CHAPTER 4: SCHOLASTIC TRIUMPHS AT ATENEO DE MANILA (1872-1877)
Narrator: June 20, 1872 sinamahan si Rizal ni Paciano para magpunta sa Maynila. Kumuha ng
pagsusulit sa mga aralin ng Aral Kristiyano, Aritmetika, at Pagbasa sa Colegio ng San Juan de Letran.
Nagbalik si Rizal sa Calamba mula sa Maynila para dumalo ng kapistahan sa kaniyang pagbabalik sa
Maynila ay nagbago ng isip si Rizal at nagbalak na pumasok sa Ateneo. Sa Ateneo hindi tinanggap
Rizal sa dahilan na siya ay huli na sa patalaan at maliit siya para sa kaniyang edad.
Father Magin Ferrando (college Registrar): Jose Rizal, paumanhin subalit hindi ka na naming
maaring tanggapin. Ikaw ay huli na sa pagpapatala, ikaw din ay sakitin at maliit sa iyong edad.
Manuel Burgos: Padre Ferrando, kapatid.. Baka naman maari mong ihabol si Jose sa talaan para
na din saking pangalan. Para namang hindi tayo magkaibigan eh. Akong bahala dito, kargo ko to.
Narrator: Sa tulong ni Manuel Xerez Burgos, pamangkin ni Padre Burgos, si Rizal ay nakapasok sa
Ateneo. Sa unang pagkakataon ay ginamit ni Jose ang kaniyang apelyidong Rizal imbes na Mercado.
Ang edukasyong ipinagkakaloob ng mga Jesuita ay mas abanse kumpara sa mga kolehiyo noon sa
Pilipinas.
(Rizals monologue habang nagklaklase nagtuturo ang kanyang guro)
Rizal: Ako si Jose Rizal, dito sa Ateneo una kong ginamit ang aking epilyidong Rizal. Ang sistema ng
Heswita sa edukasyon ay mataas kumpara sa iba, dito itinuturo sa amin ang aral ng Katolisismo,
kaalaman sa sining at agham. Siya ang aking unang professor, si Padre Jose Bech, matangkad na
mapayat, malalim ang mata, matangos ang ilong at mukhang Griyego. Noong una ay hindi ako
kagalingan sa pagsasalita ng Espanyol, kaya ninais ko mas gumaling dito, kaya ako ay ay nagpaturo
ng aralin sa Colegio de Santa Isabel tuwing ako ay namamahiga sa tanghali. Pinagbuti ko ang aking
pag aaral. Ako ay nakatangap ng gantimpala isang larawang pangrelihiyon. Pero hindi nagtagal, sa
kalagitnaan ng taon ay hindi ko napagbuti ang aking pag-aaral hindi ko napanatiling manguna sa
klase akoy pangalawa lamang dahil nadin sa mga pintas at puna sa akin ng aking mga guro. Pero
ngayung araw ay babalik ako sa aking lupang kinalakihan, doon ako magbabakasyon sa piling ng
aking pamilya. (Ring bell, tatayo si Rizal bitbit ang bag tapos exit)
*CLOSED CURTAIN*
SUMMER VACATION (Setting bilangguan)
Narrator: Sa bakasyon ng 1873, si Rizal ay hindi naging masaya dahilan sa nasa bilangguan ang
kaniyang ina. Lihim na pumunta sa Santa Cruz para dalawin ang kaniyang ina.
Teodora: Mahal kong anak, Jose, mahal kong anak. Bakit ka naririto?
Jose: Ina, bakit hindi padin kayo lumalaya. Nalulungkot akong makita ka sa ganitong kalagayan.
Nandito ako para dalawin ka, bakasyon po namin sa pag-aaral ngayun ina.
Teodora: Masaya akong dinalaw at naalala mo ako anak. Huwag ka ng malungkot, alam kong
makakalaya din ako dito. Kwentuhan mo ako tungkol sa iyong pag-aaral.
Jose: Mabuti naman ang aking pag-aaral ina. Nakakuha ako ng matataas na marka. Pagkatapos ng
aking bakasyon ay babalik ako sa Ateneo upang tapusin ang ikalawang taon ko ina.
Teodora: Mahal kong Jose. Masaya akong malaman na mabuti ang iyong kalagayan at
nagtatagumpay ka sa iyong pag-aaral. Jose, mahal kong anak noong nakaraan akoy nanaginip at
hindi ko ito maintindihan.
Jose: Ina, ang ibig sabihin ng iyong panaginip ay sa susunod na 3 buwan ay ikaw ay makakalaya na
rito.
Teodora: Nawa ay magkatotoo ang iyong interpretasyon aking Jose. Oh siya bumalik ka na sa
Calamba anak lumalalim na ang gabi. Mag iingat ka at palaging mag darasal. Galingan mo sa iyong
pag-aaral.
Jose: Mag iingat ka din diyan aking ina. Paalam!
(Hug sila tapos close ng curtain)
Narrator: Makalipas ang 3 buwan, nagkatotoo nga ang interpretasyon ni Jose sa panaginip ng
kanyang ina. Nakalaya nga si Teodora sa bilangguan at nakabalik na ng Calamba. Samantalang si
Jose ay nagsimulang mahilig sa mga magbasa ng mga libro. Ilan sa mga aklat na ito ay Count of
Monte Cristo na sinulat ni Alexander Dumas, Universal History na sinulat ni Cesar Cantu na pinilit
niyang ipabili sa kaniyang ama at Travels in the Philippines na isinulat ni Dr. Feodor Jagor. Sa ikahuli
niyang taon ay naging ganap ang sigla ni Rizal sa pag-aaral at nakuha niya ang pinakamataas na
marka sa lahat ng asignatura at natamo sa paaralan ang Bachiller en Artes.
(Ipapakita nalang na sinabitan siya ng Medal)
Voice over: Jose Rizal, unang karangalan, Bachiller en Artes.
FIRST ROMANCE OF RIZAL:
Narrator: Pagkatapos ng graduation ni Rizal sa Ateneo, dito nya naranasan ang unang pagtibok ng
kanyang puso at paghanga sa isang babae. Ang babaeng ito ay si Segunda Katigbak, labing 14 na
taon isang Batanguea galing Lipa. Sa bahay ng kanyang lola sa Trozo, Manila ay nakita nya ang
kanilang bisita na si Segunda.
Jose: (Magmamano sa kanyang lola)
Lola: Pagpalain ka nawa iho.
Jose: Lola, sino po ang babaeng iyon?
Lola: Ahhhh ang babaeng iyon ay si Segunda Katigbak. Buhat pa iyan ng Batangas sa Lipa.
Napakagandang bata.
Jose: Sobrang ganda niya nga po. Maliit siya pero ang kanyang matay nangungusap. Mapula ang
kanyang labi at pisngi at ang kanyang ngiti ay tunay ngang nakakabighani. Mukhang siyang
misteryosa pero gusto ko siyang kilalanin.
Lola: Tila umiibig na sa unang pagkakataon ang aking apo. Halikat ipapakilala kita.
(pupunta sa pwesto nila Segunda)
Lola: Segunda ito ang aking apong si Jose nais ka niyang makilala.
Jose: Kamusta ka Segunda? Napakaganda mo. (Hand shake)
Segunda: Mabuti naman ako. Salamat Jose.
Mariano: Aba, tila nagkakamabutihan na ang aking kaibigan at ang aking kapatid.
Segunda: Kuya naman, nakikipag kaibigan lang si Jose.
Mariano: Alam mo magaling gumuhit itong kaibigan ko eh.
Jose: Hindi naman Mariano.
Mariano: Maari mo bang iguhit ang aking kapatid.
Jose: Isa itong karangalan sa akin. Sandali lamang at kukuha ako ng gamit.
(habang kumukuha siya ng gamit monologue si Jose.)
Jose: Napakaganda niya. Sobrang ganda. Ang aking puso ay tumitibok ng mabilis na para bang itoy
sasabog na. Hindi ko mapaliwanag ang aking nararamdaman. Mahal ko na ata siya. Pakiramdam ko
ay bumabagal ang ikot ng mundo, umaawit ang mga ibon, lumiliwanag ang madilim na paligid at
sinisigaw ng aking puso ay ikaw ang mahal, mahal kong Segunda.
Lola: Jose apo halika na at iguhjt mo na si Segunda.
Jose: Opo lola.
(Idradrawing na niya si Segunda)
*CLOSED CURTAIN*