Rehistrar: Aquí tienes tus Horarios de las materias que debes ingresar. (Narito ang
mga magiging Iskedyul mo sa asignatura na dapat mong pasukan)
Rizal POV: Sinunod ko ang payo ng aking Kuya Paciano. Ipinagpatuloy ko ang
aking pag-aaral sa Universidad Central De Madrid. Kumuha ako ng
dalawang kurso, ang Medisina at Pilosopiya Sa Pagsulat.
Morayta)
Rizal: Isang pag-pupugay sa aking mga mahal na kaibigan. Isang pagkilala ito
bilang malikhain ang mga Pilipino at may Magandang ugnayan sa poong
may kapal, bagay na hindi lingid ng ilang mga kastila sa aming pinanggalingang
bansa.
(Eksena kung saan Matamang nakikinig ang lahat ng mga nasa pagtitipon)
Narrator: Taong 1885 nang makapag tapos ng pag aaral sa Madrid si Rizal kasabay
ng kaniyang kaarawan. Sa pagkakataong iyon ay labis itong nakaramdam
ng tuwa dahil sa wakas ay naging isa na siyang ganap na manggagamot at
napagtagumpayan ang ipinapangarap ng kanyang Kuya Paciano.
(Eksena kung saan ay iginagawad na sa kanya ang mga Medalya at sertipiko sa kaniyang
pinaghi-rapan sa pag-aaral)
RIZAL’S LIFE AND WORKS
- THE LIFE OF FILIPINO’s NATIONAL HERO -
(Eksena kung saan ay tititigan nya ang kaniyang sariling diploma at patuloy na
maglalakad sa entablado ng nakangiti)
Rizal POV: Nakalipas ang ilang buwan nang ako’y makapagtapos ng pag aaral, napag
pasyahan kong dumayo papuntang Europa…
(Eksena kung san tuloy-tuloy ang Pagsusulat ni Rizal ng akda sa silidna kkaniyang
tinutuluyan)
Paciano VO: Mahal kong kapatid, kamusta ka na at ang iyong mga isinusulat? Wag mong
pababayaan ang iyong katawan. Bukod sa pluma ang iyong kalusugan ang
‘yong kakampi laban sa mga kaaway. Pasensya ka na pepe kung ngayon
lamang ako nakasulat. Isang malaking trahedya ang nangyare dito sa
Calamba. Nung ika-6 ng Setyembre ay dumating dito ang isang pulutong ng
mga Gwardya Sibil. Matagal nang bulung-bulungan ang paglusob nila mula
pa nang magdesisyon tayong lumaban sa maling pamamalakad ng mga
prayle sa ating lupa, pero walang mag-aakala na mangyayare to sa madaling
panahon. Bawat pamilya ay binigyan nila ng bente-kwatrong oras upang mag-
impake at lisananin ang kanilang mga bahay, ngunit nang hindi pumayag sina
nanang at tatang ay pwersahan silang itinulak palabas. Muntik nang
masubsob ang nanang sa putikan. Ang mga walangyang prayleng yan
RIZAL’S LIFE AND WORKS
- THE LIFE OF FILIPINO’s NATIONAL HERO -
kasalanan ba kung nagawa ng mga magsasaka na magkaisa at kalabanin sila
? Hindi na nga sila ang may-ari ng lupa sila pa itong may ganang maningil ng
buwis, buti sana kung napupunta ang pera sa gobyerno at hindi sa
nanlilimahid nilang mga simbahan. Mula ng araw na yon, kahit saang bahagi
ka ng Calamba magpunta maririnig mo ang taghoy ng mga tao, parang isang
parada ng patay ang nangyare. Kahit ang mga bata na walang kamuwang
muwang ay makikita mong umiiyak. Wala na tayong babalikan, kinamakam na
nila ang lahat-lahat. Ang ating bahay, ang ating lupa. Lahat, pero
magpakatatag ka pepe patuloy mong ilantaad sa buong mundo ang ating mga
samo’t hinaing at wag kang magalala samin dahil sa kabila ng lahat ay hindi
kami nawawalan ng pag-asa’t loob…
(Eksena kung saan ang mga papel na may sulat ng akda na Noli ay kanyang ihahagis sa
Tsimenea)
(pagkatapos niyang tumangis ay bigla siyang mataatauhan at muling kukunin ang mga
akdang kaniyang naihagis sa Tsimenea)
(Eksena kung saan inaayos ni Rizal ang kaniyang mga ipapaimprentang kopya ng nobela,
kasabay na napagtantong kulang ang kaniyang salapi upang magpagawa ng maraming
kopwa nito)
RIZAL’S LIFE AND WORKS
- THE LIFE OF FILIPINO’s NATIONAL HERO -
Narrator: Sa kaniyang patuloy na pagsulat ay mas uminit ang mata sa kaniya ng mga
kastila sa Pilipinas at naging sanhi ng mas malaking suliranin niya sa paguwi
niya ng bansa.
(Eksena kung saan dala na ni Rizal ang Manuskrito ng El Filibusterismo na siyang ipapa-
imprenta sa isang kilalang imprentahan sa Brussels sa Espanya kasama ang kaibigang si
Valentin Ventura)
Valentin: Jose, hayaan mo akong tumulong sa iyo ako na ang bahalang gusmastos ng
pag-papaimprenta. (Mapaniguradong tugon nito)
Rizal: Ngunit hindi mo naman kailangan pang gawin yon kaibigan. Magagawan ko
naman siguro ito ng paraan.
Valentin: Hayaan mo na ako Jose, ito na lamang ang maitutulong ko sayo at sa Bansa
natin.
(Eksena kung saan babalik sila sa lugar kung saan namamalagi si Rizal at doon ay ibibigay
na niya ang kaniyang pluma at orihinal na manuskrito)
Rizal: Nawa’y tanggapin mo ito kaibigan, ito pa lamang ang kaya kong ibigay sa
ngayon. (Sabay iaabot ang panulat na siyang ginamit upang magsulat ng mga
nobela o akda)
Gob. Camilo: Nandito tayo ngayon upang litisin si Jose Rizal ukol sa kanyang
kasong pag aalsa, sedisyon,at pagtatag ng mga ilegal na mga
samahan
Tinye. Taviel: Si Rizal ay ginagawa lamang ang kaniyang tungkulin para sa ating
bayan at wala akong nakikitang masama laban dito. Isa pa’y mahirap
unawain ang usaping ito dahil sa mga damdamin laban sa nasasakdal.
Tinyen. Taviel: Ang mga hukom ay hindi dapat maging mapaghiganti! manapa’y dapat
silang maging makatarungan.
Gob. Camilo: Kung gayo’y tapos na ang usapin (papakita ang mukha ni rizal) ikaw
rizal ay hinatulang barilin sa bagumbayan sa umaga ng ikatatlumpu ng
disyembre.
Taviel: Ayoko na! magbibitiw ako sa lahat ng tungkulin ko sa gobyerno. uuwi na ako
sa espanya. (titingin kay rizal) hiyang hiya ako sayo. hiyang hiya ako sainyo.
Rizal: Baket?
Rizal POV: Sinubukan ng aking nanang na makiusap kay gobernador polavieja upang
makiusap na ako’y huwag nang patayin. ngunit hindi ito inasikaso ng
gobernador. hindi niya dininig ang daing ng aking nanang sakanya.
Rizal POV: Disyembre 29, 1896 nang ako’y ihatid sa aking pansamantalang kwarto
habang ako’y nag aantay ng araw ng hatol nila saakin.
Bonifacio: Kailangan nating gumawa ng paraan upang iligtas si Jose Rizal! mabuhay si
Jose Rizal!
Bonifacio: Handa kaming magbuwis ng buhay para mailigtas lamang si Jose Rizal!
Paciano: Tama na! tumahimik ang lahat! ako man! gusto kong mailigtas ang aking
kapatid! ngunit natitiyak ko na kailan man hindi gugustuhin ni pepe na
dumanak ang dugo ng dahil sakanya! wala na tayong magagawa! diyos na
ang bahalang magligtas sakanya! (mangiyak-ngiyak)
Rizal POV: “Mahal kong kapatid, may apat na taon na at kalahati ng hindi tayo nagkikita o
nakapag uusap man lamang. at maaaring kailan man ay hindi na magkita.
ngayon ako’y mamamatay na dinaramdam ko na maiiwan kang mag-isa
upang bumasan ng lahat ng bigat ng ating mga kaanak at ng ating
matatandang magulang. nagugunita ko ang kalakhan ng iyong hirap upang
mabigyan ng isang karera. hindi ko inaksaya ang panahon ko.
(pagdalaw ni dona teodora kay rizal kasama ng kaniyang ibang kapatid na babae)
Rizal: Nanang? (natutuwa) mano po. (sabay mano ngunit pagbabawalan ng mga
guwardiya sibil)
Rizal: Nanang, pag ako’y namatay na, nais ko pong hingin nyo agad ng aking
bangkay, at baka saan na lamang po nila ako itatapon. nais ko pong ibaon
nyo ito sa lupa, lagyan ng isang bato, ilagay niyo ang aking pangalan, ang
araw ng aking kapanganakan, ang araw ng aking kamatayan. nais kopong
lagyan nyo din po ito ng isang krus. (ilalayo na ng guwardiya sibil si d.
teodora.)
Rizal: Nanang!
D.Teodora: Pepe!
Rizal: Regalo ito sa akin ng mga Taviela, hihilingin ko sa mga opisyal na ipadala sa
inyo ito pagkamatay ko. There Is Something inside. (yayakapin ng mga
kapatid, at iiyak ang mga kapatid)
Simoun: May panahon ka pa upang baguhin ang lahat. pwede mo akong buhayin
Rizal: Hindi ka pwedeng mag tagumpay, dahil personal lang ang paghihiganting
pakay mo!
RIZAL’S LIFE AND WORKS
- THE LIFE OF FILIPINO’s NATIONAL HERO -
Simoun: Kung ganon ay baguhin mo ako, ipakita mo sa akin ang mahalaga ay ang
bayan hindi si maria clara hindi ang paghihigant
Simoun: Pinatay mo ko dahil akala mong wala ng pag asa, dahil yon din ang
nararamdaman mo sa mo. pero meron pa, mababago pa natin ang lahat. mag
sulat ka uli.
Rizal: Papano kung hindi nako makapag sulat, pano kung wala nakong masabi,kung
wala ng natira. ibang gusto ng dapitan. paano kung sinira na ng kulungan
pano kung kasabay mo’y mamatay din ako
Simoun: Kung gano’y tama nga sila, nagkasala ka nga! traydor ka nga! wala ka ngang
inisip kundi ang sarili mo. dapat ka ngang mamatay (itinapon ang panulat)
Rizal: Buong Buhay ko wala kayong ginawa kundi husgahan ako, basahin ako,
kinuha niyo na ang lahat sa akin. kung ano-ano ang hiningi ninyo, pero hindi
niyo parin makita kung sino ako. marami nakong ibinigay, bakit pati ang buhay
ko? patahimikin niyo nako. para makita ko ang sarili ko
Simoun: (Ngingiti)
Narrator: Disyembre 30, 1986. Ang araw ng kamatayan ni Rizal. Nag suot ng damit,
mga butones, necktie, titingin sa salamin habang nagsusuklay, susuotin ang
coat at dadating si taviel upang ibigay ang kaniyang sombrero.
RIZAL’S LIFE AND WORKS
- THE LIFE OF FILIPINO’s NATIONAL HERO -
Rizal: Handa nako, ikaw? wag kang matakot, andito ako. (hahawakan s balikat si
taviel, iaabot ang parang bracelet) tanggapin mo ito para hindi moko
makalimutan. (Ngunit Hindi tatanggapin ni taviel)
Taviel: Ibigay mo nalang yan sa pamilya mo, sobra sobra na ang aking ala-ala sayo.
---dadating ang mga guwardiya sibil at itatali na si rizal
Rizal: (Habang tinatali) akala siguro nila tatakas ako, san ako pupunta? sa dapitan?
Saturnina: Farewell, my adore country, region beloved of the sun, pearl of the orient see,
our lost eden. departing in happiness, to you i give the sad remains of my life,
and had it been a life more brilliant, more fine, more fulfilled, even so i would
have given it willing to you. others are giving you their lives on fields of battle,
fighting joyfully, without thought for the consequence. how it takes place is not
important, cypress, laurel or lily, scaffold or battlefield, in combat or in cruel
martyrdom, it is the same of demanded by country and home. i am to die
when i see the heavens go vivid, color in the sky at last announcing day; if
color be needed to embellish your dawn, shed my blood; at that perfect
moment let it flow, and be enhance in the reflection of your dawning light.
(nagkakagulo na mga sibil at mga tao at ipapakita si Josephine)
Guwardiya: Impossible!
Guwardiya: (Tatango)
Guwardiya: Fire!
Guwardiya: (Lalapit Kay Rizal) Tira Vegra! (sabay bar death to all traitors! viva espanya!
==the end ==
RIZAL’S LIFE AND WORKS
- THE LIFE OF FILIPINO’s NATIONAL HERO -
CHARACTERS:
Narrator
Gaganap: ORPILLA
Gaganap: MAGNAYE
Gaganap: BOHOL
Gaganap: GALLARTE
Gaganap: CAINTAPAN
Gaganap: ESTORQUE
Maestro Leon Monroy (3rd Former tutor of Rizal and old classmate of his father)
Gaganap: FUEDAN
Gaganap: CALIMAG
RIZAL’S LIFE AND WORKS
- THE LIFE OF FILIPINO’s NATIONAL HERO -
Pedro Aquino Cruz (former classmate of Rizal and a child of Maestro Justiniano)
Gaganap: LLUNADO
Gaganap: ANUB
Gaganap: ARATAN
Father Francisco De Paula Sanchez (Rizal's Last Professor in Ateneo in his last year
or studying)
Gaganap: VALENZONA
Gaganap: ARATAN
Gaganap: DADAP
Gaganap: CORREA
Gaganap: BELARMINO
Gaganap: LUCENO
Simoun/ Crisostomo Ibarra (one of Rizal’s Novel Character and stands as his
Conscience)
Gaganap: BERNAL
Valentin Ventura (Rizal’s friend who help in funding the novel of El Fili)
Gaganap: CAJOCON
Professor Miguel Morayta (professor of Rizal and also a member of his Mason)
Gaganap: EBIO
Governor Camilo Garcia de Polavieja (Oversaw the court martial and death of Rizal)
Gaganap: MARAVILLA
Maximo Viola (Friend of Rizal who funded the publication of Noli Me Tangere)
Gaganap: RAMOS
Lieutenant Jose Taviel de Andrade (Former Bodyguard and a brother of an old friend)
Gaganap: TONGCO
Gwardiya Sibil – 1
Gaganap: CHAVEZ
Gwardiya Sibil – 2
Gaganap: PEÑAFLOR
Gwardiya Sibil – 3
Gaganap: HERMOSA
RIZAL’S LIFE AND WORKS
- THE LIFE OF FILIPINO’s NATIONAL HERO -
Binatang Kamag-aral sa Sto.Tomas - 2
Gaganap: JALOBER
Gaganap: JANER
Gaganap: GERONIMO
Friend - 1
Gaganap: BESINAN
Friend – 2
Gaganap: ESPARTERO
Friend - 3
Gaganap: VIRGINES
Kastilang Mag-aaral - 1
Gaganap: RELOCANO
Kastilang Mag-aaral – 2
Gaganap: MANANSALA
Kastilang Mag-aaral – 3
Gaganap: VILLARANTE
Gaganap: BASE
RIZAL’S LIFE AND WORKS
- THE LIFE OF FILIPINO’s NATIONAL HERO -
1 Additional Teacher
Gaganap: ASRTOLOGO
Mga Gaganap:
Mga Gaganap:
Mga Gaganap:
Mga Gaganap: