0% found this document useful (0 votes)
490 views5 pages

Jose Rizal Report

Ang dokumento ay tungkol kay Jose Rizal, ang pambansang bayani ng Pilipinas. Binigyang diin nito ang buhay, edukasyon, mga gawa at kamatayan ni Rizal.

Uploaded by

Noraisa Sinal
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
490 views5 pages

Jose Rizal Report

Ang dokumento ay tungkol kay Jose Rizal, ang pambansang bayani ng Pilipinas. Binigyang diin nito ang buhay, edukasyon, mga gawa at kamatayan ni Rizal.

Uploaded by

Noraisa Sinal
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd

Mindanao State University

BALO-I COMMUNITY HIGH SCHOOL


East Poblacion, Balo-i, Lanao del Norte
PANITIKANG FILIPINO 10

IKAAPAT NA MARKAHAN
JOSE RIZAL
ANG KANYANG TALAMBUHAY AT MGA AKDA

I. ANG TALAMBUHAY NI DR. JOSE RIZAL

José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda

Isang larawan ni José Rizal, Pambasang bayani ng Pilipinas.


Ibang pangalan: José Rizal
Kapanganakan: Hunyo 19,1861
Lugar ng kapanganakan: Calamba,Laguna,Pilipinas
Kamatayan: Disyembre 30, 1896 (edad 35)
Lugar ng kamatayan: Bagumbayan(Lunetangayon),Maynila,Pilipinas
Pangunahing organisasyon: La Solidaridad,La Liga Filipina
Pangunahing monumento: Liwasang Rizal

Si Dr. José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda (Hunyo 19, 1861–Disyembre 30, 1896) ay ang
pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang FranciscoEngracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa
nitong si Teodora Morales AlonzoRealonda y Quintos. Ipinanganak si José Rizal sa Calamba, Laguna. Sina
Saturnina,Paciano, Narcissa, Olimpia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledadang kanyang
mga kapatid.Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakadanoong siya ay
tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam nataon, pinadala siya sa Biñan, Laguna
upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay niJustiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan
niya ang magulang niRizal na pag-aralin siya sa Maynila. Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan
sa Maynila na kaniyang pinasukan noong ikadalawa ng Enero 1872.

Ayon sa isang salin ng Noli me tangere ni Guzman atbp., sa kaniyang pananatili sa paaralang ito,
natanggap niya ang lahat ngmga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa
paaralanding ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notangsobresalyente kalakip ang
pinakamataas na karangalan.Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa
Pamantasan ng Santo Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka.Pagkaraan, kinuha
niya ang kursong panggagamot sa nasabing Pamantasan (SantoTomas) pagkatapos mabatid na ang kaniyang
ina ay tinubuan ng katarata. Noong Mayo 5, 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at
mapansuringpakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya saEspanya.
Doo'y pumasok siya sa Universidad Central de Madrid, kung saan, saikalawang taon ay natapos niya ang
karerang Medisina, bilang "sobresaliente"(napakahusay).

1
Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik.Naglakbay siya sa Pransya at
nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata saisang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa
Heidelberg, Alemanya, kung saannatamo pa ang isang titulo.Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina,
siya ay nag-aral ng wikang Ingles,bilang karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses.
Isangdalubwika si Rizal na nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman,Griyego, Ebreo,
Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog,at iba pang mga katutubong wika ng
Pilipinas.

Il. TUNGKOL SA PANGALAN NI RIZAL

José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda ang nakatalang buong pangalanni Rizal sa kanyang
katibayan ng kapanganakan at José Rizal Mercado y Alonso o simplengJosé Rizal Mercado (ayon sa mga
panutong Espanyol) ang kanyang ginamit sa kanyang buongkabataan. Gayumpaman, sa payo ng kanyang
kapatid na si Paciano Rizal Mercado, pinalitan niRizal ang kanyang legal na pangalan upang hindi siya
maiugnay sa mga aktibidad ng kanyang kapatid na kilala noon bilang aktibista at tagasuporta ng binitay na
paring si José Burgos. Mulasa kanyang orihinal na pangalang legal ito'y naging José Protasio Rizal (rizal =
“luntian”),pinaikling José Rizal. Sa isang liham, isinulat ni Rizal: "My family never paid much attention [to our
second surname Rizal], but now I had to use it, thus giving me the appearance of anillegitimate child!" ("Hindi
pinapansin ng aking pamilya [ang aming ikalwang apelyidong Rizal],ngunit ngayon'y kailangang kong gamitin
ito, kaya't lumalabas na ako'y parang isang anak salabas!)

lll. MAGULANG NI RIZAL

May palayaw na Pepe, siya ay ang ika-pito sa labing-isang anak nina Francisco Engracio Rizal
Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos. Si Francisco Engracio Rizal Mercado y
Alejandro na kaniyang ang ama, ay kabilang sa ika-apat na henerasyong apo ni Domingo Lam-co, isang
Tsinong mangangalakal na naglayag sa Pilipinas mula sa Jinjiang, Quanzhou noong kalagitnaan ng ika-
labimpitong siglo.Si Lamco ay nakapag-asawa ng isang Pilipina sa katauhan ni Inez de la Rosa at upang
makaiwas sahostilidad ng mga Espanyol para sa mga Intsik ay pinalitan niya ang kaniyang apelyido ng
"Mercado" (pangangalakal). Ang pangalan namang Rizal ay nagmula sa salitang "Ricial" o kabukiran na ginamit
lamang ni Francisco (dahil siya ay isang magsasaka) alinsunod sa kautusan ni Gobernador Narciso Calaveria
noong 1849 na magpalit ng mga apelyido ang mga Pilipino.

Kalaunan ay ginamit narin ni Francisco ang Rizal Mercado upang makaiwas sa kalituhan mula sa
kaniyang kasamang mangangalakal. Ang ina naman niyang siTeodora Morales Alonso Realonda y Quintos, ay
anak nina LorenzoAlonzo (isang kapitan ng munisipyo ng Biñan, Laguna, kinatawan ng Laguna sa Kortes ng
Espanya, agrimensor, at kasapi ng isang samahan ng mga Katoliko) at ni Brijida de Quintos(na mula sa isang
prominenteng pamilya). Ang kanilang apelyido ay pinalitan ng Realondanoong 1849.

lV. KABATAAN NI RIZAL

Ipinanganak saCalamba, Lagunasi Pepe ay mula sa pamilyang masasabi ring nakaaangat sabuhay
dahil sa kanilang hacienda at lupang sakahan. Si Paciano at si Pepe lamang ang mga anak na lalaki sa
kanilang labing-isang magkakapatid. Ang kaniyang mga kapatid na babae ay sina Saturnina, Narcisa, Olympia,
Lucia, Maria, Josefa, Concepcion, Trinidad at Soledad. Ang pagkahilig sa sining ay ipinamalas niya sa murang
edad. Natutunan niya ang alpabeto saedad na tatlo at limang taong gulang naman nang siya ay mututong
bumasa at sumulat. Napahanga niya ang kaniyang mga kamag-anak sa angking pagguhit at paglilok. Walong
taong gulang siya nang kanyang isinulat ang tulang "Sa Aking Mga Kababata," na ang paksa ay tungkol sa
pagmamahal sa sariling wika (na noon ay Tagalog)

V.EDUKASYON NI RIZAL

Ang kaniyang ina ang unang guro ng ating pambansang bayani. Ito ang nagturo sa kaniya ng
alpabeto, kagandahang asal, at mga kuwento ("Minsan ay may Isang Gamo-gamo"). Samantala, ang kanyang
pormal na edukasyon ay unang ibinigay ni Justiniano Aquino Cruzsa Biñan, Laguna. Noong Hunyo 10, 1872 si

2
Rizal ay pumunta ng Maynila para mag-aral sa Ateneo Municipal de Manila. Muntikan na siyang hindi
marehistro dahil hindi siya pinayagan ng tiga-rehistro na si Fr. Magin Ferrando dahil siya ay huli na sa pasukan
ngunit tinulungan siyang pamangkin ni Fr. Burgos na si Manuel Xeres Burgos at siya ay narehistro din. Siya ay
nakatira sa labas ng eskwelahan ang kanyang kasera ay si Donya Titay. Sa eskwelahan ng Ateneo ay
ginugrupo ang mga mag-aaral ng dalwang parte ang Roman Empire (insideborder) at Carthaginian Empire
(outside border), siya ay sakup sa Carthaginian dahil sa labas siya ng eskwelahan nakatira. Sa isang grupo ay
may mga opisyal Emperor (beststudent),Tribune,Decurion,Centurion at Standard. Ang una niyang magtutudlo
ay si Jose Bech ,naging Emperor si Rizal dahil siya ay nanalo sa isang timpalak at nakakuha siya ng isang
religious picture para sa kanyang gantimpala. Nag-aral din siya sa Kolehiyo ng Santa Isabel para pagbutihin
ang kanyang Wikang Kastila.

Vl. PAGBITAY, KAMATAYAN, AT PAGKA-MARTYR

Noong 1896, natuklasan ang lihim na samahang Katipunan, kaya bigla itong naglunsad ng
rebolusyon. Nang mga panahong iyon. Pinayagan si Rizal ng pamahalaang maglingkod sa Cubabilang
manggagamot sa panig ng Espanya at naglalayag patungo sa nasabing lugar. Pagsiklab ng himagsikan,
kaagad siyang ipinaaresto sa barko at ipinabalik sa Pilipinas. Nadawit siya bilang kapangkat at kapanalig ng
mga nag-aalsa. Pinaratangan siya ng paghihimagsik at pagtatangkang ibagsak ang pamahalaan, at pagtatatag
ng isang bawal na samahan. Napatunayang siyang nagkasala at hinatulan ng bitay. Noong ika-30 ng
Disyembre 1896,binaril siya sa Bagumbayan, na Liwasang Rizal ngayon. Hiniling niyang huwag lagyan ng
piringsa mata at mabaril ng paharap, subalit pinayagan lamang na alisin ang piring sa mata. Dahil dito, sa
pagbaril sa kanya, siya'y pumihit paharap, habang bumabagsak, bilang tanda na hindisiya taksil sa pamahalaan.
Sipi mula sa kaniyang huling liham: "

Prof. Fernando Blumentritt - My dear Brother, when you receive this letter, I shall be dead by then. Tomorrow at
7, I shall be shot; but I am innocent of the crime of rebellion...

" (Mahal na Kapatid, wala na akong buhay sa oras na matanggap mo ang liham na ito. Bukas ng ala-siyete, ako
ay babarilin; subalit ako ay walang kinalaman sasalang rebelyon...) Hindi kalayuan sa lugar na kanyang
kinabagsakan, may isang malaking monumento ngayon, gawa ni Richard Kissling, isang eskultorescoces na
siya ring lumikha ng estatwa ni WilhelmTell. May nakasulat dito- "

Nais kong ipakita sa mga nagkakait ng karapatan sa pag-ibig satinubuang lupa, na kapag tayo'y marunong
mag-alay ng sariling buhay alinsunod sa atingtungkulin at paniniwala, ang kamataya'y di mahalaga, kung
papanaw dahil sa ating mgaminamahal- ang ating bayan at iba pang mga mahal sa buhay.

Vll. MGA AKDA

Si Rizal ay nakilala sa dalawang nobelang kaniyang isinulat, ang Noli me tangere (Huwag Mo
Akong Salingin) na nilimbag sa Berlin, Alemanya (1886), sa tulong ni Dr. Maximo Viola. At nilathala ang El
Filibusterismo (Mga Pagbalakid o Pangungulimbat) sa Gante, Belgica (1891);pinahiram siya ni Dr. Maximo
Viola ng 300 piso sa pagpapalimbag. Naglalaman ang mga ito ng mga paglalarawan at pagpuna sa mga
nagaganap na pangyayari sa lipunang Pilipino ng mga panahong iyon. Ang mga aklat na ito ay halaw at hango
sa Don Quixote ni Miguel Cervantes,manunulat na Espanyol.

Ang mga ito ang naging daan upang magising ang pagkakaisang-diwaat katauhan ng mga Pilipino,
na nauwi sa Rebolusyon ng 1896.Noong siya'y walong taong gulang pa, naisulat niya ang tulang sa aking mga
Kabata na naging sa Aking mga Kababata. Tumutukoy ang tulang ito sa pagmamahal sa bayan dahil bata
palang siya ay nakitaan na siya ng pagiging nasyonalismo. Nang malapit na siyang bitayin,sinulat niya Mi
Ultimo Adios (Huling Pamamaalam). Kabilang sa iba niyang naisulat ay ang Awitni Maria Clara, Pinatutula Ako,
Ang Ligpit Kong Tahanan atbp.Dagdag dito, si Rizal din ang masugid na taga-ambag ng mga sulatin sa La
Solidaridad, isang pahayagang inilunsad ng mga Pilipinong repormista sa Espanya. Sumulat siya sa ilalim ng
pangalang Dimasalang at Laong-laan, habang lumagda naman si Marcelo Del Pilar bilangPlaridel.

3
Noli Me Tángere

nobela ni José Rizal

Ang Noli Me Tángere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa.
Ang pagbasa nito at ng itong kasunod, ang El Filibusterismo, ay kailangan para sa mga mag-aaral sa
sekondarya.

Noli Me Tángere

Ang orihinal na pabalat ng Noli Me Tángere.

May-akda José Rizal


Tagapagsalin Pascual Hicaro Poblete at Virgilio Senadren Almario
Bansa Pilipinas
Wika Kastila (orihinal)
Dyanra Kathang-isip
Tagapaglathala Tinustusan ni Maximo Viola
Petsa ng paglathala 1887
Uri ng midya Aklat
Sinundan ng El Filibusterismo

Unang nobela ni Rizal ang Noli me Tangere. Inilathala ito noong 26 taóng gulang siya. Makasaysayan
ang aklat na ito at naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan. Sa
di-tuwirang paraan, nakaimpluwensiya ang aklat ni Rizal sa rebolusyon subalit si Rizal mismo ay isang
nananalig sa isang mapayapang pagkilos at isang tuwirang representasyon sa pamahalaang Kastila. Orihinal
itong nakasulat sa wikang Kastila, ang wika ng mga edukado noong panahong yaon. Sinimulan ni Rizal ang
nobela sa Madrid, Espanya. Kalahati nito ay natapos bago siya umalis ng Paris, at natapos ito sa Berlin,
Alemanya. Inilaan ni Vicente Blasco Ibáñez, isang bantog na manunulat, ang kaniyang serbisyo bilang tagapayo
at tagabasa.

Ang nobela ni Rizal ay tumatalakay sa mga kinagisnang kultura ng Pilipinas sa pagiging kolonya nito
ng Espanya. Binabatikos din ng nobela ang mga bisyo na nakasanayan ng mga Pilipino at ang kapangyarihang
taglay ng Simbahang Katoliko na nahihigit pa ang kapangyarihan ng mga lokal na alkalde. Bumuo ng
kontrobersiya ang nobelang ito kung kaya't pagkatapos lamang ng ilang araw na pagbalik ni Rizal sa Pilipinas,
pinatawag siya ni Gobernador-Heneral Emilio Terrero sa Malacañang at inabisuhang puno ng subersibong
ideya ang Noli Me Tangere.

Pagkatapos ng usapan, napayapa ang liberal ng Gobernador Heneral ngunit nabanggit niya na wala
siyang magagawa sa kapangyarihan ng simbahan na gumawa ng kilos laban sa nobela ni Rizal. Mahihinuha
ang persekusyon sa kaniya sa liham ni Rizal sa Leitmeritz: Gumawa ng maraming ingay ang libro ko; kahit saan,
tinatanong ako ukol rito. Gusto nila akong gawing excommunicado dahil doon... pinagbibintangan akong
espiya ng mga Aleman, ahente ni Bismarck, sinasabi nila na Protestante ako, isang Mason, isang
salamangkero, isang abang kaluluwa. May mga bulong na gusto ko raw gumawa ng plano, na mayroon akong
dayuhang pasaporte at gumagala ako sa kalye pagkagat ng dilim ...

4
El filibusterismo

nobelang akda ni José Rizal

Ang nobelang El filibusterismo (literal na "Ang Pilibusterismo") o Ang Paghahari ng Kasakiman ay


ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal, na kaniyang buong
pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora.
Ito ang karugtong o sikwel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hírap habang sinusulat ito
at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang
nagpapraktis ng medisina sa Calamba.

El Filibusterismo

Ang sulat-kamay na kopyang facsimile ng unang pahina ng El filibusterimo

May-akda Jose Rizal


Bansa Pilipinas
Wika Kastila (orihinal)
Dyanra Nobela
Tagapaglathala F. Meyer van Loo Press ni Ghent
Petsa ng paglathala 1891
Sumunod sa Noli Me Tangere
Sinundan ng Makamisa

Sa Londres, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa banghay at pinagbuti niya ang
ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa
Paris, Madrid, at Bruselas, at nakompleto niya ito noong 29 Marso 1891, sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ding
iyon sa Gante. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya
upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong 22 Setyembre 1891.

Ang nasabing nobela ay pampolitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa


maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.

Ipapasa ni:
Moh'd Yasser D. Abdulazis

Ipapasa kay:
Shahara U. Manticayan-Ali

You might also like