You are on page 1of 14

PRESIDENT RAMON MAGSAYSAY STATE UNIVERSITY

Graduate School Department


Iba, Zambales

Course Code: FIL 205


Course Title: Paghahanda at Ebalwasyon sa Kagamitang Panturo
Professor: Mrs. Ma. Luisa Echaure
Submitted by: Ermalyn G. Bautista & Jeanne Martinez
Course: Master of Arts in Education Major in Filipino
YUNIT II: PAGHAHANDA AT EBALWASYON NG KAGAMITANG PANTURO SA KINDERGARTEN
AT BAITANG 1-3 (K-12)
Panimula
Kindergarten
 salitang Aleman, literal na salin sa Tagalog: hardin ng mga bata
 isang pamamaraan ng pagtuturo sa preschool o bago ang eskuwelahan na
tradisyunal na nakabatay sa paglaro, pag-awit at mga praktikal na gawain tulad
ng pagguhit at pakikipag-ugnayan bilang bahagi ng paghahanda sa pagbabago
mula tahanan patungong paaralan.
 Ang mga unang ganitong institusyon ay binuo noong huling yugto ng ika-
labingwalong siglo sa Bavaria at Strasbourg para maglingkod sa mga bata na
may parehong magulang na nagtatrabaho sa labas ng tahanan.
 Ang nasabing katawagan ay nanggaling kay Friedrich Fröbel na may
pamamaraan na malaki ang naging impluwensiya sa unang taon
ng edukasyon sa mundo. Ang salita ay ginagamit sa maraming mga bansa para
ilarawan ang iba’t ibang uri ng mga institusyong pang-edukasyon para sa mga
bata na dalawa hanggang pitong taong gulang, na nakabase sa iba't ibang
pamamaraan ng pagtuturo.
 Noong 1779, sina Johann Friedrich Oberlin at Louise Scheppler ay nagtatag
sa Strasbourg ng establisimiyento para sa pag-aalaga at pagtuturo ng mga bata
na ang mga magulang ay wala sa umaga at hapon. Sa halos kaparehong
panahon, noong 1780 ay may mga katulad na establisimiyentong pangsanggol
na naitatag sa Bavaria. Noong 1802, si Pauline zur Lippe ay nagtatag ng isang
sentrong preschool sa Detmold.
 Taong 2011, naipatupad ang pinaplanong pagbabago sa progrmang pang-
Edukasyon ng Department of Education (DepEd) sa Pilipinas na tinatawag na K
to 12 Program.
Pagpapatupad ng K-12 sa Pilipinas
Ang DepEd ay nagpapatupad at namamahala ng edukasyong K to 12 simula nang pormal itong
itinalaga noong 2013. Sila ang may eksklusibong pamamahala sa mga pampublikong paaralan, at
regulasyon para sa pribadong paaralan. Mula sa 10 taong basic na edukasyon—6 na taon sa
elementarya at 4 na taon para sa high school—mula taong 1945 hanggang 2011, ang implementasyon ng
programang K–12 ng DepEd at kasunod na ratipikasyon ng Kindergarten Education Act ng 2012 at
Enhanced Basic Education Act ng 2013, naging 13 taon na ang basic education ngayon. Isang taon ang
para sa kindergarten, 6 na taon para sa elementarya, 4 na taon para sa junior high school at 2 taon
para sa senior high school, para sa mga mag-aaral mula edad na 5 hanggang 17 taong gulang. Nitong
2017 lamang naisapatupad ang implementasyon ng Grade 12.
Kabutihang dulot ng K-12
Una, pinapatibay at pinapahalagahan ang Early Childhood Education sa Kindergarten. Ang unang 6 na
taon ng isang bata ay ang mga kritikal na taon para sa brain development.
Ikalawa, idinagdag sa curriculum ang makabuluhang life lessons tulad ng pagbubukas ng diskusyon at
pag-aaral tungkol sa Disaster Risk Reduction, Climate Change Adaptation, at Information &
Communication Technology (ICT), na sadyang mahalaga sa mga mag-aaral na Pilipino.
Ikatlo, may integrasyon at Seamless Learning o Spiral Progression—ang pag-uulit ng pag-aaral ng mga
konsepto at aralin mula pinakasimple hanggang sa pinakakomplikado, sa bawat grado o baitang. Inaayon
ito sa edad ng mga mag-aaral, kaya’t higit na naiintindihan at naaalala ang bawat aralin.
Ikaapat, itinuturo ang mga aralin gamit ang sariling wika, o tinatawag na Mother Tongue-Based
Multilingual Education sa unang 3 baitang, bago ituro ang ikalawang wika tulad ng English. May 12
mother tongue languages na sinimulang gamitin sa pagtuturo noong 2012-2013: Bicolano, Cebuano,
Chavacano, Hiligaynon, Ilokano, Kapampangan, Maguindanaoan, Maranao, Pangasinense, Tagalog,
Tausug at Waray. Idinagdag din ang Aklanon, Ibanag, Ivatan, Kinaray-a, Sambal, Surigaonon at Yakan ng
sumunod na taon.
Ikalima, may pitong learning areas at tatlong specialization na maaaring pagpilian ang mga mag-aaral
para sa senior high school, ang 2 taon ng specialized upper secondary education. Ang Core curriculum
learning areas ay languages, literature, communication, mathematics, philosophy, natural sciences at
social sciences.
Ikaanim, itinuturo ang information, media at technology skills, learning at innovation skills, communication
skills at life at career skills, para lumaking handa sa lahat ng pagsubok lalo na bilang isang adult.

 Ang Division ng Zambales ay nagsagawa ng isang pagsasanay sa mga guro ng Kindergarten


tungkol sa kurikulum, kasanayang pampagkatuto,mga plano sa pagtuturo at iba’t ibang
pamamaraan sa pagtuturo ng nasabing lebel ng pag-aaral

“Lalong makabuluhan ang pagkatuto kung mararanasan ng mga mag-aaral ang aralin.”

PAGGAMIT NG TAWAG-TINIG-HAGDAN NG KARANASAN SA PAGTUTURO NG KINDERGARTEN


AT BAITANG 1-3

Ang Hagdan ng Karanasan

Kapag tinatalakay ang mga kagamitang tanaw-dinig ay hindi maiiwasang mabanggit ang hagdan
ng karanasan na tinatawag na “cone of experience” sa Ingles. Ang hagan ng karanasan ay binubuo ng
labing-isang baitang. Ang bawat baitang ay mahalaga sa isa’t isa. Nagsisimula ang hagdan ng karanasan
sa tuwirang karanasan at nagtatapos naman sa simbolong berbal. Bagama’t bai-baitang ang mga
karanasan ay naroon pa rin ang ugnayan ng bawat isa. Makikita sa ibaba ang anyo ng hagdan ng
karanasan. (Dale 1959:347)

Ang labing-isang baitang ng hagdan na karanasan ay maaaring pangkatin sa tatlo ayon sa antas
ng pagiging tuwiran hanggang maging abstrak. Ang tatlong pangkat ay (1) ginagawa, (2) minamasid
at (3) sinasagisag. Ang unang pangkatay ginagawa sapangkat iyo ay aktwal na ginagawa ng tao.
Binubuo ito ng mga tuwirang karanasan, mga binabalangkas ng karanasan at madulang pakikilahok. Ang
ikalawang pangkat ay tinatawag na minamasid sapagkat bukod sa pinagmamasdan ay pinapakinggan pa
ang mga karanasang nakapaloob dito. Ang pakitang-turo, paglalakbay, eksibit, telebisyon, pelikulang
gumagalaw, teyp recording, radio at larawang di gumagalaw ay nasa pangkat ng minamasid. Ang
pinakahuling pangkat naman ay sinasagisag sapagkat ito ay gumagamit ng mga simbolong biswal at
berbal.
Narito ang Balangkas ng tatlong pangkat ng hagdan ng karanasan (Dale 1946:52).

Ginagawa

a. Ang mga tuwirang karanasan

b. Ang mga binalangkas na karanasan

c. Ang madulang pakikilahok

Minamasid

a. Ang pakitang-turo

b. Ang ekskursyon

c. Ang mga eksibit

Ang mga Midyang Pang-edukasyon

a. telebisyon

b. pelikula

c. radyo

d. projektor

e. larawang di-gumagalaw

1. islayd

2. pilmstrip

f. teyp rekording

Sinasagisag

a. Ang simbolong biswal

b. Ang simbolong berbal

Tunay na maaakyat ng mga mag-aaral ang hagdan ng karanasan sa isang mabilis at kapaki-pakinabang
na kaparaanan sa pamamagitan ng epektibong paggamit ng mga kagamitang tanaw-dinig na inihahanda
ng guro sa bawat gawaing ipinaparanas sa mga mag-aaral.
Ginagawa:

Narito ang mga kagamitang tanaw-dinig para sa:

Tuwirang Karanasan

1. Eksperimento Ang pag-eeksperimento sa laboratory ay isang halimbawa ng tuwirang


karanasan.

2. Mga Laro

Ang laro ay mabisang paraan para mabigyan-buhay ang pag-aaral ng mga bata. Gaano man kahirap ang
liksyon ay magaganyak pa rin sila sapagkat ganado sila sa paglalaro.

a. Larong Book Baseball

Kagamitan:

limang aklat na gagawing beys

dalawang pangkat na may parehong bilang ng manlalaro

paglalaruan: silid-aralan

Paraan: Ilagay isa-isa sa apat na sulok ng silid-aralan ang apat sa limang aklat upang magsilbing beys ng
mga manlalaro. Ilagay sa may bandang gitna ang isang aklat. Magiging beys ito ng tagahagis ng bola o
pitser.

b. Hot Potato

Mga Kagamitan:

panyo

mga batang manlalaro

paglalaruan: silid-aralan

Paraan:

Maghahawak-kamay ang mga bata at bubuo sila ng pabilog na pormasyon. Ang taya ay tatayo sa
gitna at pipiringan ang mga mata. Kakanta ngayon ang mga bata habang iniikutan nila ang taya. Paghinto
ng kanta, hihinto rin sa pag-ikot ang mga bata. Iikot ngayon ang taya. Paghinto niya’y agad-agad niyang
ituturo ang isa sa mga batang nakapaligid sa kanya. Ang batang itinuro ay magbibigay agad ng tanong at
sasagutin naman agad ng taya.. Kapag nasagot ng wasto ang katanungan, ang nagtatanong ang
magiging taya. Kapag hindi naman nasagot ng wato, mananatiling taya ang datingt aya.

c. Author’s Game-Laro ng may-akda

Kagamitan:

Mga kard na may nakasulat na pangalan ng mga may-akda

Mga binilong papel na kung saan nakasulat ang may akda

Kahon na paglalagyan ng mga binilong papel

Paraan:

Bubunot ang mga mag-aaral ng tig-iisang kard na may nakasulat na pangalan ng mga may akda.
Dadalhin nila ang mga ito sa kanilang upuan at magsisilbing kar nila. Pagkatapos, bubunot ang guro ng
mga may-akda na nakasulat sa papel. Babasahin niya ito. Titingnan ngahyon ng mga bata ang hawak
nilang kard. Kapag nakasulat ang pangalan ng may akda sa hawak-hawak nilang kard lalagyan nila ng
ekis ang nasabing pangalan. Patuloy na pagbasa ng guro n mga tanong at patuloy rin ang pagmamarka
ng mga bata sa kanilang kard. Kung may batang nakapag-ekid ng limang tamang saot sa kanyang kard
ay diretsong pahalang. Bibigyan sila ng regalo bilang pabuya.

d. Pahulaan

Ang mga manlalaro ay binubuo ng dalawang pangkat. Magbibigay ng katanungan ang guro sa unang
kasapi ng unang pangkat. Pag nasgot ng wasto ang katanungan, biigyan ng pntos ang pangkat na
kinabibilangan niya. Susunod na tatanungin ngayon ang ikalawang manlalaro na nasa unang pangkat pa
rin. Pag nasagot ulit ng tama, isang puntos ulit ang ibibigay sa kanila. Ngunit kung hindi tama ang
kasagutan, ang ikalawang pangkat na ang sasagot. Ganito ng ganito ang gagawin hanggang sa umabot
sa takdang oras ang itinakda. Kung alin ang mas maraming puntos, iyon ang mananalo.

e. Magdala Ka

Kagamitan:

Mga bagay na nasa loob ng silid-aralan

Paraan:

Ang guro ay magsasabi ng bagay o mga bagay na dadalhin sa kanya. Kapag nagsabi na siya ng
bagay, unahan ngayon ang mga bata sa paghahanap. Ang batang unang makakapagbigay sa guro na
binaggit niya ay siyang panalo.

f. Bugtungan: Sino ako?

Paraan:

Ang klase ay nahahati sa dalawang pangkat. Magbibigay ang guro ng bugtong. Sinuman sa
dalawang pankat ang sasagot. Ang pangkat na nakasagot ng wasyo ay may puntos at siya ring
magtatanong sa kabilang pangkat. Kaapag nasagot ng bugtong ang nasabing pangkat ay ganoon din
ang mangyayari. Kapag hindi naman nasagot ng wastoang puntos ay mapupunta sa pangkat na
nagtatanongat sila muli ang magtatanong. Ang guro ang tagaiskor. GAnito ng ganito ang gagawin
hanggang sa matapos ang itinakdang oras. Ang pangkat na may pinakamaraming puntos ang panalo.

g. Lunting ilaw, Pulang ilaw

Paraan ng paglalaro:

Ang guro ay nasa harap ng klase habang ang mag-aaral ay nakaupo sa kani-kanilang upuan.
Kapag sinabi ng gurong “lunting-ilaw”, lahat ng mag-aaral ay tatayo at kapag sinabing “pulang-ilaw”, uupo
naman sila. Maaring salit-salit o sunod-sunod ang pagkakasabi ng “lunting-ilaw” o “pulang-ilaw”. Ang
sinumang mahuling magkamali ay pinapupunta sa harapan. Ang mga pinapunta sa harapan ay
parurusahan sa pamamagitan ng pagtatanong tungkol sa liksilyong pinag-aralan. Sa paraang ito,
naglalaro na sila, nag-aaral pa.

Binalangkas na Karanasan

Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng mga kagamitang tanaw-dinig para sa mga
binalangkas na karanasan.

1. Modelo

Ang modelo ay panggagaya sa orihinal na kaanyuan at kabuuan ng isang tunay na bagay. Maaaring ito
ay gaawa ng kahoy, plastic o bakal. Bagamat may kaliitan ay katulad na katulad ang anyo sa ginayang
tunay na bagay.

2. Mock-up

Ang mock-up ay panggagaya rin tulad ng modelo. Ang pinag-iba lamang ng mock-up sa modelo ay isa o
ilang bahagi lamang ang gagayahin at hindi ang kabuuan.

3. Ispesimen

Isang mabuting panghalili sa mga tunay na karanasan ang ispesimen. Halimbawa. Kung hindi madadala
ang mga mag-aaral sa pook na pinagkukunan ng mineral, maaaring magpakita na lamang sa klase ng
iba’t ibang uri ng bato bilang ispesimen.

4. Mga Tunay na Bagay

Ang mga tunay na bagay ay mahalagang kagamitang tanaw-dinig. Nahahawakan, nasusuri at nagpag-
aaralan ang mga ito ng mga mag-aaral. May mga mag-aaral pang nagdadala sa silid-aralan ng mga
bagay na dala ng kanilang mga magulang o kapatid na galling pa sa ibang bansa. Ipinapakita ang mga ito
sa mga kamag-aaral upang mapag-aralan.

Madulang Pakikilahok
Ang mga kagamitang tanaw-dinig na maaaring gamitin ng guro para sa madulang pakikilahok upang
maging mabunga at matagumpay ang kanyang pagtuturo ay ang mga sumusunod;

1. Mga Dula

1.1 Pagtatanghal (Pageant)

Ang pagtatanghal ay isang makulay na pagkilala ng mga mahahalagang bahagi ng kasaysayan na kung
saan ang mga tauhan ay nakasuot na angkop na damit.

1.2 Pantomina o Panggagagad

Ang Pantomina ay pag-arte nang walang salitaan. Kkilos at aarte ang kasali ayon sa hinihingi ng kanyang
papel na ginagampanan. Ito ay payak na anyo ng dula na magagamit sa iba’t ibang pagkakataon. Ang
mga mahiyaing mag-aaral ay nalilinang na magkaroon ng tiwala sa sarili, maging magalang sa pagkilos
sa pamamagitan ng pantomina.

1.3 Tableau

Malaki ang pagkakatulad ng tableau sa pantomina dahil parehong walang salitaan. Kaya lamang ang
tableau ay walng galaw samantalang ang pantomna ay may kilos at galaw. Ito ay parang isang larawang
eksenang may mga tauhang tahimik na tahimik ngunit may sapat at magandang kapaligiran.

1.4 Saykodrama

Ang saykodrama ay isang kusang-loob na dula na nauukol sa pansariling lihim o suliranin ng isang tao.
Ang mismong may suliranin ang gagawa ng iskrip at magsasadula. Karaniwang ginagawa ito sa nga
asignaturanf Homeroom Guidance at Edukasyong Pagpapahalaga.

1.5 Sosyodrama

Ang dulang ito ay walang gaanong paghahanda at pag-eensayo. Umiinog ang paksa sa suliraning
panlipunan.

1.6 Role Playing

Kung sa sosyodrama ang diin ay sa suliraning panlipunanan, sa role playing naman ay ang papel na
ginagampanan, ang importante ditto ay mabigyang buhay at halaga ang papel na ginagampanan.

1.7 Dulang Pasalaysay (Chamber Theater)

Ang Dulang Pasalaysay o Chamber Theater ay tulad ng isang tunay na dula kung saan ang mga tauhan
ang nagbibigay buhay sa bawat tagpo sa pamamagitan ng mga usapan, kilos at galaw. Kaiba sa tunay na
dula, ang dulang pasalaysay ay may bahagi kung saan ang mga tauhan ay nagkakaroon ng pagkukwento
tungkol sa kanilang ginagawa at mga gagawin

1.8 Sabayang Pagbigkas

Panabayang pagbigkas ang tawag sa sabay-sabay na pagbigkas sa tanghalan ng isang pangkat ng


anumang akdang pampanitikan.

Mga Mungkahing Paraan sa Paghahanda ng Panabayang Pagbigkas

1. Piliin ang akda (maaaring tula, sanaysay, talumpati, o alamat) na angkop sa pampanitikang
pagpapahalaga ng bata: sa damdamin, kaisipan, kaugalian.

2. Pagpangkat-pangkatin ang klase ayon sa tinig: babae-soprano, kontraalto, alto; lalaki-tenor, baho
(bass).

3. Basahin nang malakas at pabigkas ang akda. Bigyan ng pansin ang mga kamalian sa pagbigkas at
iwasto ang mga ito.

4. Unawain ang nilalaman ng akda.

5. Isaayos ito para sa panabayang pagbigkas sa tulong ng pangkat.

6. Bigyang-laya ang bawat nagnanais na magpasok ng mga mungkahi sa pagsasaayos ng akda.

7. Kung kailangan ng mga soloista, pumili sa pamamagitan ng pagsubok.

8. Gawing magaan at natural ang tinig. Maaaring palakasin ang tinig ngunit hindi pahiyaw; hindi dapat
pilit ang pagpapalabas nito.
9. Ang akda ay kusang naisasaulo kapag ito’y binabasa, lalo na kung panabayan.

2. Mga Papel

Ang papel ay isang tau-tauhang kay nagsasalita at gumagalaw ay dahil sa tagapagpaandar nito. Ito ay
kagamitang tanaw-dinig na nagpapayaman sa mga karanasan ng mga mga mag-aaral. Nagdudulot ito ng
kasanayan sa pasalitang pakikipagtalastasan dahil sa mga diyalogong sinasabi.

2.1 Karilyo

Pagpapagalaw ng anino ng mga pira-pirasong kartong hugis-tao sa likod ng kumot na puti na may ilaw.
Habang pinapagalaw ang hugis-taong karton ay sinasabayan ng salaysay gaya ng kurido, awit, dulang
panrelihiyon o alamat.

2.2 Istik Papel

Cut-out ng anumang bagay na idinidikit sa patpat. Mabisa itong pangganyak sa bata lalo’t sinasabayn ng
pagkukwento.

2.3 Kamay na Papet o Hand Puppet

Anumang anyo ng tao, hayop o bagay na iginiguhit sa supot na papell. Ang isang kamay ay ipinapasok sa
supot na papel. Kapag iginagalaw ang kamay gumagalaw din ang papet.

Kinatutuwaan ng mga mag-aaral ang ganitong klase ng papel. Napupukaw ang kanilang interes kaya’t
tutok ang kanilang atensyon sa aralin.

2.4. Dariling Papel

Ito ay paggamit ng darili sa paggawa ng anumang hugis o anyo ng gusting gayahin. Maaaring
guhitan ang anyong mukha ng tao. Pinapagalaw ang daliri habang sinasabayan ng pagsasalita o
pagkukwento.

2.4 Maryonet o Pising Papel

Gumihit ng larawan ng tao o hayop o anumang bagay sa isang malapad na karton. Gupitin ito.
Paghiwa-hiwalayin ang mga bahagi ng katawan. Ikabit ang mga bahagi sa pamamagitan ng tamtaks. Itali
ang pisi sa mga bahaging gustong pagalawin. Kung hihilahin nang paitaas ang pisi, kikilos ang papet.

Minamasid

Pakitang-Turo

A ng pakitang-turo ay makatutulong upang lalo pang mapaghusay ang gawaing pagtuturo.


Nalalaman nito ang mga dapat niyang gawin, dapat idagdag, dapat palitan at dapat na panatilihin. Ang
gawaing ito ay makatutulong ng labis hindi lamang sa nagtuturo bagkus maging sa mga mag-aaral.

Sa pakitang turo kadalasang ginagamit ang pisara at paskilang pranela bilang mga kagamitang
tanaw-dinig.

1. Ang Pisara

Sa silid-aralan walang pisara tulad n dyip ng walang gasoline. May kulang sa pagtuturo ng guro kung
walang pisarang masusulatan ng mga palwanag at ilustrasyon.

May magandang bentahe ang pisara. Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

a. Kagyat at agad-agad na magagamit.

b. Nabubura kaagad ang mga mali.

c. Naitatakda ang bilis o bagak ng pakitang-turo na hindi nagagawa sa demonstrasyon


sa pamamagitan ng sine o telebisyon.

d. Nagkakaroon ng masiglang pakikilahok ang mga mag-aaral na pumunta sa pisara at


isulat ang sagot o ang hinihingi ng pakitang turo.

2. Ang Paskilang Pranela o Pelt

Ang paskilang pranela ay isnag kagamitang tanaw-dinig na dikitan ng mga bagay. Para dumikit ang
mga ito, kailangan ang paskilan ay nababalutan ng pranela o pelt o mga lumang istaking at ang likod
naman ng mga bagay tulad ng mga cut-out, larawan at bilang ay kailangang madidikitan ng papel de liha.
2.1 Paggawa ng Paskilang Pranela

Kagamitan

Playwud o Lawanit o makapal na kardbord

Telang Pranela o Pelt o mga luma at sirang istaking

Paraan:

a. Isukat ang laki ng telang pranela o pelt o pinagdugtong dugtong na lumang


isrtaking sa lapad ng lawanit o playwud. Lagyan ng pataan ang pranela o pelt o
lumang istaking para sa pagtutupi ng mga panabi nito sa likod ng playwud o
lawanit.

b. Idikit o ipako sa likod ng playwud o lawanit o kardbord ang nakatuping paligid ng


pranela o pelt sa lumang istaking.

Paglalakbay o Ekskursyon

Napakaiksi ng buhay. Maraming bagay at karanasan ang gusto nating isagawa at pag-aralan
nang sarilihan ngunit sa kakulangan ng panahon ay natutuhan na lamang natin sa pamamagitan ng mga
aklat, sine, telebisyon o mga gawain ng iba. Ngunit may mga bagay na natutunan lamang natin sa
pamamagitan ng pagmamasid, pagsisiyasat at paglalakbay.

Eksibit

Ang eksibit ay ang maayos na pagtatanghal ng mga bagay o kaisipan sa isang tanging lugar o
lalagyan upang mamasid ng balana. Ito ay may layuning mangganyak, magturo o magpaalala ng mga
pangyayari.

Sa paghahanda ng anumang eksibit dapat isaisip ang mga sumusunod na pamantayan:

1. Ang eksibit ay tinitingnan at hindi hinihipo.

2. Nasa lugar na tiyak na napapansin ang eksibit.

3. May iisang dinawig ipinahahayag ang eksibit.

4. Malinaw at payak ang mga tatak at paliwanag.

5. Dapat ay malinaw, kawili-wili at kaakit-akit ang eksibit.

6. Ang eksibit na gumagalaw ay kailangang pakilusin o pagalawin.

7. Ilawan ang eksibit kung kinakailangan.

8. Lapatan ng musika ang eksibit kung kinakailangan.

Ang ilan sa mga porma ng eksibit ay ang:

1. Display na Yari ng Guro at mga Mag-aaral

2. Museo

3. Bulitin Bord

4. Takbond

5. Poster

6. Timeline

7. Dayorama

8. Mobil o Pabitin
Mga Midyang Pang-Edukasyon

Iba’t ibang kagamitang pangkomunikasyon na ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral gaya ng telebisyon,


sine, radyo, prodyektor, mga larawang di- gumagalaw, islayd, pilm strip, teyp recorder at iba pa.

a. Telebisyon

b. Sine

c. Mga Radyo

d. Mga Prodyektor

e. Mga Larawang Di-Gumagalaw (Still Pictures)

f. Ang Teyp Rekorder

Sinasagisag

Mga Simbolong Biswal

Ang simbolong biswal ay mga sagisag na kombensyunal na nagbibigay ng malinaw na


representasyon ng katotohanan o realidad.

1. Mapa at Globo

2. Dayagram

3. Grap

4. Tsart

5. Kartun

Mga Simbolong Berbal

1. Semantic Mapping
2. Assiociation o Word Network
3. Clining
4. Clustering
5. Collocation o Kolokasyon
6. Huwaran o Patem
7. Kasabihan, Kawikaan at Salawikain
8. Plaskard

Kagamitang Pampagtuturo
Sa programang K-12, layunin ng pagtuturo na malinang ang kakayahang komunikatibo,
replektibo o mapanuring pag-iisip, pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan
ng mga babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang pagkakakilanlan, kultural na
literasi aat patuloy na pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na pagbabagong naganap sa daigdig.

Sa ikatatamo ng mithiing ito, kailangan ng mga pantulong ng mga guro maliban sa mga
kagamitang pampagtuturo, kailangan ang angkop na mga estratehiya sa pagtuturo.

Kagamitang Pampagtuturo

Anumang karanasan sa bagay na ginagamit ng guro bilang pantulong sa paghahatid ng mga


katotohanan, kasanayan, saloobin, palagay, kaalaman, pag-unawa at pagpapahalaga ng mga mag-aaral
upang maging kongkreto, dinamik at ganap ang pagkatuto, (Abad, 1996).

Isang tanging gamit sa pagtuturo na nagtataglay ng gabay para sa mag-aaral at guro na tumitiyak
na sa bawat karagdagang pagkatuto ng nilalaman, teknik ng paglalahad, pagsasanay at paggamit ng
nilalaman at paraan ng pagtuturo gamit ang iba’t ibang teknik (Johnson, 1972).

Espesyal na dinisenyo gamit sa silid-aralan na binubuo ng mga panuto para sa mga mag-aaral,
at nakasaad ang mga layunin ng pagkatuto, ang paksang dapat matutuhan, mga teknik ng presentasyon
ng aralin, kasanayan at gamit ng paksa o aralin.

Modyul Bilang Kagamitang Pampagtuturo

 Depinisyon o sariling linangang kit na naglalaman ng maraming gawain sa pagkatuto, kalimitan


ang mga papel na sinasagutan ng mga mag-aaral.
 Isahang pamaraan ng pagtuturo ang paghahanda ng modyul.
 Mga Katangian ng Modyul
 Mga Kabutihang Naidudulot ng Modyul sa mga Guro at Mag-aaral
 Nilalaman ng Modyul
 Pamagat
 Target na Populasyon
 Rasyunal o Panimula
 Tunguhin op Layunin
 Panuto
 Panimulang Saloobin at Pangangailangang Kasanayan
 Panimulang Pagsusulit
 Mga Gawain sa Pagkatuto | Pagpapayamang Gawain
 Hakbang sa Paglinang ng Modyul (Wittich at Schuller (1981))
 Antas sa Pagbibigay-kahulugan
 Antas ng Pagtataya
 Antas ng Paglinang

DepEd Modyul

 Tunguhin ng Modyul Para sa Pagkatuto


 Yugto ng Pagkatuto
 Tuklasin
 “The 21st Century Learner”
 Mga Kasanayang Pampagkatuto
 Kritikal na Pag-iisip
 Komunikasyon
 Malikhain
 Information at Media Literacy
 Kapanagutang Panlipunan
 Paglutas sa mga Suliranin
 Kolaborasyon
 Pansariling Pagkatuto
 Accountability at Adaptability
 Linangin
 Pagnilayan at Unawain
 AMT- Acquisition-Meaning Making-Transfer
 Mga Pamantayan (Standards)
o Ano - Pamantayang Pangnilalaman
o Paano - Pamantayan sa Pagganap
o Pagtataya
o Kaalaman (A) - 15%
o Proseso (A) - 25%
o Pag-unawa (M) - 30%
o Pagganap (T) - 30%
o Konklusyon

Anumang kagamitan at teknik o estratehiyang gagamitin sa pagtuturo ay nakabatay sa layuning


ibig matamo sa bawat araling ituturo. Bilang guro, isang katotohanan na walang katapusan ang paghanap
at pagdukal ng mga kagamitan at estratehiyang alam nating makatutulong nang Malaki upang matugunan
ang prinsipyo ng pagtuturo-pagkatuto. Laging isipin na dapat sumunod sa agos ng pagbabago sa
kurikulum at anong uri ng mag-aaral ang ating tuturuan.

Isa pa ring katotohanan na ang bawat guro ay may kaniya-kaniyang kakayahan at kahusayan na
magiging daan ng kaniyang pagkakakilanlan.

Sa bawat guro, dapat maitanim sa kaniyang isip na ang pinakamahusay na kagamitan at


estratehiyang gagamitin sa pagtuturo ay makatutulong upang mahikayat ang bawat mag-aaral na
tinuturuan na making nang may pag-unawa, makatutulong sa mas malalim na pagsusuri, at paglinang ng
mga kasanayang magpapaunlad sa kaniya bilang mag-aaral tungo sa pagiging mabuting mamamayan ng
bansa.

Sa pagtatapos, buo ang aking paniniwala na ang pinakamahusay na estratehiya ay magmumula


mismo sa GURO; Guro na pinakamahusay at pinakaepektibong visual aid sa mata ng bawat mag-aaral
niya.

Mga Katangian ng Modyul

1. Naglalaman ng sariling pagpapasya, sariling direksiyon at sariling pagtataya.

2. Nagbibigay ng iba’t ibang paraan ng pagkatuto at malawak na pagpili ng media at mga estilo para sa
masistemang paglinang ng mga nilalaman at mga pamamaraan.

3. Nanghihikayat at demokratikong pamamaraan,mapanuring pag-iisip, sariling pagsisikap o pagkukusa;


nakalilinang ng tiyak na kaalaman at mga kasanayang hinahangad ng mga facilitator o guro; nagbibigay
kasiyahan sa mga mag-aaral.

4. Nagagawang makabago ang pagtuturo sa pamamagitan ng paglubog ng mga gurong may kakayahang
gumawa ng mga kagamitang panturo na maktutugon sa mga pangangailangan ng bawat mag-aaral,
kagyat nakalilinang ng kaalaman, kasanayan at halagang pangkatauhan/ gawain ng mga mag-aaral.

Sa mga Mag-aaral at Sa mga Guro

-Nagagawang umunlad batay sa sariling kakayahan.

-Nagkakaroon ng tuwirang pakikipag-ugnayan sa asignaturang pinag-aaralan.

-Nauunawaan nang lubusan ang mga araling itinuturo ng guro.

-Nagkakaroon ng tuwirang pakikipag-ugnayan sa asignaturang pinag-aaralan.

-Nauunawaan nang lubusan ang mga araling itinuturo ng guro.

-Napag-aaralan ang aralin nang buong lalim lalo na sa araling nangangailangan ng atensiyon.

-Naipagkakaloob ang indibidwalidad, hilig, estilo ng pagkatuto, pangangailangan ng atensiyon.

-Natutuklasan ang higit na tamang pangangailangan sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

-Nabibigyan ng pagkakataong makasama nang matagal ang mga mag-aaral na higit na nangangailangan
ng tulong.
-Naipagkakaloob sa mga mag-aaral ang maayos na palatuntuntnan ng pagkatuto.

-Nakadaragdag sa mga kagamitang panturo.

Ang Gamit ng Elektronikong Kagamitan sa Pagtuturo ng Asignaturang Filipino.

Sa kasalukuyang panahon, napakarami ng gawain ang naisasagawa sa tulong ng makabagong


teknolohiya partikular na sa kompyuter at internet.

Sa tulong ng makabagong teknolohiya bilang gamit sa pagtuturo sa loob ng silid-aralan ay


tumataas ang interes ng mga mag-aaral at napupukaw ang kanilang interes.

Nakapaloob sa pag-aaral na ito ang teorya ni Edgar Dale ang "Cone of Experience" sa wikang
Ingles o Hagdan ng Karanasan na binubuo ng labing isang baitang.

Hagdan ng Karanasan

Batayang Konseptwal

Input

Ang Gamit ng Elektronikong Kagamitan sa Pagtuturo ng Asignaturang

Filipino

Proseso

- Interbyu

- Sarbey

- Talatanungan

- Pagkalap ng Impormasyon

Output

Pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang Elektronikong Kagamitang Pampagtuturo

1. Anu-ano ang mga elektronikong kagamitan na ginagamit ng mga guro sa asignaturang Filipino?

2. Paano nakatutulong sa pagtuturo ang paggamit ng elektronikong kagamitang pampagtuturo sa


pagkatuto ng mga mag-aaral?

3. Anu-ano ang mga magagandang dulot at di-magagandang dulot ng mga elektronikong kagamitan sa
pagtuturo?

4. Anu-ano ang mga suliranin na maaaring kaharapin ng mga guro sa paggamit ng elektronikong
kagamitan sa pagtuturo?

5. Paano malulutas ang suliranin na ito?

Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw sa kung ano ang gamit ng elektronikong kagamitan sa
pagtuturo ng asignaturang Filipino sa mga Pansekundaryang Paaralan sa Carlos P. Garcia High School,
Elpidio Quiriono High School at E.Rodriguez Vocational High School sa Taong Panuruan 2012-2013.

Sa tesis naman na sinulat ni Tabangcura-Almazon (2005) sa pamamagitan ng paggamit ng


makabagong teknolohiya tulad ng paggamit ng impormasyon na hango sa internet ay nakapupukaw sa
interes ng mga mag-aaral. Ang paggamit ng kompyuter sa pagpapalakad ng aralin ay malaking tulong
upang ang interes ng mag-aaral ay magpokus sa mga aralin.

Inilabas naman ni Shepherd (2001) ang kanyang pag-aaral na hinggil sa kabutihan ng multimedia
sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ayon pa sa kanya na ang mabuting pagpaplano ng multimedia ay
nakatutulong sa mga mag-aaral upang mailinang ang kanilang kakayahang panteknolohiya upang
kapaki-pakinabang sa lipunan sa darating na panahon.

Ayon kay Quiñon (2009) hanggang sa hindi na matiyak kung ito ay daglat pa rin ng elektronik o
isang panlaping tinatawag na e-prefix o panlapi ni David Crystal (2007) sa kanyang language and the
internet na kung saan nagsasabi ng anumang salitang ikabit dito ay nagkakaroon ng kahulugang may
kinalaman sa konsepto ng kompyuter at internet.
Ayon naman kay Wolfe,(2010) mataas ang porsyento na natututo ang mga mag aaral kung ang
isang impormasyon o gawain ay kanilang nakikita sa tulong ng mga makabagong teknolohiya bilang
gamit sa pagkatuto sa loob ng paraalan mas tumataas ang interes ng mga mag aaral na makinig at
mapukaw ang kanilang intensyon.

Napatunayan ni Aguilar (2001) na ang paglinang ng mga guro ng mga kagamitang pampagtuturo
ay hindi gaanong napakahirap na gawain. Subalit ito ay nangangailangan ng pagtitiyaga, pagtitiis, lakas
ng loob at pagiging mapamaraan nang isang guro. Ang pinakamahalaga sa lahat ay ang kadalubhasaan
ng guro at ang kanyang malawak na kaalaman sa mga konsepto o aralin na kanyang itinuturo.

Paglalahad ng Suliranin

Konklusyon:

Batay sa nakalap na impormasyon ng mga mananaliksik . Ang may pinakamataas na bilang ng


elektronikong kagamitan na ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ay ang LCD projector sapagkat ang
kagamitang ito ay pumupukaw sa interes ng mga mag-aaral na makinig sa pagtuturo kanilang guro. At
ang may pinaka maliit na bilang naman ay ang Tablet sapagkat ang kagamitang ay may mataas ang na
halaga.

Pagpapatunay:

Ayon kay Quiñon (2009) hanggang sa hindi na matiyakkung ito ay daglat pa rin ng elektronik o
isang panlaping tinatawag na e-prefix o panlapi ni David Crystal (2007) sa kanyang language and the
internet na kung saan nagsasabi ng anumang salitang ikabit dito ay nagkakaroon ng kahulugang may
kinalaman sa konsepto ng kompyuter at internet. Ang kagamitang pampagtuturo, samakatuwid ay
tumutukoy sa mga kagamitang inihaahanda ng mga guro na may kinalaman sa kompyuter at internet
narito ang ilan sa maga halimbawa ng elektronikong kagamitan:

1. Kompyuter

2. Internet

3. USB flash drive, blank CD,/DVD, diskette

4. Scanner

5. CD,/DVD (naglalaman ng mga tunog o video)

6. LCD Projector

Konklusyon:

Ipinakikita ng talahanayan na ang mga elektronikong kagamitan ay napakalaking tulong sa


pagtuturo ng mga guro ng kanilang mga aralin dahil ang mga kagamitang ito tulad ng LCD projector na
nabanggit sa unang talahanayan ang dahilan kung bakit nagiging madali at maayos ang kanilang
pagtuturo na siya namang may mataas na bilang ng pumili kung paano nakatutulong ang mga
elektronikong kagamitan sa pagtuturo at ang may pinaka maliit na bilang naman ay ang nakapagbibigay
ng mga biswal at tunog na halimbawa

Pagpapatunay:

Inilabas ni Shepherd (2001) ang kanyang pag-aaral na hinggil sa kabutihang dulot ng


"Multimedia" isang uri ng elektronikong kagamitan kung saan nabibilang ang DVD, VCD, CD, digital
camera at iba pa ay nakatutulong sa mga mag aaral upang malinang ang kanilang kakayahan pang
teknolohiya . Iginiit din niya na mayroong kabutihang dulot ang paggamit ng multimedia sa klase tulad:

1. Nagiging aktibo at nakikisali sa talakayan ang mga mag aaral.

2. Nagiging interesado sila sa mga itinuturo ng guro gamit ng power point presentation at dahil dito
nadaragdagan ang kanilang kaalaman.

3. Nadaragdagan ang kanilang kaalaman tungkol sa teknolohiya at dahil dito hindi sila nagiging
mangmang at walang muwang sa patuloy na pag unlad.

4. Bumibilis ang kanilang pagkatuto at kaalaman


5. Nalilinang ang mataas na kakayahang pag iisip

Konklusyon:

Ayon sa ipinakikita ng talahanayan ang may pinaka mataas na bilang ay ang napabibilis ang
pagtuturo, dahil sa ang Elektronikong kagamitan ay mas nakakapagbigay ng sapat na oras para magawa
ang lahat ng aralin sa tulong na mabilis na koneksyon nito. At ang may pinaka mababang bilang ay
nakapagbibigay ng bagong impormasyon dahil bukod sa impormasyong itinuturo ng mga guro
natututunan din ng:

mga mag-aaral ang mga terminolohiyang patungkol sa teknolohiya at internet.

Pagpapatunay:

Ayon naman kay Wolfe,(2010) mataas ang porsyento na natututo ang mga mag aaral kung ang
isang impormasyon o gawain ay kanilang nkikita sa tulong ng mga makabagong teknolohiya bilang gamit
sa pagkatuto sa loob ng paraalan mas tumataas ang interest ng mga mag aaral na makinig at mapukaw
ang kanilang intensyon.

Konklusyon:

Batay sa resulta sa talahanayan bilang 4 ay mas nabigyan ng pansin ang kakulangan o di sapat
na kagamitan para sa lahat ng mag-aaral dahil sa kakulangan sa badget ng gobyerno. Ang ikalawa nito
kakulangan ng sapat na kaalaman sa paggamit ng makabagong teknolohiya.

Ang may pinakamababang ranggo ay ang pagkakaroon ng iba’t ibang interes mag-aaral dahil
ditto dapat isaisip ng guro ang interes ng bawat mag-aaral.

Pagpapatunay:

Sa tesis naman na sinulat ni Tabangcura-Almazon (2005) sa pamamagitan ng paggamit ng


makabagong teknolohiya tulad ng paggamit ng impormasyon na hango sa internet ay nakapupukaw sa
interes ng mga mag-aaral.

Inilabas naman ni Shepherd (2001) ang kanyang pag-aaral na hinggil sa kabutihan ng multimedia
sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ayon pa sa kanya na ang mabuting pagpaplano ng multimedia ay
nakatutulong sa mga mag-aaral upang mailinang ang kanilang kakayahang panteknolohiya, iginigiit din
niya na mayroong kabutihang hatid ang paggamit ng multimedia sa klase gaya ng mga sumusunod:

1. Nagiging aktibo at nakikisali sa talakayan ang mga mag-aaral.

2. Mas nagiging interesado sila sa mga itinuturo ng mga guro gamit ang powerpoint presentation at dahil
dito ay mas nadaragdagan ang kanilang kaalaman.

3. Bumilis ang kanilang pagkatuto o kaalaman.

4. Nalilinang ang mataas na kakayahan sa pag-iisip.

Konklusyon:

Batay sa pag-aaral ng mga mananaliksik sa talahanayan na ito ay nabigyang pansin ang


pagkakaroon ng sapat na kasanayan sa paggamit ng elektronikong kagamitan sa pagtuturo ng
asignaturang Filipino. At sinundan naman ito ng maglaan ng badget ng pambili ng mga elektronikong
kagamitan. At ang pang-huli ay ang pagdulog sa kinauukulan upang mabigyan ng pansin ang suliranin sa
paggamit ng teknolohiya dahil sa kawalan ng lakas ng loob upang maisakatuparan ang plano.

Pagpapatunay:

Napatunayan ni Aguilar (2001) na ang paglinang ng mga guro ng mga kagamitang pampagtuturo
ay hindi gaanong napakahirap na gawain. Subalit ito ay nangangailangan ng pagtitiyaga, pagtitiis, lakas
ng loob at pagiging mapamaraan nang isang guro. Ang pinakamahalaga sa lahat ay ang kadalubhasaan
ng guro at ang kanyang malawak na kaalaman sa mga konsepto o aralin na kanyang itinuturo

You might also like