You are on page 1of 3

Sa ilalim ng lilim ng punong mangga nagsimula ang mga pangarap ng mga batang

paslit sa isang komunidad ng Barangay Baloc. Katatapos lamang ng pananakop ng pwersang


Hapon sa ating bansa nang itatag ang isang institusyong nagbibigay ng edukasyon sa bawat bata
sa pamayanan. Taong 1947, pormal na pinasimulan ng isang matiyagang guro ang Mababang
Paaralan ng Baloc na kinabibilangan lamang ng dalawamput dalawang mag-aaral na naninirahan
sa nasabing lugar at mga kalapit barangay nito. Nang taon ding iyon ay naitayo ang kauna-
unahang silid-aralan na yari sa simpleng kahoy at mga materyales. Hindi rin naglaon ay
nakapagtayo na din ng isang maayos na Gusaling Gabaldon at Gusaling Marcos na may 2 na silid-
aralan. Nadagdagan din ng guro sa paaralan. Matiyagang pinaghahatian sa klase ng mga guro ang
mga silid-aralan. Nagkaroon ng unang palatuntunan ng pagtatapos ngunit ito’y simple lamang
at walang naitalang mga pangalan ng mga nagsipagtapos. Noong Taong-panuruan 1962-1963
lamang , unang naitala ang pormal na Palatuntunan ng Pagtatapos sa pangunguna ni Ruperto De
Guzman.

Lumipas ang isang dekada, kapansin-pansin ang biglang pagdami ng mga mag-aaral.
Napatayuan itong muli ng Gusaling Bagong Lipunan at nakumpleto na ang mga guro. Nagtalaga
na din ang Kawanihan ng Edukasyon ng isang Punong Guro na siyang mamumuno sa paaralan.
Ilan sa mga naunang Punong guro sa paaralan ay sina G. Manuel R.Delos Santo at Gng.Florliza
D.Delos Santos.

Taong 1990, nasalanta ng lindol ang Gitnang Luzon,ilang mga gusali ng paaralan ang
mga nasira. Kung kaya’t isa na namang hamon ito sa paaralan sa pagpupunyagi nitong
maisaaayos ang pisikal na kaayusan ang paaralan. Dahil sa suporta ng mga mamamayan ng Baloc
at ng lokal na pamahalaan ay unti-unti nang naisaayos ang paaralan. Sa pamumuno ng Punong
Guro na si G.Jose E.Reyes, ay napaganda at naisaayos ang paaralan. Kinilala ang paaralan bilang
isang “Most Outstanding School” sa buong Sangay ng Nueva Ecija, Kagawaran ng
Edukasyon,Kultura at Isports. Namayagpag din sa mga akademikong kompetisyon ang paaralan
sa mga pandistrito at Pansangay na paligsahan.

Sa panahon ng panunungkulan ng Punong Guro na si Gng.Luzviminda SG.Gante ay


naipatayo mula noong taong 2002-2006 ang iba’t-ibang uri ng gusali tulad ng Gusaling GMA,
Joson at Gusaling JICA. Naitayo rin noong taong 2007 ang kauna-unahang Gym sa paaralan na
pinondohan ng Sangguniang Bayan ng Sto.Domingo at Barangay Baloc.
Nagliwanag din noong 2004 sa buong paaralan ang kauna-unahang opisyal na
pahayagan ng Paaralang Elementarya ng Baloc na “Ang Lampara” na pinangunahan ng mga
mahuhusay na manunulat na mag-aaral sa gabay at patnubay ni Gng. Lourdes D. Fraile.

Napagkalooban ng isang makabagong teknolohiyang E-Classroom ang paaralan


noong taong 2011 sa pamumuno ni Gng.Zenaida U. Rara. Ang paaralan ay isa lamang sa buong
Sangay ng Nueva Ecija ang napagkalooan ng mga makabagong kompyuter sa pagtuturo.
Naipasaayos din ang rehabilitasyon ng walong (8) silid-aralan.

Taong 2014 naipatayo ang dalawang Gusaling 3P’s o Public-Private Partnership sa


pamumuno ni G. Joven V. Valeroso,isang Punong Guro. Isa rito ang kauna-unahang dalawang
palapag na gusali may apat na silid-aralan. Nagkaroon din ng mga proyektong Rehabilitationn ng
siyam na silid-aralan.
Ipinakilala naman noong taong 2015 ang kauna-unahang logo ng Paaralang Elementarya
ng Baloc na ginawa at iginuhit ni G. Ruel C. Sablay,isang Guro. Ang nasabing logo ay siyang naging
simbolo ,tatak at pagpapakilala ng mga adhikain ng paaralan.

Muli na namang napagkalooban ng mas makabagong mga uri ng computer ang paaralan

Simula noong taong 2016,lalong nagningning ang kagandahan at kaayusan ng paaralan


sa panuungkulan ni Gng.Josephine B. Chico,Punong Guro III. maraming pagbabagong pisikal ang
nangyari sa paaralan. Ang ilan dito ay ang mural na disenyo ng halos lahat ng mga silid-aralan at
maging ang bakod at school stage ng paaralan. Nakapagpatayo at nakapagpa-landscape ng mga
hardin tulad ng Math,Science ,Aralin Panlipunan ,English at Filipino Parks. Napatayuan din ang
paaralan ng isang Clinic.
Sa darating na mga taon, umaasa ang paaralan na maitatayo rin ang Bagong Umali Type
Gymnasium, Two- storey Building with 20 Classroom mula sa PAGCOR.

Sa kasalukuyan, sa mahusay at mabuting pamumuno n Gng.Josephine B. Chico, at


pakikipagtulungan ng mga magulang at lokal na pamahalaan, ay patuloy na namamayagpag sa
pag-unlad na akademiko at pisikal ang Paaralang Elementarya ng Baloc.

You might also like