You are on page 1of 8

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI

I. Mga Layunin
Sa katapusan ng limangpung minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. nalalaman ang mga ambag at kontribusyon ni Jose Rizal sa ating kasaysayan;
b. nababatid ang mahalagang pangyayari sa buhay ni Jose Rizal; at
c. natutukoy ang mga mahalagang nagawa ni Jose Rizal.

II. Nilalaman
Paksa: Talambuhay ni Jose Rizal
Sanggunian: .joserizal.com, bayaningfilipino.blogspot.com
Kagamitan: powerpoint presentation, tarpapel, larawan
Pagpapahalaga: Pagkabayani

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Magaaral

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Bago tayo magsimula sa ating aralin, tayo
muna ay tumayo, yumuko at manalangin.
(Ang lahat ay mananalangin.)

2. Pagbati
Magandang Tanghali mga bata!
Magandang tanghali po guro.
Bago kayo maupo ay tingnan muna ninyo ang
inyong silong ng upuan kung may mga kalat
at damputin ito.
Paki tsek na nga din ang inyong mga katabi
kung mayroon sila. May lumiban ba?

Wala pong lumiban ma'am.


3. Pagganyak
Bago tayo dumako sa ating talakayin ay
maglalaro muna tayo. Ang laro na ito ay
tinatawag na Sing in the Blank.
Meron akong ibibigay na mikropono.
Paghuminto akong kumanta, ang huling
makakahawak sa mikropono ang siyang
magpapatuloy sa susunod na kanta.
Maliwanag ba mga bata?
Opo guro.
(Ang mga bata ay makikilahok)
Simulan na natin.
B. Paghawan ng Sagabal
Ngayon may gagawin tayo muli upang mas
mapalawak pa ang ating kaalaman.
Panuto: Ayusin ang mga titik na nasa pisara
upang mabuo ang mga salitang binibigyang
kahulugan sa bawat bilang.
1. sobrasaliente
1.BOSRESATELIEN- napakahusay
2. piniit
2. PIITNI- ikinulong
3. dalubwika
3. KAWIDABUL- dalubhasa sa ibat ibang wika
Tama ba ang sinagot na inyong kaklase?
Tama po guro.
Oo, tama. Basahin nga ito mga bata.
(Ang mga bata ay babasahin ang nasa pisara)

Sinong makapagbibigay ng pangungusap


gamit ng salitang sobresaliente? Maligaya ang magulang ni Niko sa dahilang
sobresaliente siya sa lahat ng asignatura nila
sakanilang klase.
Magaling!
Ang salitang piniit sino makapagbibigay ng
Nabalitaang nagnakaw si Mang Jose ng
pangungusap nito?
Manok sa kapitbahay kaya siya ay ipiniit.
Napakahusay!
Sino naman ang makapagbibigay ng
Si Mia ay isang dalubwika dahil siya ay
pangungusap gamit ng salitang dalubwika?
nagaral ng iba't ibang lenggwahe.
Magaling!
Ang mga talasalitaan na ito ay mababasa
natin sa pagbasa ng talambuhay ni Jose Rizal.
C. Paglalahad
( Babasahin ng mga mag-aaral ang
Talambuhay ni Jose Rizal )
Si Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo
Realonda na kilala rin sa tawag na pepe ay
ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay
isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo
19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay
sina G. Francisco Mercado at Gng. Teodora
Alonzo. Ang kaniyang ina ang unang guro ng
ating pambansang bayani. Ito ang nagturo sa
kaniya ng alpabeto, kagandahang asal, at
mga kuwento. Samantala, ang kanyang
pormal na edukasyon ay unang ibinigay ni
Justiniano Aquino Cruz sa Biñan, Laguna.
Pagkatapos noon, siya ay ipinadala sa
Maynila upang mag-aral sa Ateneo de
Manila University at doon ay tinamo ang
Batsilyer sa Agham noong 1877 at nakasama
sa siyam na estudyanteng nabigyan ng
sobresaliente.
Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kaniyang
pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at
Unibersidad Central de Madrid hanggang sa
matapos niya ng sabay ang medisina at
pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang
bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika
kabilang na ang Latin at Greko. Matatawag
ring dalubwika si Rizal na nakaaalam ng
Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses,
Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon,
Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol,
Tagalog, at iba pang mga katutubong wika
ng Pilipinas. At nakapagtapos siya ng
kanyang masteral sa Paris at Heidelberg.
Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me
Tangere” at “El Filibusterismo”ay naglalahad
ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga
Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng
Kastila.
Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng
Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng
samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.”
Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa
ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-
unlad ng komersiyo, industriya at
agricultura.
Noong Hulyo 6, 1892 siya ay ipiniit sa Fort
Santiago at ipinatapon sa Dapitan noong
Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi
sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa
mga maysakit at hinikayat niya ang
mamamayan na magbukas ng paaralan,
hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad
ng kanilang kapaligaran.
Noong Setyembre 3, 1896 habang papunta
siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano
at inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896
ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang
pagkakataon ipiniit siya sa Fort Bonifacio.
Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal
ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang
nagpagbintangan siya na nagpasimula ng
rebelyon laban sa mga Kastila. Bago
dumating ang kanyang katapusan naisulat
niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling
Paalam) upang magmulat sa mga susunod
pang henerasyon na maging makabayan.
Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr.
Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay
Luneta).

D. Talakayan
Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo
1. Ano ang kaniyang buong pangalan? Realonda
2. Kailan at saan ipinanganak si Jose Rizal?
Ipinanganak siya sa Calamba, Laguna noong
Hunyo 19, 1861.
3. Bakit siya nahatulan ng kamatayan? Nagpagbintangan siya na nagpasimula ng
rebelyon laban sa mga Kastila.
4. Bilang studyante ano ang magagawa mo
upang makatulong sa iyong bansa? Magaral ng mabuti.
Sumunod sa patakaran.
5. Ano ang katangian ni Jose Rizal ang gusto
mong tularan?
Ang pagiging makabayan.
6. Bakit siya tinawag na pambansang bayani
Ipinaglaban niya ang karapatan ng mga
ng Pilipinas?
Pilipino.
7. Paano nakatulong si Rizal sa
pagpapalaganap ng kamalayan sa kanyang
panahon? Gamit ang mga naisulat niyang akda
namulat ang mga tao at naudyok silang
kumilos para sa pagbabago.
8. Ano naman ang mga pagbabago sa lipunan
na inasam ni Rizal na maaaring maging
inspirasyon sa atin ngayon? Maging makatarungan
Pagtutulungan para sa kaunlaran
9. Kung ikaw ay tataguriang bayani, gagawin
mo din ba ang ginawa ni Jose Rizal na
Ako po guro, kasi po kung may pagmamahal
ipaglaban ang bansa?
ka sa iyong kapwa at alam mong tama ang
Sinong mga nag sasabing oo? Bakit? ipinaglalaban mo ay kaya ko rin maging
bayani gaya ni Rizal.

E. Paglalapat
Ngayon hahatiin ko kayo sa tatlong pangkat.
Merong iba't ibang gawain ang bawat
pangkat.
Unang Pangkat
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang nga 1. f.
pangungusap sa Hanay A at hanapin sa
2. d.
Hanay B ang titik ng tamang sagot.
3. a.
Hanay A Hanay B
4. c.
___1. Isinilang si a.Mi Ultimo Adios
5. b.
Jose Rizal sa ____. b. Bagumbayan
___2. Si Rizal ay c.La Liga Filipina
kilala siya sa tawag
d. pepe
na____.
f. Calamba, Laguna
___3. Isinulat niya
ang ________ bago
dumating ang
kaniyang katapusan.
___4. Nagtatag siya
ng samahan na
tinatawag na_____.
___5. Binaril si Jose
Rizal sa_________.

Pangalawang Pangkat
Panuto: Punan ang time chart ng
mahahalagang pangyayari sa buhay ni Jose
Rizal. 1861 Pagsilang ni Jose Rizal

1877
TAON PANGYAYARI
1885 Ipinagpatuloy niya ang kaniyang pagaaral at sabay na tinapos ang medisina
at pilosopia.

1861 1892 Ipiniit si Rizal sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan.

1877 Habang papunta sa Cuba upang magsilbing siruhano ay inaresto siya at


ibinalik sa Pilipinas.

1896 Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang nagpagbintangan siya


1885 na nagpasimula ng rebelyon.

Naisulat niya ang mu ultimo adios.

1892 Binaril si Jose Rizal sa Bagumbayan.

1896

Pangatlong Pangkat
Nagsulat ng
Panuto: Magbigay kung ano-ano ang mga aklat at
Pakikipaglaban
para sa
nobela. karapatan.
mahalagang nagawa ni Jose Rizal gamit ang
semantic web.
Mga Nagawa ni
Jose Rizal Pilosopiya nga
pagasa at
pagbabago.
Nagtatag ng
samahan para sa
pag-unlad ng
komersiyo,
industriya at
agricultura.

Isinulat ang Mi Ultimo


Adios” upang
magmulat sa mga
susunod pang
henerasyon na maging
makabayan
F. Paglalahat
Naintindihan niyo ba ang tinalakay natin
ngayong araw na ito mga bata?
Opo guro.
Ano ang tinalakay natin sa araw na ito?
Tungkol po sa Tamabuhay ni Jose Rizal.
Kailan isinilang si Jose Rizal?
Hunyo 19, 1861
Ano ang mga natapos na kurso ni Rizal?
Agham, Pilosopia at Medisina
Kailan binaril si Jose Rizal?
Disyembre 30, 1896
Anong paguugali kaya ang dapat mong
taglayin upang ikaw ay maging kagaya ni Jose
Rizal? Pagmamahal sa bayan, Karunungan,
Katapangan.
Paano nagging inspirasyon si Jose Rizal sa
pagtataguyod ng kabutihan at katarungan?
Ano ang mga simpleng gawain ni Rizal na
nagpapakita ng kaniyang pagmamalasakit sa
Pagtulong sa mga nangangailangan
kapwa?
Gaya ng?
Paggagamot ng may sakit
Pagpatayo ng paaralan
Magaling!
G. Pagpapahalaga
Sa mga nalaman natin tungkol kay Jose Rizal,
saan siya nagmula, nag-aral, nagkatrabaho at
naging bayani.
Ano ang isang katangian ang matatawag
Pagkabayani po Guro.
natin sa mga ginawa ni Jose Rizal?

Tama! Si Jose Rizal ay puno ng mga


pagkabayani.
Ano-ano ang pagkabayaning nagawa ni Jose Pagtataguyod sa edukasyon
Rizal?
Pagsulong ng katarungan
Pagtanggol ng karapatan

Magaling mga bata!


Tlagang isa siyang matuturing na bayani.
IV. Ebalwasyon
Panuto: Isulat ang T sa patlang bago ang numero kung ang pangungusap ay TAMA at isulat
naman ang M kung ito ay MALI.
______1. Ang kaniyang dalawang nobela "Noli Me Tangere" at "Mi Ultimo Adios" ay
naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa
pamahalaan ng Kastila.
______2. Si Jose Rizal ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1961.
______3. Noong Setyembre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang
siruhano at inaresto siya.
______4. Nagtatag si Jose Rizal ng samahan na tinawag na “La Liga Filipina.”
______5. Noong Disyembre 30, 1896, binigti si Dr. Jose Rizal sa Bagumbayan.

V. Takdang Aralin
Panuto: Sa isang buong papel sumulat ng inyong sariling talambuhay.

You might also like