You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V - Bicol
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ALBAY
BONGA NATIONAL HIGH SCHOOL

MASUSING BANGHAY- ARALIN


sa Filipino9

Pangalan ng Guro: NICOLE BARIAS


Baitang at Sekyon: ________________

A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa isang obra maestrang pampanitikan ng Pilipinas
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mag-aaral ay nakikilahok sa pagpapalabas ng isang
movie trailer o storyboard tungkol sa isa ilang tauhan ng Noli Me Tangere na binago ang mga
katangian (dekonstruksiyon)

I. LAYUNIN:
a. Naitatala ang nalikom na datos sa nabasang teksto. (F9PU-IVa-b-58)
b. Nalalagom ang mahahalagang impormasyong nasaliksik para sa sariling pagpapakahulugan at
gamit. (F9EP-IVa-b-21)

II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: Talambuhay ni Dr. Jose Rizal
B. Kagamitang- Panturo : Larawan mula sa Internet, Laptop at Speaker o Handouts.
C. Sanggunian: : Curriculum Guide, Buhay at Diwa ni Rizal nina Alejandro at Medina, at
Pinagyamang Pluma Aklat 2 Noli Me Tangere, pp.450-453, Filipino- Ikasiyam na
Baitang Ikaapat na Markahan –Modyul 1: Aralin 4.1. Unang Edisyon, 2020 .
III. Pamamaraan Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Panimulang Gawain
Gawain (Panalangin, Pagtala ng liban sa klase)

Magandang umaga sa inyo! -Magandang Umaga rin po Ma’am


Bago tayo dumako sa ating aralin, sumandali
muna tayong tumahimik para sa isang
panalangin.

-Lovely pangunahan mo ang panalangin. -Opo Mam

(Mananalangin ang guro at mga mag-aaral)

- Itaas ang kamay kung natawag ang -Opo Mam!


pangalan. At yung hindi
nangangahulugang liban sa klase.

B- Balik-Aral -TRIVIA PA MORE-

-Bago tayo dumako sa ating panibagong aralin.


Magkakaroon muna tayo ng trivia

1
patungkol sa ilang detalye sa buhay ni Dr. Jose
Rizal. Handa na ba kayo?

-Sino sainyo ang nakakaalam ng kompletong


pangalan ni Dr. Jose Rizal? Andrei?

-Andrei nagtaas ka ng kamay. Magaling! -Andrei : Ako po Ma’am Jose


Protacio Rizal Mercado y Alonzo
Realonda

-Maaari mo bang isulat ito sa pisara ang iyong (Pupunta sa unahan at isusulat ang
sagot? sagot sa pisara)

-Okay maraming salamat!

-Alam ko namang iyan ang nalalaman ninyong


kumpletong pangalan ni Rizal pero mayroon
pang kadugtong ang kaniyang apelyido.
Mayroon bang nakakaalam dito? -Lahat:Wala po

-Kung gayon ay bibigyan ko kayo ng clue. Ito ay


nagsisimula sa Q at nagtatapos sa S.

-Okay klas, ito ay Quintos na nagmula sa bahagi


ng kaniyang Ina. Sa madaling salita, siya ay may
pangalang? Bea?
-Bea: Mam! Jose Protacio Rizal
Mercado y Alonso Realonda Quintos
po

-Tama! Magaling! Salamat Bea.

-FICTIONARY-
C. Pagganyak
 May ipapakita akong isang larawan at
magbibigay kayo ng isang salitang na
naglalarawn dito.

Regine, para saiyo anong isang salita ang Regine: Mam, si Dr. Jose Rizal ay
naglalarawan kay Dr. Jose Rizal? isang Bayani.

Mahusay! Si Rizal ay naging bayani dahil sa


kanyang taloon. Sumalat siya ng nobela para
magising ang mga Pilipino sa ginagawang
pananakop ng mga dayuhan sa ating bansa.

Bigyan ng tatlong palakpak! (Isa, dalawa, tatlo) (palakpak)

Maliban dito ano pa ang naglalarawan kay


Rizal?

Iris, nagtaas ka nag kamay. Iris: isa po siyang manunulat.

Tama maraming salamat sa iyo Iris. Naging


manunlat siya dahil sa kagustuhan niyang
mamulat ang mga Pilipino.

Caeden ano ang iyong sagot? Caeden: Pepe po ang isa sa kanyang
mga palayaw.

Magaling! Pepe ang naging palayaw ni Rizal


dahil sa panahon ng mga Espanyol ang
pangalang Jose ay kadalasang may palayaw na
Pepe.

2
Meron pa bang iba? Avery? Avery: am siya po ay isang
manggagamot ng mata.

Tumpak! Siya ay isang doctor sa mata o


tinatawag na Opthalmology. Nag-aral siya nito
dahil sa kagustuhan niyang magamot ang
kanyang ina.

D. Paglalahad -BIO-DATA-

 Ang mga mag-aaral ay sasagutan ang


BIO-DATA patungkol kay Rizal

-Bryan maaari ka bang pumunta sa unahan at -Bryan: Opo mam! Narito po ang
ibahagi mo sa klase ang sagot mo sa Bio-data. ilang impormasyon na nalalaman ko
patungko, kay Dr. Jose Rizal:

Pangalan: Jose Protacio Rizal


Mercado Y Alonzo Realonda
Petsa ng Kapanganakan: Hunyo
19, 1861
Lugar ng kapanganakan:
Lalawigan ng Laguna

-Ikaw naman Ana, Sino ba ang mga Magulang


ni Dr. Jose P. Rizal at ano namang paaralan ang -Ana:
kanyang Pinasukan. Mga Magulang:
Ama: Francisco Engracio Rizal
Mercado Y Alejandro
Ina: Teodora Morales Alonzo
Realonda Y Quintos
Mga Paaralang Pinasukan sa
Pilipinas:
1. Ateneo Municipal de Manila
2. Unibersidad ng Sto. Tomas
-Anu-ano ang mga isinulat na aklat ni Jose P.
Rizal? May? -May:
Nobelang Isinulat:
1. Noli Me Tangere
2. El Filibusterismo

-Sino pa ang may ibang sagot? Nathalie? -Nathalie:


-Maraming salamat sa iyong sagot! Huling Tula na Isinulat: “Mi Ultimo
Adios” / Huling Paalam
3
-Grace, kailan namatay si Jose Rizal? -Grace: Petsa ng kamatayan:
-Tama, Maraming salamat. Disyembre 30, 1896

-Saan naman ang lugar ng kamatayan ni Rizal? -Joshua: Lugar ng Kamatayan:


Joshua? Bagumbayan

(Rizal Park /Luneta)

(Magtatanong ang Guro kung ano ang -Sa tingin ko po Ma’am/Sir, ito ay
kinalaman ng gawain sa magiging talakayan may kinalaman sa Talambuhay ni
ngayong araw? Jose Rizal.
E. Pagtatalakay
( Kolaboratibong Gawain ng Guro at ng
Mag-aaral)

(Pagtatalakay at pagpapaliwanag ng
Talambuhay ni Dr. Jose Rizal.)

Dr. Jose Rizal ang pambansang bayani ng


Pilipinas. Ang kanyang buong pangalan ay Jose
Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda.
Siya ay ipinanganak sa lalawigan ng Laguna,
noong ika- 19 ng Hunyo, 1861. Siya ay
ikapitong anak ni Francisco Engracio Rizal
Mercado y Alejandro at ng asawa nitong si
Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Michelle : Ang kanyang buong
Alinsunod sa kapasiyahan ng Gobernador- pangalan po ay Jose Protacio
Heneral Claveria sa isang kautusan nito noong Rizal Mercado y Alonzo
ika-21 ng Nobyembre, 1849 ay ginamit ng Realonda. Ipinanganak sya
pamilya ang apelyidong Rizal na
noong Hunyo 19, 1861.
nangangahulugang luntiang bukirin.
Ngayon,alam niyo na kung sino si Dr.Jose
Rizal ? Ano ulit ang buong pangalan at kailan
naman siya ipinanganak.

Tama ! Maraming salamat Michelle.

Ang kanyang inang si Donya Teodora ang


kanyang naging unang guro. Hindi lamang Robelyn: Si Don't Teodora po
pagbasa, pagsulat, at pagbibilang ang natutuhan mam, ang ina ni Rizal.
niya sa kanyang ina kundi maging ang
pagdarasal at pagsagot sa mga dasal. Para kay
Donya Teodora ang mga ito ay totoong
mahalaga sapagkat para sa inang Pilipina noong
mga panahong iyon, ang pagtawag sa
Panginoong Diyos ang siyang dapat unang ituro
sa mga anak.
Sino naman ang unang naging guro ni
Rizal,klas?

Siyam na taong gulang si Jose nang siya ay


ipinadala sa Biñan, Laguna at ditoý nag-aral sa
ilalim ng pamamahala ni Ginoong Justiniano Sonny: Pinayuhan si Rizal na
Aquino Cruz. Ngunit makalipas lamang ang mag-aral sa Maynila dahil
ilang buwan ay pinayuhan na siya ng guro na
lahat ng mga nalalaman nito
mag-aral sa Maynila sapagkat lahat ng
nalalaman nito ay naituro na sa kanya. Siya ay naituro na sa kanya.
naman ay nagsimulang pumasok sa Ateneo
Municipal de Manila noong ika-20 ng Enero,
1872. Dito siya nagpamalas ng kahanga-
hangang talas ng isip, at nagtamo ng lahat ng
mga pangunahing medalya at notang

4
sobresaliente sa lahat ng 8 aklat. Sa paaralang ito Sarah: Mam, ang dahilan ni
ay tumanggap siya ng katibayang Bachiller En Rizal sa pag-aaral ng
Artes at pinarangalan ng sobresaliente Medisina ay ang lumalabong
(excellent), noong ika-14 ng Marso, 1977. paningin ng kanyang ina.
Bakit pinayuhan ng guro si Rizal na mag-aral sa
Maynila? Sonny?

Pagkatapos niyang mag-aral sa Ateneo ay


pumasok siya sa Unibersidad ng Santo Tomas at
kumuha ng kursong Filosopia y Letras (1877-
1878). Kasabay ng pag-aral ng Filosopia y
Letras ay kumuha rin siya ng kursong
Surveying. Mga taong 1878-1879 ay nag-aral
naman si Rizal ng medisina sa payo ng Rector
ng Ateneo. Isa sa mga dahilan ng kanyang pag-
aaral nito ay ang lumalabong paningin ng
kanyang ina.
Ano naging dahilan ni Rizal sa pag-aaral niya ng
Medisina? Sarah?

Magaling ! Maraming salamat Sarah.

Pagkatapos ng apat na taong pag-aaral ng


medisina sa Santo Tomas ay napagdesisyonan ni
Rizal na ipagpatuloy ang pag-aaral sa Europa. Jessa: Mam, ang
Noong Nobyembre 3, 1882 ay nagpatala siya sa nakaimpluwensya po sa kanya
Unibersidad Central de Madrid. ay aklat na " The Wandering
Jew, Uncle Tom's Cabin at
Isinulat niya nag Noli Me Tangere noong
ang Bibliya ".
tanong 1884 hanggang 1885. Ang pagsulat ni
Rizal ng Noli Me Tangere ay may impluwensiya
ng aklat na kanyang binasa. Ito ay ang The
Wandering Jew, Uncle Tom’s Cabin at ang
Bibliya. ang unang kalahati ng Noli Me Tangere
ay isinulat ni Rizal sa Madrid noong magtatapos
ang 1884 o nang magsisimula ang 1885; ang
sangkapat na bahagi ay isinulat niya sa Paris, at
huling sangkapat ay sa Alemanya. Ayon sa
natatala sa manuskrito ay natapos ni Rizal ang Nicole : Ang mabago ang
Noli Me Tangere sa Berlin noong ika-21 ng naghaharing sistema ng
Pebrero, 1887. Ipinalimbag ang nobelang ito sa pamahalaan sa Pilipinas sa
limbagan ng kapisanang itinatag ni Ginang Lette pamamagitan ng mapayapang
sa Berlin kung saan natapos ito noong Marso paraan at Hindi ng
1887. Dalawang libong (2,000) sipi lamang ang paghihimagsikan.
ipinalimbag, at ang ibinayad niya sa
pagpapalimbag ay hiniram niya kay Dr. Maximo
Viola, taga-San Miguel Bulacan. Ang nasabing
halaga ay umabot sa 300 piso ay binayaran niya
kay Dr. Viola nang dumating ang ipinadalang
pera ng sa kanyang mga magulang.
Ano namang aklat ang kanyang binasa na
nakaimpluwensya sa pagsulat niya ng Noli Me
Tangere ? Jessa?

Tama ! Bigyan ng tatlong bagsak na palakpak Deza: Dahil po siya ay


klas,si Jessa. napagbintangan na may
Ang El Filibusterismo na siyang kasunod na kinalaman sa kilusang ukol sa
aklat ng Noli Me Tangere ay ipinalimbag naman paghihimagsik. Itinayo naman
sa Ghent, Belgium, noong 1891. Noong ika-8 ng niya ang maliit na paraalan
Hulyo, 1892, ay itinatag ni Dr. Rizal sa Maynila rito.
ang La Liga Filipina, isang samahan na ang
maithiin ay ang mabago ang naghaharing
sistema ng pamahalaan sa Pilipinas sa
pamamagitan ng mapayapang paraan at hindi ng
paghihimagsik.
5
Ano ang mithiin ni Rizal sa pagtatag ng La Liga
Filipina sa Pilipinas ? Nicole?

Magaling Nicole ! Salamat sa iyong kasagutan.

Alinsunod sa kautusan ni Gobernador-


Heneral Despujol noong ika-7 ng Hulyo, 1892,
ay ipinatapon si Rizal sa Dapitan noong ika-15
ng Hulyo noong taong ding iyon dahil sa bintang
na siyaý may kinalaman sa kilusang ukol sa
paghihimagsik. Ito ay maliit na isla sa hilagang-
kanluran ng Mindanao. Sa Dapitan ay nagtayo si
Rizal ng isang maliit na paaralan at nagturo sa
mga batang lalaki roon.
Sa tingin ninyo,bakit ipinatapon si Rizal sa
Dapitan ? At ano naman ang kanyang itinayo
rito? Deza ?

F. Paglalapat
-Time Frame-

Ang mga mag-aaral ay bubuo ng Time Frame


sa mga nangyari kay Dr. Jose Rizal ayon sa
mga petsa o taon na na ibibigay ng guro.
(Sasabihin ng Guro sa kanyang Mag-aaral)

Kailan ipinanganak si Dr. Jose Rizal? Khate?

Khate: Mam ipinanganak si Dr. Jose


Tama! Ipinanganak siya noong Hunyo 19, 1861 Rizal noong Hunyo 19, 1861.
sa lalawaginan ng Laguna.

Marie maaari mo bang ibahagi saamin ang


nalalaman mo kung kailan nagsimulang
pumasok sa Ateneo Municipal de Maynila. Marie: Mam nagsimula siyang
pumasok sa Ateneo noong Enero 20,
Kailan natapos ang ipinalimbag na akda sa 1872
limbangan ng kapisanang itinatag ni Ginang
Lette sa Berlin? Marlon? Marlon: Natapos ang ipinalimbag
na akda sa limbangan ng kapisanang
itinatag ni Ginang Lette sa Berlin.

Magaling! Kailan itinatag ang La Liga Filipina Jane: Hulyo 8, 1892 itinatag ang La
sa Maynila at kailan binarili si Rizal? Jane? Liga Filipina at binarily si Dr. Jose
Rizal noong Disyembre 30, 1896

Mahusay! Bigyan niyo nag palakpak ang inyong


sarili.

G. Paglalahat
 Ang mga mag-aaral ay magbabahagi
ng kanilang sariling pananaw tungkol
kay Dr. Jose Rizal gamit kanyang akda
gamit ang grapikong organayser.

Sariling
Pananaw

6
 PUSUAN MO!

Panuto: Ilahad ang iyong paninindigan sa (Ang mga mag-aaral ay susulat ng


sumusunod na tanong: kanilang paninindigan hinggil sa
ibibigay na mga katanungan ng guro
patungkol sa may akda.)
A. Sang-ayon ka ba sa paraan ng
paglalaban ni Dr. Jose Rizal sa mga
Kastila?

B. Kung ikaw si Dr. Jose Rizal sa panahon


ngayon, ano ang iyong gagawin para sa
bayan?

IV. Ebalwasyon/  IV.EBALWASYON


Pagtataya
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na (Gumagawa ang mga mag-aaral ng
tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot. ebalwasyon.)
Isulat ang sagot sa isang-kapat na papel.

1.Bakit itinuturing na dakilang araw ng


pangilin ng mga Pilipino ang ika-30 ng 1. c
Disyembre?
a. Dahil sa ito ang kanyang kaarawan
b. Ito ay araw ng paggunita ng mga
Pilipino sa kabayanihan ni Rizal.
c. Ito ang pesta ng kanyang kamatayan
d. Pagkilala ito sa katalinohan at
katapangan ni Rizal.
2. Ano ang huling akda na isinulat ni
rizal bago siya barilin sa Bagumbayan? 2. b
a. El Filibusterismo
b.Mi Ultimo Adios
c.Noli Me Tangere
d.Sa aking mga Kababata
3.Ano ang hiniling ni Rizal sa
pamahalaang Espanya habang
nakikidigma ang Espanya sa Cuba? 3. d
a.Gusto niyang makita ang kanyang mga
magulang
b.Humiling siyang makabalik muli sa
Europa.
c.Ibig niyang makauwi sa Pilipinas.
d.Nais niyang maglingkod sa pagamutan sa
Cuba
4.Ano ang dahilan sa pagpapatapon kay
Rizal sa Dapitan?
a. Dahil siya nanggagamot ng mga kilusan.
b. Nabasa nila ang Noli Me Tangere. 4. d
c.Itinatag niya kasi ang samahang La Liga
Filipina
d. Dahil sa bintang na siya ay may
kinalaman sa kilusang ukol sa
paghihimagsikan.
5.Ano ang pangunahing layunin ng

7
pagkakatatag ng La Liga Filipina?
a. Ang mabago ang naghaharing sistema ng
pamahalaan sa Pilipinas sa
pamamagitan ng mapayapang pamamaraan.
b. Ang maturuang lumaban ang mga 5. a
Pilipino sa pamamagitan ng mapayapang
pamamaraan.
c. Ang mapabuti ang mga kalagayan ng
mga Pilipino sa pamamagitan ng
pagbibigay ng trabaho.
d. Ang maghimagsik gamit ang dahas laban
sa mga Kastila.
6.Alin sa mga sumusunod ang hindi
kabilang sa mga dahilan ni Rizal sa pag-
aaral ng banyagang wika?
a. Dahil nais niyang magamait ito sap ag-
aaral niya ng mga kaugalian ng mga tao na
naninirahan sa ibang bansa.
b.Ito ay paghahanda niya sa kanyang 6. c
paglalakbay sa ibat ibang bansa.

c.Nais niyang sumulat ng maraming aklat


sa ibat ibang wika.
d.Nais niyang magamit ito sa kanyang
hangaring paglingkuran ang bayan.
7.Bakit pinayuhan ng kanyang guro si
Rizal na mag-aral na sa Maynila?
a.Dahil hindi makasunod sa klase
b.Higit na mahuhusay ang guro sa mga
Unibersidad
c.Higit siyang mahahasa at marami siyang
matutunan
d.Lahat ng kanyang nalalaman ay naituro 7. d
na niya kay Rizal.
8.ano ang kahulugan ng Rizal sa
kanyang pangalan?
a.asul na dagat
b.luntiang bukirin
c.mabuting hangarin
d.makisig
9.Ano naman ang kahulugan ng
Mercado sa pangalan ni Dr. Jose Rizal? 8. b
a.bukirin
b.gusali
c.nayon
d.pamilihan
10.Sino ang unang guro ni Dr. Jose
Rizal?
a. Andress Bonifacio 9. d
b.ang kanyang Ama
c. ang kanyang Ina
d. G.Justiniano Aquino Cruz

10. c

V. TAKDANG-
ARALIN  Pag-aralan ang modyul 2, Kaligirang
Kasaysayan ng Noli Me Tangere
Aralin 4.1. Magtala ng mga
mahahalagang detalye

8
Inihanda ni: Deza Barrameda Nabatid ni: Gng. Emy Rose B. Tero
Nicole Barias
Jessa Binaday

You might also like