You are on page 1of 2

Ang Instulasyon

Ang paaralan ay angsimulang magbukas noong Pebrero 1, 1992 sa pamamagitan ng paglilipat ng mga
sobrang mag-aaral na nagpatalasa Concepcion Polytechnic College sa tulong ng buong puwersa ng
labinwalong(18) guro na nagmula sa iba't ibang bahagi ng Ikalimang Distrito ng Iloilo. Ito ay maayos na
naitayo noong Pebrero 25,1999. Ang nasabing paaralan ay ipinagkatiwala ni Kongresman Rolex T.
Suplico Superintendent ng Dibisyon ng Iloilo na si Dr. Raymundo A. Lapating. Ang sumunod ay kay Mayor
Raul N. Banias at kay Gng. Merlinda S. Celestial at sa pinakahuli ay hinawakan ng PTCA president na si G.
Ernesto Diot.

Ang ating Pansamantalang Tirahan

Ang paaralan ay pansamantalang gumamit ng mga pasilidad ng Concepcion Polytechnic College


hanggang sa ito'y nagkaroon ng sariling kagamitan at gusali sa pagtuturo.

Lumipas ang maraming taon, marami na ang nabago sa paaralan. Mayroon na sila ngayong dalawampu't
anim (26) na silid-aralan, apat (4) na pansamantalang silid-aralan at dalawa (2) ang kasalukuyang
ginagawa bilang napanalunang proyekto ng komunidad para sa paaralan mula sa KALAHI CIDSS.

Makamasang Tugon. Dumami na rin ang mga guro ditto. Ang dating labinwalo (18) ngayon ay nagkaroon
nan g 48 permanenteng guro, dalawang (2) Provincial school Board at limang (5) Local School Board.

Sa mabilis na pag-unlad ng paaralan ay kasabay na rin nitoang pagdami ng mga mag-aaral, ngayong 2022
mahigit 2,000 ang populasyon ng mga mag-aaral at mas nadagdagan pa ang mga seksyon.

Marami na rin ang nalambag na serbisyo ng mga naging administrador sa paaralan noong taong 1999-
2001 na si Gng. Merlinda S. Celestial, 2001-2003 ay si G. Isagani M. Jalandoni, 2003 hanggang 2011 ay si
Gng. Wellet A. Del Castillo. Buong lakas itong sinuportahann ng mga namumuno sa Samahan ng mga
magulang at gura ng paaralan, taong 1999-2001 na si G. Ernesto Diot, 2001-2002 ay si Gng. Delsa Are,
2002-2003 na si G. Alejandro Gilsa, 2004-2009 AY SI Engr. Jhon Arcosa at taong 2011 ay si Dr. Maribelle
E. Arib, Patuloy na pinaunlad an gang paaralan at marami ng mga pagbabago ang nagawa. Nagkaroon ng
mga bagong gusali, ang RHTHS Teen Zone, ang mini gym at PTA Center. Aktibo pa rin ang paaralan sa
iba't ibang gawain at sa kasalukuyan ay mas dumamipa ang mga parangal na natanggap ng paaralan.

Sa angking kasipagan at pagkakaisa ng mga guro sa planong inihanda rin ng kanilang Punongguro na si
Gng. Wellet A. Del Castillo, maraming medalya ang natanggap ng Roberto H. Tirol High School. Noong
Pebrero 22, 2008, nakamit ng RHTHS ang unang gantimpala sa naganap na ebalwasyon. Nakuha ri ng
RHTHS ang unang gantimpala sa Poetry in Motion na ginanap sa Luca National High School at marami
pang iba. Tinanghal bilang Most Effective School Category A at Most Outstanding School, Division Level.
Marami ang naabot ng paaralan sa taong ito dahil sa pagtitiyaga ng mga guro, estudyante at principal.

Taong 2008-2009. Tinanghal bilang Most Outstanding Principal si Gng. Wellet A. Del Castillo at
pinarangalan bilang isa sa mga Outstanding Teachers sa Dibisyonng Iloilo si Gig. Rosa Vasquez at G.Henry
Abregoso. Naging kilala rin ang RHTHS sa buong Dibisyon ng Iloilo.

Naging tanyag bilang Hall of Famer (2009-2010) sa iba't ibang larangan pati na sa Isports. Taong 2011
patuloy pa rin ang pamamayagpag ng RHTHS.

Sa kasalukuyang panahon kung saan hinaharap ng paaralan ang pandemya, nag-iba ang paraan ng
pagtuturo at pagkatuto sa pamumuno ni Gng. Josephine Balasan. Sa halip na face-to-face ay napalitan
ito ng Modular Learning kung saan ang mga mag-aaral ay sumasagot at nag-aaral sa tulong ng mga
modyuls sa kani- kanilang mga bahay. Nitong buwan ng Mayo, Nagtamo ang RHTHS ng 3 Stars sa SBM
Wins Evaluation na ikinatuwa ng paaralan at ngayon ay pinaghahandaan pa rin ng paaralan ang
Evaluation para sa Face-to-Face. Sa kabila ng lahat ng mga pagsubok gaya ng pandernya, ang Roberto H.
Tirol High School ay nananatiling namamayagpag at matatag.

You might also like